Kabanata 24

(Third person POV, Years later)

"Welcome to Panaderia de Amor! Lahat ng klaseng tinapay, nandito! Pandesal, pan de coco, halina kayo! Hindi kayo maho-hopia sa sarap, pramis!"

Ito ang magiliw na bungad ni Zera pagkatapos mabasbasan ang bagong branch ng Panaderia de Amor, na malapit lang sa condo nila Emilio Jose Jacinto at Hannah Umbrebueno-Jacinto.

Nagpalakpakan ang mga tao na dumalo at pinapasok na sila sa loob ng bakery. 20% discount sa opening day, kaya marami ang dumalo.

"EJ, Hannah!"

Binati ni Zera ang mag-asawa, na kasama ang kanilang dalawang anak. Nasa elementarya na pareho sila Sage at Hyacinth.

"Congrats!" Ngiti ni Hannah dito. "Wow, ang daming balloons!"

Bumeso si Zera kay Hannah bilang pagbati. "Siyempre, binonggahan na namin, alam kong dadalo kayo eh!"

Lumapit ang boyfriend ni Zera sa kanila at sinabing, "Pili na kayo ng mga tinapay, discounted iyan oh!"

"Mamaya na, 'tol! Dadaan naman kayo sa condo namin, may dala naman kayo!" Malawak ang ngiti ni EJ sa kasintahan ni Zera.

"Mommy?"

Napatingin si Hannah kay Hyacinth na nakatayo sa tabi niya. Seven years old na ito at nasa Grade One. Tahimik lang itong nagmamasid sa paligid at halata ang pagkamahiyain nito.

"Yes, baby?" Malumanay na tanong ni Hannah.

"Let's go home na, puro tao dito!" Pag-aaya nito habang nakakapit sa braso ng ina.

"We'll be going soon, just wait," paalala ni Hannah sa anak.

"Hi Mama and Papa!"

Tumakbo papalapit si Sage, na nine years old. Grade Three student ito at gaya ng inaasahan, mapaglaro at pilyo ito.

"Sage, saan ka nanggaling?" Kumunot ang noo ni EJ nang makita na may hawak na balloon ang anak niyang lalaki.

"I came from outside lang po," ngiti ni Sage. "Pwede palang kumuha ng balloon!" Inangat niya ang lobo na korteng aso.

"Hay, naglikot ka na naman!" Buntong-hininga ni Hannah. Inayos niya ang tuwalya ni Sage sa likod. "Huwag ka nang lumabas, uuwi na tayo sa atin."

"Okay, mommy."

Hindi na lumabas si Sage at tumayo na lang sa tabi ng kanyang ina. Inabot niya ang kanyang lobo kay Hyacinth at agad napangiti ang nakababata niyang kapatid dito.

Umuwi rin sila sa kanilang unit pagkatapos. Kasama nila si Zera at ang boyfriend nito, na may dalang isang kahon ng cinnamon rolls at thermos ng brewed coffee.

Masaya ang kanilang naging usapan habang sila ay kumakain ng merienda. Nalaman nila na ikakasal na sila Zera at ang kasintahan nitong si Paules. Sa susunod na taon ito gaganapin.

"Flower girl po ako ah, Tita Zera!" Nakangiting alok ni Hyacinth habang nakapagitan siya sa kanyang ina at si Zera.

"Sure! Kahit si Sage, kasama! Siya ang ring bearer!" Masayang sagot ni Zera.

"Wow, thank you po, Tita!" Nagagalak na wika ni Sage.

"Kaibigan na ang turing namin sa inyo, EJ at Hannah," ika ni Zera.

"Excited na rin akong maging bahagi ng inyong pamilya," tugon ni Paules.

"Ano po si Tita Krystal sa wedding niyo?" Tanong ni Sage.

"Maid of honor siya," nakangiting sagot ni Zera sa bata. "We can't wait to see you all at our wedding."

"And we wish you the best right now," inilagay ni Hannah ang kanyang kamay sa balikat ni Zera at ngumiti dito.

"Masaya ako naging magkaibigan tayo dahil sa kapatid mo," tugon ni Zera kay Hannah.

"Iba talaga PR skills ni Krystal! Biruin mo, naihanap ako ng kliyente para sa social media management, at kayo pala iyon!"

"Namamayagpag ang Facebook page ng Panaderia de Amor! Minsan viral ang mga hugot posts tungkol sa tinapay! Salamat sa team niyo, Hannah!" Tugon ni Zera.

"Paano pala kayo nagkakilalang dalawa?" Tanong ni Paules kay EJ at Hannah.

