Kabanata 15

Gusto kong magwala. Ngunit alam kong hindi ako matutulungan ng aking nararamdaman. Dapat muna akong umayos para alam ko ang susunod kong gagawin.

Nakatayo pa rin ako sa labas ng Poblacion. Huminga muna ako nang malalim. Tatlong beses ko itong ginawa, sa marahan na paraan. Inhale for 3 seconds, hold your breath for 3 seconds, at exhale for 3 seconds. Ito ang turo sa amin nang minsan akong dumalo sa isang seminar for mental health and wellbeing.

Nang maramdaman kong kumalma na ako, dito ako nakaisip ng susunod na mga hakbang.

Una, kailangan kong makahanap ng ibang damit na isusuot. Mukhang out-of-place ang pormahan ko ngayon.

Naglakad ako sa paligid ng pader na kawayan at buti na lang ay may nakita akong mga damit-panlalaki na nakalagay sa isang batuhan. Parang pinatutuyo ito sa ilalim ng araw.

Lumapit ako dito at nang makitang uniporme pala ito ng mga sundalong Amerikano, mabilis akong nagtanggal ng aking kamiseta at pantalon at agad isinuot ang mga nasabing damit. Buti na lamang ay tuyo na ang mga ito. Sakto lang din ang pagkakasya nito sa akin.

May sumbrero rin sa tabi at isinuot ko ito sa aking ulo. Tinupi ko ang mga sarili kong damit at lumibot sa likuran ng batuhan. May nakaawang na espasyo nito sa ilalim at agad kong tinago ang mga damit ko dito. Suot ko pa rin ang kwintas na orasan at itinago ko ito sa loob ng aking pangitaas.

Ramdam ko ang kaba ng aking dibdib. Kailangan kong kunin ang mga damit ng sundalo para di ako pagkaguluhan ng taong-bayan. Yumuko ako at kinubli ang aking mukha, sabay lakad papasok sa Poblacion.

Diyos ko, patawarin ninyo ako sa pagnanakaw ng mga damit. Malay ko ba na mapupunta ako sa ibang panahon para lang hanapin ang aking nawawalang asawa na si Hannah?

Unang bumungad sa akin ang mga kabahayan sa kaliwa't kanan. Lumakad ako pakanan, at dito ko nakita ang isang talipapa, kung saan abala ang mga tindero at tindera na inaayos ang kanilang mga paninda. Hapon na siguro dito, kaya sila nag-aayos para magsarado na.


Di ako nagtuloy sa direksyon ng talipapa. Sa halip, kumaliwa ako at nilakad ang kabilang direksyon pakaliwa. Sa may bandang dulo ay ang plaza kung saan nakatayo ang munisipyo. Gawa ito sa estilo ng mga bahay noong panahon ng Kastila: adobe ang unang palapag at ang ikalawang palapag ay kahoy na pinalilibutan ng mga bintanang capiz. Kulay pula ang bubungan nito at di-hamak na ito ang pinakamalaking gusali sa buong bayan.

May fountain sa gitna nito. Naupo muna ako sa gilid at inisip ang susunod na gagawin.

"There you are! I've been searching for you everywhere!"

Isang boses ng lalaking nagsasalita ng wikang Ingles ang pumukaw ng aking atensyon. Inangat ko ang aking ulo para tignan kung sino ito. Isa itong lalaki na mukhang nasa edad trenta pataas, kulay asul ang mga mata, naka-sumbrero, at pareho kami ng bihis na uniporme.

Hindi siya makaimik nang magkasalubong kami ng tingin.

"Wa...wait... Why are you wearing that uniform? Aren't you a Filipino?" Kumunot ang noo niya sa akin.

Tumayo ako at kalmadong sumagot. "Wait, I can explain...I... I lost my clothes and... I have to get this one."

"Lost your clothes?" Halatang hindi makapaniwala ang sundalong ito sa akin.

"I... I bathed in some river and after that... my clothes were gone," pautal-utal kong sinagot. "So I went here naked... and found these clothes on a rock."

Tumango ang sundalong Amerikano. "Oh, I see." Bigla niyang pinalo ang aking balikat at natawa! "It looks great on you!"

"Thank you," pilit kong ngumiti.

"You seem to be a new face here."
"Yes. I came from London, back from studying at a university. This was my hometown. Good to be back," ngiti ko.

Sana umubra ang palusot ko.

"Where is your family?" Tanong ng sundalo.

"Unfortunately, they transferred to another town, and they said I have to go there after a week or two. So I'm here, and I don't know where to stay for a while. The telegram came late. Also, I'm looking for a childhood friend, a girl I used to know."

Di ko muna agad sinabi na hinahanap ko ang nawawala kong si Hannah. Ano ba itong ginagawa ko, Diyos ko, ang dami kong palusot para umiwas sa gulo!

"Well then, you can stay in my quarters! I have another room," alok sa akin ng sundalo. "There's no inn here for visitors unless you have a relative you can live with."

"Really?" Ramdam kong umiilaw ang mata ko sa kagalakan. Buti natapat ako sa mabait na sundalong Amerikano.

"Yes, I want to help you! By the way, I'm Lieutenant Craig Daniels," pakilala sa akin ng Amerikano.

"Oh, James Bond!" Bigla kong sinambit. Naalala ko ang nasabing artista, pero Daniel Craig pala iyon.

"Excuse me?"

