Chapter 12:Advice
Nang makarating kami sa parking lot
agad nitong binuksan yung kotse at inantay nya muna akong makapasok saka sya umikot sa may driver's seat,
mahabang byahe ang inabot bago kami makapunta sa pupuntahan namin.
matapos ang ilang oras ng paghihintay huminto ang kotse ni cameron sa parking lot ng isang mall, at dahil nga kanina ko pa gustong magtanong di ko na napigilan ang sarili ko na magtanong nung bumabaa na si cameron sa driver seat at umikot sa passenger seat para pagbuksan ako.
"Bakit tayo nandito?"I asked pagkababaa ko ng kotse
"To buy your clothes " sagot nito habang naglalakad papasok sa mall
"but I have clothes already "habol ko sakanya dahil ang bilis nitong maglakad
"Those clothes are temporary only"
seryoso at maikling tugon nito
"Ah ok" napapahiya kong tugon
matapos ang nakakahiyang eksenang
yon nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa isang boutique
"Pick your clothes" utos agad nito sakin nang makapasok kami sa loob
"sorry cam pero masyadong marami ang pagpipilian eh ,I don't even know kung yung iba dyan ay magagamit ko besides hindi naman ako mapili sa mga damit kaya pwede bang ikaw nalang ang mamili? "
nang matapos kong sabihin yun kay cam,sinenyasan nya yung sale's lady na lumapit pagkatapos ay may ibinulong sya dito,at nakita ko na lamang na namimili na ng damit yung sale's lady pagkatapos namin mamili naisipan kong bumisita kila ate michelle at mamili narin nang grocery para sakanila, nang matapos na kami sa pamimili dumiretso na kami sa parking lot.
"Cam, ok lang ba kung bumisita tayo kila ate michelle? "
"yeah "
ilang oras ang inabot bago namin narating ang dating tinitirhan ko ,
nang makarating na kami agad agad akong bumaba ng kotse at hindi na hinintay pa na pagbuksan ako ng pinto ni cam ,agad agad akong kumatok sa pinto at agad din itong binuksan .
"Ate mich! "sabay lapit ko at mahigpit itong niyakap
"napadalaw ka ata anong meron? "
"wala naman namiss lang kita ,saka
meron nga pala akong grocery na pinamili para sa inyo"
"Aww nakakaktouch naman pero sana di ka na nagabala pa "
"ano ka ba ate ayos lang naman sakin to"
"Sige na ano pa nga bang magagawa ko, pasok kayo para naman maipaghanda ko na kayo "
"Ano ate musta sa school? "tanong ko habang papaupo
"Ok naman kung hindi lang dahil dun sa asungot na sumira ng araw ko"
"gwapo ba ate? "
"tigil tigilan mo nga ako keira di ako magkakagusto dun noh"
"wala naman akong sinabing magkakagusto ka dun eh, napaghahalataan ka na ah"
"Tumigil ka nga keira" sabay bato nito sakin ng unan
matapos ang asaran na yon nagsimula na kaming kumain
Cameron's POV
Nang matapos kami sa pagkain nagpresinta akong tumulong pero
hindi pumayag yung kapatid ni keira kaya naman wala akong nagawa kundi ang maupo nalang sa couch at hintayin silang matapos,nang matapos na sila nakita kong sandaling nagusap yung magkapatid matapos ay sinenyasan ako nung kapatid ni keira na lumabas kaya naman agad akong tumayo at pumunta na sa labas
"Cameron, right? "
"Hmm"
"meron akong tanong sayo"
"tell me"
"Paano kung isang araw biglang malaman mo na hindi pala si kiera yung childhood friend mo na fiance mo? "
"What do you mean? "
"Nagaalalaa lang naman ako keira kase kung ang turing mo sakanya ay fiance mo at childhood friend eh pano sya?,paano yung pagkatao nya bilang keira?,gusto ko sana na matutunan mo syang mahalin bilang keira at hindi bilang fiance mo lang o childhood friend na nawawalaa " agad nitong tinapik ang balikat ko at narinig ko nalang ang mga hakbang nito palayo
Siguro nga tama sya, kung magugustuhan ko si keira dapat magustuhan ko sya hindi bilang fiance ko at childhood friend kundi bilang keira
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top