Chapter 9:Sorry
Keira's POV
Kahit na hirap dumilat ang mga mata ko ay pinilit ko paring bumanggon sa higaan dahil simula nanaman ng pasukan, pasuray suray akong lumakad papuntang banyo upang makaligo't makapagsepilyo. Nang makapasok sa banyo'y agad kong tinanggal ang suot kong damit at nung pinihit ko iyong shower ay tila nagising ang buong pagkatao ko dahil sa lamig nang tubig na umaagos sa katawan ko at matapos nyon ay agad kong nagsipilyo, mabilis ang mga naging galaw ko kaya't agad kong nakapagbihis na hindi naman inabot ng ilang oras dahil inihanda ko na yung mga dadamitin ko bago pa ako pumasok sa banyo.
Nang makuntento sa pagaayos sa aking sarili ay lumabas na ako ng kuwarto at bumaba upang saluhan sa pagkain yung tatlo.
"Good morning!, my princess,"agad na pagbati ni kaspar ng makita ako nitong papalapit sa kinaroroonan nila
"Good morning din kaspar,"pilit na ngiti at malamyang tugon ko dito nang makaupo ako sa tabi nito
"Cheer up baby!, "biglang singit ni scot sa gitna ng paguusap namin si kaspar na syang ikinaikot nalang ng mata ko dahil kahit na nasa kabilang bahagi ito ng mesa ay nagawa parin nitong sumingit sa usapan
"Don't worry keira, I'm sure na mawawala din yung galit ni cameron"
panghihikayat pa ni kaspar para hindi na ako masyadong magaalalaa, hanggang ngayon kase ay iniisip ko parin yung nagawa kong mali
"I hope so too kaspar, lets eat na," may ngiti ngunit bakas parin ang tamlay duon na aniya ko
Habang kumakain ay hindi ko namalayan na natapos na pala akong sa pagkain dahil abala parin ang isip ko sa maling nagawa ko na ikinagalit ni cameron kahapon. Mabuti nalang at marahan akong niyugyog ni kaspar kaya't nabalik ako sa realidad, nagtaka tuloy ako kung bakit nasa gilid ko na si scot at tila ba naghihintay saakin. Yun pala ay ito ang nagpresinta kanina na ihatid ako sa university.
"Keira cheer up, papangit ka nyan" maya maya'y pabirong aniya ni scot nung nasa byahe na kami, dahil nga naglalakbay nanaman ang isip ko.
"Joke ba yan?" sarcastic na aniya ko kahit alam kong sinabi nya lang iyon para icheer up ako
"Hahaha, fine titigil na ako just smile" he chuckled first sabay taas nito sa kanang kamay
Habang nasa byahe ay patuloy parin ang mga pabirong banat nito na syang ikinaiiling ko nalang dahil ang cringe nitong pakinggan, ngunit kahit papaano'y nababawasan yung pagaalala ko at syempre puro sarcastic naman ang isinasagot ko rito.
Nang tuminggin ako sa bintana ng kotse ay kagaya nung mga nakaraang araw pareho padin naman ang pangyayaring nakikita ko. May mga estudyante na naglalakad papunta sa university at adults na nagsisiunahan sa mga jeepney para maagang makapasok sa kani kanilang opisina, ang tanging nagbago lang naman eh yung mood ko pero mabuti nlang nandito si scot to brighten my mood .
"We're here," maya maya'y nakangiting aniya ni scot
"Salamat, bye na pala," aniya ko bago bumaba ng sasakyan at nang makababa ako ay kumaway muna ako dito bago pumasok
"See you later," aniya pa nito sabay wink bago tuluyang patakbuhin ang sasakyan kaya napailing nalamang ako sa inakto nito
"Ingat ka! "pahabol na aniya ko dito na hindi ko alam kung talgang narinig ba nito
Nang di ko na matanaw ang kotse nito ay tumalikod na ako at naglakad na patungo sa university namin. Habang naglalakad ako ay abala parin ang isip ko kaya't hindi ko namalayan ang presensya ni alia nang bigla itong yumakap sakin.
"Keira!, namiss kita. Bat di ka pumasok kahapon?" sabik na tanong nito sakin nang bumitaw ito ng yakap
"Niyayaa kase ako ni kaspar sa amusement park kahapon, kaya wala akong nagawa kundi pumayag" pagpapaliwanag ko dito
"Ah, oo nga pala meron akong notes ng pinagaralan namin kahapon, gusto mong hiramin?" nakangiting aniya nito
"Sure, thank you"
Matapos ang ilang oras na klase ay nagdissmissed narin ang panghuli naming prof kaya't sabay na kaming naglunch ni alia at pagkalipas pa ng ilang oras ay naguwian na, papunta na ako sa parking lot ng school kung saan ako susunduin ni kaspar ngunit laking gulat ko nang si cameron ang lumabas dun sa kotse kaya naman agad akong pumasok sa kotse at di ko na inantay na pagbuksan pa ako ni nito.
Habang nasa byahe ay di ko maiwasan na mailang dahil narin sa sagutan na nangyare sa pagitan namin kagabi at nahihiya din akong magopen ng topic pero ganun pa man, siguro kailangan ko na syang kausapin para matahimik narin ako. Tama keira kaya mo toh, fight! .
"Cameron....I wanted to say sorry sa pagiging late namin ni kaspar at sa pagsagot ko sayo" kalmado kahit na deep inside ay kinakabahan ako at sincere na aniya ko dito.
No response
"Cam I 'm very very sorry talaga, alam ko na kasalan ko kung bakit ginabi kami. Sorry din kung sinagot sagot kita, please wag ka nang magalit" pahabol na aniya ko dahil hindi ito sumagot sa una kong sinabi and I hope na sagutin na ako nito
pagkatapos nun hindi parin nagsalita si cameron kaya naman natahimik na lang ako sa kinauupuan ko, mas mabuti na yon kesa naman todo paliwanag ako dito tapos in the end hindi parin sya magsasalita. Madilim na ang paligid nung tumingin ako sa bintana at ang tanging nagbibigay nalang ng liwanag ay ang buwan.
Matapos ang ilang oras ay nakarating narin kami sa mansyon at agad akong bumabaa pero hindi pa ako pumapasok sa loob dahil umaasa ako na mapapatawad na ako ni cam at syempre ayoko din na matapos ang araw na ito na hindi kami magkaayos, nang makababaa na ito sa kotse naglakad ito papunta sa kinatatayuan ko at malamig akong tiningnan.
"Apology... accepted " tipid na ngiting sambit nito sakin na syang ikinagulat ko
"Talaga?!, .gulat na aniya ko dahil tinanggap na nito ang apology ko . "Maraming salamat talaga cam"at dala narin ng sobrang tuwa ay napayakap ako dito
Ngunit agad din akong napabitaw ng marinig ang tinig ni kaspar na ngayon ay nasa may pinto na pala at hinihintay kami, bigla tuloy akong nahiya at agad na napatakbo papasok sa mansyon at ibinagsak ang sarili sa couch, habang nakaupo ako sa couch ay di ko namalayan na nakalapit na pala sakin si kaspar.
"Bati na kayo? "may pangasar sa tono na aniya nito
"Oo, pero wag mo bigyan ng malisya yung kanina, masyado lang kase akong natuwa non" depensa ko sa sarili ko at para malinaw nadin rito
"Ok sinabe mo eh," aniya nito ngunit nangaasar parin ang tono . "By the way kailan ko pala makikilala yung friend mo?, my princess "
"Maybe sa saturday nalang di ko pa kase nasasabi sakanya eh"
"Oh okay, I'm looking forward to meet her" nagiting aniya nito
*********
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top