Chapter 19: Airport

Nagising ako dahil sa sunod sunod na pagkatok ng kung sino, kaya naman agad akong napabangon at nagtungo sa pinto para malaman ko narin kung sino ba yung kumakatok.

"Oh cam , ikaw pala. may kailangan ka? "

"Aalis kase tayo ngayon may kailangan lang tayong sunduin sa airport"

"Ah okay,magaayos lang muna ako"

pagkatapos non agad na akong nagbihis at nagayos ng sarili saka bumaba para kumain at naabutan ko nga silang tatlo dun na kumakain na .kaya naman agad akong lumapit don at tinanong sila kung sino nga ba yung sususnduin namin.

"Good morning everyone.masigla kong bati sa kanila. sino pala yung susunduin natin?"

"Its your cousin and mother keira" sagot ni cam

"Talaga?" excited kong tanong

"Oo ,kaya bilisan mo na dyan" sagot naman ni kaspar

Pagkatapos non umalis na kami at pumunta sa airport para nga sunduin yung pinsan at mommy ko , pagkadating namin sa airport agad nilang hinanap ang kinaroroonan nila mommy at di nagtagal ay may tinawag si kaspar na babae at sinenyasan nya ito na lumapit samin .

nakasuot ito nang croptop na color black high waste na pantalon medyo mataas lang sya sakin ng konti dahil sa heels na suot nya pero sa tyansa ko baka magkasing height lang kami at maputi din ito , meron din syang manipis na bangs at buhok na lagpas balikat pero di naman ito mahaba medyo singkit din ang mata nya . nang makalapit sya samin dun ko lang nakita yung kasama nyang babae , maikli ang buhok nito na hanggang balikat medyo maputi din at kahit na matanda na ay makikita parin ang ganda nya . agad akong umiwas ng tingin nang tumingin sakin yung babae kaya naman napatingin ako sa gawi nung babae na tinawag ni kaspar kanina at nagulat ako nung makita ko na nakatingin pala ito sakin .

"Hi ,you must be keira? , Im nicole nice too meet you" seryoso nitong pagpapakilala

"nice too meet you too" nakangiting tugon ko kahit na medyo naiilang

Matapos namin magkakilala napagpasyahan nila kaspar na umuwi na muna para makapagpahinga sila mommy . pagdating namin sa bahay agad akong nakipagusap kay nicole

"Pwede ba kitang makausap?"

"What is it?"

"may problema ka ba sakin?" diretsong tanong ko dito

"Wala naman , gusto ko lang na manigurado sayo "

"manigurado saan?"

"alam mo ... marami na kaseng mga nagpapanggap na anak ni tita para lang pagkaperahan sya , kaya naman kailangan namin magingat pero sa tingin ko nagsasabi ka naman ng totoo"

"salamat sa pagtitiwala, sya nga pala kanina ko pa napapansin na parang di kayo close ni scot ...di mo pa ba sya kilala?"

" Kilala ko di ko nga lang sya gustong maging kaclose "

"bakit?,magkaaway ba kayo?"

"meron akong best friend at namatay sya ng dahil kay scot ... kasalan nya kung bakit nawala sakin ang matalik kong kaibigan . matigas nitong sabi . kaya dapat lang na magalit ako sakanya"

" Di mo ba sya bibigyan ng second chance?"

"Ang mga katulad nya ... ay hindi na dapat pang bigyan ng pagkakataon"

"pero-"

"keira .. tama na ... pabayaan mo nalang ako at ang mabuti pa maghanda ka nalang para sa nalalapit na debut mo"

"Sa totoo nyan nahihirapan akong magdesisyon kung sina ba talaga sa kanila" nahihiya kong sagot

"Maging totoo ka lang sa sarili mo at sigurado ako na malalaman mo din ang sagot sa tanong mo, tungkol kay scot... ok lang naman sakin kung sya ang piliin mo pero ayoko na masaktan ka dahil sakanya kaya pagisipan mo nang mabuti ang mga magiging desisyon mo" seryoso nang tugon nito sabay yakap sakin"

" salamat "

" sige na magpapahinga na muna ako "

nang umalis si nicole naiwan akong magisa sa sala at napabuntong hininga nalang. lumipas ang mga araw at hindi parin nagbabago ang pakikitungo ni nicole kay scot , lagi nya parin itong hindi pinapansin kaya naman napapailing nalang ako sakanilang dalawa. kahit na masyado kaming busy sa school di ko parin maiwasang magalala dahil nga papalapit nang papalapit ang araw ng debut ko pero nababawasan ang mga pagaalalang ito kapag binibigyan ako ng advice nila mommy at ng iba ko pang malalapit na kaibigan. nung nakaraan nga ay nagpunta kami ni nicole sa bahay ni alia at nagulat nalang ako ng malaman ko na isa pala sa malapit na kaibigan ni nicole yungkuya ni alia pagkatapos non ay nagpunta kaming apat sa mall at nagbonding .

at kahit na paano ay nabawasan ang stress ko at narefresh ang utak ko . dalawang araw nalang at debut ko na at para sakin masyadong mabilis ang paglipas ng araw kaya napabuntong hininga nalang ako at dahan dahang ipinikit ang mga mata ko para makatulog na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top