Ang Huling Kabanata

"Paano po kayo nagkakilala?"

Ito ang bungad na tanong ng interviewer kay EJ at Hannah. Nakaupo ang mag-asawa sa isang mahabang silya na de-solihiya habang nasa harapan nila ang isang babaeng nasa edad bente-sais hanggang trenta anyos. Nasa likuran nila ang sliding windows na may capiz shells at may de-kahoy na borders.

Sa isang bahay ginanap ang nasabing interviewer, na ang style ay hango sa mga kabahayan noong Spanish era. In short, heritage house ito.

Pumayag silang mag-participate sa interview na ito para sa isang sikat na vlogger. Naghahanap ito ng mga mag-asawa na matagal nang nagsasama. May kakilala ito na kilala sila EJ at Hannah, at sila ang nirefer dito.

"Sa London kami unang nagtagpo," panimula ni EJ. "May seminar akong dinaluhan, at kami ay nagkasakubong sa isang bus stop malapit sa Big Ben. At ayon na nga, nagkaibigan kami at nagpakasal."

"It feels like yesterday, pero kinikilig pa rin ako hanggang ngayon kapag inaalala ko. And look where we are now, ang tagal na natin mag-asawa! Grabe, nagsimula lang iyon dahil nasa London ako nagtatrabaho!"

Ngumiti si Hannah sa asawa. Namumuti na ang buhok nito at nagda-dye pa nga para magmukhang itim, pero bakas pa rin ang kagwapuhan ni Ginoong Emilio Jose Jacinto. May mga linya na rin si Hannah sa kanyang mukha, pero lutang pa rin ang angking kagandahan nito.

"Iba talaga kapag long lasting ang relationship at marriage!" Paghanga ng babaeng interviewer.

"Siyempre, hindi lang puro kilig ito, Minsan may di-pagkakaunawaan, pero nareresolba naman, basta open communication at handang makinig sa panig ni Misis," sagot ni EJ.

"At di takusa (takot sa asawa) si EJ, because I make sure he feels seen and listened to."

Ipinatong ni Hannah ang kamay niya sa kamay ni EJ. Ngumiti ang interviewer at nagtanong pa.


"Ano po ang maipapayo niyo sa mga batang magkarelasyon o nagbabalak magpakasal?"

"Hindi nagtatagal ang kilig," natawa si EJ. "Pero may mga paraan para mapanatili ang kilig at tibay ng samahan. Date each other kahit na mag-asawa na kayo."

"It's the little things that count," ika ni Hannah. "Hugs, kisses, breakfast in bed, quickie—"

"Hoy, wholesome interview ito!" Paalala ni EJ, na nagulat sa sagot ng asawa. "Nakakahiya, binaggit mo pa yung huli!"

"May asim pa rin si Ma'am Hannah!" Natawa ang interviewer.

"Siyempre naman, gamot lang katapat sa kasu-kasuan at sakit ng likuran!" Humalakhak si Hannah. "Lalo na ngayon, malalaki na ang mga anak namin, solo na namin ang isa't isa!"

"Hannah, wala nang green stuff ah?" Kunwaring kumunot ang noo ni EJ sabay tawa.

"Oo na po, Mister Conservative! Anyway, going back, totoo nga, the little things matter. Know your partner's love language. Together with communication and listening to each other."

"Love language ni Hannah ang acts of service, kaya minsan ako nag-aalok na magluto at tulungan siya kung kinakailangan," kwento ni EJ.

"Kay Emilio naman, dapat sabihan mo siya ng I love you, pati quality time," dagdag ni Hannah. "Kahit naglalaba kami o naglilinis ng condo, ginagawa namin laro. Minsan we do a little waltz kapag tapos na ang household chores. Or cheer each other on with love notes habang nagtatrabaho."

"Wow, your marriage is amazing!" Paghanga ng interviewer. "Sana may matutunan sa kanila ang ating mga viewers! Namamayagpag sa career at buhay pamilya ang Jacinto couple!"

"Siyempre, at mababait ang mga anak namin!" Pagmamalaki ni Hannah.
"Ay, speaking of anak, papapasukin na namin sila! You may join them, Sage and Hyacinth!"

Pagkatawag ng interviewer sa dalawang anak nila EJ at Hannah, pumasok ang isang binatang may kasamang isang babae na may lahing Haponesa. Bitbit ng nasabing babae ang isang batang babae na one or two years old. Nakasunod naman ang isang dalaga na nasa mid-twenties na.

"Sage! Umuwi kayo dito ni Junko?" Halata ang pagkagulat ni EJ. Tumayo ang mag-asawa para salubungin si Sage at ang napakasalan nito na si Junko Kobayashi, isang half-Filipino at half-Japanese.

"Mommy, ito ang surprise namin sa inyo!" Ngiti ni Hyacinth sabay yakap sa ina. "Tinago namin itong plano para ma-surprise kayo ngayong araw!"

"Ang cute naman ng pamilyang ito!" Galak na komento ng interviewer. Naupo sa katabing upuan si Hyacinth habang nasa tabi nila EJ at Hannah sila Sage at Junko, kasama ang kanilang munting anak.

