Kabanata 23
Sa unang gabi na kasama namin ni Hannah ang aming bagong silang na sanggol, nanatili ako sa tabi ng aking maybahay. Nakaupo ako malapit sa kanyang kama habang andito pa rin kami sa ospital.
Kasalukuyan niyang pinapasuso ang aming anak na lalaki, na pinangalanang Sage Emile. Usapan namin na related sa mga halaman ang aming ipapangalan sa mga magiging anak namin.
Nang malapit nang makatulog si Hannah, marahan kong tinapik ang kanyang balikat. Minulat niya ang kanyang mga mata at ngumiti.
"Huwag kang mag-alala, hindi ko bibitawan si Baby Sage," bulong nito. Itinaas niya ang manggas ng kanyang damit.
"Ako na muna ang magpapatulog sa kanya," alok ko.
Ibinigay ni Hannah ang aming anak at tuluyan na siyang dinalaw ng antok. Naglakad ako patungo sa may bintana at isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi nang mapagmasdan ko ang aking anak. Payapa itong natutulog sa aking mga bisig.
Sa dinami-dami ng mga nangyari, buti na lang ay mabuti ang kinahinatnan ng lahat ng ito.
Ano kayang bagong buhay ang naghihintay sa amin?
Sa pagkakataong ito, alam kong maraming mga biyaya ang darating at hindi na ako makapaghintay pa sa mga darating na bukas.
---
Ang daming "firsts" para sa aming mag-asawa.
First time na mapuyat gabi-gabi para patahanin si baby o kaya naman ay magpasuso ang aking asawa.
First time na magpalit ng diapers, magpaligo, magpainom ng gatas, at maghugas ng mga baby bottles.
First time na makita ang ngiti ni baby, marinig ang kanyang mga wagas na tawa, at ang mapatahan ito kapag siya ay umiiyak.
Nang tumuntong na siya ng six months, marunong na siyang gumapang, tumayo basta nakakapit sa isang bagay, at kumain ng mga solid food gaya ng mashed vegetables.
Lumipas ang mga buwan at nakikipag-usap na siya sa amin. Nangingilala na rin ito kapag si Ate Marina ang kumakausap. Pero paborito niya sila Mama at Papa.
Kapag dinadala namin si Baby Sage sa tahanan nila Ate Krystal at Tito Martin, iniiyakan niya si Krystal, dahil kinikilatis pa lang niya ito. Pero sama siya agad kay Tito Martin, panay ang pabuhat niya dito.
"We're back!"
Pumasok sila Tito Martin na karga si Baby Sage habang nagmemerienda kami nila Krystal at Hannah.
"Baby, pinagod mo naman yata si Daddy Lolo," biro ni Hannah. Lumapit si Tito Martin sa kanya at si Hannah ang kumandong sa aming anak.
"Hindi naman, kaya kong buhatin kahit medyo mabigat na," tawa ni Tito Martin. Naupo ito katabi si Krystal at nagmerienda na rin.
"Saan kayo namasyal ni Daddy Lolo?" Nakangiting tanong ni Hannah.
"Nag-tour kami dito sa mansion," tugon ni Tito Martin. "Mukhang gustong mag-swimming sa pool. Makapagpabili nga ng malaking batsa para sa apo ko!"
"Swimming tayo ni Tita sa batsa!" Nakangiting wika ni Krystal kay Baby Sage.
"No!" Iling ng aming anak. Natawa kaming lahat sa kanyang reaksyon.
"You don't like Tita Krystal?" Biro ni Hannah.
"No!" Iling pa rin nito.
"Baby Sage, I have money! Lots of money, like Lisa from Blackpink!" Pa-sweet na sagot ni Krystal.
"No!" Sumimangot tuloy si Baby Sage at mukhang maiiyak na.
"Gutom ata ito, sandali lang ah, breastfeed muna kami!" Tumayo si Hannah habang karga niya si Baby Sage.
"Andito lang muna ako," tawag ko sa kanya.
"Chika muna kayo, EJ. Baka ayaw sa Ate ko dahil kulang pa ang regalo sa binyag!" Ngisi ni Hannah.
"Kulang pa ba regalo ko sa binyag?" Pabirong napatayo si Krystal sabay pamewang. "Babawi ako sa birthday mo, Baby Sage! Hannah, iyang anak mo, baka lumaking social climber!"
"Masama loob sa iyo kasi noong pinagbubuntis ko ito, lagi mong kinukulit!" Natatawang sagot ni Hannah. Iniwan niya kaming nagtatawanan sa dining table.
Nagawi muna ang usapan sa magiging first birthday ng aming anak.
"Tito, balak po namin, sa restaurant sana, pero sabi ni Hannah, dito na lang daw sa inyo," panimula ko.
"No problem!" Malawak ang ngiti ni Tito Martin. "Kahit tayo-tayo lang muna, para mas intimate celebration! Tapos mag-iinuman kami ng daddy mo ah?"
"Hay, shot lang pala habol ng mga lolo!" Kunwaring nag-eye roll si Krystal sabay tawa.
