Chapter 6
Limang beses pa yata akong napakurap bago naramdaman ang mariin na pagpisil ni Ate Eve sa braso ko. Dahil dito ay nabalik ang wisyo ko.
"You are Antoinette De Yemas, right?" pagpapatuloy ni Braxton Peters nang nanatili akong walang kibo at nakatameme lang habang pinagmamasdan siya.
"Yes I am! I mean, yes she is!" Si Ate Eve ang sumagot habang mabilis na inilapag sa mesa ang "LUNCH BREAK" na signboard.
Binalingan ko siya ng tingin.
"Ateng, wala pa namang alas-dose ng tanghali ah."
Tuso siyang ngumisi habang nasa bagong dating lang ang tingin.
"Asus, parehas na rin 'yon. Sige na at nang magkalablayp ka na." Pagkasabi niya nito ay pumasok na siya sa loob ng silid ni Doc.
Naiwan naman kaming dalawa ni Braxton. Lumabas na rin ang dalawang natirang pasyente.
"Can I help you with something?" tanong ko sa wakas. Ngayon ko lang napansin na kulay itim ang buong kasuotan niya. Itim na cap, T-shirt, at jeans. Naks. Parang action star lang ang galawan niya ah. May hinugot siya mula sa kanyang bulsa.
"I just came here to give you this," sagot niya na may iniabot na white envelope.
Kaagad ko itong tinanggap at marahan na sinilip ang laman. Namilog ang mata ko nang makita ang tig-iisang libo na papel na nasa loob.
"That's the twenty thousand I owed you," pagpapaliwanag niya. Nahalata niya siguro ang matinding gulat at pagtataka na umusbong sa mukha ko.
Mabilis akong napatingin sa kanya. "I can't accept this. I-I mean, you don't have to p-pay me back or anything."
Napakunot-noo siya. "But I promised to pay you back."
Napakamot ako sa aking noo. Hindi ko maipaliwanag pero parang nako-conscious na lang ako bigla. Hindi rin ako makatingin nang deretso sa kanya.
"Well, you don't have to. What happened in Bohol wasn't your fault. I was the one who broke the vase, not you."
Tinitigan niya ako nang mariin. Para bang tinitimbang niya pa ang ekspresyon sa mukha ko na ipinapakita sa kanya.
"Oh. Okay then."
"Good. Good," matipid na tugon ko at sinabayan ko pa ito ng paulit-ulit na pagtango.
"Can I have it back?"
"What?"
"The envelope. Can I have it back?"
Wapak. Ang bilis namang kausap nito. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti sabay abot ng envelope sa kanya.
"Here. Keep it."
Kaagad niya itong tinanggap at inilagay muli sa bulsa. Ang kuripot! Takot yatang mabudul-budol!
Siguro ay napagtanto na niyang safe na safe na ang kanyang pera, iginala niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Habang abala siya sa pagmamasid sa mga poster na nakadikit sa pader ay abala naman ako sa pagmamasid sa kanyang mukha. Medyo makapal din ang kanyang kilay na kakulay ng kanyang brownish na buhok. Pero mas makapal talaga ang kilay ng mylabs ko! Mahaba ang kanyang pilik-mata, mahaba rin naman kay mylabs. Matangos ang ilong. Hindi nga lang mas matangos ang kay Johnny. At ang lips niya ay-
Magkasabay kaming napaigtad nang biglang bumukas ang pinto ng clinic. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang iniluwa nito si Johnny ko. Mas mabilis pa kay The Flash ang ngiting ibinigay ni Johnny nang mahagilap niya ako. May chance pa talaga kami!
Kaagad niya akong tinungo sa front desk. Parang tumigil ang mundo ko. Slow motion ganoon. Parang kumikinang si Johnny mylabs habang humahakbang siya papalapit sa akin. Mabilisan kong hinawi ang aking buhok.
"Nag-lunch ka na ba?" tanong niya sa'kin. Bungad pa lang niya, kinilig na ako, ni hindi ko na nga mapigilan ang paghuhuramentado ng puso ko.
"Hindi pa nga eh. Ikaw ba? Kumain kita-este kumain ka na?" Jusko! Bakit ba talaga ako nagiging bobo kapag siya ang kausap ko?
"Hindi pa rin."
Ay wow! Something in common!
"Napadalaw ka? May sasabihin ka ba sa akin?" tanong ko at mas pinalagkit pa ang tingin.
Nang mapasadahan ko ng tingin ang Australyano ay pansin kong may nakakubling ngiti mula sa mga labi nito habang nakamasid sa aming dalawa ni Johnny.
Pansin niya ba ang aming chemistry?
"Ah oo."
Mabilis kung ibinaling muli ang tingin sa kaharap na si Johnny.
