Chapter 1

Chapter 1


A destructive nuclear explosion ended the civilization, in every single country of the world. Walang tinira, walang pinalagpas. Lahat ay apektado at kahit sino ay walang kawalan. The explosion comes from Central Asia which immediately spread through the neighboring country until borders are gone and international laws become nothing. The explosion also spread through the air and the earth's atmosphere became unsafe. No one knows what happened. Not even one who is still alive.

People around the world became infected from the nuclear atmosphere. Everything became horrible, people turned to something worse than everyone could imagine. One thing that they were sure of, all people that got infected from it instantly die within a second and surprising as it looks, but still terrifying to see, dead people came back to life--not alive, dead but not a human anymore.

A living corpse. An infected-deceased human.

The Philippines is one of the countries that have a high percentage of people who died from the deadly explosion. There are no total numbers of people who were still alive and living up to this day but no one's sure when they will stay alive. 

And that's what they said, I've been hearing stories from them that this is the true story that happened all over the world. Naniniwala naman ako kasi walang ibang mababalitaan. Wala ni isa sa amin ang nakakaalam kung may buhay pa ba sa ibang dako ng bansa o kaya sa ibang bansa. Kami-kami na lamang ang nakakasiguradong buhay, hindi pa naman sigurado kung hanggang kailan kami malalagay sa ganitong sitwasyon.

Bago pa man kumalat sa lugar namin ang nakakamatay na hangin, ang ilang kakilala namin ay niyaya namin sa loob ng bahay namin. Our house has an built-in bunker. Hindi namin iyon pinagawa, nandiyan na 'yan simula nang lumipat kami sa bahay na 'to. It feels like tamang-tama sa sitwasyon namin ngayon dahil nailigtas kami nito. Mabuti na lamang ay nasabihan namin kaagad ang ilan sa aming mga kakilala kaya nagkaroon kami ng kasama at kakampi.

"Kate," may tumawag ng pangalan ko pero abala ako sa pag-aayos ng gamit ko. "Katrina Madison." Pag-uulit nito kaya nilingon ko na. Si Mommy pala ang tumatawag sa akin kaya napangiwi na lamang ako ng harapin siya. "Ang busy mo masyado pero... sasama ka ba ulit sa  pag-iikot sa labas?"

Huminga ako ng malalim at tumango. "Yes... I'm always ready."

Sa bunker na ito, almost twenty na ang nanunuluyan. Sa bawat paglabas ng bunker at may nakikitang tao na pwede nilang sagipin ay dinadala nila sa bunker. Pero bago nila gawin 'yon, sinisigurado muna ng lahat na safe at hindi isang corpse ang inuwi nila. Kahit masikip at nasasari-sari na ang amoy ng bunker, wala kaming magagawa. Ito ang magiging tahanan namin hanggang sa bumalik sa normal ang lahat. 

Pero kailan nga ba? No one even knows.

Lumapit si Mom sa akin para bigyan ako ng mahigpit na yakap. She's trying to be emotional pero minsan, hindi na rin niya napipigilang ibuhos ang kanyang mga luha. "Be safe, Kate... and please, bring your brother home safe and sound..."

I nodded. Not assuring but enough to make her feel okay. "Yes Mom, I will... and we will find Troy."

She smiled at me. Alam kong pilit iyon dahil mahirap para sa kanya ang sitwasyong ito. She mouthed thank you to me and held my hand for a few seconds until she meets some of the people and checks them in.

Kinuha ko naman ang gas mask na nakapatong sa lamesa at lumapit ako kay Dad. Abala siya sa harap ng kanyang computer. Good thing, the energy has been conserved at hindi lubhang naapektuhan pero may pagkakataong nawawalan ng energy at bumibigay ang mga ito. Naiintindihan naman namin at wala pa rin kaming magagawa roon.

"Dad, mas ligtas na bang makalabas ngayon?" tanong ko. Tumapon naman ang tingin ko sa monitor screen.