Nagkatinginan ang mag-asawa at si EJ ang unang sumagot.

"Sa London, nandoon ako dahil pinadalo ako sa isang academic seminar."

"Nagkabanggaan kami sa bus stop malapit sa Big Ben at love at first sight na from there." Abot mata ang mga ngiti ni Hannah.

"Siya ang una kong kasintahan, na asawa ko na ngayon," ngiti ni EJ kay Hannah.

"May boyfriend ako dati na photographer after I graduated from college, pero nag-break kami agad dahil naaksidente ako dahil sa kanya," ika ni Hannah.

"Anong nangyari?" Nanlaki ang mga mata ni Zera nang marinig ito.

"I had amnesia for a while," kwento ni Hannah. "But he apologized to me for causing me pain and heartbreak, dahil na rin sa matapobreng ina nito. You know, I accepted it. Pero hindi na kami nagkabalikan pa. Sa bagay, ako na mismo ang tumanggi."

"Buti na lang, kung hindi, wala ako sa tabi niya ngayon!" Ngisi ni EJ.

"Salamat sa amnesia!" Biro ni Hannah. Nagtawanan sila Zera at Paules habang nasa isang tabi sila Sage at Hyacinth, na abala sa paglalaro.

Sa puntong ito, nawala na ang mga alaala ng mga mahiwagang pangyayari kina EJ at Hannah. Kahit ang pag-time travel ng past reincarnation ni EJ at noong nakilala niya si Hannah. Ang totoo na lamang ay ang babaeng nakilala ng dating katauhan ni EJ, na hindi niya nakatuluyan noong una. At oo, past life ito ni Hannah. Pero wala na silang natatandaan kahit ano.

Minsan napapaginipan ito ng isa sa kanila, na nagpapaalamanan sila sa ilalim ng puno noong panahon ng Kastila. Pabirong sasabihin ni Hannah na baka ito ang past life nila, at matatawa na lang si EJ. Buti ay sila ang nagkatuluyan sa present life nila.

Wala silang ginawa para mangyari ito. Kusa lang itong nabura sa kanilang mga gunita habang lumilipas ang mga taon. Ito na rin ang nararapat ayon sa batas ng panahon at oras.

At ang mahiwagang relos na natagpuan ni EJ sa kanilang attic? Ang totoo niyan, galing ito sa kanyang lolo. Nagkaroon ito ng hiwaga dahil sa past life ni EJ. Naganap ito para magtapo sila ni Hannah, at kapag naisakatuparan na ang lahat, mabubura rin ang lahat ng mga nangyari para maibalik sa ayos ang kanilang mga buhay.

Lahat ay nangyari na gaya ng inaasahan. Payapa at maayos na ang kanilang pamumuhay na walang bahid ng nakaraan sa kanilang mga alaala.

Naganap na ang mahiwagang pag-iibigan, at pwede nang makausad ang lahat tungo sa kanilang kinabukasan.

Sila Hannah at EJ ang tunay na itinakda ng panahon at oras.

At nakatatak ito sa kanilang mga puso, nang pinili nila ang isa't-isa, mula noon, hanggang ngayon.

Memories fade away, but the heart always remembers.

---

"Ano ang bayani?

Siya ay katangi-tangi!

Dakila, marangal, at busilak ang puso,

Handang maglingkod, para sa kapwa-tao!


Rizal, Bonifacio, Jaena, Jacinto,

Pagsisilbi nila sa bayan ay totoo,

Kaya nating maging bayani,

Kahit sa simpleng paraan, maaring magsilbi!


Ang mga bayani ay nasa tabi-tabi,

Tahimik na naglilingkod, kahit init at ulan ay sumusugod,

Di kailangang magbuwis-buhay, serbisyo sa bayan ay iaalay,

Dahil ay tunay na bayani, ay may pusong mapagmalasakit!


Ano Ang Bayani, bow! Ako si Sage Emile Jacinto!"

Masigabong palakpakan ang pumuno sa school auditorium pagkatapos tumula ni Sage Emile. Cute na cute ang bata sa kanyang Barong Tagalog at black pants.

Yumuko ito bilang pagpapasalamat sa mga manonood. Nang makita niya ang kanyang ama at ina sa harapan, mas lalong lumawak ang kanyang ngiti. Bumaba ito ng stage at nagtatakbo pabalik sa kanyang mga kaklase, na nakaupo sa kabilang dako ng audience. Nakipag-apir siya sa mga ito at lahat sila ay nagagalak sa performance ni Sage ng kanyang tula.