"Really? Tell me." Mas pinasidhi ko pa ang aking titig at pinaliit ang mga mata. Singkit si Jasmine. Mahilig siya sa mga singkit.
"Okay ka lang ba, Antoinette? May problema ba sa mata mo?" tanong niya na may bahid ng pag-aalalala ang hitchura.
Punyemas! May problema ba siya sa pagiging singkit-singkitan ko? Dahil sa inaasta niya ay mas na-challenge tuloy ako. Mas pinag-igihan ko pa ang pagiging singkit.
"Ah eh. Oo naman. So, ano nga ang sasabihin mo?"
Naningkit na rin ang mga mata niya sa pagtataka at napakamot na siya sa kanyang batok.
"Kukunin ko sana iyong record ni Judas Diabolos. Iyong ni-refer mo sa amin."
Bumagsak ang balikat ko. Para akong tinanggalan ng tadyang.
"Iyon lang ba?"
"Oo sana. Bakit? Meron pa bang iba?" may pagtataka niyang tanong, "Okay ka lang ba talaga, Antoinette?"
"Oo naman. Okay pa sa alright. Sige. Kukunin ko lang sa cabinet, " walang kabuhay-buhay kong tugon. Daig ko pa ang nalipasan ng gutom na zombie habang kinukuha ang file sa cabinet. Makalipas ang ilang minuto ay natumbok ko ito at kinuha.
"Heto. Ipadala mo na lang rito kapag okay na," pahayag ko sabay abot nito sa kanya.
"Sige, maraming salamat. Mauna na ako. Kumain ka na. 'Wag kang magpapalipas ng gutom."
Paasa ka, J!
Nang makaalis na si Johnny ay bumagsak ako sa upuan dahil sa pagiging dismayado sa naging takbo ng usapan namin. Hindi ko na nga napansin na nasa loob pa rin pala si Braxton. Tumikhim siya kaya naman ay napalingon ako sa kanya.
"Excuse me. Is this slot still available?" tanong niya sabay turo sa flyer na nakadikit sa pader. Isang advertisement na ipinadikit sa akin ni Doc kaninang umaga lang para makahanap na kami ng isa pang clinic staff.
"Yes. Why?"
"I'm interested to apply. Who'll interview me?"
Aba. Seryoso ba siya? May saltik yata siya sa ulo eh. Kunsabagay, sino ba naman ang matinong tao na ililibing ang sarili sa buhanginan at ulo lang ang itira? Teka nga. Parang ginawa ko rin iyon ah! May saltik din ba ako? Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Muli kong ibinaling ang atensyon sa kanya.
"You need to pass a resume and application letter first," seryoso kong sinabi.
Nagtagpo ang dalawang kilay niya.
"What's the use? I'm already here."
Seryoso ba siya? Natawa na lang ako sa kumpiyansa sa sariling ipinapakita niya. Insakto naman na lumabas si Ate Eve mula sa silid ni Doc.
"Ateng, mag-aaply daw ang isang 'to bilang clinic staff," pagsisimula ko na nakataas ang isang kilay at sa nakapamulsang Australyano lang ang tingin.
"Really? Come with me!" masiglang tugon ni Ate Eve na gumulat sa akin. Kaagad akong nag-angat ng tingin sa kanya.
"Seryoso ka ba? Eh, wala nga siyang resume na dala. And besides, he's a foreigner!"giit ko na may Ingles pa talaga para maintindihan ng saksakan ng confidence na lalaking ito.
"I've got dual citizenship. I'm half Filipino."
Napaawang ang labi ko habang napatingin sa kanya.
"That's great! Come with me. Our doctor will interview you,"sambit ni Ate Eve sabay hawak sa braso ni Braxton. Hindi na ako nakaalma pa dahil deretso na niya itong hinila papasok ng silid.
Napakurap na lamang ako nang makita ang pagsara ng pinto.
Ano ba ang nangyayari sa mundo? Tsk!
Kinuha ko ang cellphone mula sa bag at nag-text kay Amore. Ang sabi niya kaninang umaga ay sabay raw kaming mananghalian. Nasa tapat na gusali lang naman ang pinagtratrabuhuhan niyang isang recruitment agency. Gusto ko ng kumain ng bulalo. Naistress ako sa mga nangayari! Mabuti na lang at mabilis ang kanyang pag-reply.
Vakla: Same place. Kita tayo doon. I'm coming!
Naghintay pa ako ng limang minuto bago tumayo. Alam ko na ang galawan ng kaibigan kong ito. Sasabihin na malapit na o I'm coming eh ang totoo nakahilata pa naman. Ipinasok ko na sa maitim na shoulder bag ko ang cellphone at tumayo na. Pinasadahan ko pa ng tingin ang pinto ng silid na pinasukan nina Ate Eve kanina. Ano na kaya ang nangyayari sa loob? Well, mabait naman si Dokey kaya hindi siguro iyon nagbibitaw ng masasakit na salita doon sa Australyano.
