Chapter 24

"Are you sure about this?" untag sa akin ni Braxton. Napakasidhi ng pagkakatitig niya sa akin.

Binaba ko ang tingin sa aming mga walang saplot na katawan. Nakahiga na ako sa malaking kama niya habang nasa ibabaw naman siya na parehong nakatukod ang magkabilang kamay sa gilid ko.

Alam ko naman na hahantong kami sa ganitong sitwasyon matapos ang konprontasyon at mainit na halikan sa labas ng restawrant. Napagtanto ko naman iyon sa paraan ng paghahalikan namin at nang sabihin niyang gusto niya akong iuwi sa condo. Pareho rin kaming hindi lango sa alak nasa matinong pag-iisip.

Napalunok ako habang pinagmamasdan ang kanyang hubad na katawan. Maliban na lamang sa pang-ibaba niya. Nakita ko na naman ito dati ngunit iba naman iyon dahil nagkasakit siya noon.

Pinalandas ko ang dila sa ibabang labi ko habang tinititigan ang namumula na niyang mga labi dahil sa kahahalik sa akin.

"Yeah. I want you to be my first. W-will it hurt?" bulong ko sa babaeng-babae na boses.

"Yeah. At first. But it'll be better. I promise you," saad niya sa namumungay na mga mata na sa akin lang nakatitig.

Marahan ang pagtango ko.
Sinimulan niya ng angkinin ang mga labi ko samantalang abala naman ang mga kamay niya na hinihimas ang braso ko pababa hanggang hita. Halos mabaliw na ako sa mga halik niya. Minsan maamo ito, tapos nagiging mapusok.

Napaungol ako nang ibinaba niya ang kanyang mga labi sa leeg ko. Maliliit at maiinit na halik ang pinalalandas niya rito. Mumunting mga halinghing ko lang ang namayani sa buong kuwarto.

Napakapit ako sa bedsheet nang pagtuonan niya na ng atensyon ang dibdib ko. Sa namumungay na mga mata ay nag-angat siya ng tingin sa akin habang walang habas niyang nilalaro ito.

Sa init na nararamdaman at sa umaapaw na sensasyon ay hindi ko na mapigilan ang i-grind ang sarili sa umbok na nasa gitna ng mga hita.

"Braxton . . . please . . .," kagat labing halinghing ko. Pakiramdam ko para akong may gustong abutin na rurok pero hindi ko naman alam kung ano.

Napasabunot ako sa buhok niya nang halikan niya na rin ang magkabilang dibdib ko. Nang magbaba ako ng tingin, napagmasdan ko na parang enjoy na enjoy pa siya sa ginagawa.

"Oh my God.  . ." Halos mawalan ako ng ulirat nang dilaan niya ang utong ko kasabay ng paggapang ng magaspang at mainit niyang palad palapit sa gitna ko.

Napahawak ako sa braso niya. Hindi alam kung para ba pigilan siya o gabayan na. Sa huli ay nanaig ang makamundong pagnanasa at iginiya ko na ang kanyang kamay sa kung saan ako basa na. Kasabay ng pagdampi ng mainit niyang mga palad sa akin ay mariin niya namang ibinalik ang mapupusok na halik sa mga labi ko. Nilamon niya ang malakas kong pag-ungol dahil sa bigla niyang paghilot sa pagkababae ko gamit ang kanyang hinlalaki.

"I want you to be ready for me,"anas niya. Halos malunod ako sa pagkakukay-berde ng mga mata niya.

Napakagat-labi ako sa sensasyon na nararamdaman. Kusang napabukaka ang hita ko upang mabigyan siya ng espasyo. Alam kong mamasang-masa na ako sa bandang ibaba ko. Napapikit ako.

Diz is zit! Goodbye Bataan!

Dumilat akong muli at nakita ang pagtanggal niya sa kanyang suot na boxer briefs. Tumambad sa aking paningin ang pagkalalaki niya na tindig na tindig. Napalunok naman ako at ginapangan ulit ng kaba.

"W-will that fit?" tanong ko sa nanginginig na boses. First time ko yata ito kaya wala akong karanasan!

"Yeah. I'll make sure of it," kalmante niyang tugon at muli akong kinubawan.

Hinalikan niya ulit ako sabay tapat ng kanyang kahabaan sa akin.

Napasinghap ako at napakapit na naman nang husto sa bedsheet nang sinimulan niya ng ipasok ang kanya. Napakahapdi nito! Para akong tinusok!

