Chapter 27


Nilukob ng katahimikan ang buong paligid ng hapagkainan. Literal na nakanganga at nakatitig lamang sina Mudra at Ate Juliette kay Braxton na nakaupo sa tabi ko. Sa halos dalawang buwan na naming pagiging magkarelasyon ni Braxton ay ngayon ko lang siya dinala sa bahay at pormal na ipinakilala sa kanila. Kasalukuyan kaming nanananghalian sa bahay. Habang hindi pa maka get over sina Ate at Mudra, si Papa naman ay kalmado lang na humihigop na ng sabaw.

Pasadya akong umubo sa tapat nila upang makuha ang atensyon ng dalawa.

"Ma, Ate! Ano ba?" matinis na bulong ko sabay sipat ng tingin sa kanila.

Sabay na napakurap ang dalawa sa tapat namin ni Braxton. Unang nakabawi at awkward na natawa si Mudra.

"I'm sorry, Braxton. It's the first time that Tonya brought a boyfriend in the house. Well . . . it's her first time to have a boyfriend," ibinaling naman niya ang tingin sa akin at malakas na bumulong, "Tama ba iyong Ingles ko, Nak?" Masasabi ko na talaga namang malakas ang kanyang pagbulong dahil alam kong dinig iyon ng lahat.

"Ma, nakakaintindi naman po siya ng Tagalog. Huwag niyo na po'ng pahirapan ang self niyo," sagot ko.

Umaalik-ik na si Mudra.

"Wow. Ang pogi mo naman pala kaya nahumaling sa'yo si Tonya at binasted talaga si Johnny," pahayag naman ni Ate Juliette.

Uminit na ang pisngi ko sa tabi ni Braxton. Inasahan ko na naman na ganoon talaga ang iaasta ng kapatid at ina ko. Samantalang hindi naman makapagdesisyon si Braxton kung ngingiti ba o tatawa sa mga reaksyon ng dalawa.

"Kumain ka pala ng marami. Huwag kang mahihiya, Brax. We're all family here," masiglang alok ni Mudra habang nilalagyan ng maraming gulay ang pinggan ni Braxton.

Hindi rin nagpahuli si Ate Juliette at sumabay na rin ito.

"Heto pa, talong. Para healthy ka. Kumakain ka ba ng eggplant?"

"Yeah. Sure. Thanks," hindi magkandaugagang tugon ni Braxton.

"Ano ba kayong dalawa. Ginawa niyo ng Salad Bowl of the Philippines iyang plato ng boyfriend ni Tonya," saway sa kanila ni Papa.

"It's alright, Sir. I don't really mind," ani Braxton na halatang natutuwa rin sa atensyon na ibinibigay sa kanya.

"Huwag mo na akong tawaging sir. Papa na lang," kalmanteng wika ni Papa sabay patong ng sayote sa plato ni Braxton.

Nasamid ako sa sabaw na hinihigop.

"Can I just say something?" sambit ni Braxton.

Mabilis na natahimik ang lahat. Sabay na naupo nang deretso sina Mama at Ate. Pati si Papa ay napaseryoso na rin ng tingin kay Braxton habang ibinababa sa mesa ang mangkok na hawak.

Pinasadahan ko ng tingin si Braxton at nakuryoso na rin ako sa sasabihin nito. Pansin ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya.

"I'm really grateful that you allowed me to love Tonya. I'm also happy that you've accepted me . . . despite my sickness . . . "

"Shh. Huwag mo ng iisipin iyon, Brax. Ang gusto lang namin ay ang maging masaya kayo sa piling ng isa't-isa," malumanay na wika ni Mama.

Kinuha ni Braxton ang kamay ko na nakapatong sa mesa. Pinagsiklop niya ang aming kamay habang nginingitian ako.

"As long as I live, I'll make her happy."

Mala-drama ang pagbuntong-hininga ni Ate Juliette sa aming tapat.

"Hay. Nakakainggit kayong dalawa. Na-miss ko tuloy bigla ang hubby ko."

Matapos mananghalian ay tumambay muna kami sa salas. Naisipan naman ni Mudra na maglaro kami ng Charades dahil napanuod daw niya ito sa isang vlog. Ginawa naming referee si Ate samantalang si Mudra at ako ang magkakampi. Si Papa naman at Braxton. Girls versus Boys lang ang peg. Unang sumalang si Mama.

Pinakitaan kami ni Mudra ng apat na daliri. Nakatayo silang dalawa ni Papa sa gitna ng sala samantalang nakaupo naman kami ni Braxton sa sofa. Nakaupo naman sa plastik na silya na nasa tapat namin si Ate.

"Four words! English! First word!" sabi ko. Kumendeng-kendeng na si Mudra.

"Shake? Shake it off!" panghuhula ko.

