Chapter 28
"I promise to love you, to cherish you, and to always be there for you. In sickness and in health . . ."
Kinuha ni Braxton ang kamay ko.
"I promise to always support you. To always understand your whims and sometimes your kaingutan. And to always love you until my very last breath . . ."
Humihikbi na ako habang pinagmamasdan ang pagpapalitan nina Anding at Jeshu ng kanilang wedding vows. Hinalikan ni Braxton ang ulo ko at bumulong sa aking tenga.
"People might think you're the mother of the bride."
Natawa ako at bumulong pabalik.
"Shut up. I'm the most amazing maid of honor, you know."
"Yeah. And you're the most amazing woman I've ever met."
Ngumiti ako at muling ibinaling ang atensyon sa dalawang matalik na kaibigan na nasa harapan ng altar.
" . . . by the power vested in me. I now pronounce you, husband and wife . . ." pag-aanunsiyo ng pari.
Napasuntok pa sa ere si Jeshu dahil sa sobrang galak. Pagkatapos ay hinalikan ang nakangising si Anding. Halos matanggal na ang kamay ko dahil sa sobrang palakpak.
Nang matapos ang halos dalawang oras na picture taking ay lumabas na kami ng simbahan. At siyempre dahil maid of honor ako, inalalayan ko pa talaga si Anding sa pagbubuhat ng kanyang wedding gown na talaga namang pagkahaba-haba. Ang sinabi niya pa noon na dahilan sa pagpili nito ay parusa ko na rin daw dahil sa naging attitude ko noong pag-aaway namin sa kaniyang apartment. Nakakaloka talaga.
Huminto si Anding sa bukana ng simbahan at ngumiting aso.
"Okay! All bride's maids, umusog kayo sa gitna para sa bouquet!"
Naging first honor pa talaga si Amore sa gitna. Hindi rin ito nagpahuli at talaga namang nag-insist kay Anding na gawin siyang bride's maid at hindi groom's man.
"Tonya! Ano pa'ng hinihintay mo. Pumunta ka na sa gitna!" untag sa akin ni Anding nang mapunang nasa likod pa rin niya ako.
Inayos ko ang suot na gown na color peach at isiniksik na ang sarili sa gitna. Halos matumba pa ako dahil sa kakagalaw ng iba pang kasamahan na halatang sabik na sabik.
"Sa lahat ng parte ng kasalan, dito talaga ako minamalas, hija," ani Ate Eve na nakabusangot ang mukha. Ang cute niyang tingnan sa suot niyang gown.
Natawa lang ako at hinanap si Braxton. Mas lumaki ang ngiti ko at nakaramdam ako ng matinding kasiyahan nang natagpuan ko siya. Nasa akin lang ang tingin niya. Na parang ako lang ang tangi niyang nakikita. Na parang kami lang ang tao sa mundo. Hindi ko na inalintana ang tili at ingay sa paligid.
Ibinalik ko ang tingin kay Anding na akma ng ihahagis ang kanyang bouquet. Mas lumakas ang tili ng mga katabi ko. Napapagitnaan kasi nila ako. Ibinukas ko ang mga palad ko na parang sasaluhin na ang boquet ngunit muli kong ibinaling ang tingin kay Braxton na nakangiti sa akin. May ibinulong siya. At dahil hindi ko marinig dahil medyo malayo siya ay binasa ko na lang ang paggalaw ng bibig niya. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Iyon ang huli niyang sinabi bago siya natumba at bago bumagsak ang bouquet sa mga palad ko.
Bone fracture. Sa napakahaba ng prognosis ng kanyang doktor na si Dr. Yosef Clint ay iyon lang ang tumatak sa isipan ko. Noong una ay inakala lang namin na matinding fatigue kaya siya natumba ngunit matapos ang ilang tests na ginawa ng mga doctor ay napag-alaman din namin na nagkaroon na si Braxton ng bone damage. At halos bente kuwatro oras na siyang wala pang malay.
"Has his parents been informed about this?" tanong sa amin ni Dr. Clint.
Kasalukuyan akong sinasamahan ni Mama dahil kaagad ko skyang tinawagan.
"Yes. I've already contacted his mother," sagot ko sa mahinang boses.
Mas nanghina pa ang loob ko nang maalala ang pag-uusap namin ng ina niya na si Helene. Napakalungkot kasi ng boses nito sa kabilang linya. Kahit na alam kong tinatatagan nito ang sarili ay nababakas pa rin dito ang pagkabahala.