"Hindi ko sigurado, Kate," tugon nito sa akin. Ang buong atensyon niya ay nasa computer pa rin. "May inaayos lang ako ngayon. Kailangan kong ma-activate ang address ng CCTV na ito sa isang area para makita namin kung anong nangyayari. We can't be blind to know what's happening around. Kailangan lagi tayong alerto at may alam."

"I understand, Dad..." aniko. "Pero paano si Troy? Nag-aalala pa rin si Mom."

Humugot siya ng malalim na hininga at tiningnan ako sabay umiling ito. "Hindi 'ko alam, Kate... wala rin akong ideya."

Troy Madison is my younger brother. Dalawa lang kaming magkapatid. Eighteen years old ako at tatlong taon lamang ang pagitan namin sa isa't isa. Ang huli lamang naming alam kay Troy ay sumama ito sa mga kaibigan niya para maglaro ng basketball. Matapos no'n, hindi na namin siya ma-contact. Hindi na rin kami sigurado kung nakaligtas ba ang kapatid ko o hindi. Pero naniniwala pa rin akong ligtas siya.

Sana.

"Kate," may tumawag ng pangalan ko kaya nilingon ko kung sino. 

Si Danilo Santiabez lang pala. Iniwan ko si Dad na busy sa ginagawa niya at lumapit ako kay Dan. Aabutin pa sana nito ang kamay ko nang makalapit ako pero bigla kong binawi ang kamay ko.

"Ayos pa ba tayo, Kate?" kunot-noo nitong tanong sa akin. Ano bang aasahan ko sa lalaking ito?

"Uh... wala namang tao, Dan? Ambisyoso ka na naman." sagot ko sa kanya. Iritado ako ng slight. Simula kasi ng mag-stay kami sa loob ng bunker, hindi na rin niya ako tinigilan kausapin at kung ano-ano pa. It looks like he wants to court me in times of world disaster.

"Okay. Pero bakit ka naman iwas ng iwas sa akin? Alam kong hindi na ako nakakaligo. Ikaw rin naman..."

"Gosh Dan, hindi mo naman kailangan ipamukha sa akin na hindi tayo nakakaligo. Of course, saan ba tayo kukuha ng supply ng tubig? Duh. Common sense naman." Pag-irap ko pa ng mata sa kanya. "Find your common sense before you start talking to me again, baka that time, maayos na kitang kakausapin."

Tinalikuran ko siya at iniwan. Hindi naman siya bobo pero mukha talaga siyang bobo dahil parang walang alam sa bagay-bagay. Hindi ko naman siya minamalit dahil hindi ko siya gusto. Kinaiinisan ko na talaga 'yang lalaki na 'yan noon pa. Sana nga si Troy na lang ang nandito imbis na si Danilo. 

"Nakuha ko na ang CCTV!" anunsyo ni Dad kaya lahat ng atensyon namin ay tumapon sa kanya. Lahat naman ay sabik tingnan ang screen ng computer para makita kung anong nangyayari sa area na 'yon. Ini-isa isa ni Dad ang pagkuha sa linya ng mga CCTV, isa siyang expert sa mga ganitong bagay sa teknolohiya kaya nakakagawa siya ng paraan para hindi kami maging bulag sa kalaban namin. Kaya rin naman nalaman na may mga patay na nabubuhay dahil dito. See? Dapat gano'n ang pag-iisip ni Danilo.

Utak talangka e.

"Anong meron? Ba't hindi malinaw?" komento ng isa nang makita ang CCTV.

"Iyon na nga ang problema, napapaligiran ng makapal na usok ang paligid kaya mahirap makakita pero siguro kapag lumipas ang ilang oras ay lilipas din ang usok na 'yan. Sa ngayon, maging maswerte na tayo dahil nakahanap ulit tayo ng bagong area na pwede nating kuhaan ng supplies."

Nagdiwang naman ang iba pero hindi pa rin ako kampante. Parang may hindi ako magandang nararamdaman dito.

"Teka! Anong meron do'n?!" Turo ng isa sa monitor screen.