Umiling siya at mas pinag-igihan pa ang pagkendeng.

"Dance! Dancing!" paghuhula ko na naman. Mabilis siyang tumango. Tumpak ako!

Ngumisi ako at dinuro si Braxton na napakaseryoso ang mukha. Halatang nagko-concentrate habang iniisip ang ginagawa ni Mudra.

"Tama ako! Mananalo kami. Kayo ni Papa ang maghuhugas ng pinggan! Ha!" pagmamayabang ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin at nakatuon lang ang buong atensyon kay Mudra na ngayon ay inimumuwestra na ang sarili.

"Queen?? Dancing Queen?!" sambit ko.

Kaagad na umiling si Mudra at napakamot pa sa batok. Bigla na lamang tumayo sa tabi ko si Braxton at masiglang itinuro si Mama.

"Dancing On My Own!" sagot niya na may halong panggigigil pa.

"Correct! Team Boys, one point!" tili ni Ate Juliette.

Bumagsak ang balikat ni Mudra na bumalik sa tabi ko. Nag-high five naman sina Papa at Braxton na pareho pang nakangisi.

"Ipapa-enroll kita uli sa Grade One, Tonya," angil ni Mudra.

"Bakit naman, Ma?"

"Nang maturuan ka sa pagbibilang. 'Di ba sabi ko nga four words! Paano naging four words iyong Dancing Queen?"

Ngumisi ako. "Heh."

Tumayo si Ate Juliette na parang kapitana lang ng isang barangay.

"Listen up! Rock Music naman tayo."

"Paktay..." bulong ni Mudra sa tabi ko.

Tinawag ni Ate si Papa at ipinakita rito ang flash card. Matapos mabasa ni Papa ang pamagat ay nagtungo na siya sa gitna.

Ibinukas niya bigla ang kanyang mga palad at pumikit pa habang tumitingala sa kisame.

"Open Arms!" walang ka gatol-gatol na sigaw ni Braxton.

"Correct! Team boys, two points!" pahayag ni Ate na nagpalugmok sa amin ni Mudra.

Nagsilundagan na ang dalawa habang nagyayakapan sa isa't-isa. Samantalang nilapitan naman ni Mudra si Ate Juliette at sinuri pa ang nakasulat na pamagat sa cardboard dahil naninigurado yara siya. Inismiran niya si Ate matapos itong mabasa. Maya-maya pa ay bumalik na rin siya sa tabi ko.

Sa huli, kami ay natalo. Ang gagaling naman kasi nina Papa at Braxton. Hindi kami nakaawra ni Mudra. At dahil na rin sa paggalang ko sa mga nakakatanda, ako na lang mag-isa ang umako ng responsibilidad. Hindi ko na pinaghugas pa ng pinggan si Mudra.

Habang abala na ako sa paghuhugas ay bigla akong napasinghap nang may humapit sa beywang ko mula sa likod. Kilalang-kilala ko ang mga brasong nakalingkis sa'kin. Halos mabitawan ko pa ang pinggan na binabanlawan.

"Braxton!"

Mahina siyang natawa. "Did I surprise you?"

"Hmp. What are you doing here? Hindi ba sa winning team ka?" pagtataray ko.

Hinigpitan niya ang pagyapos sa akin. "I'm just here to claim my prize."

Ibinaba ko ang mangkok sa lababo at hinarap siya. Nagtaas ako ng kilay at pinahiran siya ng sabon sa matangos niyang ilong.

"What prize, aber?"

Pilyo ang ngiting ipinakita niya. "You."

Nanlabi ako at sa isang iglap ay tinakpan niya ito gamit ang mga labi niya. Napatingkayad at napahawak ako sa balikat niya nang sinimulan na niya ang paggalaw sa mga labi niya na kaagad ko namang sinabayan. Halos mabaliw na ako nang mas palalimin niya pa ito at pinagapang na niya ang kanyang mainit na palad sa tiyan ko. Sa libog na siguro ay hindi ko man lang namalayan na naitaas na pala niya ng bahagya ang laylayan ng T-shirt na suot ko. Pinadaosdos ko ang mga kamay sa braso niya at hinawi ito.

"We are at my parents house," pagpapaalala ko sa kanya.

"Sorry. I just couldn't resist you," aniya na namamaos ang boses.

Kumurap-kurap ako sabay ipit ng maiksing buhok sa tenga.

"Enebe. Keleg eke!"

Natawa siya at hinalikan ako sa noo.

"Step aside. I'll wash the dishes for you," utos niya.

"Huwag na. Baka mapagod ka pa. Saka malapit na naman akong matapos dito." Pagkasabi nito ay tinalikuran ko na siya at muli ng ipinagpatuloy ang paghuhugas ng pinggan.

