Chapter 30 Bucket List

This will be the end of My Bilibid. Maraming salamat mga beh. ^_^

One Year Later

Death Anniversary ang araw na 'to ni Braxton. Kaya heto ako, nasa bundok kung saan isinaboy ang abo niya. Nagtapon ako ng rosas sa bangin matapos siyang kausapin. Tumalikod na ako upang bumalik na sana sa kotse nang nakita ko ang isa pang kotse na dumating. Ilang sandali pa ay bumaba mula rito sina Tita Helene at Tito Ron.

Magkaparehong nakasuot ng puting damit ang dalawa. Ngumiti sila nang makita ako. Kaagad akong sinalubong ng yapos ni Tita Helene.

"Kamusta ka na?" tanong niya sa akin matapos naming magyakapan.

"Okay naman po. Kayo po?"

Nginitian ni Tita Helene ang asawa bago bumaling ulit sa akin. "We're doing okay. We're healing."

Tumango naman ako.

Magkasabay kaming muling napaharap sa bangin.

"I'm sure my son is happy right now. He loved this place. That's the reason why we decided to spread his ashes right here,"wika ni Tita Helene. Tahimik lang na naghagis ng ilang bulaklak sa bangin si Tito Ron.

"Oh. May ibibigay nga pala ako sa'yo, Tonya," biglang sambit ni Tita Helene na may kinukuha mula sa maliit niyang sling bag. Dumukot siya rito ng isang puting envelope at iniabot niya ito sa akin.

"Ano po ba ito?" tanong ko nang mahawakan ito.

"Open it," ani Tita Helene.

Marahan ko itong binuksan. Sinilip ko ang loob nito at nakita ang isang nakatuping papel. Nakakunot-noo ako habang kinukuha ito.

Nang makuha ang papel ay binuksan ko ito at binasa. Una kong napuna na sulat-kamay ito ni Braxton.

1. Study abroad.

Nag-angat ako ng tingin at napansin na pinagmamasdan ako ng mga magulang niya.

"Ano po ba ang ibig sabihin nito?"

Ngumiti silang dalawa. "Before Brax died, he gave that to us. It is what it is, Tonya. You just have to choose a country." Si Tita Helene ang sumagot.

"Po? Pero . . ." usal ko.

Pero ang totoo, gusto ko namang dugtungan na wala naman akong pera. Marahil nabasa ni Tito Ron ang nasa isip ko kaya ay nagpaliwanag siya.

"You don't have to worry about anything, Tonya. Braxton had made sure that you'll be taken care of financially with your studies."

Napanganga ako. Kaagad na kinuha ni Tita Helene ang kamay ko.

"Just do it. Brax made us promised to really make sure to convince you."

At dahil wala na akong nagawa, tinanguan ko na lang ang mga magulang niya.

Matapos makausap ang parents ni Brax ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Ang sabi nila, babalik na rin daw sila kaagad sa Australia. Keep in touch na lang daw ako sa update ko. Dumeretso na rin ako ng clinic. Nagpaalam lang naman kasi ako na dadaan lang kay Brax.

Mabilis akong pumasok ng ospital at sumakay na ng elevator. Nang marating ang clinic ay kaagad akong pumasok sa loob.

"Good morning, Ateng," pagbati ko kay Ate Eve. Nakaupo siya sa may front desk.

Kaagad na sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Morning. Pinuntahan mo si Brax?"

"Yep."

"Siyangapala, hija. Puntahan mo muna si Doc Jose sa loob ng silid."

"Okay!" Hindi na ako umupo at tinungo na ang silid ni Dokey. Matapos katukin ang pinto ay bumukas ito at lumabas mula rito ang isang lalaking pasyente. Nginitian ko siya at tumuloy na sa pagpasok.

"Hello, Dokey . . ." pagbati ko rito.

"Oh, Tonya. May ibibigay ako sa'yo," aniya na may kinuha mula sa kanyang drawer. Ilang sandali pa ay inabutan niya ako ng isang envelope.

"Sinabihan ako ni Braxton noong isang beses na dumalaw ako sa kanya sa ospital na ibigay ko raw sa'yo 'yan pagkatapos ang isang taon."

Dali-dali ko itong binuksan. Isa na namang tinuping papel ang nasa loob nito. Kaagad ko itong binuklat at binasa.

2. Be a doctor.

"Ang bilin niya sa akin, siguraduhin ko raw na gagawin mo kung ano man ang isinulat niya diyan. Kaya mangako ka, Tonya na gagawin mo talaga iyan," pagpapatuloy ni Dokey.

Nakangisi ako na nag-angat ng tingin.

"Gusto niya ho akong maging isang doktor . . ."

"Aba, maganda iyan. Sige, gawin mo. ENT ba ang gusto mo? Sige at nang ikaw ang pumalit sa'kin kapag nagretiro na ako."

