Chapter 11

Chapter 11


I bound to get up early in the morning. Everyone's deep asleep. Kinakabahan ako sa gagawin ko pero desidido naman akong gawin ang bagay na 'to. I've been more decided than just now. I don't know what's the benefit I'll be getting from it pero wala rin namang mawawala sa akin. Mag-iingat naman ako. Hindi ko naman hahayaang mapahamak din ang sarili ko.

I tiptoed my way to the armory area. Tahimik naman akong nagsuot ng protective suit, gas mask, at ang baril na kinuha ko mula sa drawer. Ingat na ingat pa ako sa mga galaw ko dahil hindi pwedeng magising sila. Tiyak na pipigilan pa ako kung sakali.

In a moment, sisilay na muli ang araw at kailangan kong makalabas bago pa man sila magising isa isa. When I'm fully-equipped, binalik ko ang tingin ko sa mga kasamahan ko sa loob ng bunker. They were still asleep. Nangingibabaw pa ang mga malalakas na hilik ng mga kalalakihan.

I know they help me to get back inside the bunker at kung pagiging matigas ng ulo ang gagawin ko ngayon, hindi naman masama ang gagawin ko. I will just look for Zane... that's all.

I took a deep breath and push the metal door to get out of the bunker. Agad ko rin namang isinara iyon. Madilim pa sa paligid. Panigurado mga thirty minutes ay sisikat na ang araw. Binilisan ko na lamang ang paglalakad ko para marating ko kaagad ang bahay na nilunggaan ni Zane.

There were corpses around pero mabilis ko rin naman silang natakasan. Hindi ko sila kailangang patayin. Tumatakbo na lamang ako palayo o nagtatago para hindi nila ako sundan. Effective naman ang naging plano ko. 

Hindi kalaunan ay narating ko naman ang bahay ni Zane. Maliwanag na rin sa labas at nilakasan ko na ang boses ko para tawagin si Zane. Hinalughog ko na rin ang paligid pero wala si Zane. Maliit lamang ang bahay niya pero wala siya rito. He could be dead, drowning from that moment.

Bigla akong nanghina ng isipin ko iyon. Bumagsak ang balikat ko. Dapat hindi ako nag-aalala sa isang taong patay na. Hindi dapat pero hindi ko rin alam kung anong ginawa sa akin ni Zane para mag-alala sa kanya ng ganito.

Nakaramdam naman ako ng malamig na kamay sa balikat ko. Agad akong humarap saka ko sinipa iyon. I positioned my arms with the gun on my hand. Ipuputok ko na sana ang baril nang ma-realize ko kung sino iyon. Agad ko naman siyang nilapitan. Yayakapin ko sana siya pero nag-alinlangan akong gawin iyon. Hindi ko rin inaasahan na makikita ko siya ngayon.

'"Zane... ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

Tiningnan lamang niya ako sa mga mata ko. Then he just groaned. I know he wanted to say a word pero hindi niya iyon magawa. But one thing I finally made sure na ligtas siya. Na hindi siya namatay ulit. I'm proud of him though.

Tuluyan naman kaming pumasok sa loob ng bahay ni Zane. Nanatili ako sa isang tabi habang nakatayo siya sa gilid at nakatuon din ang atensyon niya sa akin. Tinitigan ko naman si Zane. Mukhang hindi na naman siya basa. Mukhang hindi niya rin inalala ang nangyari sa kanya kahapon. At ngayong nandito ako kasama siya, anong sunod na gagawin ko?

Nakaisip naan ako na palitan ng damit si Zane. Pinaghintay ko siya sa kanyang pwesto kahit hindi naman talaga siya gumagalaw doon. Naghanap ako ng damit sa bahay na tinutuluyan niya at nakahanap naman ako ng black shirt. Hindi lang ako sigurado kung kasya ito sa kanya pero mukhang kasya naman sa kanya. Halos umimpis din ang katawan ni Zane na halos batak na batak noon sa muscles. 

Being dead made him a different person—a living thing.

"Papalitan kita ng damit," I tilted my head to search for his eyes. Wala naman siyang sagot sa akin kaya ginawa ko na ang gusto kong gawin. 

Sapilitan kong inalis ang suot niyang damit at sumusunod naman siya sa utos ko. Ipinunas ko sa kanyang katawan ang hinubad niyang damit saka ko isinuot sa kanya ang bagong shirt. Napatitig pa ako sa katawa nito, hindi naman ako nandidiri, naaawa lang ako dahil puno ng itim na ugat ang kanyang balat. Ibigsabihin lamang no'n ay ibang dugo na ang tumataglay sa kanyang katawan.

When he's finally wearing a new shirt, bahagya kong inayos ang buhok niya at ipinormang spikey gaya noong mga panahong madalas ko siyang makita. Habang inaayusan ko siya, napansin ko ang kurba sa kanyang mga labi at agad din iyong nawala. Hindi ako sigurado sa nakikita ko. Baka namamalikmata lamang ako.

Walang emosyon ang mga katulad nila. Nagha-hallucinatena nga siguro ako.

Idinala ko si Zane na maupo sa isang tabi sa sahig. Pinilit ko pa siyang makaupo. Ginaya na lamang niya ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung anong sunod kong gagawin. Magkatabi kami at nakatingin sa kung saan. Pumukaw naman sa atensyon ko na kunin ko ang kamay niya. Dahan-dahan ko namang ikinulong ang kamay niya sa akin at inihilig ang ulo ko sa kanyang braso.

"Ganito muna tayo Zane..." aniko. "Kahit ngayon lang..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top