Ang buong akala ko ay umalis na siya sa likod ko ngunit nagulat na lang ako nang hawakan niya mula sa likod ang magkabilang kamay ko.

"Braxton! What are you doing?" sita ko sa kanya.

"Helping you wash the dishes," pasimple niyang sagot.

Humagikgik ako habang ginigiya niya ang mga palad ko. "S-stop it. . . S-seriously . . ."

"You can just step aside if it bothers you. I'm good here," baliktad na sita niya.

Hindi ko na iginalaw pa ang mga kamay ko kaya tumigil na rin siya.

"Fine. I'll step aside. Ikaw na ang magtuloy nito."

Umusog na ako sa gilid at hinayaan siya.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?"Panglimang beses ko na yata itong tanong kay Braxton.

Pagsapit ng hapon ay nagpaalam na kami sa pamilya ko at umalis na. Nagulat na lang ako nang matapos maupo sa loob ng sasakyan ay bigla na lamang siyang kumuha ng panyo at piniringan ako sa mata. Hinawakan ko ang panyo na nakapiring sa mga mata ko.

"No. Don't you dare take that handkerchief off your eyes," utos niya na may bahid ng tawa ang boses.

Ibinaba ko ang aking kamay. "Fine! Saan ba tayo pupunta?"

"It's a surprise. We're almost there," malamyos na bulong niya sa bandang tenga ko.

Maya-maya pa ay bigla ng huminto ang sinasakyan naming kotse. Kinutuban na ako nang marinig ang hampas ng mga alon. Pinatay na niya ang makina ng kotse. Dinig ko rin ang paggalaw niya.

"Braxton . . . Don't tell me it's another butanding bonding time. I thought that's off the checklist," daing ko.

"No. I think there aren't any whales sighting here. Especially at night," sagot niya.

Narinig ko ang tunog ng isinarang pinto. Ilang sandali pa ay bumukas naman ang pinto sa gawi ko.

"Give me your hand," utos niya na kaagad ko namang sinunod.

Ibinigay ko na lamang ang buong tiwala sa kanya sa paggabay dahil sa wala akong naaaninag. Dahan-dahan akong tumayo at lumabas na ng kotse.

Inakay niya ako. Dahan-dahan ang paghakbang ko habang iginigiya niya. Hanggang sa naramdaman ko na nga ang buhangin sa mga paa ko. Matapos ang halos dalawampong hakbang na binilang ko talaga ay tumihil din kami.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang piring ko. Nang tuluyan na nga itong matanggal ay unti-unti kong ibinuka ang aking mga mata. Mabilis nakapag-adjust ang paningin ko sa dilim.

Doon na nga tumambad sa paningin ko ang buhanginan na may napakaraming nakahilerang kandila na nasa loob ng mga baso. Mistulan itong naging daan patungo sa mesa at dalawang upuan na nasa tabi lamang ng dalampasigan.

"Wow. It's beautiful, Braxton," usal ko. Namamangha sa nakikita.

Niyapos niya ako mula sa likod.

"Happy monthsary," bulong niya at marahan akong hinalikan sa ulo.

Napaawang ang labi ko at bahagya siyang nilingon.

"Monthsary? It's not our monthsary! Next week pa 'di ba?"

"It was January five when we met at the police station. So I've decided to make it our official monthsary," pagpapaliwanag niya.

"And may I ask why you've decided that date?"

Sa namumungay na mata ay tinitigan niya ako na parang kinakabisa niya ang bawat sulok ng mukha ko. Doon ko napansin na sa halip na marinig pa rin ang paghampas ng mga alon ay mas nangibabaw pa ang parehong pintig ng puso naming dalawa.

Mas humigpit pa ang pagyapos niya sa akin.

"Because if I had to go through all that again, I'd still choose to do that with you again and again and again," malambing niyang sabi.

Nginitian ko siya at hinalikan sa mga labi. "Okay! Happy monthsary, my bilibid."

Naningkit ang kanyang mga mata at napakunot-noo siya.

"My bilibid? Isn't it, My Beloved?"

Hinarap ko siya at inilingkis ang mga kamay sa beywang niya. Ginawaran ko siya ng matamis na ngiti.

"My bilibid. Because I met you in bilibid."

Mahina siyang natawa at hinalikan niya ang dulo ng ilong ko.

"Okay then, My bilibid. Now, can I have this walk?" pag-anyaya niya habang iniaalok ang kanyang nakabukas na palad.

Ngiting payaso na ako at ipinatong ang palad sa kanyang palad.

"Of course!"

At magka-holding hands kami habang naglalakad sa gitna ng nakahilerang mga kandila patungo sa dulo ng dalampasigan. Sa saliw ng musika na hatid ng paghampas ng mga alon. Sa ilalim ng mga bituin sa langit. Habang pinagmamasdan at pinapatnubayan ng buwan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top