Chapter 51: Advice.
Chapter 51: Advice.
Alexandra's POV
"No way John!"
"Anong no way?! Gag* ka pala eh! Babasagin ko yang mukha mo!"
"Relax John."
Nagitla ako sa mga sigawan na narinig ko sa labas, nakatulog pala ako. Agad kong tinanggal ang mga nakaharang sa pinto at lumabas.
Nakita ko si Kuya John na hawak sa kwelyo si Stan.
Napabitaw naman si Kuya nung makita ako.
"Kuya.." Agad akong lumapit kay Kuya John at yumakap.
"Sshh. Alfred, get her things." Utos ni Kuya.
"Sige."
Ngayon, I feel secured.
"Alex.." Narinig kong tawag ni Stan sa akin.
Ayoko syang lingunin.
"Let's talk. Please." May halong pagmamakaawa ang boses nya.
"Ayaw ka nyang kausap." Matigas na sabi ni Kuya. "Pinagkatiwala ko sya sayo Stanley." Dagdag pa nya.
"She need time to think." Huling sabi ni kuya bago kami umalis.
.
.
.
.
Nung makarating kami sa bahay ay kwinento ko naman sa kanila ang nangyari. Puro tango lang ang sagot nila sa akin.
Ilang araw ang nakalipas simula nung pangyayari na yun. Hindi pa rin kami nagkakausap ni Stan.
Araw-araw syang pumupunta sa bahay, pero hanggang sala lang sya. Nagbilin ako kila Mom na wag nyang papaakyatin si Stan.
Ang pangit ng pasok ng new year sa pagsasama namin.
At kung mamalasin nga naman ako, pasukan na bukas.
"Gusto mo na bang makipag hiwalay?" Napatingin kaming lahat kay Kuya John.
"John." Suway sa kanya ni Mom.
"I think that's right." Dagdag ni Kuya Alfred.
"Ano ba kayo? Ayan ba ang dapat nyong sabihin sa kapatid nyo?" Sabi ni Dad.
"Kasi naman Dad, ilang araw ng pumupunta dito si Stan. Kung ayaw syang harapin ni Alex, edi hiwalayan nya na lang. Hindi yung pinapahirapan pa nya." Mahabang litanya ni Kuya John.
"Oo nga. Mukha namang hindi na sya mahal ni Alex eh." Segunda naman ni kuya Alfred.
"NO!!" Natakpan ko yung bibig ko, ako ba yung sumigaw.
"Yun naman pala eh." Sabi ni Kuya Alfred ng nakangiti.
"Princess, bigyan mo ng chance si Stan para magpaliwanag. Hindi maayos ang problema nyo kung mag-iiwasan lang kayo." Sabi ni Dad.
"Hindi titibay ang isang relasyon kung wala kayong pagsubok na pagdadaanan." Sabi ni Mom sabay yakap sa braso ni Daddy.
Naguluhan ako. Naging sarado nga ang isip ko para sa paliwanag.
.
.
.
.
Stan's POV
Alam kong halos lahat kayo ay galit sa akin. Pero hindi ko naman talaga ginusto 'yun.
Sa inyo ako magpapaliwanag.
* Flashback. *
"Stan, I still love you." Bigla akong hinawakan ni Misa sa mukha.
"What?!"
"Mahal pa rin kita . Sorry dahil nakipag hiwalay ako sayo, pero ito na ako ngayon."
"What are you saying Misa?!" Napakunot noo na ako.
"I want you back."
"Stop it Misa. May asawa na ako at mahal ko sya."
"No. Makipag hiwalay ka Stan."
"Sino ka para utusan ako?" Iritang sabi ko.
"I love you." Sabi nya saka ako hinalikan. Pumapalag ako.
Ayoko na kay Misa, mahal na mahal ko ang asawa ko.
And then biglang dumating si Alex.
* End of flashback *
Nagawa kong sigawan si Alex dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.
Una, pagkagulat dahil sa mga sinabi ni Misa. Oo, ex ko sya. Pero nakaraan ko na yun, ayoko ng ungkatin pa. Alam kong nalasing lang si Misa, mababa ang alcohol tolerance nya.
Pangalawa, takot. Takot dahil nakita nya kami ni Misa. Natatakot ako na baka magkagulo kami dahil dun. At ito na nga.
Bukas kailangan ko na syang maka-usap.
----------------------------------------------------------------------
Maria's Note:
Mga 8-10 chapters na lang.
Keep on voting! Pati pala comment :))
I'll dedicate the previous chapters to my followers :))
Love yah!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top