Natawa na lang ako. Ngunit mas lumakas ang kabog ng dibdib ko sa saya. Dahil may ideya na ako kung alin ang gusto ko. Magaling kaya ang naging mentor ko!

Matapos makapagpasalamat kay Dokey ay lumabas na ako ng silid. Umupo ako sa tabi ni Ate Eve. Kaagad naman niya akong inabutan ng isa pang envelope!

Sinu-sino pa ba ang binigyan ni Braxton ng mga ito?!

Binuksan ko ito at kaagad na binasa ang nakasulat.

3. Own a pet.

Tinapik ako ni Ate Eve sa balikat. "Bukas na bukas ay sasamahan kita sa pet shop," sabi niya at niyakap ako nang mahigpit.


"Ang laki na ng ipinagbago mo, beh. Hindi ka na palaging late ngayon," komento ni Amore na nakaupo na. Napagpasyahan na naman naming magsabay sa pananghalian.

Matapos naming um-order ay tinitigan ko siya.

"Wala ka bang ibibigay sa'kin?"

Nanlaki ang mata niya.

"Paano mo na knows, beh? Oo! Meron. Wetlalo . . ."Kaagad niyang kinuntingkay ang loob ng kanyang bag. Nang makita ito ay agad niya itong iniabot sa akin.

Mabilis kong binuksan ang envelope at binasa na naman ang nakasulat sa papel na nasa loob nito.

4. Enjoy life.

"Ano'ng sabi ng nakasulat? Alam mo bang ang tagal ko ng gustong buksan iyan kaso nangako ako kay Doc Brax. Patingin nga!"

Ipinabasa ko ito sa kanya. Patango-tango naman siya.

"Gawin mo iyan ha. Kung hindi, pipiktosan kita sa matres!"


Mas na-excite pa akong umuwi sa bahay nina Mudra. Iniisip ko na baka may envelope din na ibinigay sa kanya si Braxton. Hindi na ako makapaghintay habang nag-aabang ng jeep na masasakyan.

"Antoinette?"

Lumingon ako at nakita si Johnny. Ngumiti siya. Sa mga nagdaang buwan ay naging tunay na talaga kaming magkaibigan. Walang halong hidden feelings.  Minsan nga ako pa ang nagpapayo sa kanya tungkol sa kanyang love life.

"Mabuti at nakita kita. May ibibigay pala ako sa'yo . . ."

Kinutuban na ako. Nakumpirma ko ito nang abutan na niya ako ng envelope.

Kaagad ko itong binuksan at binasa.

5. Find new love.

Malungkot ako na nakangiti. Ilang sandali pa ay may jeep na na huminto sa tapat. Sasakay na sana kami nang may tumawag sa pangalan ko.

"Tonya!"

Nilingon ko ang pinagmumulan ng boses. Laking gulat ko nang makita ang ex-fiancee ni Braxton na si Debbie. Humihingal pa ito nang nahinto na sa harap namin.
"You're Tonya, right?" tanong niya na humihingal pa.

"Yes."

Napatampal siya sa noo. "Ugh. Thank God! I need to give you something . . ."

Teka . . . 'Wag niyang sabihing. . .

"Here. Braxton asked me to give this you. About a year ago. When I visited him at the hospital."

Bumagsak ang panga ko habang tinatanggap ito.

"I just got married by the way. Just last year. He's a Filipino," pahayag ni Debbie.

Tumango ako. "Congratulations."

Matamis ang pagngiti niya. "You will too. One day."

"Ano ba! Sasakay ba kayo o magchichikahan pa?" bulyaw ng konduktor ng jeep.

Hindi ko napansin na naghihintay pa pala ito. Mabilis akong nagpaalam kay Debbie at sumakay na kami ni Johnny sa jeep.

Nang makaupo na ay binasa ko na ang laman ng envelope.

6. Get married.

Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko at pangungulila.

Pagkatapos ng ilang minuto ay pumara na rin ako at bumaba na ng jeep. Tumalikod na ako at bubuksan na sana ang gate. Bigla na lang akong kinilabit sa likod ng konduktor.

"Teka pala, ma'am. May ibibigay pa ako sa'yo."

Bumagsak ang panga ko sa lupa. Braxton naman! 'Wag mong sabihing pati—

"Sukli niyo po,"sambit ni Kuyang Konduktor at inabutan ako ng sampung pisong barya.

Napa-tsked na lang ako at pumasok na sa loob.

Pagpasok ng bahay ay sinalubong ako ng kaibigan kong si Anding na malaki na ang tiyan. Anim na buwan na kasi itong buntis.

"Welcome home!" bungad niya na parang may-ari lang ng bahay.

"Bakit ka nandito?"

Napahaplos siya sa malaking tiyan.

"Awts. Sinipa ako ni Baby Alicia. Anyways, inimbitahan kasi kami ng Mama mo. Alam mo na. Perks of being a kapitbahay. Mabuti na lang talaga at lumipat kami rito sa neighborhood ng Mudra mo."

