44

Montemaria

Chase's POV

"C-Chase... Bibisita ka??" Tanong ni papa saakin pero hindi ko s'ya hinarap, nagpatuloy lang ako sa pagtingin sa singsing na dapat ibibigay ko sa kanya sa araw ng kasalan namin...

"Chase?" Tawag n'ya muli pero para bang wala na kong gana sa lahat... Pangatlong araw nang mawala s'ya sa aking bisig... Ang hirap lang tanggapin... Ito na ba yung kapalit ng sobrang kasiyahan na naranasan ko?

Mali pala talaga na magpakasaya ka ng sobra kase yung sayang yon kaya pading palitan ng sobrang kalungkutan...

"Son... Please don't be like this... At least eat! It's been 3 days-

"Kung kakain ba ko mabubuhay s'ya, pa?" Putol ko sa sasabihin n'ya nang hindi s'ya tinitignan at wala akong narinig ng kahit ano mula sa kanya kaya sumandal ako sa sofa at napapikit ng mariin.

Ano na kaya mangyayari sakin? Kakayanin koba? Ayaw n'ya namang sumunod ako... Coz' I made... A promise... Pag ba naiisip kong sumunod sa kanya feeling ko hindi n'ya na ko mamahalin dahil sa ilalabag ko yung death wish n'ya. Tang ina. Bat ba ganito nangyari?

"Dada?" Tumigil ako sa pagsabunot sa aking buhok at nilingon si Aerody. "Dada... Can you join me... Eat my nomnom?" Yaya nito at nakita ko sa likod n'ya si Anastasia... Anastasia? S-She's alive? Fuck... I forgot...

"Anastasia...." I mumbled and she grins at me and ran at me with those snacks he have. "Kuya! Mama would be angry if you won't eat!" She scold kaya nawala yung ngiti ko.

B-Buhay din si mama?!

I suddenly stood up at biglang pumasok si papa. "Where's mom?" tanong ko kay papa at sinulyapan n'ya sila aerody. "Aerody... Why don't you take your twin out for a while?" Sabi nito at kaya niyaya na ni Aerody si Anastasia palabas.

"Where is she?" I asked calmly and I sat back the sofa. "I already told you everything yesterday... Did you forgot?" Dad said from my back but I shook my head no.

"I... Ugh... I think my head is not yet stable to understand things... Sorry..." I hold my head and sigh. "It's alright... I understand... You can ask me anything that you want to know... And I promise to come clean on you..." He said but I just clench my hair again.

Napuno ng katahimikan ang silid pero alam kong nasa likod padin si papa sa likuran ko. "Pa?" I called and looked at him.

Para bang naalerto s'ya kaya lumakad paharap ko "Why?"

"I wanna know... Where's mom?" I stammered so he sat across me. Based on his actions... It looks like... Mom really did not make it...

"I-I'm sorry... But... She's with God... A-As long as I want her to stay..." He paused and shrug his shoulders at me and chuckle. "But maybe God had a better plans for her." It was clearly obvious that he forced himself to speak out.

"How does it feels like?"

"Feel what?"

"Living without the most important person in your life? D-Did you also have the thought of going with her also?"

He gave me a sad smile and he sighs. "It's really hard son... I really love your mother... And it took me 3 years to accept that she's really... With God... And yes, I always have that thought but then I also have the thought na kung susunod ba ko sa mama mo mapapatawad moko sa nagawa ko? I can't bury with that lies, I want to fix those and I know my kids still need me so I can't go with her yet." He said at napangisi ako.

"Now that I already forgave you, tara pa, sabay na tayong sumunod sa kanila." Biro ko at natawa si papa at mapaglarong batukan ako. "That's my silly old dean."

Inirapan ko lang s'ya at napangiti. "But I still can't go. Your mom told me to stay and take care of you at gusto ko din yung death wish n'ya, for us to bond, like the old days. Let me be a father to all of you again..." He said at nawala ngiti ko dahil sa naalala ko ang nasabi saakin ni Cinderella bago pa s'ya mawala.

"I'll ask you again..." I look at dad and he pats my shoulder and said. "Bibisita kana? Pwede kitang samahan..."

