Chapter 53: Talk.
Happy 6k reads~!!
Sa mga nakarating na sa chapter na 'to, sana ivote nyo yung previous chapter. Kung mukhang hindi nyo naman nagustuhan kasi hindi nyo nivo-vote, o walang may gusto. Should I delete this story?
Nakakatampo kasi. 6k reads na pero yung vote 160+ pa lang. Diba? Sinong hindi magtatampo?  ̄ 3 ̄ Pakonswelo nyo na lang sa akin yun sa pag gawa ko ng story na to.
Sa mga nag cocomment, maraming salamat sa inyo. Sobra sobrang pasasalamat dahil may natatanggap akong feedback sa inyo! ♥♥♥
Mabait naman ako eh. Anong konek? Hehe.
Haba! Haha.
Enjoy reading!
-------------------------------
Chapter 53: Talk.
Alexandra's POV
Kanina pa drive ng drive si Stan, hindi ko alam kung nasaan na kami.
"Childhood friend ko lang sya." Bigla nyang sabi.
"Hinayaan mo lang gawin sayo 'yun ng linta na 'yun?" Mahinahon na sabi ko kahit sasabog na ako sa inis.
"Stop it Alexandra, don't call her linta." Mahinahon nyang sabi.
"Pinagtatanggol mo pa?! Hindi? Eh kitang-kita ng dalawang mata ko na naghahalikan kayo!" Parang aatakihin na ako sa puso sa sobrang galit.
"Nabigla ako, ok? Parang ikaw nun kay Felix." Naiinis na tumingin ako sa kanya.
"Paanong napasok sa usapan natin si Felix? Ang topic dito, ikaw na nagpahalik!"
"Nabigla nga ako eh, nabigla!"
Hindi ko talaga kayang makipag-usap ng mainit ang ulo.
"Ihinto mo 'to!" Sigaw ko.
"Hindi pwede Alex!" Sigaw nya rin.
"IHINTO MO SABI!"
"NO!"
"Ayaw mo ah." Hinawakan ko rin 'yung manibela at nakipag-agawan sa kanya.
"Alexandra! Bitawan mo!"
"No! Ihinto mo 'to!" Buti na lang at wala masyadong sasakyan.
"Ok! Ihihinto ko na!"
Prineno nya na.
Agad-agad din akong bumaba ng kotse, at padabog na isinara ang pinto.
Naglakad lang ako at sumasabay sya sa akin habang nasa loob ng kotse.
"Sumakay ka na Alex."
Hindi ko lang sya pinansin.
Hanggang ihinto nya ang kotse pero nilagpasan ko lang sya.
"Alex!" Hinigit nya ako paharap sa kanya.
Tinignan ko lang sya ng masama.
I take a deep breath.
"A-Ano ba ako sayo? Alam kong hindi lang kayo magkaibigan. Alam kong may nakaraan kayo." Sabay sampal! Joke.
"P-Paano mo--" Mukhang nagulat sya. Tsk!
"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Bakit? Wala ka ba talagang balak ipaalam sa akin? Pinayagan ko syang dikit-dikitan ka, kasi sabi mo CHILDHOOD FRIEND mo sya! 'Yun pala hindi!" Wooh~
Ang sarap sa pakiramdam kapag naiilabas mo 'yung sama ng loob.
"I-I'm sorry. Ayaw ko lang malaman mo pa yung nakaraan ko na yun." Nakikita ko sa mata nya ang pagkalungkot.
"Paano tayo magkakaintindihan kung hindi mo sinasabi sa akin ang lahat?"
"Alam ko kasing magagalit ka." Mahinang sabi nya.
"Malamang! Anong gusto mo? Matuwa ako? Asawa mo ako! Syempre magagalit ako, pero maiintindihan kita."
Napatango lang sya.
"Nasasaktan ka pa ba sa pag-iwan nya?" Hindi sya sumagot. "Alam ko yung pakiramdam ng ganyan, napagdaanan ko na yan." Hindi pa rin sya nagsasalita. Itutuloy ko pa ba ang sasabihin ko? "I'm giving you time, to think." Ouch~
Napatingin sya sa akin.
"W-What do you mean?" Naguguluhang tanong nya.
"Kailangan mo ng time para makapag-isip." Ouch ulit.
"No! All I need is you." Nakatitig sya sa mata ko. "Oo, nasaktan ako. Pero wala na 'yun ngayon Alex, maniwala ka. Simula ng minahal kita, kinalimutan ko na ang nakaraan ko. Hindi na ako naghanap ng iba, hindi na ako tumingin sa iba. Kasi..kasi ikaw na talaga."
Naluluha na ako sa sinabi nya.
"B-Bakit ka kasi nagpahalik?" Sabi ko.
"Nagtapat sya sa akin nung gabi na 'yun. Hinalikan nya ako bigla, nagulat ako. Agad naman akong bumitaw nun." Hinawakan nya ang kamay ko. "Mabait naman si Misa, siguro dala lang din ng alak 'yun."
"Hindi sya mabait." Matigas na sabi ko.
Natawa sya.
"Oo na. Hindi sya mabait." Sabi nya at niyakap ako ng napaka higpit.
Tama ba 'tong gagawin ko? Dapat ba na bigyan ko parin sya ng chance?
Paano kapag nasaktan ulit ako?
"Pinapangako ko, hindi na ulit mangyayari 'to. I love you Alex." Bulong nya.
"I love you too Stan."
Wala na. Maniniwala na naman ako sa kanya.
-------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top