Epilogue
Epilogue
'Til death do us part.
That was the usual line when two people shared their solemn vows. I don't know if I will be dead in no time dahil sa pinaggagawa ko, but I'm satisfied that I got to share it with Zane.
Halos manliit ang mga mata nila nang ipakilala ko si Zane bilang isang boyfriend ko. They are already giving those judgments looks. Ine-expect ko na naman ang reasksyon nila. I've been away for the whole day para lang uuwi na may kasamang isang corpse. Zane might not know what's happening but still, wala namang mawawala.
Dan also came out of the bunker at bakas din sa mukha niya ang pagkagulat. He's not speaking a word. Gulat ba siya o nagseselos na mas pinili ko pa ang patay kaysa sa kanya? Weird it is pero at least, hindi ako iniiwanan ng isang corpse.
My parents can't pull me back in the bunker when they just realized na hindi na pala ako protektado ng mga safety gears. They checked themselves kung may nakaligtaan sila sa sarili nila but they are all suited. Ako lang naman ang nagtanggal ng suit ko. Wala pa namang nangyayaring masama sa akin.
"Anong ginagawa mo, Katrina? Nababaliw ka na ba? Bakit mo tinanggal ang protective gears mo? May mangyari pang masama sa 'yo," nag-aalalang tugon ni Dad. Napapailing na lamang siya ng ulo niya.
Gusto man akong yakapin ulit ni Mom pero hindi niya magawa gayong naghehesitate siya sa gagawin niya. Naiintindihan ko sila. Natatakot sila at hindi naman dapat nila kaming ikatakot.
"I'm okay... nothing bad happened," pagpapalubag ko ng loob pero hindi sila satisfied sa sagot ko.
"This is completely the wrong thing to do, Kate," ani Dad. "Have you lost your mind?"
"Hindi po," sagot ko. "I just knew that this man is still a human."
"She lost her mind," bulong ni Dad.
"Kate... what have you done to yourself? Is this because of losing your brother? You don't have to do this. Makakaya naman nating mabuhay pa ng matagal. Why are you risking yourself? Dahil ba sa isang corpse na 'yan? He's heartless. He's nothing like a human. Nababaliw ka na, anak."
"But he kept me safe when you guys aren't around to help," depensa ko. "He could be a corpse, but he still acts as a human... in some way."
"See? You're not even listening to yourself," said Mom.
"She lost her mind. We lost our daughter," buntong-hininga pa ni Dad.
"I'm not," ngisi ko pa. "I'm still a human... kagaya niyo. I'm not dead."
"Yet," pagpapatuloy ni Dad. "You're not dead yet but because of your stupidity, you will be."
"That's so harsh," I countered.
"Maybe you both deserved to die," Dan said. Napalingon kami sa kanya at saglit lamang ay inilabas niya ang itinatagong baril at itinutok sa direksyon naming dalawa ni Zane.
My parents called him out to put his gun down pero hindi sita nakikinig. Nanginginig ang mga kamay niyang nakatutok sa amin. He's throwing sharp daggers with his eyes to us.
"How could you even do that, Kate? Ang taga-tagal na kitang sinusuyo. I've been trying to get to you pero hindi mo ako pinagbibigyan tapos ngayon malalaman na lang namin na nakikipagrelasyon ka sa isang corpse? Sa isang patay na? Ikaw ata ang patay na patay diyan sa lalaking 'yan dahil siya 'yong kinababaliwan mo no'ng high school. But he's fucking disgusting, Kate. Hindi ka ba nandidiri?"
"Mas nandidiri ako sa ugali mo," tugon ko. "Napakasama ng ugali mo kaya hinding hindi kita pipiliin. Hindi ka rin naman naging option sa akin. And this corpse who you called disgusting is much more of a human than you. Hindi siya duwag na tinatakbuhan na lang ako at iniiwanan. You're a coward, Dan. Stop acting like you're the brave one here.
"Dan, put the gun down then go back inside the bunker," Dad ordered, but he's not listening.
I'm trying not to be emotional. This isn't the day to be emotional. Someone needs to step up and be brave and that should be me.
"You're such a coward, Dan. You're hiding behind that gun. Alam mo namang wala kaming laban and you think you've got all the power, isa ka pa rin namang duwag."
"But you still did a wrong thing here Kate," sabi ni Dad.
"And with what you did, hindi ka na namin pwedeng papasukin sa loob ng bunker," sabi ni Mom.
"That's unfair."
"Bagay lang sa 'yo 'yon at sa jowa mong patay," tugon pa ni Dan.
Pero mayamaya lamang ay nakarinig kami ng isang nakakatindig balahibong alarm. At isa lamang ang ibigsabihin no'n.
"We need to get back inside the bunker now," utos ni Dad.
"Isa na naman ba itong malawakang pagsabog?" tanong ni Mom.
"Posible," sagot ni Dad.
Nang binuksan na nila ang bunker at hinatak ko rin si Zane para makapasok kami sa loob pero agad akong hinarangan ni Dad. Iling lamang binigay nito sa akin.
"I'm sorry Kate... I can't let you in," anito.
"And goodbye to your dead—dead boyfriend," ani Dan.
Hindi ko inaasahang papaputukin nito ang baril at direktang tumama iyon sa ulo ni Zane. Bumagsak sa lupa si Zane at agad ko naman itong nilapitan. Nakadilat ang mga mata niya at wala na siyang buhay ngayon. Wala na si Dan. Nilingon ko naman silang tatlo at halos nagulat din sila sa nangyari pero mabilis din silang pumasok sa loob ng bunker at nang pilitin kong habuling makapasok sa loob ay tuluyan na nila akong pinagsaraduhan ng metal door.
Patuloy lamang ang malakas na alarm na pumapalibot sa buong siyudad. Nararamdaman ko nang dumadagundong ang lupa. Lumapit na lamang ako kay Zane at pinatong ang kanyang ulo sa hita ko. Ramdam ko ang itim na dugong dumadaloy palabas sa kanyang ulo at this time, hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha.
Kung kailan masaya na ako. Kung kailan dumating na 'yong panahon na mas mapalapit ako kay Zane ay naglaho pa. Siguro nga malupit ang tadhana at hindi nararapat na mangyari ang dapat na mangyari. I know he's already dead kaya ko tinanggal ang protectiive gears ko dahil gusto ko ring maging katulad niya pero mukhang hindi na namin mararating ang dulo.
At kahit hindi kami kasal, it was death who set us apart.
Dan and my parents have no mercy on me. Mas pinili nila ang kaligtasan nila at masaya naman ako para sa kanila. At siguro hanggang dito na lang din ang lahat. I thought I could survive this apocalypse but in the end, hindi rin pala. But it's also a part of my decision... and I thought I'll be happy.
Hinawi at inayos ko ang buhok ni Zane. Inilapit ko siya sa akin at niyakap ng mahigpit. I planted a kiss on his cheek at kahit hindi na niya mararamdaman 'yon, maybe in the after life, magkikita kaming dalawa.
So when I felt the huge storm of nuclear smoke coming on our way, huminga ako ng malalim habang nasa bisig ko si Zane. It is as if preparing myself to be one of them. To be one with the corpses.
I may never get to have a happy ending with Zane, at least I met him before I turned something else, something heartless.
And so the nuclear smoke finally devours me. I have no idea what will happen to me but either way, I was happy.
I am happy.
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top