Buwan ng Wika ngayon, at may patimpalak sa school. Isa na dito ang pagbuo ng sariling tula at bibigkasin ito sa isang contest. Sumali si Sage sa nasabing patimpalak, at sa tulong ng kanyang ama na si EJ, nakabuo rin sila ng tula.

Makaraan ang dalawa pang performance ng mga tula, sinabi na ang third, second, at first place. Naka-first place si Sage Emile Jacinto. Masaya siyang nagtatakbo sa stage habang nakasunod sa kanya sila EJ at Hannah.

"Congrats, Sage!" Bati ng isang guro na nagsuot ng medalya sa kanyang leeg.

"Thank you po, Teacher! Kami ni Daddy ang nagsulat ng tulang iyan!" Pagmamalaki ni Sage.

"Congrats po, Mommy at Daddy!" Nakipagkamay si Teacher kina Hannah at EJ. "Bibong-bibo iyan si Sage! Kwento pa niya, may kapangalang bayani si Daddy!"

"Totoo po, full name ko ay Emilio Jose Jacinto," ika ni EJ. Hindi niya mapigilang ngumiti.

"Kaya naman pala active sa Social Studies class ko!" Natutuwang kwento ni Teacher. "Lagi rin highest scores sa quizzes!"

"Thank you anak, sulit ang bayad natin sa tuition fee mo!" Biro ni Hannah kay Sage. "Buti na lang may katukayong bayani ang aking asawa!"

"Siyempre po, Mommy! Dapat mag-aral nang mabuti! Ayokong mapahiya kayo sa akin!" Bibong sagot ni Sage.

"Kaya pala blooming si Mommy at ang pogi ni Daddy!" Bati ng teacher sa mag-asawa.

"Siyempre, magandang lahi, noh!" Natawa si Hannah.

"Bye teacher!" Wika ni Sage. Nakipagkamay siya sa kanyang guro at sabay na silang bumaba ng entablado.

Sumunod na performance ang folk dance ng Grade One, kung saan kabilang si Hyacinth. Nahihiya man ito na sumali, ngunit ngayon, halata ang ngiti sa kanyang mga labi habang sinasayaw ng kanilang grupo ang Itik-Itik.

Sa pagtatapos ng programa, nanalo rin ang grupo nila Hyacinth sa first place.

Natapos ang araw at naghapunan sa pizza parlor ang pamilyang Jacinto. Reward na ito nila EJ at Hannah sa kanilang mga anak, na kapwa academic achievers at aktibo sa mga programs.

"Thank you sa pizza, mommy at daddy!" Kumagat si Sage sa kanyang pizza slice.

"Buti may spaghetti dito!" Ika ni Hyacinth sabay kain ng kanyang paboritong pagkain.

"Siyempre, para sa inyo na ito!" Ngiti ni Hannah sa kanyang mga anak.

"Kumain kayo nang mabuti ah? Magpakabusog tayo!" Ngiti ni EJ sa kanyang pamilya.

Masaya ang puso ng ama ng pamilya habang pinapanood ang kanyang mga anak na suot pa rin ang kanilang Filipiniana costumes. Si Hannah naman ay namutawi pa rin ang kagandahan kahit ilang taon na ang lumipas.

Bata pa naman sila, mga nasa thirties. Pero alam pareho nila Hannah at EJ na di na sila bumabata. Mabilis ang takbo ng panahon. Ang tanging maaring gawin ay magpasalamat sa bawat araw na sila ay nagigising at humaharap sa mga hamon at biyaya.

Minsan may mga panahon na nagiging pasaway ang mga bata. Minsang naitulak ni Sage ang kanyang kalaro dahil may inaaway itong kapwa bata. Nagtatakbo papalabas si Hannah at kailangan niyang sabihan ang anak at ang kalaro nito. Dumating ang ina ng nasabing kalaro na tinulak ni Sage, at sa bandang huli, nagkaayos din ang parehong kampo ng mga ina at bata.

Ang hindi nila inaasahan ay si Hyacinth. May panahon na pinagtulungan siya ng ibang mga batang babae sa klase dahil hindi siya nakikihalubilo rito. Mas gusto niya na mapag-isa siya, at napatawag sa guidance counselor sila Hannah at EJ.

Ayon sa kwento, kinuha ng classmate ni Hyacinth ang kanyang notebook at gumanti si Hyacinth nang hinabol niya ito ng sabunot. Nagkagulo tuloy sa klase nang magsabunutan ang dalawa at parehong pinatawag ang dalawang bata sa guidance kasama ng kanilang mga magulang.

