Chapter 12
Chapter 12
Iminulat ko ang mga mata ko at nagtaka na lamang ako na merong nakatapis sa ulo ko at maging sa buo kong katawan. Gagalaw pa sana ako ng makarinig ako ng ilang ingay at kaluskos sa paligid. Sa pagkakataong iyon, nagkaroon na ako ng ideya kung anong nangyayari. Pinakiramdam ko ang mga naglalakad sa paligid ko at nanatili ako sa posisyon ko na parang bato.
Saglit lang ay may tumapak pa sa paa ko. Hindi ako makasigaw. Hindi ako makapagbigay ng reaksyon. Kumunot na lamang ang mukha ko sa sakit na naramdaman ko. Halos pakiramdam ko ay bumaon sa balat ko ang buto ng corpse na ito. I just couldn't make a sound kung hindi lago ako nito. Siguro ay plano rin ni Zane na itapis ang itim na telang ito sa buo kong katawan para hindi ako makita.
Kaya nanahimik na lamang ako upang hindi ako malapitan. Mga ilang minuto ko rin silang pinakiramdaman at tuluyan rin namang nawala ang ingay sa paligid. Nang masigurado kong ligtas na ako ay hinawi ko paalis sa ulo ko ang tela. Binungaran naman ako ng liwanag kaya iniwas ko ang mata ko sa sinag ng araw
Dahan dahan naman akong tumayo pero bigla akong nakaramdam ng pag-ikot ng paningin ko. Pero pinilit ko pa ring tumayo at gayong muntik akong mawalan ng balanse, to my surprise ay sinalo ako ni Zane. Napatitig pa ako sa kanya at nagmadali akong umayos sa pagkakatayo at ngitian ko siya.
"Salamat..."
Umupo na lamang ako sa upuan. Umalis si Zane sa harapan ko at mayamaya lamang ay may bumalik siya sa akin na may na bote ng tubig. Ibinibigay naman niya iyon sa akin at kinuha ko. Uminom ako ng tubig at isinandal ko ang likod ko sa upuan.
See? He's not that bad at all.
He cares for me. He's not like any other corpses.
"Do you know the reason why I came back Zane?" I asked, alam ko namang hindi niya ako masasagot pero gusto ko lang i-share sa kanya kung anong tumatakbo sa isip ko. He just groaned at me. I know he wanted to say something pero walang lumalabas sa bibig niya. He can speak for sometime pero kadalasan ay puro ungol lamang niya ang nagiging tugon niya. "Because I care for you, Zane... I wanted to make you feel human again kahit na isa ka ng living dead."
Wala naman siyang binigay na reaksyon sa akin. His usual expression, grumpy.
"Zane, may naisip ako," aniko. Hindi ko sigurado kung papakinggan niya ako o hindi. Wala namang masama kung maiintindihan niya o hindi. Pero ang ikinagulat ko ay ang sunod niyang ginawa. Lumapit si Zane sa akin at ikinulong ako sa kanyang mga bisig.
Niyayakap niya ba ako ngayon? Ginawa na niya ito no'ng nakaraan pero ngayon ko lang naramdam ang mainit niyang yakap sa akin. He doesn't feel like dead to me. Para siyang normal na tao lamang. If he's still alive pero sa tingin ko, hindi naman nababago ang lahat. If he's dead or not, kinahumalingan ko ang lalaking ito at ngayon ang pagkakataon na mas mapalapit sa kanya, sasayangin ko pa ba ang pagkakataon?
Binawian ko rin ng yakap si Zane at ikinulong ko siya sa bisig ko at saka hinigpit iyon. I wouldn't let him go. Not this time around.
Kahit pa isang manhid at malamig na katulad niya, hindi imposibleng mahulog pa rin ang dadamin ko sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top