Chapter 52: Idaan sa pwersa.
Dahil nakasilay ako sa crush ko (Alex Cabagnot) here is the update!
Enjoy!
-----------------
Chapter 52: Idaan sa pwersa.
Alex's POV
Maaga akong pumasok ngayon para hindi ko makasalubong si Stan. Hinatid lang ako ni Kuya Alfred.
Pagdating ko sa room, wala namang teacher pero tahimik ang mga kaklase ko.
"Anong nangyari?" Tanong ko kay Amanda pagka-upo ko.
"Galing dito si Prof. kanina at sinabi na wala tayong klase." Matamlay na sagot ni Amanda.
"Oh yun naman pala eh. Tara shopping tayo." Sabi ko.
Napatingin naman sa akin si Georgia.
"Next week na ang pasahan ng mga project at defense natin." Sabi ni Georgia.
"What?!" Halos wala ng lumabas na boses sa akin dahil sa pagkagulat.
Lalong tumahimik ang classroom.
.
.
.
Stan's POV
"Pare ang mga babae, kapag galit sarado ang isip! Kahit anong paliwanag mo, hindi nila iintindihin baka lalo lang kayong mag-away. Hayaan mo munang lumamig ang ulo ni Alex." Mahabang litanya ni Jc.
"Ilang araw na akong naghihintay. Ang tagal nya namang mag-isip!" Pagrereklamo ko.
"Eh gag* ka pala eh. Nagpahalik-halik ka tapos gusto mo bati agad?! Ano ka siniswerte?!" Panenermon sa akin ni Jc.
"Ikaw naman kasi Stan. Oh, nagtext sa akin si Amanda, wala rin daw silang klase."
"Oh ayan na! Puntahan natin sa classroom! Idaan natin sa pwersa!" Sabi ni Jc.
.
.
.
Alex's POV
"Alex! Alex!"
May baliw sa labas na sinisigaw ang pangalan ko.
Sumilip muna sya sa pinto bago dire-diretsong pumasok sa loob at tumabi kay Amanda. Si James lang pala.
Bakit? May inaasahan ba ako?
'OMG! Si James oh!' Tatayo na sana yung Barbie doll naming classmate at lalapit kay James ng biglang magsalita si Georgia.
"Subukan mong lumapit! Buburahin ko yang make-up mo."
Napasimangot naman si Barbie Doll.
Sila na kasi eh. Ito namang si Amanda, parang natatameme kapag may lumalapit na babae kay James.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Dinadalaw si Amanda." Cool na sabi nya sabay akbay kay Amanda.
'Si Stan naman ang nandito! Napupuno ng gwapo ang room natin!' Napatingin kami sa sumigaw. Si Barbie Doll at lalapitan na si Stan.
"HOY!! Sige, lapitan mo!" Napatayo na ako.
'Pati ba naman si Stan?!' Sigaw sa akin ni Barbie.
"Bakit? Aangal ka? Gusto mo isampal ko sayo yung certificate of marriage namin?!" Inis na sabi ko.
'Damot!' Narinig ko pang sabi ni Barbie bago umalis.
Napatingin naman ako kay Stan na wagas kung makangiti. Naupo na ulit ako.
Napa-angat ako ng tingin ng biglang hawakan ni Stan ang kamay ko.
"Bitawan mo ako." Mahinahong sabi ko. Kaso ginagamitan nya na ako ng pwersa at ayaw akong bitawan.
Aambahan ko na sana sya ng tapak sa paa, kaso mabilis nyang nai-iwas yun.
Inangat ko naman ang kaliwang kamay ko, isusuntok ko na sana sa kanya yun kaso marahas nyang pinigilan ang kamay ko.
"Nasasaktan na ako ah." Sabi ko sa kanya.
Nagulat ako ng biglang halikan ang likod ng palad ko.
Nakipag-titigan sya sa akin bago nagsalita.
"We need to talk."
Hinila nya na ako papunta sa parking lot at pinasakay sa kotse nya.
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top