"Mommy, mas gusto ko mag-isa, at I don't wanna be friends with them! Mean girls sila Winnette, palagi nila akong ginugulo oh!"

Dinuro ni Hyacinth si Winnette, na magulo ang mahabang buhok dahil sinabunutan niya ito. Inayos ni Hyacinth ang kanyang sariling buhok, na nagulo rin.

"Ang weird po kasi ni Hyacinth, tahimik at ayaw makipag-usap!" Mataray na sagot ng batang si Winnette.

"Bata-bata mo pa, kung makasagot ka, matabil!" Napatayo tuloy si EJ, na di na makapagpigil. "Misis, sabihan niyo naman ang anak ninyo na huwag manggulo ng kapwa bata niya oh! Grade Two pa lang kayo, para nang mga high school kung makipag-away!"

"EJ, kalma, walang solusyon kung makikipagsagutan ka rin!" Paalala ni Hannah. Napaupo tuloy si EJ at nagbuntong-hininga.

Ang tinutukoy ni EJ ay ang kasamang babae ni Winnette. Hindi ito makatingin nang diretso sa mga magulang ni Hyacinth.

"Tita po ako ni Winnette, ang mommy niya ay wala sa bahay, lumayas po at sumama sa ibang lalaki. Daddy niya ay nasa abroad at doon nagtatrabaho. Pasensiya na po sa inasta ng aking pamangkin," paumanhin nito.

Napatingin ang tita kay Winnette at pinagsabihan ito. "Ikaw kasi, Winnette, don't make friends with bad girls, okay?" dagdag niya.

"Kumalma tayong lahat," sumabat na ang Guidance Counselor. "Winnette, let's hear it from you. Bakit mo inaway si Hyacinth, she doesn't want to be disturbed?"

Nanginginig na napatingin si Winnette at may tumulo na rin luha dito.

"I'm jealous of Hyacinth," hikbi niya.

"Why are you jealous of me?" Tinaasan ng kilay ni Hyacinth ang kaklase niya. "Bakit mo ako kailangang awayin?"

"Kasi... kasi may family ka. Complete ang family mo. Laging dumadalo sa programs sila mama at papa mo. Ako, walang mommy at daddy. Wala rin akong brother or sister. Tita lang, at si Lolo, na nasa bahay at palaging tulog!"

Tuluyan nang umiyak si Winnette. "Sana I have your family. Kaya ko friends sila Bridgette, kahit mean din sila sa akin. Wala akong family at friends!"

Napasalampak si Winnette sa floor at tuluyan nang humagulgol. Niyakap siya ng tita nito at sinabing, "Di mo kailangang mainggit at makipag-away para ma-feel mo na may nagmamahal sa iyo. Andito kami nila Lolo. Si Daddy mo naman, madalas na mag-videocall. We're here. Be a good girl na from now on. Mahal ka namin."

Yumakap si Winnette dito at umiyak sa kanyang balikat.

"Winnette, alam mo naman mali ang maging mean girl, di ba?" Mahinahong tanong ng guidance counselor.

"Opo," tumango ito sabay palis ng luha. "Gusto ko rin ng friends na mababait."

"Can you say sorry to Hyacinth for bothering her?" Pakiusap ng guidance counselor.

"Huwag kang mag-sorry sa akin!" Sigaw ni Hyacinth, na ngayon ay naluluha na.

"Hyacinth Rae, that's not the way to deal with her," mariin na paalala ni Hannah.

"Anak, naiinis din ako sa ginawa sa iyo, pero alam mo, di magandang pakiramdam ang may kaaway," ika ni EJ. Nahabag ang kalooban nito pagkatapos marinig ang kwento ni Winnette.

Malalim na huminga si Hyacinth at sumagot kay Winnette.

"I will accept your sorry if you stop bothering me."

"Pero ayaw mo ng friends?" tanong ni Winnette. "Ayaw mo na friends tayo?"

"Ayoko." Nilayo ni Hyacinth ang tingin kay Winnette.

"Anak, di maganda na walang friends, di ka ba sad sa klase?" Pag-aalala ni Hannah.

"Mas gusto ko sa library. I want to be alone na lang po," paliwanag ni Hyacinth.

"Si Mommy, may Tita Mady at Tita Zera, si Daddy, may Tito Paules at mga kasama niya sa school work niya, paano iyan? Kahit si Kuya Sage may friends." Kumunot ang noo ni Hannah.

"Maybe she's just really introverted," wika ng Guidance Counselor. "Give her time to make friends, kahit isa lang muna."

