- 8 -
"ANG ganda ng batang ito! Sa tingin ko ay magiging star siya sa bahay aliwan natin!," bulalas ng baklang nag-ayos kay Rhodora. Matapos nitong lagyan ng kolorete sa unang pagkakataon ang mukha ni Rhodora, binihisan niya pa ito ng damit na humahapit na sa katawan at manipis lamang ang tela.
"Humarap ka sa salamin, dali!," utos ng bakla.
Tumalima si Rhodora at nag-alangan pang kumilos dahil hindi naman siya sanay sa suot na damit.
"Ganito po ba ang kasuotan ng mga nagtatrabaho dito?," tanong niya.
"Oo, huwag kang mabahala, hindi ka mapapagod. Kung mapagod ka man, sinisiguro kong may kapalit na sarap 'yon."
Hindi nakaligtas sa paningin ni Rhodora ang makahulugang ngiti ng bakla at ni Maritess.
"Tess, salamat sa tulong mo. Bumalik ka dito bukas para makuha mo 'yong ano---"
"Oo, alam ko na basta babalik naman ako. Rhodora, galingan mo para lumaki ang kita mo."
Binalingan ni Maritess si Rhodora sabay kindat.
"Mawawala ang pagiging inosente mo dito," anito bago lumisan.
---
"Presenting, the new seductive woman of this house, Moonlight Lady!"
Matapos magsalita ng MC sa bahay aliwan ay sinenyasan nito si Rhodora para umakyat ng entablado.
"Moonlight Lady" ang ibinansag sa kanya ng bakla dahil nakarating siya ng bahay aliwan na maliwanag ang buwan.
"Open na tayo para sa ating bidding!"
'Bidding? Ano ito?'
Inilibot niya ang paningin sa ibaba ng entablado. Tila nagniningning ang mga mata ng kalalakihan na nakatitig sa kanya. Kung puwede lang ay matunaw na siya sa kahihiyan.
'Anong klaseng trabaho ito?'
Nangingilid ang mga luha sa kanyang mata kasabay ng mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib.
"Limanlibong piso!," anang lalaking nakasuot ng uniporme na pang-sundalo.
"Sampung libong piso!," hirit naman ng lalaking malaki ang tiyan at sa tantsa ni Rhodora ay nasa kuwarenta na ang edad.
"Tatlumpong libong piso!," malakas na sigaw naman ng lalaking mahaba ang buhok at maraming tattoo sa katawan.
"Limampung libong piso!," singit naman ng lalaking matanda na.
Makailang saglit ay wala ng nagsalita pa ng presyo. Ang presyong mas mag-aalok ng mataas ay magwawagi at maiuuwi si Rhodora.
"Wala na bang magbibigay ng mas mataas na halaga?"
Wala ng nagsalita. Nakita ni Rhodora kung paano kumislap ang mata ng matanda at bigla itong ngumisi na may kahulugan.
Lalong kumabog ang puso ni Rhodora sa matinding kaba. Mukhang makukuha siya ng matandang lalaki.
"Isandaang libong piso!"
Napalingon ang lahat, may isang lalaki na nakasuot ng maskara na lumapit. Disente ang pananamit at ang tindig maging ang boses nito ay sobrang pamilyar kay Rhodora.
"Wala na bang mas hihigit pa? Bibilang ako hanggang sampu."
Nagsitahimik lahat. Hangga't sa natapos na ang bilang ng tagapagsalita sa entablado.
"Isandaang libo ang pinakamalaking halaga, mapapasaiyo na si Moonlight Lady!"
Kitang kita ang panghihinayang ng ibang kalalakihan. Inutusan ng tagapagsalita si Rhodora na lapitan ang lalaking nakamaskara.
Inilahad nito ang palad para abutin niya. Alam niyang nagtama ang kanilang paningin at nakaramdam ng pag-asa si Rhodora sa sandaling iyon.
'Bakit parang siya ang taong nagligtas sa akin?'
"Maaari mo nang gawin ang gusto mo sa kanya. Okupahan niyo ang kuwarto sa gawing kanan at mag-usap muna kayo," sabi ng tagapagsalita.
"Saka ko na iaabot ang salapi," turan ng lalaki pagkatapos ay isinama si Rhodora sa itinurong kuwarto.
Nanatiling magkahawak ang kamay nila hanggang makapasok sa loob.
"Ako ito," anang lalaki saka hinubad ang maskara.
Tama nga ang hinala ni Rhodora, salamat sa Diyos at dininig nito ang panalangin na mabalikan siya ng lalaking tagapagligtas niya.
"Paano mo ako nahanap?"
Lalong lumalim ang mga palaisipan ni Rhodora. Nakapagtataka na sa ikalawang pagkakataon ay naisalba na naman siya ng estranghero.
"Basta. Saka ko na ikukuwento, kailangan nating makaalis," turan ng estrangherong iyon.
Lalo lamang itong nagiging guwapo sa pananalita nito.
"Pero paano?," tanong ni Rhodora.
"Itatakas kita Rhodora."
"Bakit alam mo ang pangalan---"
Sa isang kisapmata, nakatulog ang dalaga nang magtama ang paningin nila ng binatang iyon.
-
AGAD na napabangon sa maliit na higaan si Rhodora nang magising siya. Nasa payak na silid siya ngayon.
Suot pa rin niya ang damit na hapit sa katawan kaya agad siyang bumangon at lumapit sa malaking salamin.
Napagtanto niyang napakalaki ng pinagbago ng kanyang itsura dahil sa kolorete at kakaibang kasuotan. Parang nasa ibang katauhan, iyon ang pakiwari niya.
'Nasaan na ba ako? At nasaan na siya?'
Napalingon siya sa gawing kaliwa. May isang istante ng libro na nakapukaw sa atensiyon niya. Mahilig kasi siya sa mga babasahin at agad niyang kinuha ang isa sa mga libro.
Nakangiti siya habang binubuklat ang unang pahina ngunit may yabag siyang narinig na papalapit sa kinaroroonan niyang silid.
"Ikaw pala, salamat sa tulong mo."
Mas lumapad ang ngiti niya dahil nasilayan niyang muli ang lalaking sumagip sa kanya.
Hindi ito umimik. Makailang saglit ay luminga linga ito sa paligid at parang may hinahanap na kung ano.
"May problema ba?"
Hindi umimik ang lalaki. Lumabas ito saglit at may dalang tinastas na sako pagbalik.
"A-ano 'yan?," tanong ni Rhodora sabay turo sa hawak ng binata.
"Isuot mo 'yan," maawtoridad na utos nito.
Nagulat si Rhodora sa sinabi nito. Hindi niya ginawa ang utos kaya naman lumapit na ito sa kanya at ibibalot iyon sa kanyang katawan.
"Bakit?"
Napakunot noo na lamang siya.
"Lantad na ang katawan mo pero nagagawa mo pa ring humarap sa akin nang ganyan?"
Napatungo si Rhodora. Oo nga pala, dahil sa kakaibang kasuotan na nanghahalina ng mga kalalakihan. Lalo niyang ibinalot ang sarili sa sako. Mariin siyang napapikit at tila sinilihan ang mga pisngi niya dahil sa kahihiyan.
"Pansamantalang patitirahin kita sa bahay ko. Ako nga pala si Barom."
Malamig pa sa hangin ang pagkakasagot nito.
Napatalikod si Rhodora at muling napangiti.
'Napakaganda pala ng pangalan ng prinsipe ko.'
Author's note: Thank you po Adventurous_melody. Sana suportahan niyo rin po ang works niya.
To God be the glory.❤❤ salamat po sa nagbabasa nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top