Chapter 8
"Xiara? Xylem? Kachixa? Aerioul? Ferrous? Phoenicia?" paglilitanya ni Anding.
"Gaga, pangalan ba talaga ng bata ang iniisip mo or fungal bacteria?" sambit ni Amore na katabi kong nakahiga sa kutson na nakalapag sa sahig. Pinagitnaan ako ng dalawa. Kasalukuyan kaming nagsisleep- over sa apartment ni Anding.
"Kaya nga pinatawag ko kayong dalawa kasi need ko ang suggestions ninyo," depensa naman ni Anding.
"Teka nga lang. Sure ka na ba talaga na juntis ka? Baka naman dehins at umaawra ka lang," pagkaklaro ni Amore.
"Hindi pa naman ako nagpa-consult sa doctor, Vakla. Pero nafe-feel ko kasi siya mismo. Alam mo iyong mother's instinct?"
Ngumiwi si Amore. "Hindi ko alam iyon. Animal instinct lang ang meron ako."
Humagikhik ako sa tabi niya dahilan para ituon nito ang atensyon sa akin.
"Ikaw, Tonya. Wala ka bang iaambag diyan kagaya na lang ng hindi mo pagtanong kay Braxton kung single ba siya at kung saan siya nakatira?"
"May halong hinanakit talaga, Vakla?"
Mataray siyang pumikit at napahaplos sa kanyang noo. Inignora niya lang ang sinabi ko.
Napabalikwas ako ng bangon at tiningnan si Anding.
"Ilang araw ka na bang hindi dinadalaw ni Pulang Araw?"
"Pitong araw na yata. Alam ko na advance ako mag-isip pero mas mabuti na iyon. Sa bawat situation sa iyo may sasagip."
"Nag pregnancy test ka na, girl?" si Amore.
Napakagat si Anding sa kanyang pang-ibabang labi.
"Hindi pa. Baka bukas gagawin ko."
Pagod akong bumuntonghininga.
"Sinabihan mo na ba si Jeshu tungkol diyan?"
"Hindi pa naman. Hindi pa naman kasi ako sigurado. At saka ayoko siyang umasa."
At dahil kilalang-kilala ko na si Anding bilang isang dakilang worrier ay hinayaan ko na lang.
"If babae, pwedeng Alicia or if lalaki naman, pupwedeng Alec ang ipangalan mo."
Mabilis na tumayo si Anding mula sa pagkakahiga at kumaripas patungo sa may cabinet na nasa sulok ng salas.
"Anong ginagawa mo?" kuryosong tanong ko.
"Ilalagay ko sa memo para hindi ko makalimutan," tugon niya habang pinipindot ang cellphone.
"Ingat-ingat, girl. Hindi pa tayo sure kung may laman ba talaga iyan pero baka ka makunan," panunukso ni Amore.
Matapos ang ilang minuto ay bumalik na si Anding sa kanyang pwesto.
"Kamusta pala sa clinic niyo, Tonya? Kamusta na iyong Braxton?"
"Okay lang naman. Three days na siyang nagtratrabaho. Parang mas matagal pa nga siyang nagtratrabaho sa clinic kaysa sa akin kung umasta eh."
" 'Di ba sabi mo doctor iyon? Bakit siya nagtratrabaho bilang nurse? Ang laki ng deperensiya ng sweldo no'n ha."
"Hindi ko alam. Baka nai-stress na sa pagiging doktor kaya nag-nurse na lang. Uso naman iyan sa ibang bansa hindi ba? Iyong mga doktor dito nagiging nurse sa ibang bansa."
"Hmp, sabagay pwede naman na ganoon nga ang sitwasyon niya. Pwede rin na bored lang siya at hindi naman niya kailangan talaga ng pera."
"May lakad pala kami no'n bukas," saad ko.
"Huwag mong sabihin sa akin na pinatulan mo iyong offer niya na tulungan ka sa misyon mo diyan kay Johnny."
Pumikit ako. Dinig na dinig namin ang hilik ni Amore. Para kaming may katabing leyon.
"Okay. Hindi ko sasabihin."
Dinig ko ang marahas niyang pagsinghap.
"So, pinatulan mo nga!"
Napadilat ako at nilinga siya.
"Wala naman kasing mawawala kung tanggapin ko ang offer niya. Isa pa, legit naman siya. Ni-research ko kaya muna siya bago nag-yes. Isa siyang legit na psychologist. Life coach pa nga."
Pinandilatan niya ako. "Hay naku. Ikaw talaga. Basta para sa Johnny na 'yan, go ka lang nang go. Mamaya niyan, baka sa doctor ka pa niyan ma-fall."
Pahesterya akong natawa at sinundot siya sa tagiliran.
"Tumigil ka nga. Napakaimposible niyang sinasabi mo. Ano 'to? Movie or novel, gano'n?"