Pinag-isipan ni Hyacinth ang susunod na gagawin. "I'm shy kasi they might not like what I like," paliwanag niya. "I read about storybooks and national heroes sa library. I read about Daddy's katukayo, yung bayani, si Emilio Jacinto. They might laugh at me if they find out."

"Mag-library tayo if you like," alok ni Winnette. "Di na ako sasama kay Bridgette at sa barkada niya. I want to borrow books too, sana tulungan mo ako."

Sinulyapan ni Hyacinth si Winnette. Siya na mismo ang lumapit sa kanyang nakaaway at nagyakapan sila.

"Bati na tayo ah," ngiti ni Winnette.

"Oo naman! Apology accepted!" Wagas na ngumiti si Hyacinth.

"Salamat, natapos din!" ika ni EJ, na nagbuntong-hininga sa pangalawang pagkakataon.

"Sabi ko sa iyo eh," ngiti ni Hannah. Nakipagkamay rin sila sa Tita ni Winnette at sa guidance counselor.

Lumabas sila ng guidance office na naresolba ang isyu.

Magmula noon, di na takot makipagkaibigan si Hyacinth. Si Winnette ang unang best friend nito at nakilala rin nila ang Tita at Lolo ng bata. Nadagdagan pa ng mga kaibigan si Hyacinth pagtuntong ng Grade Three, nang maging book club member sila ni Winnette. May transferee student galing Japan, si Junko Kobayashi (na half-Filipino, babae), na sumama kina Hyacinth at Winnette.

"Mommy, thank you sa brownies na dala niyo ngayong Book Fair!" Ngiti ni Hyacinth sa ina habang kumakain siya kasama sila Winnette, Junko, at iba pa nilang mga kasama sa book club. Nasa library sila ngayon at mga nakapabilog sa sahig habang kumakain.

"Masarap po, gawa ba ito sa Panaderia de Amor?" tanong ni Winnette. Sa ngayon ay mas masayahin na si Winnette at di na nakikipag-away. Mataas na rin ang kanyang grades.

"Yes, from Ma'am Zera!" ngiti ni Hannah.

"Arigato gozaimasu!" Matipid na ngiti ni Junko kay Hannah. "Salamat po, Mommy ni Hyacinth!"

Nagkataong pumasok si Sage sa loob ng library kung saan kumakain ang kanyang kapatid at mga kaibigan nito. "Wow, brownies!" Agad itong kumuha ng isang piraso at naupo kasama sila Hyacinth.

Unang napansin ni Sage si Junko, na katabi lang nito. "Hello, ikaw ba yung transferee?" Ngumiti ito na may brownies sa ngipin.

Natawa tuloy si Junko sa malawak na ngisi ni Sage. "Yes, I'm Junko Kobayashi, Grade Three."

"I'm Sage Emile Jacinto, Grade Five." Nagkamayan silang dalawa.

"I ship them!" Kinikilig na sigaw ni Winnette nang makita ang dalawa.

"Kuya Sage, bawal gawing girlfriend ang isa sa mga friends ko!" Paalala ni Hyacinth.

"Di ko nililigawan, friends muna!" Sagot ni Sage kay Hyacinth.

"Punta tayo sa booth namin! May books na bago doon!" Pag-aaya ni Junko.

Sabay silang tumayo ni Sage at tumakbo papalabas ng library.

"Si Kuya talaga, gusto pa sirain ang girl code namin!" Naiinis na ngumuso si Hyacinth.

"Bagay sila! Sana 'pag laki nila, magjowa sila!" Kilig na sagot ni Winnette.

"Ayeeee!" Sigaw ng ibang mga batang kasama nila.

"Mama oh!" Sumbong ni Hyacinth kay Hannah.

"Anak, joke lang iyan! Ito naman! Bawal love life kay Kuya Sage, okay?" Natawa na rin si Hannah. "Friends muna sila ni Junko."

"Basta babantayan ko si Kuya Sage! Huwag niya papaiyakin friend ko, susuntukin ko siya 'pag nangyari iyon!" Pagbabanta ni Hyacinth.

Nagtawanan na silang lahat.

Ano kaya magiging kapalaran nila kapag malalaki na sila? Pagmumuni-muni ni Hannah.

Basta, habang andito kami nila Emilio, sisiguraduhin namin na maayos ang aming mga anak.

Panahon lang ang makakapagsabi. 


A/N:

The next chapter might be the last chapter of MDAI. Or baka dalawa pang updates.

Thank you so much for being with me through this story. Please vote for this kung nagustuhan niyo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top