I put his hand away and shook my head no. "Okay na ko... Sa side natin... Pero... Hindi ko kayang makita s'ya.. N-Na nasa... Kung nasan man s'ya... Nahihirapan akong tanggapin pa... I'm sorry..." I stood up and walk towards the terrace of my room.

3 days later I moved back in dad's mansion and it's pretty new and big... For me. And I have to move in for a while... kasi ayoko munang mag lungkutin sa mansyon...

"Okay son... I understand... I'll be going later, you can tell me if you changed your mind-

"Dad..."

"Yes?"

"I think... I'll be building a house in the Philippines..."

"What?" I looked at him. "I want to stay in the Philippines... I-I want to be alone..." I said and he steps forward at me.

"W-Why son? We can live there also-

"I want to be on my own for a while dad..."

"When?"

I stayed silent for a while and sigh. "I think I can go after you leave to visit... My wife..." I cleared my throat and held back my tears... I'm sorry wife... I'm really weak to visit you... I don't want to forget so I'll live at the place you always wanted to go back in...

"A-Are you serious?! No! I can't let you! I-I don't know what's going to happen with yo-

"You can ask someone to look for me but I don't really want someone living with me for a while... Please understand dad..."

Napakagat labi nalang si papa at napamewang. "Your decision is hard to approve son... Don't you want to-

"I can visit you all here anytime... Just please dad! Let me be alone for a while... I want to fix my e-emotions right now. Please..." And I did not held back that tears. Fvck, why am I weeping right now?

Did you do this wife? Why? I'm just making myself okay without including anybody coz' you know how dangerous I was when I release this kind of emotions...

I wipe my tears away and sigh. "I-I'll just send someone to take you there... Keep safe... Okay? No more stupid jobs..." I nodded and before he left, he walk towards me and gave me a hug.

"I understand... I understand... Nandito lang ako lagi to help... Love you son... I'll be going now." He pulled away "okay dad. Love you too..." I quickly walked in the closet as I gather my things, I felt lost... I fvcking need to find myself again... But fvck my heart keeps on aching... As I pack my things, I really don't know why I'm tearing up again, is it because I'm packing her things too?

Punyeta. Magpigil ka muna Chase... Di ka pwedeng mag histerikal dito... Nandito sila Aerody...

Pagkatapos kong mag impake, ung mga butlers ni papa na ang nag dala ng gamit ko sa kotse. Nang makarating naman ako sa may airport, nakita ko na din na madaming reporters... Kumalat pala yung isyung yon. Lahat ng bodyguards ko hinarang na sila habang papasok na ko sa loob ng sasakyan kong private jet.

Pagkapasok ko sa jet, tinanggal ko ang suot kong shades at lumakad na sa uupuan ko sana nang may madatnan akong ulo kaya nag dahan dahan akong lakad palapit dito.

"Sabi ko naman kay papa na ayokong may kasama muna dito. Kung pwede, sa kabilang jet ka nalang?" Painis kong saad at nang makatayo s'ya bigla na lamang tumaas ang aking balahibo.

"S-Sino ka ba?" tanong ko at wala akong ganang makipag away kung kaaway man s'ya, baka magpakamatay lang ako.

"Hi." Sabi nito pagkaharap n'ya kaya nanlaki ang aking mata dito. "Kamusta kana?" Tanong n'ya at sinubukang ngumiti kahit na puro s'ya bugbog sa muka.

Gusto ko sana s'yang sapakin sa lahat... Pero hindi ata tama na sa kanya ako mag labas ng sama ng loob lalo na sa pagmumukang yan.

"Anong nangyari sayo?"

Napa asik ito. "Consequences?"

Napangisi ako. "Ano bang ginagawa mo dito? Kung nandito ka para humingi ng tawad mula sakin di ko ibibigay."

"Edi sayang naman yung pag lilinis pangalan ko kung hindi ka hihingi ng tawad?"

"Putangina? Anong linis pangalan? Gago kaba?! Ginamit mo kapatid mo sa pag linis ng putanginang pangalan mo?! Bumaba ka na nga."

"Luh pre. Dali na isang sorry lang eh. Tas sabihin mo na nagkamali ka at nilamon ka lang ng pride mo?" Pang asar pa nito kaya tinitigan ko s'ya ng masama.

"Gusto mong basagin kopa pag mumukha mo?"

