Trivia
Okay, I forgot, here's some trivia for this story:
1. I enjoyed reading about London when it comes to researching about this setting. Para na rin akong nagtravel doon.
2. Ang bahay nila Zera ay based sa makasaysayang Thelmo House sa Pandacan, Manila.
Pandacan is a very historical place. Dito ipinanganak si Padre Jacinto Zamora, ang isa sa mga GomBurZa martyrs.
Taga-dito rin ang musician na si Ladislao Bonus, ang mga playwrights na sila Pantaleon Lopez at Miguel Masilungan, at ang manunulat ng Banaag at Sikat na si Lope K. Santos.
3. Tanyag ang Magdalena, Laguna, dahil sa simbahan nito kung saan dinala ang sugatang si Emilio Jacinto. Andoon pa raw yung blood stain niya sa isang bahagi doon.
Noong dumating ang hukbo ng mga Amerikano doon, lumikas ang mga mamamayan sa kabundukan dahil akala ay papatayin sila. Ngunit walang masamang intensyon ang mga Amerikano, kung kaya ay bumalik sila sa Poblacion.
Tahimik ang nasabing bayan, at paboritong movie shooting site ito ni Fernando Poe Jr. Hindi siya pinagkakaguluhan ng mga taong bayan dito, ayon sa kwento.
Ang kanyang pelikula na "Sanctuario" ay sa Magdalena, Laguna ginawa noong 1974.
4. Si Lieutenant Craig Daniels, noong sinusulat ko chapters about him, palabas ang James Bond movies sa TV, mga bandang December 2021. Kaya pinangalanan ko character ko after Daniel Craig.
5. Originally, mamamatay yung witch na si Medea. Pero naisip kong buhayin siya para ipakita na pwedeng magbago ang isang tao na may madilim na nakaraan kung gusto niya talagang gawin ito.
Ang tamang pagmamahal din ng pamilya, kaibigan, at pati ng iniirog ay makakatulong doon. Ito ay para sa atin na pinagsisihan pa rin ang mga nagawa nating mali noon at nagsusumikap na magbago at matuto ngayon.
6. Yung ibang ganap dito, wala sa plano ko sa outlines. Yung tungkol kay Zera, yung pamilya nila Lieutenant Daniels at Medea, pati na rin yung bandang ending ng story, yung sa panganay na anak nila EJ at Hannah na si Sage at yung nakatuluyan niya, si Junko.
Okay ang may outlines lalo na kung baguhan kayo sa pagsusulat. Pero minsan, the best ideas come when you don't try so hard to impress people with your story. Readers come and go, magkakaroon ka ng support one way or another. :) Believe me.
7. Nakakalungkot na closed book na ang kwento nila EJ at Hannah. Pero sign na ito para umusad na ako and to write about other things. Gusto ko rin mag-grow bilang manunulat, at di lang nakakulong sa usual na historical fiction na may fantasy elements.
Ayun, salamat sa pagbabasa nito!
Kung narating nito ang dulo nito, please share your feedback by answering this question:
"Paano niyo na-discover ang Katipunero and I/My Destiny and I? Ano ang nagustuhan mo sa simpleng mga akda na ito at bakit?"
Ife-feature ko ang mga sagot sa Pinayblonde Stories fanpage sa Facebook.
Thank you! 😊
Take care always.
-Rai/Pinayblonde
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top