Tinapik ni Dr. Clint ang balikat ko. "Be strong, Tonya. Dr. Peters is a strong man. He'll get through this."
Tumango lang ako habang pinagmamasdan si Braxton na nakahiga sa kama.
Ilang sandali pa ay lumabas na rin ang doktor sa silid. Hinimas-himas ni Mudra ang likod ko.
"Okay ka lang ba, Nak?"
"Natatakot ako, Ma. Kakayanin ko kaya 'to?"
"Siyempre naman. Napakatatag mo kaya. At hindi ka nag-iisa. Hindi kayo nag-iisa ni Braxton. Nandito kami para sa inyo."
Niyakap ko si Mudra. "Gagabihin na po kayo," pagpapaalala ko sa kanya.
"Hihintayin ko na lang ang Ate Juliette mo na dumating dito para naman may kasama ka pa rin."
Kumalas ako sa yapos niya at tiningnan siya.
"Naku, matatagalan pa 'yon, Ma. Traffic ngayon. Mauna na lang po kayo."
"Sigurado ka ba?"
"Opo. Kasama ko naman si Braxton."
"Okay. Sige. Tawagan mo na lang ako 'pag may kailangan ka."
Nang makaalis na si Mama ay naupo muna ako sa tabi ni Braxton at naidlip. Nagising ako nang naramdaman ang paggalaw ng kamay niya na hinahawakan ko.
Nag-angat ako ng tingin at nakita na nagising na pala siya. Pansin ko ang matinding pamumutla niya.
"Hey you . . ." bungad ko.
Marahan niyang iginala ang tingin sa buong paligid. Muli niyang ibinalik ang tingin sa akin.
"What happened?"
"You fainted . . ."
"The wedding . . ."
"It was over. Gusto nga nila Anding na ipostpone ang honeymoon nila kasi nga raw dinala ka sa ospital. Pero pinilit ko talaga sila na ituloy nila. Kamusta nga pala ang pakiramdam mo?"
Ngumiwi siya. "I feel like a wall fell on me."
Hinaplos ko ang buhok niya. "Teka lang at tatawagin ko si Doc Clint." Akma na sana akong tatayo nang hinawakan niya ang kamay ko.
"I wanna go home, Tonya. Let's just go home," daing niya na napakahina ang boses.
"Ano ka ba? Hindi ka pa magaling. Saka na kapag malakas ka na uli, huh?"
Pumikit siya at tumango. Ilang minuto pa ay muli na rin siyang nagpahinga.
Tinawag ko si Doc Clint at mabilis naman siyang tumugon. Sinuri niya si Braxton at ang vitals nito. Nang normal naman ay umalis din ito.
Nakaupo lang ako sa silya na nasa gilid ng higaan ni Braxton. Pinagmamasdan ko ang pagtulog niya. Binibilang ko na yata maski paghinga niya. Napukaw ang isipan ko nang may kumatok sa pinto at iniluwa nito si Ate Juliette na may maraming dala.
Inilapag niya ang isang malaking bag sa sofa at ang supot namang isa ay inilapag niya sa mesa.
"Dinalhan kita ng hapunan mo. Nagdala na rin ako ng iba pang damit mo at kay Braxton. " Lumapit siya sa akin. "Tumawag si Papa kanina sa bahay. Nangungumusta kay Brax. Kamusta na siya?"
"Nagpapahinga na. Kagagaling lang ng doktor dito kanina."
"Kumain ka na muna."
Pagod akong umiling at muling pinagmasdan si Braxton.
"Wala akong gana, Ate."
"Hindi pupwede iyan, bunso. Baka ikaw naman ang magkasakit. Hindi gugustuhin ni Brax iyan."
"Hindi ko kayang mawala siya sa'kin, Ate . . ." usal ko. Pilit kong pinipigil ang luhang nagbabadya na namang kumiwala mula sa mga mata ko.
Hinaplos ni Ate ang buhok ko.
"Ano ka ba? Nandito pa siya 'di ba. Huwag mo munang iisipin iyan."
Nilinga ko si Ate. "Tama ba iyong desisyon ko? Na mahalin siya?" bulong ko.
Ngumiti siya ng mapait. "Alam mo ba, noong nalaman ko na boyfriend mo siya at sinabi sa'kin ni Mudra na may cancer siya, gusto kitang pagalitan noon. Sa dinami-dami ba kase ng puwede mong mahalin eh iyon pang may sakit. Pero nang makilala ko na siya at naging malapit na siya sa pamilya natin, doon ko na-realize kung bakit mo siya mahal. Dahil karapat-dapat naman talaga siyang mahalin. At nakita ko rin na sobra-sobra ang pagmamahal niya sa'yo. At ang pagmamahal, walang pinipili iyan."