"Salamat po! Huwag niyo lang isama si Baby sa table niyo!" Natawa ako sa naiisip. "Bawal pa siyang mag-shot shot!"
"Bahala kayo, kami bahala kay Baby Sage," ika ni Krystal.
"Basta huwag kang iiyakan ah!" Dagdag ko.
Nang makabalik na si Hannah, natutulog na ang aming anak sa kanyang balikat. May sleeping cot sa tabi kung saan doon muna nilapag ang aming baby, at pinagpatuloy namin ang usapan tungkol sa first birthday ni Sage.
At sa wakas, dumating na ang kanyang unang kaarawan.
Safari ang theme ng party. Umorder kami ng pagkain at ang celebration ay sa bahay nga ng aking father in law. Kami-kami lang ang mga guests, pero may mga invited din, gaya ng mga ka-opisina namin ni Hannah at ang kanilang mga maliliit na anak.
Dumalo rin si Zera at ang kanyang boyfriend, na kapwa niya baker. Sila nga ang nag-bake ng birthday cake, at nangakong sa kanila rin manggagaling ang magiging birthday cake ng susunod naming anak.
Habang pinagmamasdan ko ang masayang celebration, bumulong si Hannah sa akin. Buhat niya ang aming anak na nakatulog sa kanyang balikat.
"Sundan na ba natin si Baby Sage?"
"Enjoy muna natin ang pagiging baby niya," mahinahon kong sagot. "At isang taon na ang lumipas mula nang isilang mo siya. Kaya ba ng katawan mo?" Paninigurado ko.
"Why not? Humanda ka mamaya."
Mapang-asar ang ngiti ng aking asawa sabay kindat sa akin.
---
Lumipas ang isang taon at kalahati. Nabiyayaan kami ng pangalawang anak. Isa itong babae, na pinangalanan namin na Hyacinth Rae.
Alam na namin ni Hannah na mag-alaga ng bagong panganak na sanggol. Kahit nakakapagod na pagsabay-sabayin ang pagbabantay kay Sage at pag-aalaga kay Hyacinth, iba ang saya na naidudulot ng aming munting pamilya.
Gumagawa kami ng mga bagong alaala. Mula sa mga "first moments" ni Baby Hyacinth, ang mga nilalaro namin ni Sage (na toddler na ngayon), mga birthday parties, family gatherings, out of town trips, at mga milestones kasama ang aming mga mahal sa buhay, lahat ng ito ay nakaukit sa aming gunita at naka-preserve na rin sa mga kuhang larawan. Pinaprint pa nga namin ang karamihan sa mga ito para mayroon din photobook.
May mga pagsubok na dumarating, pero pinag-uusapan namin ito ni Hannah at natuto na kaming makinig sa isa't isa. Nagkakaroon kami ng solusyon at di na namin ini-stress ang aming mga sarili tungkol dito.
Tungkol sa iba naming kapamilya, maayos naman sila Mama at Papa. Tuwang-tuwa sila na dalawa na ang apo nila ngayon. Spoiled nga sila Sage at Hyacinth sa kanila, at laging binibigyan ng mga regalo, mula cookies hanggang cash gifts. Pero alam din nila ang kanilang limitations. Buti naisipan nilang bigyan ng savings account ang dalawa para malagyan na namin ni Hannah ng ipon para sa kanilang hinaharap.
Si Ate Marina ay lumipad patungong Singapore. Nabigyan siya ng trabaho doon at okay naman siya. Pero agad siyang umuwi nang ma-miss niya kami pagkatapos ng isang taon na pamamalagi sa ibang bansa.
Sa halip, nag-remote work na lang si Ate, sa ilalim ng parehong kumpanya. Hindi na rin siya iniiyakan ng kanyang mga pamangkin, at siya na ang favorite Tita ng aming mga anak, bukod kay Krystal.
Tungkol naman sa pamilya ni Hannah, napagpasyahan ni Krystal na siya na ang magta-take over sa marketing at advertising department ng kumpanya ng kanyang ama. Inaasahan din niya na isa na rin siya sa magiging heads nito, kasama ng iba nilang mga kamag-anak.
Si Tito Martin naman ay pinapayuhan namin na mag-retiro na, pero ayaw pa rin nito. Ayon sa kanya, bata pa siya kahit 65 years old na ito. Ayaw niya kasi na wala siyang ginagawa sa buhay.
In good terms naman sila ng ina ni Hannah na si Tita Mina. Ang aking mother-in-law ay umuwi kasama ng kanyang asawa na isang lalaking Scottish national. Kinasal na sila doon, at lumipad sila dito kasama ng kanyang mga stepchildren na babae at lalaki. Naging intimate celebration ang kanilang wedding party dito, kasama ang lahat ng sides ng aming pamilya.
Habang dumadaan ang mga taon, sa kabila ng mga masasayang mga alaala at mga pagsubok, mas lalong tumatag ang aming samahan.
Alam kong hindi ito panghabang-buhay, pero hangga't nandito ang lahat ng mga biyaya, palagi akong magpapasalamat sa Maykapal.
Si Hannah, ang aking mga anak, at ang kapwa naming mga pamilya ang pinakamagandang nangyari sa aking buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top