Labas na ako ng clinic ng hindi man lang lumilingon ni isang beses. Pagpasok ko pa lang sa loob ng elevator ay saka lamang ako bumuntonghininga at sumandal sa pader.
"Late ka ha!" sumbat sa akin ni Amore nang maupo na ako sa tapat niya.
Pinahiran ko ang pawis na nasa noo gamit ang panyo. Sadya naman kasing napakainit sa labas. Tirik na tirik ang araw. Nasa restaurant kami na madalas naming kinakainan. Malapit lang ito sa pinagtratrabahuhan namin kaya napaka-convenient lang.
"Pasensya. Na-traffic lang. Nag-order ka na?"
"Oo. Um-order na rin ako noong bulalo mo. At saka ano ba ang pinagsasabi mong traffic diyan? Eh, hindi ka naman sumakay. Nalalakad lang naman 'to. Echosera."
"Traffic pa rin. Madaming sasakyan kaya hindi ako nakatawid kaagad," sagot ko sabay ngiti sa waitress na naglapag ng pagkain sa mesa namin.
Umirap ang bakla sa kawalan.
"Bruha ka!"
Pilya akong ngumisi ako sa kanya. "Salamat."
"You're welcome!"
"May chika pala ako sa'yo," pagsisimula ko sabay higop sa sabaw ng bulalo." 'Yong Australyano na nakasama ko sa presinto do'n sa Bohol. Dumating sa clinic kanina."
"Seryoso?!"
"Oo nga. Binigyan ako ng twenty thousand. Hindi ko tinanggap."
Bigla niya na lang akong tinapunan ng kanyang pancit.
"Gaga! Bakit pa trying hard to get ka pa, twenty thousand na iyon. Ang arte mo ha!"
"Eh kasi naman, ako lang talaga ang may kasalanan kaya bakit ko pa siya idadamay? Ayokong maguilty, ano," pangangatwiran ko sabay hawi sa pancit na dumikit sa pisngi ko. Mabuti na lang at hindi natapon sa suot kong puting uniporme.
"Ewan ko sa'yo. Malalagas pa yata ang iilang natitirang hibla ng buhok ko sa kakukunsimisyon ko sa'yo, day."
"Grabe ha."
Nilantakan na niya ang special pancit niya. "So anong ginawa niya? Umalis na ba siya?"
"Hindi pa. Nandoon pa nga eh. Ewan ko ba, ang sabi niya mag-aaply daw siya bilang clinic staff."
"Ganern? Seryoso? Tinanggap naman ba?"
Binuhusan ko muna ng sabaw ang tigang na kanin bago sumagot.
"Hindi ko pa alam, Vakla. Nandito ako hindi ba? Nanananghalian kasama ka."
Ngumuso siya at lantaran akong inirapan. "Sorry naman. So ibig sabihin naroon pa iyon ngayon sa clinic?"
Nagkibit-balikat lang ako at nagpatuloy na sa pag-kain. Samantala, ang kaibigan ko naman na nakaupo sa tapat ko ay bigla na lang tumigil sa pagsubo. Nag-angat ako ng tingin at kaagad na tumambad sa akin ang tusong malapad na ngisi niya habang nakamasid sa akin. Nagsimula na akong kabahan.
"Tanungin mo nga kung single ba siya at kung saan siya nakatira."
"Ano?! Ayoko nga! Mamaya baka isipin pa no'n na may gusto ako sa kanya. No way!"
Maarte siyang ngumuso.
"Tatanungin mo lang naman para sa akin. Ang arte-arte pa."
"Basta, ayaw ko. Kung bet mo talaga siya eh 'di ikaw na ang personal na mag-inquire hindi ba? At saka, hindi mo ba siya natanong niyan noong nandoon tayo sa presinto sa Bohol?"
"Hindi pa, beh. Nahiya kasi ako," pabebe pa siyang humagikgik.
Ngumiwi ako. "Nahiya ka pa talaga sa lagay na 'yon ha."
Matapos naming mananghalian ay nagpaalam na kami sa isat-isa at bumalik na sa trabaho. Sumakay na ako ng elevator para makapunta na sa pangatlong palapag kung nasaan ang clinic.
Nang marating ang clinic ay binuksan ko ang pinto. Naabutan ko pa si Ate Eve na nagtatangal ng dinikit na advertisement.
"Bakit niyo po tinanggal iyan, Ateng?"
"Dahil meron na tayong makakasamang bagong nurse."
Bigla na lang na parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Dumoble rin ang paglakas ng pintig ng puso ko. Malakas ang kutob kong kilala ko ito pero sinigurado ko talaga.
"Sino?"
Tiningnan ako ni Ate Eve, ngumiti siya at tuluyan ng pinunit ang flyer.
"Si Braxton Peters."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top