Kabanata 13
Halos wala akong tulog ngayong gabi. Pabalik-balik ako mula sa kama, kusina, salas, at pabalik sa kama, naglalakad at nababagabag sa pagkawala ng aking asawa.
Nasaan ka, Hannah? Bumalik ka, pangako, hindi na kita aawayin. Mas uunawain na kita at makikinig sa iyong mga saloobin. Sorry na, bumalik ka na, parang awa mo na.
Napahiga ako sa kama bandang madaling-araw. Pinilit kong ipikit ang aking mga mata, ngunit tila nawala na ang antok mula sa aking sistema. Sana sa susunod na gabi ay katabi ko na si Hannah.
Sa unang pagmulat ko, agad kong namataan ang unang sikat ng araw mula sa bintana. Iginala ko ang aking paningin sa orasan. Alas-otso na pala ng umaga. Mukhang nakatulog ako kahit saglit. Bumalik sa aking isipan si Hannah at ang lahat ng aking mga agam-agam.
Bumangon ako at kinuha ang aking mobile phone. Tinawagan ko muna si Sir Randy sa unibersidad. Nag-usap kami, at sinabi kong di ako makakapasok ngayong araw dahil masama ang aking pakiramdam. Buti ay di na siya nagtanong pa, at natapos na rin ang aming usapan.
Dumiretso ako sa banyo para mag-shower. Nagbihis ako pagkatapos ng pang-alis na damit: isang collared shirt at maong pants. Balak kong puntahan ang kompanyang pinapasukan ni Hannah, para tanungin ang tungkol sa CCTV footage sa parking lot.
Nagluto muna ako ng agahan. Pinilit kong magkaroon ng laman ang aking sikmura sa inihanda kong pandesal at hotdog na may inuming kape. Naalala ko na ayaw ni Hannah na hindi ako kumakain ng breakfast, kaya palagi na kaming magkasabay kumain magmula nang kami ay naging mag-asawa.
Natapos na ako ng agahan nang mag-ring ang aking phone. Agad ko itong sinagot.
"EJ, hi, susunduin kita diyan," bungad sa akin ni Krystal.
"May lead ka na kay Hannah?" Agad akong nakaramdam ng kaba. Sana hindi ito masamang balita.
"I called the security of her company building, and may CCTV footage nang nakuha."
"Kinidnap ba siya?" Agad kong tinanong.
"No, it's something unusual."
Nanahimik si Krystal sa kabilang linya.
"Krystal, ayos ka lang?"
"Yes," mahina niyang sagot. "I'll go there na. Bye."
Nawala na siya sa linya. Ibinulsa ko ang aking mobile phone at napasandal sa may kitchen sink.
Something unusual. Ano kaya ito? Imposibleng nawala na lang siya na parang bula.
Nagsuot na ako ng aking sneakers at narinig ko na ang doorbell sa labas. Nag-off muna ako ng mga ilaw, nag-unplug ng mga appliances, at lumabas na para salubungin si Krystal. Nag-lock na ako ng pintuan ng condo at dumiretso na kami sa kotse niya sa ibaba.
Nang makasakay na kami, sinimulan na ni Krystal ang aming biyahe.
"Alam na ba ni Tito Martin?" Buti agad ko itong naisip.
"Hindi pa, dahil nasa business trip siya ngayon sa South Korea," tugon ni Krystal. "Tinawagan ko na ang kanyang mga aide at assistant para huwag muna itong ikuwento sa kanya. Tiyak na mag-aalala ito nang lubusan."
Napatitig ako kay Krystal habang kami ay nasa daan. Seryoso itong nagmamaneho ng kotse ngunit bakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan.
"Halos wala rin akong tulog mula kagabi," kwento niya. "Lalo na nang marinig ko ang CCTV footage."
Ayoko munang tanungin kung tungkol saan ito. Tikom ang aking bibig hanggang sa dumating kami sa company building nila Hannah.
"Kuya, kami po yung mga nagpunta kagabi," sabi ni Krystal sa guard nang tumapat kami dito sa may parking area entrance.
"Ay, kayo pala," tugon ni Kuya. "Sumama kayo sa amin sa opisina ng security."
Pumasok muna si Hannah sa parking area at ipinarada ito sa gitna. Bumaba kami pagkatapos at naglakad papunta sa guard sa entrance. Dinala niya kami sa security office nila at ipinakilala sa head ng CCTV division.