"Malay mo. May hitchura kaya iyon. Baka mahulog ang loob mo sa kanya at mabitag ka sa sariling patibong. Alam mo na. . ."
"Siyempre may hitchura siya, alangan naman na wala. Ano iyong ulo niya, isang itlog dahil walang mukha?"
Dinig ko ang paglagitik ng braso ko dahil sa malakas na pagtampal niya rito.
"Sige at mamilosopo ka pa! Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin."
"At alam mo rin naman na kahit may umaaligid-aligid na mga lalaki sa akin noon pa man, wala talaga akong ni isang pinatulan."
"Grabe ka. Proud na proud ka pa talaga ha. Samantalang kami nina Jeshu at Vakla halos hindi na magkanda-ugaga sa pangungumbinsi sa'yo na magboyfriend na."
"Siyempre naman. Kaya kahit kailan, hindi mangyayari iyang nasa isip mo. Si Johnny lang ang mamahalin ko," pinal na pahayag ko na nagpatahimik sa kanya.
Tirik na tirik ang araw sa labas ng kotse sa araw ng Sabado ay huminto kami ni Braxton sa isang eskinita na hindi kalayuan sa ospital na pinagtatrabahuhan namin. Doon na niya ako sa ospital sinundo. Wala rin naman kaming pasok dahil sarado ang clinic tuwing Sabado at Linggo.
"What are we doing here?" pangatlong beses ko na yatang tanong kay Braxton.
Tinanggal na niya ang kanyang seatbelt at sumunod na rin ako. Lumabas na siya ng kotse at hindi ako sinagot. Sumunod na lang ako sa paglabas.
Inayos ko ang suot na miniskirt at pink na blouse. Pag-angat ko ng tingin ay tumambad sa akin ang isang maliit na pet shop. Napapalibutan ito ng glass windows at napaghahalataang bago pa lang ito nagbukas.
"Come on," tawag sa akin ni Braxton na kaswal na kaswal lang na nakapamulsa sa suot na jeans. Naka-black cap na naman siya at black na T-shirt. Binuksan na niya ang glass door ng pet shop at wala na akong ibang nagawa kundi ang magpaubaya at sumunod sa kanya.
Pagpasok ko pa lang sa loob ay naamoy ko na ang iba-ibang pinaghalong panghi ng mga hayop. Nagkatitigan pa kami ng isang kuneho na nasa loob ng bakal na kulungan. Kinilabutan tuloy ako. Kilala niya kaya ako sa past life?
Nang maglipat naman ako ng tingin sa kasunod na hawla ay bumungad naman sa akin ang nakangising unggoy.
"Sana all maputi ang ngipin," sambit ko sa sarili habang naiinggit na tinititigan ang ngipin ng hayop.
Wala akong nakikitang ibang kostumer sa loob. Buena mano yata kaming dalawa ni Braxton. Marami rin akong nakikitang iba't-ibang klase ng hayop. Feeling ko tuloy nasa loob ako ng jungle book.
"Tonya, come here," tawag sa akin ni Braxton kaya nilapitan ko na siya sa may gawing dulo ng shop.
"Bibili ka ba ng pet?"
"What do you think about that?" tanong niya sa akin sabay turo sa isang ibon na kulay pula. Nasa loob ito ng bilog na hawla.
"Okay lang naman. Cute siya."
"Alright. We'll take it. And that one, too" wika niya sa halatang may-ari ng shop na nakasuot ng makapal na salamin na kanina pa malungkot na nagmamasid sa amin.
Bad trip ba siya dahil bibili kami? O baka naman ay mayroon na siyang spiritual connection sa mga hayop niya kaya nalulungkot siyang ipagbili sila.
Habang abala na sa pagsusulat sa papel sa may counter ang may-ari ng shop ay hinarap ko si Braxton.
"Teka nga lang. I thought we're going to the mall or to a salon. Naguguluhan pa rin ako kung bakit tayo nandito."
"Bakit sa mall?"
"Kasi. You know. Make over. Operation Tonya Ganda. Ganern."
Nang tinitigan lang niya ako na parang shunga ay nagpaliwanag na ako ng bonggang-bongga.
"Sa movies kasi na napapanood ko, the girl undergoes a make over para mapansin ng guy. So hayun na nga maganda na siya kaya nilingon siya ni guy. The guy realizes that he is in love with her. He proposed. Nagkaanak sila ng lima. And they live happily ever after! Kaya akala ko ganoon ang gagawin natin."
Kumunot ang kanyang noo. Sure ako na hindi iyon dahil sa naririnig naming biglang pag-ungol ng kambing.
"So what exactly are you trying to say?"
"Make over ko nga para mapansin na niya ako!" Halos magdabog na ako sa harapan niya.
Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Medyo nailang tuloy ako.