"May apo na ako agad, oh! Hello, Aki!" Bati ni Hannah sa batang babae, na tumawa naman pabalik.

"Balita ko sa Tokyo na nakabase ang panganay niyong si Sage," ika ng interviewer. "Sage, maari mong ikwento ang iyong karanasan."

"Totoo po iyan, five years na po akong nakatira doon sa Japan," panimula ni Sage. "Five years ago, nagtrabaho po ako doon at pinakasalan ko na rin po si Junko Kobayashi, na kaibigan po ni Hyacinth. Two years na pala kaming kasal, may anak na po kami, si Akina."

"Paano kayo nag-adjust sa kabila ng magkaibigang kultura at pamumuhay?" tanong ng interviewer.

Sa puntong ito, si Junko na ang sumagot sa tanong.


"Ang totoo po niyan, matagal din akong tumira dito sa Pilipinas, dahil Pilipino ang aking ina at Japanese national ang aking ama. Nagbukas siya dito ng isang ramen house.I met Sage through Hyacinth, who was my elementary classmate. Ngayon, nasa uncle ko na po ang nasabing ramen house dito, at bumalik po ako ng Japan para mag-aral doon. Pero di ko tinapos ang kolehiyo. Instead, I helped my dad in his booming restaurant. I did deliveries, and that's how I met Sage again, because he's working in the Philippine embassy in Japan. Currently, I am a sushi chef helping in our family business."

"Kapag lumipad akong Japan, dadayuin ko resto niyo!" Sabik na wika ng interviewer.

"Sure, with a discount!" Ngumiti si Junko.

"Torpe iyan si Kuya, kami pa ng friend ko ang nag-udyok na hanapin si Junko!" Pagsingit ni Hyacinth.

"Twelve years bago kami nagkaalaman ng feelings," tawa ni Sage.

"Buti na lang di kayo sumuko kahit gaano na katagal!" Ngiti ni interviewer. "At tingnan niyo, ang cute ng kanilang pamilya!"

"Pinalaki namin iyan eh, huwag basta susuko sa pag-ibig!" wika ni EJ.

"At ang pag-ibig na iyan, di lang limited sa relasyon, pati na rin sa pagsisilbi sa bayan!" Ngiti ni Hannah sa kanyang mga anak.

"Ano pong trabaho ni Hyacinth?" tanong ng interviewer.

"Elementary school teacher po ako. Balak kong manatili dito habang si Sage ay nagtatrabaho para sa Philippine embassy sa ibang bansa. Pareho po niyang nagustuhan ang kultura ng mga Pilipino at Hapones."

"It doesn't make him less of a Filipino," pagsang-ayon ng interviewer.

"Part din ng embassy work ay i-promote ang kulturang Pinoy, lalo na sa mga OFWs sa Japan. We do it through film fests, food bazaars, and cultural week highlighting our colorful music, dances, costumes, and customs," kwento ni Sage. "Para na rin ito sa mga may lahing Pilipino gaya po ni Junko."

"We will make sure our daughter will appreciate both sides of her Filipino and Japanese heritage once she grows up," tumango si Junko. "Kaya magbabakasyon din si Aki dito sa Pilipinas, kahit mag-aaral siya sa Japan kapag malaki na siya."


"That's wonderful to hear," ika ng interviewer. "What about you, Hyacinth, do you have a love life?"


"Naku, wala pa!" Natawa si Hyacinth. "Pero darating din iyon, ayokong magmadali. I don't want to set myself up for heartbreak."


"She knows what to do in life," ika ni Hannah. "Matapang iyan, kaya niya iyan."


"Mas nakatuon sa karera niya bilang guro ang aming bunso," kwento ni EJ.


"To wrap up the interview, what's your message to our viewers, Mr. and Mrs. Jacinto?"


"The right one will come, don't be desperate about it," payo ni Hannah. "At kahit single kayo, enjoy life!"


"Tama po si Ma'am Hannah," ngiti ni EJ sa asawa. "Tignan niyo si Sage namin, happily married!"


"Tama iyan, dad!" Agree ni Sage. "Hyacinth, aabangan ko jowa mo ah? Interrogate ko muna kahit nasa Tokyo na ako!"


"Kuya naman!" biro ni Hyacinth.


"Also, nasabi na namin ang dapat naming ipayo sa aming young audience, kaya we want to share our wedding vow instead," alok ni Hannah.


"Nice, let's end the show with your vow! Here is your friendly vlogger, Miss Storytime Sandy, together with the Jacinto couple, EJ and Hannah, and their children, Hyacinth, Sage, and his wife, Junko. Now, let's hear your wedding vow, EJ and Hannah!"


Si EJ ang unang nagsalita at si Hannah ang huling bumigkas ng kasunod na linya. They ended the line with a smile for each other. Their love never changed.


"Hindi mapaghihiwalay ng panahon at oras..."

"Ang dalawang pusong nag-iibigan nang wagas."



-THE END-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top