Chapter 7


Mukha siyang doktor. Ganito ang tingin ko habang pinagmamasdan si Braxton Peters na kasalukuyang nagbabasa ng patient's file habang nakatayo sa gilid ko. Nakasuot na siya ng uniporming puti. Ngunit imbes na maging mukhang nurse ay mas naging mukhang doktor pa ito.

"What is it?"

Napakurap ako nang magtama ang dalawa naming mata.  Nahuli niya yata ang pagmamasid ko sa kanya.

"Nothing. I'm just really curious about you."

Muli niyang ibinaling ang tingin sa file. Sinundan ko ng tingin ang galaw ng mga mata niya. Ang bilis niyang magbasa!

"Why? Are you interested in me?"

Bigla akong naubo sa kinauupuan ko. Tinakpan ko ito ng pekeng tawa.

"Of course not! I'm already in love with someone else."

Kumurba paitaas ang sulok ng labi niya. Nag-iba rin ang kislap ng kanyang mga mata.

"I bet he doesn't even know."

Natameme ako. Ang yabang nito. Sasagot na sana ako nang bigla na lamang lumabas si Ate Eve mula sa pinto ng silid ni Doc Jose.
"Brax, please bring inside the next patient. You'll be the one to assist him."

"Sure," mabilis na tugon ni Braxton at inalalayan na ang matandang pasyente na nakaupo sa sofa.

"Brax?" tanong ko kay Ate Eve sabay taas ng kilay.

"Oo. Iyon ang nickname niya."

"Kailan pa kayo naging close para mag-nickname nickname na kayo? At saka, first day pa lang niya ngayon pero kung makaasta parang nakadikit na ang umbilical cord niya dito sa clinic ah."

Natawa si Ate Eve habang kumukuha ng mga gamot sa drawer. Mayroon pa lang pasyente na naghihintay sa harapan.

"Kahapon lang habang ini-interview siya ni Doc. At saka wala namang masama kung maging confident siya. Mukha nga siyang sanay ng makihalubilo sa mga pasyente,"sagot niya, "Heto po, 1,450 pesos po lahat," wika niya sa pasyente na kaagad naman siyang inabutan ng pambayad.

"Bakit nga ba kasi ang bilis niyang natanggap, Ateng? Nurse ba talaga 'yon?" usisa ko habang gumagawa ng resibo.

Naupo na siya sa tabi ko. "Doktor siya."

Nadagdagan ko ng isa pang zero ang amount na inilagay ko sa resibo dahil sa gulat. Inangat ko ang aking tingin.

"Seryoso?!"

Awtomatikong inabutan niya ako ng correction tape.

"Oo. Nawindang nga rin ako. Tapos tinanong siya ni Dokey kung bakit siya nag-aaply maging nurse dito sa clinic. Alam mo ba kung ano ang isinagot niya?"

"Ano?"

"Hindi ko rin alam. Pinalabas kasi ako ni Doc dahil confidential daw."

Naparami ang pagkalagay ko ng correction tape. Matapos kong hipan ang resibo ay ibinigay ko na ito sa nakabusangot na pasyente.

"Kung gano'n pa-mysterious pala ang dating niya, ganern?"

"Siguro ganoon nga. Hayaan mo na. Okay naman ang references na ibinigay niya kay Doc. Lehitimo naman siya."

"Hoy, Ateng. Baka kriminal 'yan o baka rapist at natanggalan ng lisensya do'n sa Australia kaya nagnunurse na lang dito sa Pinas."

Inismiran ako ni Ate Eve. "Iyong mukhang iyon, rapist? Hmp, kung ganoon eh magpapa-victim ako."

"Landi ah!" Sabay kaming napahagikgik.

"Teka nga pala. Dahil malapit ng magtanghanglian, sinabihan ko na si Brax na sabay na kayo. Sabayan mo na para maging kumportable ang pagtratrabaho niya rito."

"Bakit ako?"

"Gusto kasing makipagsabay ni Doc Jose sa akin," pangangatwiran niya.

"Iba na po 'yan, Ateng ha."

"Tumigil ka nga diyan. Kinikilabutan ako sa'yong bata ka. Pakiabot nga ng bag ko."

Kinuha ko ang bag niyang gawa yata sa balat ng ahas na nakalagay sa ilalim ng mesa at iniabot ito sa kanya. Biglang bumukas ang pinto ng silid ni Doc Jose at iniluwa siya nito kasabay ni Braxton at ng matandang pasyente.

"Handa ka na, Eve?" tanong ni Doc Jose kay Ate Eve samantalang inaalalayan naman ni Braxton ang matandang pasyente palabas ng clinic.

"Opo, Doc Jose."

Nilinga ako ni Doc. "Baka gusto niyong sumabay ni Braxton sa amin, Antoinette?

"Naku, huwag na po Dokey. Salamat na lang,"madali kong naitugon.

