❀ | 43
6:40pm
Gwapo ako: Nakauwi ka na?
Piggy ko: oo
Gwapo ako: okay
Piggy ko: okay?
Gwapo ako: ha?
Piggy ko: wala ka ng sasabihin kung 'di okay?
Gwapo ako: bakit? ano gusto mo sabihin ko?
Piggy ko: wala!
Gwapo ako: sige
Piggy ko: na-late ako kanina sa first subject ko
Gwapo ako: bakit?
Piggy ko: kasi yung isa diyan, pasabi-sabi na susunduin ako at sasabay uli kami papuntang school.
Piggy ko: dahil sa mapilit kahapon, hinintay ko kanina pero hindi dumating.
Piggy ko: ayun pala may kasamang ibang babae
Gwapo ako: pinsan ko iyon
Piggy ko: hala bakit? ikaw ba sinasabihan ko???
Gwapo ako: kahit hindi mo sabihin, ako pa rin ang sinasabihan mo
Piggy ko: tss
Gwapo ako: galit ka ba?
Gwapo ako: sorry
Piggy ko: hindi ako galit doon sa hindi mo pagsipot
Gwapo ako: edi saan ka nagagalit?
Piggy ko: diyan. diyan sa ugali mo ngayon.
Piggy ko: ang seryoso mo simula pa kagabi
Gwapo ako: wala, hindi lang maganda yung araw ko
Piggy ko: dahil ba sa akin?
Seen 6:48pm
Piggy ko: so sa akin nga?
Piggy ko: sorry ha!
Piggy ko: ji-noke ka lang kahapon, sineryoso mo naman. akala ko pa naman sasakyan mo kalokohan ko
Piggy ko: hindi pala
Piggy ko: oo na, sige na, hindi na ko gagawa ng kalokohan.
Piggy ko: tss kj
Gwapo ako: hindi lahat ng joke nakakatuwa
Gwapo ako: hindi mo dapat ginagawang kalokohan ang mga bagay kung tungkol naman ito sa pag-ibig
Piggy ko: wow ha
Piggy ko: pag-ibig?
Piggy ko: teka, sineryoso mo talaga yung sinabi ko kagabi?
Piggy ko: walang malisya uy
Gwapo ako: ganon ba
Piggy ko: at tiyaka, ikaw diba nagjojoke ka rin na gusto mo ko
Piggy ko: kaya naman, nakikiride lang ako
Gwapo ako: gusto kita Xhine
Piggy ko: oh, tignan mo. nagsisimula ka na naman.
Gwapo ako: oo, mapabiro akong tao pero hindi lahat ng biro ay biro
Piggy ko: teka
Gwapo ako: oo, gusto kita Xhine Faith
Gwapo ako: gustong-gusto
Gwapo ako: at hindi isang malaking joke iyon
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top