"Dali na. Ikaw na nga may kasalanan ako pa dapat humingi ng tawad?"

"Gago. Ako lang ba may kasalanan dito? Sino kaya nag tago sa tatay ko?! Tska gago hindi kita mapapatawad jan sa ginawa mo! Dinamay mopa si Cinderella dito! Hayop ka!"

"Gago ka din. Gusto ko lang tulungan papa mo tska parang tatay ko na din s'ya sa mga panahong nagtatrabaho pa ko sainyo. Tska... Di ko naman... Alam na... Aabot sa ganon... Sinabihan kona din s'ya... Maniwala ka..."

"Umalis ka na nga dito! Bad trip ako ha pag ikaw talaga nasapak ko!" Napasigaw na ko sa inis at padabog na umupo.

"Dahil ba sa kapatid ko?" Tinignan ko s'ya ng masama pero hindi n'ya inalis ang pag tingin saakin din kaya humarap na ko sa bintana. "Bumaba kana." Pa otoridad kong sabi.

"Ch-

"Alejandro bumaba kana. Ayos na tayo diba?"

"Ng ganon lang? Tska ako sinabihan ng papa mo na ako yung mag babantay sayo." sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Tangina bat ikaw pa? Edi lalo ko s'yang maaalala!" Sigaw ko.

"Bakit?! Bat kaba nasigaw?!"

"Eh kasi magkapatid kayo tangina! Alam ko namang maingay bunganga mo baka dumaldal ka lang ng dumaldal tungkol sa kanya!" Sigaw ko at huminga s'ya ng malalim.

"Bat kaba nagagalit?! Sinisigawan ba kita?!" Sigaw n'ya din. Siraulo diba.

"Tangina bumaba ka na nga dito!!"

"Hangal kaba?! Kanina pa tayo nasa ere pabababain moko!"

"Edi tumalon ka!"

"Talon ka!"

"Sige! Nakakamatay naman yun eh!" Tumayo ako at naglakad ng mabilis sa may pinto at kaya hinila ako ni Alej paatras.

"Tignan mo! Takot ka din eh!"

"Malamang, love kita pre."

"Tangina mo kadiri ka." Sinuntok ko s'ya sa may braso at kaya dumaing ito at lumakad na ko sa loob.

•••

"Weh? Saryoso ka ba? Pokpok ka talaga. Oh." Nagising ako sa isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya naman napaasik ako.

"Ang iingay!" Singhal ko at kinusot ko ang aking mata saka tinignan kung sino iyon. "Hey there. Sorry for interrupting your sleep." Kian said. Yes. Kian. Cinderella's cousin.

"Bat ka nandito?!" Sigaw ko at tumayo ako. "Oh, di sinabi sayo ni Alej?"

"Ang alin?!" Binaling ko ang tingin kay alej. "Dalwa kami na mag babantay sayo."

"Ano ba ko senyo? Bata na kailangan madami mag bantay?! Tska bat ikaw pa?! Close kayo ni Cinderella! Ayoko tangina n'yo!!" Sigaw ko.

"Kumalma ka nga. Hindi naman kami titira sa bahay na titirhan mo. Basta sa malapit don. Hahayaan ka naman namin kung anong gusto mong gawin basta kailangan na babantayan padin naman ikaw." Sabi ni Alej kaya hinigit ko yung sketchbook ko at pumasok sa may kwarto at doon nalang nagpahinga.

Pagkalipas ng ilang oras sa byahe ay nakarating na kami sa Pinas. Ilang oras na din sumasakit ulo ko, dahil sa hindi ko malabas tong mga luhang to... Mas mahirap palang manahimik kesa sa ilabas to... Para ba kong mamamatay sa sakit kapag pinipigilan ko nararamdaman ko...

"Hoy pre! Kanina pa kami nagtatawag sayo! Lumabas kana nga jan!" Sigaw ni Alej kasabay ng pag kabog ng pinto.

"Oo na!" Sigaw ko at kaya bumangon na ko at binuksan ang pinto. "Pota..." Nagulat na sabi nila kian at Alej sakin.

"N-Nag kulong ka lang... Para kang namatay puta." Sabi ni kian at tinignan n'ya ako ulo hanggang paa.