Ayaw na ayaw ko talagang nakikisabay sa pananghalian ni Doc Jose dahil alam kong hindi ko makakain ang gusto ko. Napakaistrikto naman kasi niya pagdating sa pagkain. Palibhasa eh, doktor.

"O siya sige. Mauna na kami ni Eve. Sa 1:30 na tayo magre-resume."

"Sige po. Happy lunch!"

Nang makaalis na ang dalawa ay naghanda na rin ako. Iniligpit ko ang ibang dokumento na nasa mesa at inilagay ang mga ito sa drawer. Inayos ko na rin ang sarili at nag-aaply ng face powder sa mukha.

"Where should we eat?"

Kamuntikan ko ng mabitawan ang face powder na hawak. Nilinga ko sa likuran si Braxton na nakasandal na pala sa pader.

"May lahi ka bang pimple?Bigla ka na lang sumusulpot."

"What?"

Inilagay ko na sa loob ng bag ang face powder.

"Nothing, anak ng titing."

"I know what that means."

Binitbit ko ang bag at nilingon uli siya.

"What do you mean?"

Kinuha niya ang ballpen na nasa bulsa niya at pinaikot-ikot ito gamit ang mga daliri habang tinitingnan ako.

"I know what anak ng titing means. My mom is a Filipino, you know."

Tinaasan ko siya ng isang kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Medyo nahirapan pa ako dahil sa bitbit na bag.

"So? What does it mean?"

Itinigil niya na ang pagpapaikot sa ballpen at muli itong inilagay sa bulsa na hindi tinatanggal ang tingin sa akin. Kumurba paitaas ang sulok ng kanyang labi.

"It means I'm handsome."

"So, let me get this as straight as a ruler or a meter stick. You are a licensed psychologist?"

"Yeah. That's right."

Sumandal ako sa silya at tinitigan ang nakaupo sa tapat na si Braxton. Tapos na kaming kumain at nag-uusap na lang.

"What were you doing in Bohol?"

"I was there for an adventure," simple niyang sagot.

Humalukipkip ako. "Tindi rin ng adventure mo ano?"

"Naintindihan ko 'yon," deretsahan niyang sinabi with accent pa.

Napasinghap ako sa matinding gulat at nanlaki ang mga mata ko.

"Nananagalog ka?!"

"I told you I'm half-Filipino,"pasimpleng tugon niya.

"Then, bakit Ingles ka nang Ingles?!" Halos tumaas na ang boses ko.

"Because I always get a way with it. And besides, baluktot ako managalog."

Tumango lang ako. Bigla na naman akong napasinghap nang maalala ang isang bagay.

"Jusko! Kung ganoon, na-gets mo iyong pinag-usapan namin sa presinto?"

"Nope. I was drunk. I was not sober yet. And I'm not that fluent in speaking your language too. Why? Is there something I need to know about?"

Mabilis ang pag-iling ko sabay poker face.

"Oh nothing! Nothing, anak ng titi—" Naputol ako sa sasabihin nang mapansin ang pag-upo ni Johnny sa kabilang mesa ng restawrant. Kasama niya pa ang singkit na si Jasmine.

"What is it?"

Binigyan ko ng panic look ang halatang nagtatakang si Braxton. Ngunit parang hindi niya ma-gets ang look ko dahil sinundan niya ang aking tingin.

"Oh. The nurse guy. Is he the one you're in love with?" sabi niya sa mapaglarong tono ng boses.

"Shuta! Baka mahalata ka! Huwag mo nga siyang tingnan!" Matinis na bulong ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa ginagawa niya.

Kumurba ang labi niya paitaas habang pinagmamasdan ako. Napansin niya siguro ang pamumula ko.

"You know, in Psychology there's this thing we call Stages of Attraction."

Nilagok ko muna ang isang baso ng tubig na nasa mesa bago nagsalita. Feeling ko pati ngipin ko eh nanginginig na.

"Pwede ba, Doctor Nurse, ayoko ng Medicine 101 ngayon. Isa pa, hindi ako attracted sa kanya!"

Nagtagpo ang kilay niya na para bang hindi makapaniwala sa binitiwan kong mga salita.

"Really?"

"Hindi ako attracted sa kanya dahil mahal ko na siya," giit ko. Laking gulat ko na lang nang bigla na lang umalog ang mga balikat niya at nagsimula siyang tumawa nang mahina. Buong-buo ang tawa niya. Iyong tipong nakakahawa kung hindi lang talaga ako naaasar.

"Pinagtatawanan mo ba ang pagmamahal ko?" Napaawang ang labi ko dahil sa inaakto niyang kalapastanganan.

Minamaliit ba ng damuhong ito ang pag-ibig ko?

Paulit-ulit niyang pinipisil ang matangos na ilong habang nagsisimula na siyang mamula. Eh 'di siya na ang meztizo!

