Hindi Ako Sumuko
Hindi ako sumuko
Dedicated to @Shanethel
Minsan lang magkagusto ang isang tao
Ngunit bakit palaging doon sa taong malabo?
Malabong maabot kasi malayo
Ang agwat ng estado ng buhay niyo.
Parang langit siya at lupa ka
Hindi mo siya maabot
At hindi siya bababa para sa'yo.
Nakakalungkot na kwento diba?
Kung iyong iisipin ay wala naman sanang mali
Ngunit sabi nila huwag ipilit
Kung alam mong hindi maaari
Kahit masakit ay kailangan tanggapin.
Na ang pag-iibigan natin
Ay mananatiling isang panaginip
Parang isang pangarap na kailanman ay hindi makakamit
Dahil ito'y hindi nakalaan sa akin.
Kung pwede lang pakiusapan ang tadhana ay
Ginawa ko na't nakipagsundo na sana
Ako at ginawa ang lahat ng makakaya
Mapasaakin ka lang.
Ngunit tayo ay nasa reyalidad
Walang mahika,
Walang siyensya,
At walang imbensyong nilikha
Para ang kagustuhan ay ibigay.
Kaya ako ay maglalakad patalikod
Hahakbang ako palayo
Hindi ako sumuko,
Tandaan sanang hindi ito pagsuko.
Sa una palang kasi alam ko nang ako ay talo
Isa akong sundalong sumulong
Sa giyerang tapos na
At wala nang maaring ipaglaban pa.
Kaya paalam ngunit uulitin kong hindi ito pagsuko
Tinanggap ko lang ang aking pagkatalo
Tanggap ko nang walang magiging ikaw at ako
Na malabo ang maging tayo.
-Writer_Lhey✍️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top