Chapter 38: Ikaw lang talaga.
Alex's POV
"Ako na naman ang may k-kasalanan(sniff). Malay ko bang nandun 'yung Misa na 'yun?(sniff). A-Alam nya na mag sspike ako tapos dun pa sya pumwesto sa likod ni blonde girl."
Ako na baliw. Kinakausap ko ang sarili ko habang naglalakad. Kanina pa ako dito palakad-lakad. Para na akong nawawalang bata.
Destiny ba talaga kami? Soulmate ba talaga kami?
Para ba kami sa isa't-isa?
Ewan ko kung bakit biglang pumasok yan sa isip ko.
"Ang dami nyang kasalanan sa akin. Mas nauna pa 'yung ibang babae na masuot 'yung damit nya. Mas nauna pa 'yung ibang babae na buhatin nya kesa sa akin." Napahawak ako sa pisngi ko. Basa ng luha.
Ang sama-sama ng pakiramdam ko ngayon. Yung luha ko pa ayaw tumigil sa pagtulo.
"Miss?" Napatingin ako sa nag salita. Nilagyan nya ako towel sa likod. "I saw you walking and you're talking to yourself? Is there a problem? Maybe I can help you." Ngumiti sya.
Pinahidan ko muna ang luha ko at binalot ang sarili ko ng towel.
"Thanks for this. I can handle myself." Naglakad na ako at nagulat ako ng sumabay sya sa akin. Humarang sya sa harap ko dahilan para mapahinto ako.
"I'm Bryan. And you are?" Nakangiti nyang sabi sabay lahad ng kamay.
"Alex." Nakipag shakehands na ako.
"Unique name." Ngumiti lang ako.
"Keep smiling." Sabi nya ulit.
"Alex!!" Napatingin kami pareho sa baliw na sumisigaw.
"Bakit?" Tanong ko kay Jc ng makalapit sya amin.
"K-Kanina ka pa namin hinahanap." Hingal na sabi ni Jc.
"Hindi naman ako nawawala." Mataray kong sabi.
Napatingin naman si Jc kay Bryan.
"Sino sya?"
"Ahh. Bryan, this is Jc. Jc, si Bryan." Nag shakehands sila.
"I have to go. Nice meeting you Alex." Sabi ni Bryan at umalis na.
"Kaibigan mo 'yun Alex?"
"Hindi. Nakilala ko lang sya dito. Binigyan nya ako ng towel."
"Sumbong kita kay Stan, sabihin ko nakikipag-usap ka sa strangers."
(BOGS) Binatukan ko sya.
"Aray ko naman!"
"Strangers-strangers ka pang nalalaman! May nangyari bang masama sa akin? Ayusin mo buhay mo Jc ah! Mainit ulo ko!" Litanya ko sa kanya at nauna ng maglakad.
Nakarating na kami ni Jc sa lobby ng hotel at sinalubong kaagad ako ni Amanda ng napaka higpit na yakap. Para namang nawala ako ng 10 years.
"Alex! San ka ba nagpunta?! Kanina pa kami nag-aalala sayo." Nakayakap pa rin sya sa akin. Lumapit na rin sa amin yung iba naming kasama.
"Amanda naman. Saglit lang naman ako nag lakad-lakad."
Napalayo sya sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso.
"Anong saglit? Saglit ba yung two hours?" Galit nyang sabi.
"Two hours?" Nagulat kong tanong.
"Oo martin. Two hours ka lang naman nawala." Biglang nagsalita si Coach Sarah.
"S-Sorry po."
"Ayoko na maulit 'to Martin ah. Bigla kang umaalis." Pangaral ni Coach.
"O-Opo."
"Everyone back to your room. Mamaya mag didinner na tayo." Sigaw ni Coach Gerald.
Sinamahan ako ni Amanda sa kwarto ko. Napaka sweet talaga nitong babae na 'to.
Nag shower na ako. Nakita ko si Amanda na nakaupo sa kama.
"Ok ka lang?" Tanong sa akin ni Amanda.