Biglang humawi nga malakas ang hangin at saka luminaw ito pero ang kasunod namang nangyari ay malakas na pagsabog. Hindi namin maririnig sa loob ng bunker pero ramdam namin, gumalaw ang lupa at lahat kami ay kinabahan sa nangyari. Madalas itong mangyari lalo na kapag may mga sumasabog sa kalapit na bahay. Sa isip namin ay mga tangke iyon na nagiging dahilan para mangyari ang mga iyon pero sa panahon ngayon, wala nang kasiguraduhan ang mga pakiramdam namin.

Nang kumalma ang lahat ay nanatili kami sa aming mga posisyon.

"Sa tingin ko hindi pa tayo pwedeng makalabas ulit," anunsyo ni Dad.

"Pero wala na tayong supplies!" sigaw ng isang babae. "May gask mask naman tayo sa ilang supplies na nakuha natin, pwede na 'yon."

"Pwede nga pero kailangan pa rin natin manigurado." sagot ni Dad. Kailangan lang muna natin manatili rito hangga't sa mawala ang usok sa labas. Kahit mga ilang oras ang ibigay natin." aniya at sumang-ayon din naman kaagad ang karamihan.

Dahil amin ang bunker na ito, si Dad ang tumayong leader sa grupong ito. Lahat ng galaw namin ay kailangan niyang malaman. Siya itong may alam sa nangyayari kaya naniniwala naman kami sa kakayahan niya. Iyon nga lang, hanggang doon lang ang nakikita ni Dad na kaya niyang gawin. Ang humingi ng tulong sa iba na ay malayo sa katotohanan. Ang signal towers ay lubang naapektuhan kaya nahihirapan ding sumagap si Dad ng signals.

Nang bumalik sa kanilang pwesto ang lahat ay naupo naman ako sa isang tabi. Tinabihan din naman ako ni Danilo. Hindi na talaga ko nito nilubayan. Kung pwede lang namin ipatapon 'to ay ginawa na namin pero hindi namin sigurado kung pagpi-piyestahan siya ng mga patay dahil wala 'tong utak.

"Kate, may ginawa akong armas," aniya at napatingin ako sa ginawa niyang kutsilyo na gawa sa metal.

"Anong gagawin mo diyan?" Pang-iintriga ko.

"Ililigtas ka. Po-protektahan kita."

"Hindi mo na kailangan pang gawin 'yan, Danilo. Kaya kong protektahan ang sarili ko."

"Pero kung gusto mo lang naman..."

"Hindi na nga sabi!" bulyaw ko pa at saka siya natigilan at natihimik sa tabi ko.

Bigla namang kumalam ang sikmura ko. Nagugutom na naman ako pero may rasyon kaming sinusunod para hindi maubos kaagad ang supplies namin. Ang sunod na hindi ko lang inaasahan ay may inabot si Danilo sa akin na bar ng chocolate.

"Ano 'yan? Ba't mo binibigay sa akin?"

"Narinig ko ang sikmura mo. Itinabi ko ito pero mukhang gutom ka kaysa sa akin."

"Okay lang, itabi mo na sa 'yo 'yan." sabi ko pero natatakam na ako.

"Please, kunin mo na." Pagpipilit niya kaya kinuha ko na at agad kong binuksan saka kinain. Hindi ko na siya nagawa pang alukin dahil naubos ko rin kaagad ito. "Pasensya na, Danila. Salamat..."

"Walang anuman..." ngiti pa niya sa akin saka niya ako iniwan.

This is my life now. This is what we have to live every day. Mahirap pero kailangan naming mabuhay kahit mahirap. Dahil ayaw namin na isang araw na lang ay magiging na lang kaming patay na... o malalaman ba namin iyon kapag nagkataon? Walang nakakasigurado. Pero hindi magiging okay ang lahat hangga't ganito ang sitwasyon. Lalamunin pa rin ako ng kaba dahil sa mundong ito... kamatayan ang huling maghahatol.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top