"Yes, you're Craig Daniels. I'm Emilio Jose Jacinto."

Nagkamayan kami. "Please to meet you, Emiliow!" Galak na sagot ni Lt. Daniels na may Amerikanong accent.

Hanggang dito ba naman, ako si Emiliow?

"Anyway, can I tour you around?" Tanong ni Lieutenant Daniels. "Welcome to Poblacion, Magdalena, Laguna."

"Sure."

Nilibot muna niya ako sa buong bayan. Wala gaanong makikita dito. Bukod sa plaza at talipapa, may mga hilera rin ng mga kainan at tindahan ng kung ano-ano, mula sa mga kakanin hanggang sa mga kagamitan sa bahay.

"It's a boring town, isn't it?" Komento ni Lieutenant Daniels nang marating na namin ang simbahan.

"Yeah," kaswal kong sagot.

"Here is the church, where all the townsfolk gather come Sundays," kwento ni Daniels. "A place of worship and gossip. It's a sleepy town. At first, the natives thought we were going to harm them and fled in the mountains. But the town mayor, a Spanish man, convinced them that nothing bad will happen with American presence. So they came back."

Tumango ako. "I think the people are disciplined."

"They are," ngiti ni Daniels. "But lately, there's some trouble brewing among the inhabitants."

"Why?"

"There's talk here that a witch or mang-ku-kulam is living in the nearby mountains. They said she came to attack at night, that's why some poultry was found dead, the chickens' necks cut with a slit."

"You believe that?"

"Not really. Must be some disease chickens get. But lately, things got stranger." Napanguso si Daniels na para bang malalim ang iniisip.

"How, in what way?" Usisa ko.

"Rumor has it that there's a kidnapped lady living with the witch. At night, her cries could be heard from the mountains, according to the natives living near the town border."

"Hannah," bulong ko. Di kaya nandito ang nawawala kong asawa?

"Did you say something?" Tanong ni Daniels sa akin.

"Nothing...but I have a feeling that the witch might be real. And she probably got my childhood friend."

"Easy there, we can't say it's true unless it's proven," ika ni Daniels.

Nanahimik ako at natulala sa simbahan.

"Lieutenant Daniels, I need your help."

"What kind of help?"

"Can we rescue the lady supposedly kidnapped by the witch in the mountains?"

Natawa ang nasabing Amerikano. "The other day, we have to help the townsfolk calm down. They were going to the mountains at night with bamboo torches, saying they would catch the witch! And now you want us to do a mission there?"


"Please sir, I need your help. I'll do something in exchange for your aid. Just let me stay in your quarters and help me rescue whoever that girl is."


"That would be me breaking protocol. We can't do this with just both of us," pag-aalangan ni Daniels.


"Then my trip is just for nothing," sumimangot ako.

"Lieutenant Kra-ig! Andito ka pala!"

Isang matabang lalaki na naka-sumbrero at nakasuot ng camisa at pantalon ang tumigil sa aming harapan.

"Hello there, Ismael!" Ngiti ni Daniels dito.

"We heard again the crying woman... umiiyak na babae sa bundok," kwento ni Ishmael sa kanya.

"You understand Tagalog?" Tanong ko.

"Yes, a little bit," tingin ni Daniels sa akin. Binaling niya ulit ang tingin kay Ismael. "Don't tell them to sugod in the bundok," paalala nito.

Natawa ako sa pananagalog ni Daniels. Nakita ako ni Ismael at nagtanong. "Sino po siya?"

"My new friend, he's called Emiliow," ngiti ni Daniels.

"Hola, Senyor Emiliow!" Tumango sa akin si Ismael. "Isa ako sa mga kabesa de barangay dito."

"Senyor Ismael, may alam po ba kayo tungkol sa mangkukulam daw na naninirahan sa bundok?" Agad kong tinanong.

"Hinahanap mo rin ba ang mangkukulam?" Nanlaki ang mga mata ni Ismael.

"Sa katunayan po, ang aking hinahanap ay ang kababata kong babae. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, pero ako ay may kutob na kinuha siya ng mangkukulam."


"Lieutenant Kra-ig, told you! Totoo ang mangkukulam! Nakarating na rin ang balita sa taga-ibang bayan!" Malakas na winika ni Ismael.


"But we cannot just go there," paliwanag ni Daniels. "Invasion of privacy, trespassing in another's property."


"Pero, kailangan nating mapatunayan ito!" Giit ni Ismael. "Namamatay ang aming mga alagang manok at hindi ito dahil sa isang sakit! Baka isunod na ang isa sa mga taong-bayan! Hindi po ba kayo nababahala?"


"I think we should look into this matter, Lieutenant," pagsang-ayon ko kay Ismael. "Even the cabeza de barangay is worried sick."


Napakamot ng noo si Lieutenant Craig Daniels. At ito ang sinabi niya pagkatapos.


"Let's have dinner at the panciteria and discuss things further."


"Sige po," ika ko.

"Mas mainam po iyan," kalmadong wika ni Ismael. "Paano po, magkita tayo mamaya. Let's meet."


Umalis na si Ismael at ito ang sinabi ni Daniels sa akin.


"Looks like we're out for trouble, eh?"

A/N: Sa amin, may kalye na Craig St. Ipinangalan sa historian ni Jose Rizal, si Austin Craig na isang Briton. Lahat kami dito, tawag doon, "Kra-ig"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top