Nakita n'ya na itsura ko? Di pa ko nakakaharap sa salamin eh...

"Dito na tayo?" Tanong ko at sumilip sa labas. "Nanjan naba sasakyan? Gusto ko nang makarating don." Sabi ko at pinasok ko sa bulsa ko ang sketchbook ko bago bumaba.

"Hoy teka. Babyahe ulet tayo sa pupuntahan mo di kapa nakain. Kumain ka kaya muna Pre?" Pigil ni Alej sakin pero tumuloy lang ako sa kotse.

Pagka tama ko sa may kotse ay napa kapit ako sa hood dahil nakarandam ako ng hilo. "Tignan mo to! Ang kulet! Tara kakain na tayoooo!!!" Hinila ako nila kian paloob at nag simula nang mahirapan ako sa pag hinga.

"Tantanan n'yo nga ako! Sabing ayoko!" Tinulak ko sila palayo sakin at napakamot ako sa ulo. "Umayos ka nga! Tinutulungan ka namin dito ha!"

"Hindi ko kailangan ng tulong n'yo!" Sigaw ko at sinuot ko ang hood ng suot kong jacket. "Eh tangina! Sa tingin mo sasaya si Cinderella jan sa pinaggagawa mo?! Sabi n'ya live for her diba?! Bat parang unti unti mo nang pinapatay sarili mo?! Ha?!" Sigaw sakin ni alej sa may pinto kaya tinignan ko s'ya ng masama.

"Pano m-

"Kinuha ko katawan n'ya bago s'ya mawala, naghihingalo pa s'ya non at ang gusto n'ya na gawin ko ay ang tignan kung tutuparin mo yang putanginang pangako mo sa kanya!" He said and his voice is already cracked... Sabing wag muna dito eh!

Tangina. Lumuluha nanaman ako sa harap ng mga putang to. Tinulak ko si Alej paalis at babalik sana sa jet pero nagsalita si alej kaya tumigil ako sa paglakad. "Pre di ko sinasadya... Sorry..."

I clenched my fist at pinunasan ang luha ko sabay humarap sa kanya. "Dalhin n'yo na ko sa pagtitirhan ko... Kung pwede lang, ayoko ng may maririnig mula sa mga bunganga n'yo..." I sniff and before I could walk pass through him, he gave me a hug.

"Pangako pre tutulungan ka namin. Sorry talaga kulit mo kasi." Sabi nito pero hindi ako umibo sa kinaroroonan ko.

"Tangina last mo na tong yakap sakin ha. Parang si Cinderella yung yakap mo... Tangina mo talaga pre." Pagmura ko dito at natawa s'ya. "Ah sige ganto din ba gusto mo pre?" nasapak ko s'ya muli nang puluputin n'ya ang kamay n'ya sa likod ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Tangina mong bakla ka! Iwan ka namin dito siraulo." Naiinis kong sabi kaya natawa s'ya at pumasok na sa loob ng limo.

"San ba tayo papunta?" Tanong ni Kian na nasa driver's seat na. "Ikaw mag ddrive?" Tanong ko at tumango s'ya. "Sa Batangas tayo." dagdag ko at lumaktaw sa may harap din at umupo sa shotgun seat.

"Batangas???? Saan don?"

"Alam mo kung saan daan pa Montemaria?"

"San yun?" Inirapan ko s'ya at binigay sa kanya ang cellphone ko. Tinignan n'ya doon ang daan at tatango tango.

"Oh, ako lang dito sa likod? Ayos." sinilip ko sa likod si Alej na humiga sa upuan at inirapan ko.

"Alam kona. Tara na." Sabi ni Kian kaya agad nang bumangon si Alej. "A-Anong gagawin natin don?"

"May matagal na kong biniling resort dun. Dun sana ako magpapatakbo ng Business kasama asawa ko o kaya rest house lang namin? Bakasyunan, ganon. Tapos na daw eh... Ka-Kaya gusto ko sanang... Mag stay sa paboritong lugar n'ya muna..." Sabi ko at napangisi saakin si Alej at bumalik sa pag higa.

"I'm sorry wife... I didn't have the chance to go there with you right now..." I whispered and I saw Kian glanced at me but I did not bother look back at him, so matutulog ulit ako pagkatapos ng almost 20hrs. Flight namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top