"Pramis, Ate. Hindi na kita tatawaging bunot."
Natawa siya at napahaplos sa mahaba na niyang buhok.
"Hindi na talaga. Haba na kaya ng hair ko!" Hinawakan niya naman ang dulo ng maiksi kong buhok. "Maintain mo na talaga ang short hair ah."
"Siyempre. Mas bagay daw 'to sa'kin sabi ni Braxton."
Matapos ang usapan namin ni Ate ay kumain na rin ako ng hapunan. Tama naman kase siya. Hindi magugustuhan ni Braxton kung hindi ko aalagaan ang sarili ko.
Nang magpaalam na si Ate Juliette ay natulog na muna ako. Hindi ko namalayan kung ilang oras akong nakatulog sa sofa. Nagising na lamang ako nang narinig ang isang usapan. Dumilat ako at nakita ang dalawang tao sa gilid ng higaan ni Braxton. Isang babae na nakaupo habang ang lalaki naman na porener ay nakatayo. Ang mga magulang ni Braxton! At dahil hindi ko na alam ang gagawin ko at ayaw ko namang makaistorbo muna sa usapan nila, nagpanggap na lang ako na tulog pa at nakinig na lang.
". . . so worried about you . . ." anang Mama niya.
"We'll bring you to the States. They have the best medical team there—" sabat ng Papa niya.
"I wanna stay here." Mahinang boses ni Braxton.
"Is this because of her? Brax, we can bring her too. Your dad and I know how much she means to you . . ." malumanay na sambit ng mama niya.
"I'm so scared, Mom . . ." bulong ni Braxton sa nanginginig na boses. Unang beses kong narinig ang takot sa kanya. "I-I thought I was ready . . .When I first came here, I thought I was prepared to die. I thought I already accepted my fate . . . But now, I'm so fucking scared . . .I don't wanna leave, Tonya . . .I don't wanna die and l-leave her..." Tuluyan ng humagulgol si Braxton. Namayani iyon sa buong silid. Halos wasakin nito ang puso ko. Hindi ko na napigilan pa ang pag-agos ng mga luha ko habang nakapikit ako. Napakasakit na para bang dinudurog ang puso ko nang paunti-unti.
Makalipas ang halos dalawang linggo na pamamalagi sa ospital ay umuwi na rin kami sa condo unit ni Braxton. Dahil na rin sa kagustuhan nitong umalis ay pinayagan na rin kami ni Dr. Clint. Basta lang daw ay patuloy pa rin ang daily check up at pag monitor sa mga gamot niya.
Habang nasa kuwarto ako ni Braxton at nag-aayos ng kumot niya upang italukbong ito sa kanya ay pumasok naman si Tita Helene, ang ina ni Braxton.
"Tonya?"
"Po?"
"Puwede ba kitang makausap?"
"Oo naman po."
Malamyos kong hinalikan ang noo ni Braxton bago lingonin ang ina niya. Malungkot niya akong nginitian sabay sulyap sa anak na nagpapahinga.
Lumabas na kami ng kuwarto at nagpunta ng sala. Nang maupo na sa sofa ay nagsimula ng magsalita si Tita Helene.
"Gusto nga pala kitang pasalamatan dahil sa pagmamahal mo sa anak ko."
Ngumiti ako at tiningnan siya.
"Wala po iyon, Tita. Gusto ko namang gawin 'to para sa kanya."
Banayad siyang ngumiti. "Alam ko. At alam ko rin na masaya siya na inaalagaan mo siya. One time nga, he woke up early in the morning. He was a bit disappointed nang makita niyang ako ang nagbukas ng bintana at hindi ikaw."
Hindi ko alam ang itutugon kaya ngumiti na lang ako. Nagitla ako nang marahan niyang hinawakan ang mga kamay ko. Malungkot siyang ngumiti at may luha na sa kanyang mga mata.
"I know how much you love my son. And I know how much he loves you. But I want you to be prepared."
Napalunok ako. Muli na namang ginapangan ng pangangamba at matinding takot sa puso. "Alam ko naman po iyon."
"I know that in the end, it'll be very painful for the both of you. Lalo na tayong mga pinay. Wagas tayo kung magmahal,"pagbibiro niya ngunit muling sumeryoso ang kanyang mukha.
"Love will become our strength. Love will lead us to acceptance. And in time, love will heal us all."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top