"Kain na!" pagtatawag ni Mudra na nasa hapagkainan na.

Tinungo na namin ito at naabutan ko pa talaga si Jeshu na nagsasandok ng kanin.

"Welcome home, Tonya!"pagbati niya. Manang-mana talaga sa kanyang asawa.

"Salamat. Feeling ko tuloy nanggaling akong abroad," pagbibiro ko at naupo na sa tabi ni Mudra. "Si Ate, Ma?"

"Mahuhuli daw. Alam mo namang palagi iyong naaabutan ng trapik," tugon niya. "Siyanga pala, may ibibigay ako sa'yo."

"Kami rin!" Magkasabay na sabad ng dalawang bisita.

Isa-isa nilang iniabot ang envelope sa akin.

Binuksan ko ito upang basahin sa harap nila dahil alam ko naman na kuryoso ang mga ito. Una kong binuksan ang envelope na ibinigay ni Mudra.

7. Be a wonderful mother.

Isinunod ko naman ang bigay ni Anding.

8. Have kids.

Ang kay Jeshu naman.

9. Teach the kids how to swim.

"HELLO! Anybody home??"

Magkasabay kami na napalingon sa pagtawag ni Ate Juliette. Ilang minuto pa ay tinungo na rin kami nito.

"Pasensya na at na-late na naman ako. May sinundo lang kasi ako," bungad niya na nakatayo lang sa harapan namin.

"Ha? Sino?" tanong ko.

Ngumisi siya. "Charan!"

Isang iglap lang ay sumulpot din si Papa! Magkasabay kami na napatayo ni Mudra at niyakap si Papa. Pagkatapos ng sabik na kamustahan ay naupo na kaming lahat.

Napatingin si Ate Juliette sa mga sobre na nakalapag sa mesa. Walang imik siya na tumayo at umalis ng hapagkainan. Maya-maya pa ay bumalik siya na may bitbit din na sobre. Natigil sa pagkain ang lahat at tahimik na nagmamasid habang iniaabot ni Ate ang envelope sa akin. Nanginginig ang kamay ko nang tanggapin ito. Heto na kaya ang panghuling sobre?

Marahan ko itong binuksan. Kinuha ko ang papel na nakatupi at binuklat ito. Binasa ko.

10. Never ever cry when thinking of Doc Nurse.

Doon na tuluyang umagos ang kahuli-hulihang luha ko para sa taong pinakamamahal ko.

Pagkatapos maghapunan ay pumasok na ako ng kuwarto.
Habang inilalagay sa kahon ang mga sobre, nakarinig ako ng katok sa pinto ng aking kuwarto. Inilapag ko ang kahon na hindi pa tinatakpan sa kama, at tumayo na. Nagtungo na ako sa pintuan at binuksan ito. Napangiti ako nang makita na si Papa pala. Kaagad siyang napatingin sa laman ng kahon.

"Ilan ba lahat 'yan?"

Sinundan ko ang tingin niya.
"Sampo, Pa."

May dinukot siya mula sa bulsa. "Heto. May panglabing-isa pa." Iniabot niya sa akin ang isa pang sobre.

Tinanggap ko ito. Niyapos niya ako ng pagkatagal-tagal saka siya lumabas ng silid. Inilapag ko sa kama ang envelope na bigay ni Papa. Matagal ko itong tinititigan lang. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Pakiramdam ko kapag binasa ko ang nasa loob nito tuluyan na nga talaga akong mamamaalam kay Braxton. Ngunit dahil sa mas pinili ko ang maging matapang kaysa maging duwag, binuksan ko ito at binasa.

To My Bilibid, Tonya

If you're reading this letter, then it must have been true. I must have been dead and a year had passed. Prior to this letter, you've received ten envelopes. I left them to people who have impact in your life. In both our lives. Each envelope contains a list that I want you to do. It's your lifetime bucket list. I want you to happily do those things, Tonya. You may be wondering why the envelopes are given to you now? Why after a year? It's because I know you. Probably more than you know yourself. You've cried buckets for a year. And I know now you feel less pain. You're moving on. You're finally and completely letting go.

I just want you to make me a part of your happy memories. And when you've done all those things in your bucket list, don't look back. Don't find me. Because you already did. You never lost me, Tonya.

And when we see each other on the other side, while I buried myself on the sand just like the very first time we accidentally met. It would still be your ankle that I'll hold. And your heart that I'll keep.

Mahal na mahal kita.

Your Bilibid,

Braxton

Matapos mabasa ang sulat niya ay nakaramdam ako ng matinding kapayapaan. Sa halip na sakit at luha, ngiti ang sumilay sa mga labi ko. Tumayo ako, huminga ng malalim at kinuha ang maleta sa ilalim ng kama. Simula sa araw na ito, sisimulan ko na ang pagtupad sa bucket list ko.

~THE END~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top