Pagkabitaw nya ng salita na 'yun ay sabay na tumulo ang luha ko.
Niyakap nya ako at inalalayan umupo sa kama.
"Sshh. Tahan na Alex." Pag-aalo sa akin ni Amanda.
"A-Amanda kami ba talaga? Para ba ako sa kanya?"
"Sshh."
"A-Ang dami kong hindi alam sa kanya. Nag mumukha akong tanga. Sinisi nya na naman ako."
"Alex... baka nabigla lang si Stan kanina."
"Amanda alam mo ba kung bakit nya nilapitan si Misa kanina?"
"Misa pala pangalan nya. Hmmn. Oo nga no. Magka kilala ba sila?"
Kumalas na ako sa pagkakayakap nya.
"Oo, childhood friend nya daw."
"Ahh. Alex nag-alala lang si Stan sa kaibigan nya."
"Alam ko 'yun. Pero ang sisihin ako, tama ba 'yun?"
"Tatanga-tanga talaga si Stan, wala namang alam sa volleyball 'yun eh. Alam naming lahat na aksidente yung nangyari, nakaharang sya. Nagulat nga rin yung mga kasama ni Misa eh."
Nahiga ako sa kama.
(Tok tok)
'Girls kakain na.' Sigaw ng tao sa labas.
"Tara na Alex." Pag-aaya sa akin ni Amanda.
"Susunod na lang ako Amanda." Tinakpan ko ng unan ang mukha ko.
Narinig ko na lang ang pagbukas at sara ng pinto.
Masyado akong napagod sa araw na 'to.
Akala mo tuloy-tuloy ng masaya, pero darating at darating pa rin yung panahon na malulungkot ka.
"Alex.. Alex.." Nagising ako sa mahinang pag ugoy sa akin.
"Hmmnn."
"Kumain ka muna." Dumilat ako.
Sumalubong sa akin ang kinaiinisan kong tao.
"Ayoko." Sagot ko at nagtalukbong ng kumot.
"Alex. Wag ngang matigas ang ulo mo. Kanina ka pa daw hindi kumakain."
Hindi nya alam? Sabagay, nandun nga pala sya sa CHILDHOOD FRIEND nya.
"So what?" Mataray na sagot ko.
"Bumangon ka na."
"Ayoko."
"Ayaw mo?"
"Ayoko!" Nagulat na lang ako ng bigla nyang higitin yung kumot at hinila ang dalawang kamay ko.
"Stop!" Sigaw ko kaso parang wala syang naririnig.
"HEYY!!" Gag* talaga tong lalaki na to! Binuhat nya ako ng para akong sako! Utang na loob! Gustong-gusto lumabas ng mga mura sa bibig ko, kaso hindi ko magawa dahil naiipit yung tyan ko.
Lintek nahihilo na ako! Nasa ulo ko na ata lahat ng dugo ko. Oo pinangarap kong buhatin nya ako, pero hindi naman ganito.
"Put me down." Nanghihina kong sabi. Loko ka ah. Pinaghahampas ko yung likod nya.
"Stop hitting me Alexandra!" Suway nya sa akin.
"PUT ME DOWN!!" Feeling ko naubos lahat ng lakas ko sa sigaw na yun.
Nakarating kami sa resto ng hotel ng naka sando at shorts lang ako.
Alam nyo yung naiiyak ka sa sobrang inis? Yun ang nararamdaman ko ngayon!
Biglang tumulo yung luha ko, agad ko namang pinunasan yun.
"W-Why are you crying?" Natatarantang tanong ni Stan.
Napakagat labi na lang ako para iwasan ang paghikbi ko. Tuloy-tuloy na kasi sa pag tulo ang luha ko.
"You're crying again?" Napatingin kami sa nagsalita.
"B-Bryan?" Tanong ko.
"Yeah it's me. Why are you crying again Alex?"
"Nothing." Sabi ko at pinunasan ng tissue ang luha ko.