"Sila yung naghahanap sa footage ni Ma'am Hannah ng Orion International Marketing and Digital Agency," kwento ni Kuyang Guard sa officer. "Yung kwento ko sa iyo kagabi."
"Ah, sila pala iyon," naibaba ng officer ang kanyang hinihigop na kape sa tasa. Isa siyang lalaki na may konting timbang at may edad na. Nakaupo siya sa isang lamesa sa may pintuan at sa likod nito ay isang malaking flat screen na nagpapakita ng mga real-time footage na nangyayari sa loob at paligid ng building.
"Bali-balita na sa itaas yung tungkol kay Ma'am Jacinto," dagdag ito sabay tayo sa kanyang kinauupuan.
"Kalat na?" Nanlaki ang mga mata ni Krystal. "Kung maari lang, huwag na kayong magkwento tungkol dito. Very sensitive ang kaso niya."
"May pakpak ang balita, may tainga ang lupa," wika ng CCTV officer. "May idea na ang boss ni Ma'am, pero sabi nito, kayo na ang bahala sa kaso."
"Don't talk any further, please," pakiusap ni Krystal. "Just show us the footage."
Inaya niya kami sa mga CCTV screens. May nakapatong na laptop sa isang lamesa dito at binuksan ito ng officer. May nag-click siya na folder sa desktop section, kung saan may mp4 video.
"Hindi kapani-paniwala ito," sambit ng officer habang nakapalibot kami nila Krystal at ng Kuyang Guard sa likuran niya. "Walang sirang CCTV system ngayon, itong clip na ito ang namumukod-tangi."
Nag-play na ang nasabing video. Black and white ito. Sa unang eksena ay naaninag ko si Hannah na tahimik na naglalakad sa gilid at sukbit ang kaniyang handbag.
Pumasok ito sa kotse sa dulo at akmang aandar na ito, ngunit biglang bumaba si Hannah at ni-lock ang mga pintuan gamit ang susi ng kotse sa kanyang kamay. May button din ito kaya may automatic lock ang kotse.
Nakatayo siya sa gilid ng sasakyan at parang may malalim na iniisip. Wala na rin siyang dalang handbag.
Hindi kami makapaniwala sa mga sumunod na eksena.
Naglakad si Hannah papalayo ng kanyang kotse at natigilan sa gitna ng parking area. Parang may kung ano siyang nakita at bigla na lang ito nagsalita na parang may kausap. Umuurong din siya papalayo.
Itinaas niya ang kanyang mga braso na para bang dinedepensahan niya ang sarili. Bigla na lang siyang gumalaw na parang nagpupumiglas; nakabalot ang kanyang mga braso sa kanyang katawan at mukhang gustong kumawala. Napaupo siya sa sahig ngunit tumayo ulit ito, na para bang may nakahawak sa kanya mula sa likuran.
Napakuyom ako ng kamao habang pinapanood ito. Gusto kong maiyak. Hindi ko alam kung nasisiraan ng bait ang aking asawa, at kung ito nga ang dahilan, sarili ko ang aking sinisisi.
Napasigaw si Krystal, at nang ibaling ko ang aking mga mata sa screen, pawang may sumabog na mga paputok sa paligid ni Hannah. Lumabo ang screen kasabay ng mga sparks at glitch. Nang bumalik na ang clip sa normal at luminaw na ang paligid, wala na si Hannah sa car park. Sa sahig ay ang susi ng kotse na kanyang iniwan.
"Nasa akin ang susi ni Ma'am Hannah, safe ito sa akin," wika ng CCTV officer. In-off na niya ang video at nag-komento, "Walang diprensya ang mga systems namin pati ang video, pero naniniwala akong may nangyaring kakaiba. Mukhang na-engkanto ang inyong asawa."
Malakas na natawa si Kuyang Guard. "Ito naman si Chito, naniniwala pa rin sa engkanto!"
"Malay mo naman! Ayan oh, kusang nawala si Ma'am," depensa ni Officer Chito.
"Ito ang kwento nila sa akin," mahinahon na sagot ni Krystal. "Weird talaga. It's not staged. My sister doesn't have time for that."
"Sir, baka inaway niyo si Ma'am," pasaring ni Officer Chito.
"Di niyo na concern iyon," malamig kong winika. "Ang kailangan nating gawin, mahanap ang aking asawa."