"I'm sorry. Sorry if I offended you. It's just—Well. How old are you?"

"I'm twenty-three," tugon ko habang nakaw na pinapasadahan ng tingin sina Johnny sa kabilang mesa.

"And you've never had a boyfriend," pahayag niya.

"How could you tell?"

"It's in your aura. I felt it the first time I visited the clinic. You think that you love him."

Napairap ako. "I don't think that I love him. I'm sure that I love him."

"Alright. Alright, I understand. Has he done something about it?"

"What do you mean?"

Tinitigan niya ako ng ilang minuto.

"Oh shit. He doesn't know. Now I get why he has a girlfriend."

"Alam mo, kinikilabutan ako sa'yo. Mind reader ka ba?" sabi ko na may bahid ng sarkasmo.

Ngumisi siya at mayabang akong tiningnan.

"I told you, I'm a psychologist. Tulong kita."

"Tutulungan," pagwawasto ko.

"What?"

"Tutulungan kita. Hindi tulong kita. See? Ako pa yata ang tutulong sa pananagalog mo e. Ewan ko sa'yo."

Pinasadahan niya ang kanyang buhok gamit ang mga daliri.

"Okay. Fine. I'm gonna help you."

Natawa ako nang kaunti. Halata ko ang pagka-frustrated niya.

"Help me with what?"

"I'll help you make him fall in love with you," kalmante niyang sinabi.

"You what?!" Pinagtinginan kami ng iba pang kumakain dahil medyo napataas ang boses ko. Dahil na rin dito ay biglang napatingin si Johnny sa gawi namin. Kaagad niya akong nakita at nakilala!

Laking gulat ko na lang nang bigla siyang tumayo at hinawakan ang kamay ni Jasmine upang alalayan ito. Tumayo na rin ito at nilingon kami sa aming kinauupuan.

"Sheyt. Sheyt. Sheyt," bulong ko ng paulit-ulit habang tinatakpan ang mukha gamit ang kamay.

Ilang segundo pang hindi magpirmi ang kaluluwa ko dahil sa kaba. Pati kili-kili ko yata ay pinagpapawisan na. Bakit ba kasi kasama pa ni Johnny ang girlfriend niya? At nasa tapat ko pa ang chismosong doktor na ito.

"Antoinette. Ikaw nga," anang boses na hindi maikakailang kay Johnny mylabs.

Iplinaster ko muna ang plastik na malaking ngiti bago ibinaba ang kamay at tiningnan siya nang deretso.

"Oy, Johnny. Hindi kita napansin. Kanina pa kayo?"

"Actually, kaka-order lang namin." Nakangiti pa siya habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Braxton.
Awkward akong napatikhim.

"Ah. Si Braxton nga pala. Braxton, si Johnny. At ang kanyang. . . "

"Girlfriend. My girlfriend. Si Jasmine." pagpapatuloy ni Johnny na trumiple kill sa puso ko.

Ang sakit sa bagang! Lord, take away all the pain! Susundan ko na ang liwanag!

Nagkamayan sina Braxton at Johnny habang tumigas naman ang ngiti ko kay Jasmine.

"Si Antoinette pala, babe. Siya iyong kababata ko sa probinsya," pagpapakilala niya sa akin.

"Hi. Nice meeting you. Nakukuwento ka rin kasi ni Johnny sa'kin," malumanay na wika ni Jasmine. Ang hinhin niyang magsalita. Sa sobrang hinhin ay parang hindi na bumubuka ang kanyang bibig.

Para na akong tuod dahil hindi ko na alam kung paano magsalita. Mas nilakihan ko lamang ang ngiti ko sabay tango.

Tumikhim si Braxton sa tapat ko kaya naman ay nakuha niya ang atensiyon ng dalawa.

"I think your order just arrived," aniya na nagpawala naman sa tinik sa lalamunan ko.

Sabay silang napalingon sa kanilang mesa.

"Oo nga. Sige. Balik na kami," pagpapaalam ni Johnny at tinungo na nga nilang muli ang kanilang mesa.

Nang makabalik sila sa pagkakaupo ay doon pa lamang ako gumalaw at dali-daling kinuha ang baso ng tubig. Pakiramdam ko para akong naging tigang at dinaanan ng El Niño. Ngunit nadismaya ako nang makitang wala na pala itong laman. Ibinaba ko na lang ang baso sa mesa.

Samantalang walang imik naman na itinulak ni Braxton palapit sa kamay ko ang kanyang baso na puno pa ng tubig.

"I didn't touch that," aniya sa mababang boses. Tinitigan niya nang maigi ang bawat sulok ng mukha ko. Tila ba naninimbang ang tingin niya.

Hinawakan ko ang baso ng tubig niya na mistulang dito na nakadepende ang buhay ko. Determindo ko siyang tiningnan nang deretso sa mata.

"Okay, Doc Nurse. Help me."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top