WAKAS: Goodbye.


MizzyFantasia thank you sa bagong cover!

WAKAS

Alexandra's POV

Ngayon na. Ngayon na ang araw ng pag-alis nya.

"Alex naman! Pagod na ako!" Iritadong sabi ni Stan.

"Ehh~" Angal ko.

Kanina nya pa kasi nilalagay sa maleta yung damit nya, kaso pinipigilan ko sya. Hinahawakan ko yung kamay nya.

"Tatapusin ko muna 'to tapos mag-uusap tayo. Ok?" Malumanay na sabi nya.

"Ayoko!" Pagmamatigas ko ulit.

"Alex naman. 8am na, 11am yung flight ko."

"Eh mahaba pa naman oras mo eh." Sabi ko at pilit syang niyayakap.

"Hayy~ Oo na! Oo na!" Tumayo na sya at pumunta na kami sa garden.


"Ready?" Sabi ng photographer.

"Ready!" Sigaw ko.

Gusto ko kasing magpapicture ng marami bago sya umalis. Kahit ayaw ni Stan, wala na syang magagawa.

"Sweet pose." Utos ng photographer.

Umangkla ako sa braso ni Stan at ngumiti ng bongga.

"Mr., smile naman dyan." Napatingin ako kay Stan, nakasimangot ang loko!

Humarap ako sa kanya at nagpameywang.

"Ano ba?! Kanina pa ako naiinis ah! Picture na nga lang nagdadamot ka pa! Ngingiti na lang kahit pilit ayaw pa? Sayo na yang ngiti mo! Pack-up na kayo Dennis!" Utos ko sa photographer at nag walk-out na.

Nakakainis! Nakakainis! Ngayon na nga lang eh. Nakakainit ng ulo!

Umakyat na lang ako sa kwarto at humarap sa computer. Tumingin-tingin ako ng video ni G-Dragon.

Naramdaman kong pumasok si Stan. Ayun! Mas gugustuhin pang asikasuhin yung maleta nya. Magsama sila!

Napapakagat labi na lang ako. Kanina ko pa pinipigilan ang luha ko. Hindi naman ako iyakin eh! Hindi ako iyakin! Hindi ako--

(Sobs. Sobs)

Pinupunasan ko yung mga luha ko na tumulo sa pisngi. Nakaka-asar naman! Hindi ako iiyak.

(Sobs. Sobs)

"Hey.." Narinig kong tawag nya.

Hindi ko na talaga napigilan ang luha ko. Tuloy-tuloy na sya sa pagtulo. Tumayo na ako para sa c.r na lang umiyak ng bigla nya akong hilain paharap sa kanya.

"Stop crying Alex."

No. Hindi ko kayang pigilan.

"Y-Yun na lang kasi (sobs) hinihiling ko, a-ayaw mo pa."

"Tsk. Magkikita pa naman kasi tayo."

"Hi-Hindi mo ako naiintindihan Stan."

"Naiintindihan kita Babe, hindi lang naman ikaw ang nahihirapan. Ako rin. Baka kasi kapag tumatak sa isip ko na hindi kita kayang iwan ay hindi na ako umalis."

"Edi maganda."

"Napag-usapan na natin 'to diba? Papasyal pa naman ako dito eh. Tayo pa rin. May madadatnan naman akong Alex kapag umuwi ako ng bahay diba?"

"Oo naman."

"Good. Behave ka lang dito ah." Tumango-tango ako.

"Maraming maganda dun. Wag kang titingin sa kanila, Wag mo silang hahawakan, wag mo silang lalapitan, wag kang makikipag-usap sa kanila." Sabi ko sa kanya habang hawak ang kwelyo nya.

"Oo naman. May Alex na naman ako eh."

"Siguraduhin mo lang." Sabi ko sa kanya saka sya hinila at kinintalan ng halik. Halik na puno ng pagmamahal.



"Ingat kayo dun Daddy."

"Oo naman Anak. Stan, mauna na ako. Sumunod ka na lang."

"Sige po."

Nandito na kami sa airport. Hinatid ko kasi sila.

"Paano ba 'yan? Babye na." Sabi ni Stan.

Niyakap ko sya ng mahigpit. Ganun din naman ang ginawa nya sa akin.

Nag-umpisa na syang bumitaw.

"Babye." Kumaway na ako sa kanya ng magsimula syang maglakad.

Hahh~~ Hindi ko kaya!

"Stan!" Tawag ko sa kanya na ikinalingon nya.

Agad akong naglakad papunta sa kanya at hinalikan sya. Nagulat sya pero agad din namang nakabawi.

Ayoko pa sanang bumitaw kaso pareho kaming nawalan na ng hangin.

"Tama na. Baka kung saan pa mapunta 'to." Natatawang sabi nya.

Ngayon, talagang naglakad na sya palayo sa akin. Pilit kong kinakabisa ang likod nya. Mamimiss ko sya ng sobra.

Kailangan ko ng masanay na gigising ako sa umaga na walang gwapong nilalang akong makikita. Kakain ng mag-isa.

Ano na ang mangyayari sa akin ngayon? Ano ng mangyayari sa relasyon namin?

Ngayon pa lang mag-uumpisa ang tunay na pagsubok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top