Chapter 9
Chapter 9
"It's still not safe out there. Mas marami pang corpses ngayon," anunsyo ko.
I chickened out. I fucking chickened out to tell them the truth. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang wala na si Troy. I know they will hate for keeping this pero kung kaya ko pa namang ilihim sa kanila, I would do it. Malalaman at malalaman din naman nila 'yon.
Muli na lamang nila akong niyakap. Ilang araw din akong nawala at karamihan sa kanila ay nag-aalala kung makakabalik pa ba ako o hindi. And now that I'm back inside the bunker, takot na takot naman sila. Isa lang naman ang tumatakbo sa mga isip nila, baka isa na akong corpse at isa pa roon ang pananatili ko sa bahay kasama si Zane.
At ang iba ay hindi pa naniniwala. Gawa-gawa ko lang daw ang kwentong iyon. Bahala na sila sa buhay nila kung papaniwalaan nila ako o hindi. Hindi ko naman sila karga habang buhay.
Nang binigyan muna nila ako ng space para makapaglinis ng katawan at kumpunihin ko ang sarili ko. It wasn't really that bad when I was still living with Zane. I didn't feel in danger dahil madalas ay siya pa ang sumasagip sa akin mula sa ibang corpses. And they might not believe it, sila ang ipapalapa ko sa mga corpses na 'yon.
Nang matapos akong makapagbihis at makakain ng maayos, napansin kong papalapit siya sa akin. Hindi pa man siya tuluyang nakakatabi sa akin, napapaikot na agad ang mga mata ko at napapabuntong-hininga na lang ako. He left me alone to die, kasalanan niya rin 'to.
When he finally seats next to me, naghanap pa ito ng tiyempo para magsalita.
"Ayos ka lang, Kate?" Dan asked. Parang tanga lang 'di ba?
"Ano bang klaseng tanong 'yan, Dan? As if naman ang sagot ko 'di ba?" aniko saka ko siya tinarayan. Nagpahid naman ako ng alcohol sa kamay ko at nag-spray maging sa buo kong katawan. I don't if this helps pero bahala na, basta maging malinis lang.
Nasinghot at naubo naman si Dan dahil sa alcohol. "Nag-aalala lang naman ako..."
"And I called for help, hindi niyo man lang ako tinulungan?" gatong ko pa.
"We tried, Kate. We were looking for you ever since you got lost. At kung hindi man makita ngayong araw, susubukan ulit namin. Ang Papa mo ang nag-utos na hanapin pero bakit hindi ikaw ang bumabalik dito?"
"I was trapped in a house with a corpse, Dan. Isipin mo muna ang kalagayan ko. Masyado ka kasing duwag at tinakbuhan ako. You could've helped me instead of running away from the scenario."
"I'm sorry..." he heaved out a deep sigh.
"Sorry's are invalid now..." aniko. "But thanks for helping Dad."
Suddenly, from sadness, it was turned into something hopeful. "No problem, Kate..."
Tumango na lamang ako sa kanya at nagpatuloy sa pag-aayos ko sa sarili ko.
"Oo nga pala, remember Sam Sung?" tanong niya, tango lamang ang sagot ko. "Us, people inside the bunker had to eject her out of the premises. Hindi niya pala sinabi sa amin na nabutas ang kanyang protective suit dahilan para maapektuhan ang kanyang balat at pumasok ang hangin sa loob no'n. Even though she wanted to stay inside, it is also her decision to keep everyone safe here."
"So she sacrificed herself..." I muttered.
"Yup, she did..." at muling paghugot ni Dan ng malalim na hininga. "So, I'll let you take a rest for now. You might be sleepless so I'll let you have it."
"Thanks..." I nodded and then watched him took off.
Kung alam niya lang na mahimbing din akong nakakatulog sa bahay ni Zane, mag-iiba ang tingin niya rito. Pero no'ng normal pa nga ang lahat, he hated him so much so hindi na magbabago 'yon. He'll still hate him kahit bumaliktad pa ang mundo.
***
Nanatili lamang ako sa pwesto ko. Kakagising ko lang din at nakakarinig ako ng ilang bulungan sa paligid. Nang mariin kong pakinggan kung anong diskusyon ang nangingibabaw, nangibabaw ang usapan sa paglabas muli ng bunker. Alam kong kinulang kami sa supply ngayon dahil hindi ko naiuwi ang dapat kong iuwi.
Nang umayos ako at umupo, napansin ko namang lumapit sa akin si Papa.
"Hey, how are you, Kate?" aniya at hinagod ang likod ko.
Bahagya akong tumango. "Okay naman po..."