"You know him?" Tanong sa akin ni Stan. Naka kunot noo na sya.
"I saw her walking alone in the beach. She's crying that time. And now she's crying again." Si Bryan na ang sumagot sa tanong ni Stan. "Anyway, what's you're order?" tanong ni Bryan na nakangiti.
Bigla akong napatigil sa pag-iyak.
Waiter ba sya dito? Spokening dollar ah, susyal! Subukan nga natin kung makaka intindi ng tagalog.
"Gusto ko ng adobo, kanin, at tubig." Sabi ko.
"She want--"
"Yun lang po ba?" Loko to ah! Marunong pala mag tagalong eh!
"O-Oo." Sagot ko at umalis na si Bryan.
"Saan mo sya nakilala?" Nakakunot noo na tanong ni Stan.
"Sa beach." Maiksing sagot ko. Tsk!
"Mukha kayong close."
"So what?" Mataray kong sabi.
"Ano bang problema mo?" Inis na sabi nya.
"IKAW! ANONG PROBLEMA MO?!" Napasigaw na ako sa sobrang inis.
"Lower your voice Alexandra! Nakaka agaw tayo ng atensyon." Pinandilatan nya pa ako.
"I don't f*cking care!" Napatayo na ako.
Nakaka inis. Umaarte sya na parang walang nangyari.
"Sit down." Maawtoridad nyang sabi.
I take a deep breath bago ako maupo.
"I-I'm sorry." Sabi nya. "Hindi kita napakilala kay Misa."
"Bakit nga ba Stan? Bakit hindi mo ako mapakilala sa kanya?" Inis na sabi ko.
"Nawala sa isip ko. Masyado akong natuwa nung nakita ko." Diretso nyang sabi.
Manhid ba sya?
Ngumiti ako ng mapait at hindi na ulit nagsalita pa.
Nung dumating na yung pagkain, tahimik lang akong kumain habang sya ay nakatingin lang sa akin.
Natapos na akong kumain kaya tumayo na ako at umalis.
"Alex!" Sigaw sa akin ni Stan, pero mas pinili kong hindi sya pansinin.
Dumiretso na ako sa room namin at nahiga ulit sa kama.
"Alex." Narinig kong tawag sa akin ni Stan.
"Ayokong kausap ka."
"Why?"
Tengene! Makaka patay talaga ako ng tao dito!
Napabangon ako. Mukhang ikakamatay ko ang inis!
"STAN NAMAN! MANHID KA BA?! NAGSESELOS AKO!! NAGAGALIT AKO! HINDI MO AKO NAGAWANG IPAKILALA SA KANYA!! ANO PA? SINISI MO AKO DAHIL NATAMAAN SYA NG BOLA! MALAY KO BANG NANDUN SYA?! Pati yung ngiti mo nung kasama mo sya, kakaiba." Humina ang boses ko sa mga huling sinabi ko. Napayuko na ako.
Napaka selosa ko talaga. Kung tutuusin kaibigan nya lang naman talaga yun eh. Kaso anong magagawa ko? Nag seselos ako eh.
Hindi manlang sya mag sasalita? Napa angat ang ulo ko. At ang loko, nakangiti lang.
"I'm sorry. Ok? Nawala talaga sa isip ko. I'm sorry kung nagseselos ka. I'm sorry kung sinisi kita. I'm sorry sa ngiti ko kapag kasama sya."
Hindi ko alam kung anong irereact ko sa sinabi nya.
Hinawakan nya yung balikat ko.
"Hindi mo naman kailangan mag selos. Alex, ikaw lang talaga. Matagal kasi kaming hindi nagkita ni Misa, kaya ganun. Diba nga sabi ko sayo tiwala lang. Kahit naman sumulyap ako sa iba, sayo at sayo pa rin ako tititig."
Napakagat labi na lang ako sa sinabi nya.
Hinagkan nya ako ng napaka higpit. Ang sarap sa pakiramdam.
Nawala lahat ng negative na pakiramdam ko.
------
Leave a comment :))
Love yah!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top