"Ngunit paano natin hahanapin, naglaho itong parang bula?" Kumunot ang noo ni Kuyang Guard. "Malinaw sa footage."
"Sana may X-Files division man lang dito sa NBI," ika ni Krystal. "Yung para sa mga strange cases, gaya ng palabas sa States dati."
"Malaking X-Files talaga itong nangyari kay Ma'am," sambit ni Officer Chito. "May kakilala akong manghuhula, baka makatulong," alok nito.
"No, thank you," sagot ni Krystal. "Salamat po, at kami na ang bahala dito. Aalis na po kami."
"Good luck po sa paghahanap," tugon ni Officer Chito.
Lumabas na kami kasama ni Kuyang Guard. Nagpaalam na kami sa kanya.
"Mahahanap niyo rin siya, tiwala lang sa Maykapal," wika nito.
Sumakay na kami ni Krystal sa kotse at dumaan muna kami sa isang fast food para kumain.
"Alam mo, tatawagan ko na yung kakilala kong may sixth sense," sabi niya habang kumakain ng burger. Magkaharap kaming nakaupo sa isang lamesa.
"Naniniwala ka doon?" Tanong ko.
"It won't hurt to think na may otherworldly things na nangyayari. Yung friend ko na iyon, she helps find missing people. Most cases she handled, nahahanap yung nawawala," pagpapatuloy niya. "She would hold the missing person's item at doon niya malalaman kung ano ang naganap."
"Balitaan mo ako kung may lead ka na."
"Yes. I'm glad fan ako nila Fox Mulder and Dana Scully sa The X-Files," ngiti ni Krystal. "I do like watching about mysteries and aliens. Malay mo, the truth is out there nga."
"Pamilyar ako sa sinasabing mong palabas, pero di ako nanonood noon."
Natigilan ako bigla. Hindi kaya may kinalaman ang lahat ng ito dahil kapangalan ko ang bayani na si Emilio Jacinto?
"Krystal, may ikukwento pala ako sa iyo, pero sana huwag kang magugulat. Sa iyo ko lang ito sasabihin, hindi ko alam kung maniniwala ka."
"Okay EJ, I'm all ears."
Dito ko na sinimulan ang kwento ko, mula sa kakaibang panaginip, ang aking naging aksidente, ang supposedly past life ko, at ang pakiramdam na matagal ko nang kilala si Hannah.
"Gosh, not impossible!" Halos mapasigaw si Krystal sa galak. "You're a reincarnated soul. Maybe it all has something to do with my sister's disappearance. Pero, paano natin siya hahanapin? What if... What if nasa ibang dimension siya?"
"Someone tried to kill me in my past life using a cursed dagger, from what I remember," napa-English tuloy ako sabay tawa. "Sabi, ang punyal o dagger na ito ay gawa ng isang mangkukulam sa ibang bansa, tapos naipasa raw sa isang Kastilang sundalo. Wala raw hindi nasasawi o namamatay sa saksak ng punyal na ito. Pero nabuhay ako at nakapaglakbay sa kasalukuyang hinaharap, mula sa nakaraan."
Nanahimik si Krystal at nasabing:
"Maybe, that Spanish soldier can time-travel and felt your presence here or something? Tapos kinidnap niya si Hannah? So he can get back to you?"
"Paano ako magti-time travel, wala akong paraan? At di naman totoo iyon?" Ngisi ko.
"Ikaw talagang, may pagka-skeptic gaya ni Dana Scully!" Tawa ni Krystal. "Tapos ako ang Fox Mulder dito na naniniwala sa mga kababalaghan! Dude, think of the impossible! Maybe Hannah was really kidnapped by some unknown force!"
"Oh siya, sabihin natin totoo ang kababalaghan," singhal ko. "What's our next step?"
"Do you have anything na binigay mo kay Hannah?"
"Ah, yung locket watch."
"That can help, together with my psychic friend," suggestion ni Krystal. "Let's visit her today."
"Okay, next stop natin. Basta mahanap si Hannah."
Ngumiti si Krystal at sinabing, "Importante sa ating lahat si Hannah. If we want to find her, let's do it ourselves."
A/N: dating palabas sa TV ang The X Files. Tungkol ito sa mga mysteries at aliens tapos may 2 FBI agents na nagsosolve nito
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top