Chapter 37: Childhood Friend.

Chapter 37: Childhood Friend.

Alex's POV

Nung hapon na medyo hindi na masyadong mainit kaya napagdesisyonan naming mga girls na mag beach volleyball.

Kakampi ko si Amanda, marunong din naman sya.

"Luge tayo kay Captain!" Sigaw ni Kat.

"Shut up Kat! Ka-team mo naman si Rina eh." Sigaw ko sa kanya.

Nag-umpisa na ang laro namin. Katuwaan lang.

Ang se-sexy ng mga kasama ko, talagang naka-two piece sila habang naglalaro. Ako naman may suot na manipis na damit, hanggang tuhod lang.

'Wohh~!'

Sigawan ng manunuod.

Nung medyo napagod na kami ay sandali kaming nagpahinga.

May lumapit sa aming 6 na babae.

"Stan?" Napatingin ako dun sa nagsalitang babae.

"Misa?" Napatingin din ako kay Stan.

"Stan!" Nagtatakbo yung babae sabay yakap kay Stan.

Gumanti naman ng yakap ang lalaki.

Sige! Magyakapan kayo sa harap ko!

"What are you doing here Misa?" Tanong ni Stan sa kanya.

"Nagbabakasyon ako dito with my friends. Ikaw?"

"Outing lang. Kasama ko mga school mate ko."

"Ahh. So kilala mo yung mga naglalaro kanina ng volleyball dito?"

Wow. Ang saya nila mag-usap! Wala ako dito?

"Oo." Sabi ni Stan at tumingin sa amin. Ano 'to? Hindi manlang ako pinakilala?

"Bakit?" Tanong ko sabay tayo.

"Gusto sana naming makipag laro

sa inyo, just for fun." Sabi nung isa na blonde ang buhok.

Napatingin naman ako sa mga kasama ko. Tumango lang sila.

"Sure." Tumalikod ako at humarap sa mga kasama ko. "Sino maglalaro?"

"Ikaw syempre." Sabi ni Amanda. Loko 'to ah.

"Ako mamimili." Maawtoridad kong sabi.

"Captain naman! Pagod na ako." Angal ni Kat.

"Kumpleto na sila. Rina, Kat, Ana, Cc, at Amanda." Tumingin ako kay Amanda na hindi na maipinta ang mukha.

"Alex naman. Hindi naman ako player ng volleyball eh." Angal nya sakin.

"Just for fun." Ngumiti pa ako ng pang-asar.

Tinapik na lang si Amanda ng iba naming kasama.

Lumapit muna ako sa pwesto ni Stan. Nag reready na sila.

"Galingan mo Babe." Sabi ni Stan na nakangiti pa.

"Sino 'yun?" Mataray kong tanong.

"Ahh. Si Misa 'yun. Childhood friend ko." Nakangiti nyang sabi.

Iba yung ngiti nya. Para bang may magandang nangyari sa kanya. Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong sabihin.

Biglang lumapit sa amin si Misa.

"Stan, can you hold this for me?" Malanding paki-usap ni Misa habang inaabot kay Stan ang t-shirt nya.

"Sure." Ang mokong! Tinanggap! Bastusan? Wife here!!

Wait. Ano bang alam ng babae na 'to? Hindi nya alam na asawa ako ni Stan.

Umalis na si Misa at tumakbo sa mga kasama nya. Napatingin ako kay Stan na wagas makangiti.

Tumingin din sya sa akin.

"Hindi mo ako pinakilala sa kaibigan mo." Ewan ko. Basta na lang lumabas 'yun sa bibig ko.

Umalis na lang ako sa harap nya.

Hinubad ko na rin yung damit ko at binato ko sa mukha ni Jc, nagulat naman sya sa ginawa ko.

And now, kita na ang sexy kong body. Haha!

"Witwiw~" Narinig kong sipol ni Jc.

Maria's POV

Nag-umpisa na ang laro at hindi maitatanggi na talagang magagaling maglaro ang kalaban nila Alex. Katuwaan lang daw, pero ang iba sa kanila ay pinipersonal na. Lalo na si Misa.

Kanina pa masaya si Misa, naiisip nya na walang pakialam si Stan sa asawa nya dahil hindi nya manlang ito pinakilala sa kanya. Oo, alam nyang asawa ni Stan ang kausap nitong babae kanina.

Hindi makapag concentrate si Alex sa laro. Maraming tumatakbo sa isip nya.

Bakit hindi ako pinakilala ni Stan sa kaibigan nya?

Kinakahiya nya ba ako?

Bakit ganun' yung ngiti nya kanina?

Ngayon talagang alam nya sa sarili nya na hindi nya pa talaga kilala ang asawa.

Napatingin sya kay Misa, iba rin ang ngiti nito. Parang may pinaplanong masama.

Napapikit-pikit na lang si Stan sa sinabi ng asawa nya sa kanya kanina.

"Hindi mo ako pinakilala sa kaibigan mo."

Napagtanto nya nga na hindi nya ito naipakilala. Masyado syang natuwa sa pagkikita ulit ng kanyang kaibigan kaya't nawala 'yun sa isip nya.

Ang kinaiinisan nya pa ay bakit kay Jc binato ni Alex ang damit nito? Eh sya ang asawa.

Napunta sa tapat ni Amanda ang bola.

"Mine!" Sigaw nya.

Tumapat na sa net ang bola. Senyales na 'yun kay Alex para sa pag-spike nya.

Nakita ni Alex na ibo-block ng babaeng blonde ang buhok ang tira nya.

'Wrong move b*tch.' Bulong nya sa sarili.

Hinampas ni Alex napaka lakas ang bola, hindi 'yun kinaya ng babae kaya lumusot lang sa pagitan ng kamay nya.

Hindi inaasahan ni Alex ang susunod na nangyari.

Pagkalusot kasi ng bola ay tumama ito sa mukha ni Misa, naka pwesto kasi sya sa likod ng babaeng blonde ang buhok.

Napaupo si Misa habang hawak-hawak ang noo na namumula na.

"My gosh Misa!"

"Misa are you okay?"

Sigawan ng mga kasama nito.

Lalapit na sana si Alex kaso napigilan sya ng nakita nya ang eksena. Hinubad ni Stan ang suot na t-shirt at isinuot kay Misa. Hindi lang 'yun, binuhat pa nito ang dalaga.

Napatingin si Stan sa pwesto ni Alex.

"Why did you do that Alex?!" Inis na sabi ni Stan.

"Ako?" Gulat na napaturo pa si Alex sa sarili nya.

"Sino pa ba?!" Sigaw ni Stan sa asawa. Sabay alis.

Napako si Alex sa kinatatayuan nya. Gusto nyang habulin si Stan at pagsusuntukin, kaso ang mga lintek nyang paa ay hindi makakilos.

'B-Bakit ako?' Bulong nya sa sarili.

"Alex." Usap sa kanya ni Amanda sabay tapik pa nito sa likod nya.

"Wear this Alex." Sabi naman sa kanya ni Jc at inabot sa kanya ang damit nya.

Pero hindi nya tinanggap 'yun. Umalis na lang sya sa lugar na 'yun.

"Alex!"

"Captain!"

------------------------------------------------------------

Maria's Note:

Let's go kill Misa and Stan!!!

Vote and comment naman po. Ok lang ba yung chapter?

Paramdan naman po yung mga readers ko dyan.

Bago kong inspiration. Si G-Dragon, unique kasi yung boses nya. Haha!

Love yah!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top