"Why would you do that? You're already perfect the way you look," marahan niyang pagkakasabi na para bang pinapangaralan niya pa ako.
Napapilitik ako sa dila ko.
"Hay. Kung si Johnny ka lang baka kinilig na ako."
Sumeryoso ang mukha niya. Hindi pinatulan ang pagbibiro ko.
"We're not going to the mall, Tonya."
"Eh 'di anong gagawin natin ngayon? Ito lang? Pagbili mo lang ng mga ibon? Ano mo ako today, isang chaperone?"
"Pakipirma na lang po rito," sabad ng lalaking may-ari sabay turo sa may bandang dulo ng papel.
Kinuha ni Braxton ang ballpen at pumirma na rito. Ang galing ng pirma niya, hindi ko mabasa.
Matapos niyang mapirmahan ang papel at makapagbayad ay iniabot na ng lalaki ang dalawang hawla kay Braxton. Nagpasalamat na kami sa may-ari at lumabas na ng pet shop.
Nasa tapat na kami ng sasakyan niya nang bigla niya na lang iniabot sa akin ang isang hawla na may lamang kulay pula na ibon sa loob.
"Here. This one's yours."
Napaawang ang labi ko pero tinanggap ko pa rin ito. Ilang segundo pa ang lumipas bago ako nakapagsalita.
"Ano'ng gagawin ko rito?"
"Take care of it," kalmante niyang tugon. Akala niya siguro madali lang ang mag-alaga ng pet.
Napapadyak ako dahil sa pagiging frustrated. Mistulan akong isang bata na nagdadabog sa kalsada dahil hindi nabilhan ng cotton candy.
"Ano ba ito? Akala ko ba tutulungan mo ako para mapansin ni Johnny? Paano niya ako mapapansin dito?!"
"That's what I'm doing. For starters."
Pinukol ko siya ng masamang tingin.
"In what way naman ako nito mapapansin ni Johnny? Anong kinalaman ng pagiging pet lover dito? Iiputan lang ako ng ibon na 'to eh!"
Lumamlam ang mga mata niya at pinagbuksan na ako ng pinto ng sasakyan. Kahit nakakaasar siya ay hindi ko pa rin mapigilan ang humanga ng kaunti sa pagiging gentleman niya. Ang lakas lang maka-chivalry.
"Listen to me, Tonya. That bird will teach you everything about relationships." At kaagad ding namatay ang chivalry.
"Ewan ko sa'yo. Twit twit lang naman for sure ang ituturo nito," pagmamaktol ko at pumasok na sa loob ng kanyang sasakyan. Halos makalimutan ko pa na bitbit ko pala ang ibon. Kinandong ko na lang ito.
Sumunod na ring pumasok si Braxton. Inilagay niya sa may backseat ang isa pang ibon na kulay puti na nasa loob rin ng isang hawla.
Hindi ko na siya kinibo pa habang pinaandar niya ang sasakyan. Ilang minuto na kaming nasa kalsada ngunit hindi ko pa rin siya kinakausap. Wala na akong pakealam kung natatarayan man siya sa akin. Gusto kong iparating sa kanya na hindi bukal sa loob ko ang pinapagawa niya. Nakapikit lang ako at nakasandal ang ulo sa headrest ng upuan.
"What's your address again? I'll drive you home," pagbasag niya sa ilang sandaling katahimikan.
"Sa kabundukan. Ako si Maria Makiling," may bahid ng sarkasmong tugon ko sabay muwestra sa hawla.
Napabuntong-hininga siya at pinatay ang makina ng sasakyan. Dumilat naman ako. Huminto kami sa gilid ng kalsada at binalingan niya ako ng tingin.
"Look, when you agreed for me to help you, you promised you'd trust me. You said that you would leave everything to me." May tunog na pang-aakusa ang boses niya. Ganito ba talaga ang mga psychologist? Magaling makapaglipat ng pangongonsensya?
"Hindi ko naman kasi alam na sa pet shop pala ang bagsak ko."
"This is just a start. Gusto mo isuli 'yan?" tanong niya sa mababang boses saka sinulyapan ang hawla ng ibon na hawak ko.
Tiningnan ko siya sa mata niyang kulay berde. Hindi ko maipaliwanag pero para ako nitong hinihipnotismo. Napakaamo nito.
Ibinababa ko ang tingin sa ibon upang makaiwas sa kanya. Kinilabutan ako nang ganoon rin ang nakikita ko sa mata ng ibon. Tingin na para bagang naghahanap ng pag-asa at ang pagsang-ayon ko lang talaga ang himalang makatutubos sa kanila. I feel pressured!
Napalunok ako habang nakatitig pa rin sa mga mata ng ibon. Pumikit ako nang mariin at parang panandaliang pinigil ang paghinga.
"Okay fine. I will do it. I'll take care of it."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top