"Mabuti naman," aniya at idinala agad sa iba ang usapan namin. "Kate, we're running out of supplies. Sa tingin mo ba, makukuha mo pa iyong naiwan mong bag na naglalaman ng mga nakuha niyo sa grocery?"
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam..."
"Gusto mo bang lumabas ulit, Kate? Ikaw lang ang nakakaalam kung nasaan ang bag na 'yon."
Tiningnan ko siya sa mata. "Kakarating ko lang ulit dito sa bunker. Ayoko muna... sasabihin ko na lang sa inyo kung saan ko naiwan. Hindi pa talaga ako makakalabas ngayon. Gusto ko munang manatili dito."
"I understand, Kate..." at buntong-hininga pa nito. "But you know it more than anyone in this room, Kate. And I'm happy that you're here and well. Siguro alam mo na kung paano pumuslit ng daraanan 'di ba?"
Hindi ako umimik.
"But why are you with that Zane? He's dead, right? Bakit hindi ka niya sinasaktan o kung ano man?"
"Because he's far from being one," sagot ko. "I guess... he's transitioning to become one. Hindi pa siya isang corpse. He's still a human but he can't communicate anymore. But within those days I wasn't here, he kept me safe."
"Then do you want to know if he's alright or not?"
"You're just luring me to go out with you," aniko. "Pero sige na, sasama na ako. We'll retrieve that bag at pagkatapos no'n, hindi na ulit ako lalabas ng bunker hangga't sa gusto ko. I know we all have something to share here but I've done more than anything could do out there."
"Good to know that, Kate..." He muttered. Niyakap naman niya ako ng mahigpit. "Tomorrow, first thing in the morning, we'll be going out, okay?"
And all I could do is to nod my head and go with it. I'm not sure why am I risking myself again pero bahala na kung anong mangyari. Mamamatay din naman kaming lahat sa huli. Nauna lang ang karamihan sa mundo.
***
Maaga kaming nagising. Pinaghanda kaming lahat para sa paglabas muli namin sa bunker. This would be the last time I'm going out. O kakainin ko lang ulit ang mga salita ko bandang huli. Hindi ko na alam.
Gaya ng nakasayanan sa tuwing maghahanda kami palabas ng bunker ay nagsusuot kami ng protective suit, gas mask, at armas na pang-depensa namin sa mga living deads. Naaalala ko kung ano nang nagyari kay Zane matapos siyang mahulog sa lawa. Hindi naman pwedeng maging triple dead na siya. He could still be alive.
"Guys, be ready," anunsyo ni Daddy.
Humigpit ang mga hawak namin sa mga armas namin. We're also doing a route to the grocery para sa panibagong supplies. At hanggang may supplies sa grocery store, it can help us to love. At hindi naman sigurado kung hanggang kailan iyon.
Nang buksan ang metal door ng bunker, isa-isa na kaming lumabas. May bumungad agad sa aming mga corpses at dahil handa ang ilan sa amin ay madali nila iyong napatay—muli. We're targetting their heads at hindi namin alam kung bakit dapat doon, iyon lang din ang naiisip naming paraan para pigilan sila.
Lima lamang kaming lumabas. I'm with Dan and Dad and the other two guys. Might look like an Avengers but we're far from being one.
When we felt like we can already move out of the backyard lawn, nagsimula na kaming maglakad sa papunta sa lugar kung saan makakahanap kami ng mga bagay na makakatulong sa amin. I also needed to retrieve that oxygen tank I lost a few days ago. Kailangan kong mabawi ang lahat.
But when there's a corpse walking towards me, hindi ko magawang i-asinta ang baril ko. Hindi ko nga magawang iputok. Parang sa tingin ko ay kay Zane ko iyon ginagawa. Parang hindi ko kaya. I can't kill them.
"Kate, anong nangyayari? We need you here, please focus," Papa demanded, mabilis akong tumango sa kanya. "Saan na 'yong sinasabi mong iskinita? Iyon muna ang pupuntahan natin."
"Sundan niyo na lamang ako..." aniko at nakapaligid naman sila sa akin para maging bantay sa anumang living deads na lalapit sa amin.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Hindi kalayuan ay narating namin ang iskinita kung saan kami nagkahiwalay ni Dan. Mabuti na lang ay nandoon pa ang oxygen tank at kanilang kinuha iyon at itinabi agad. At sa iskinita na ito ay una kong nakita si Zane. I was looking around to see him pero wala. Mga random corpses lamang ang nakikita namin at kanilang pinagpapatay ang mga 'yon.
I just looked away. Hindi ko kakayanin kung si Zane ang tuluyang mapapatay. He's already dead so I hope he won't be dead—dead.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top