Napatampal ako sa noo dahil literal naman talaga akong tinutusok!

"You feeling, okay?" tanong niya na alam kong pilit kino-control ang sarili. May butil-butil na ng pawis sa kanyang noo.

Napabuga ako nang malalim na hininga.

"Yeah. Paunti-unti lang."

Kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya na para bang may marathon dahil sa paghingal. Inilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Don't be too tense, Tonya. Trust me. Touch me."

Sinunod ko siya at marahan siyang hinawakan sa kanyang mga balikat. Pinalalandas ko ang mga palad dito at sinusuklian ang maiinit na halik niya. Hanggang sa tuluyan na nga niya akong inangkin. Hindi na ako nakapaglabas pa ng ungol dahil sa tuloy-tuloy na maiinit at umaatikabo naming halikan.

Hindi ko na namamalayan na unti-unti ng napawi ang hapdi na nararamdaman ko. Napalitan ito ng kakaibang kiliti at sensasyon.

On that night, I gave him my trust, myself, and my love.

Nagising ako na may naramdamang kaunting kirot sa ibabang parte ng aking katawan. Kaagad kong napansin na wala si Braxton sa tabi ko. Hindi ko rin alam kung anong oras na. Ang alam ko lang halatang umaga na dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa bukas na bintana.

Bumangon na ako at ibinalot  ang puting kumot sa sarili. Nilinga ko ang kama at kaagad na uminit ang pisngi ko nang makita ang kaunting pulang mantsa sa bedsheet. Goodbye Philippines na nga.

Ibinaba ko ang tingin sa sahig at hinagilap ang yellow dress na suot ko kagabi. Ngunit hindi ko ito natagpuan sa sahig kundi sa silya na halatang itinupi pa ni Braxton. Napaimpit ako ng tili nang maalala na si Braxton ang nagtanggal nito kagabi. Tumayo na ako at tinungo ito. Napansin ko na nakapatong din pala dito ang panty at bra ko. Kinuha ko na ang mga damit at nagtungo na ng banyo.

Nang nakapagbihis na ay lumabas na ako ng banyo. Bigla ko ring naalala ang purse na dala ko kagabi. Nilinga ko ang buong silid at hinanap ito. Iniligpit din kaya iyon ni Braxton? Hindi ko ito mahagilap sa sahig o sa paligid.

Sa pagbabakasakaling nasa loob ito ng drawers ay binuksan ko ito. Hindi ko pa rin ito makita. Tatanungin ko na lang si Braxton mamaya. Isasara ko na sana ang dulong drawer nang may isang bagay na umagaw ng pansin sa akin. Isang stationary paper. Mukhang listahan ito. Dala na rin siguro ng kuryosidad ay kinuha ko ito at binasa.

1. Go to a different country
2. Get drunk and do something crazy.
3. Find a woman and help her find love.
4. Buy a bird.
5. Say I love you to a stranger.
6. Go mountain climbing
7. Dance on the street.  Under the stars
8. Swim with the fish
9. Watch how she falls in love and be happy for her.
10. Set the bird free.

"Tonya?"

Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagtawag ni Braxton mula sa pinto. Marahan akong napalingon sa kanya hawak-hawak ang papel.

"Braxton, what is this?" tanong ko.

Mabilis na napalitan ng pagkabigla ang nakangiti niyang mukha. Namilog ang mata niya nang makita ang hawak-hawak ko. Pansin ko ang biglang pamumutla niya.

"W-where did you get that?"

"Anong listahan 'to? B-bakit pamilyar? B-bakit—"

Marahan siyang humakbang papunta sa akin. Tila natatakot siya na anumang segundo ay tumakbo ako.

"Give that to me, Tonya. I . . . I can explain."

Hindi ko maipaliwanag ngunit nanlalamig ako habang hindi namamalayan na unti-unti na pala akong napapaatras. Itinuon ko ang tingin sa papel.

"Buy a bird. Say I love you to a stranger. Go mountain climbing. Dance on the street. Swim with the fish," malakas na pagbasa ko. Marahas akong muling nag-angat ng tingin sa kanya, "Those are the things we did! Ano ba 'to? Bakit may listahan ka na ganito? Bakit?"

"It's my bucket list," aniya sa mahinang boses. Halos pabulong na ito. Ni hindi niya ako magawang tingnan.

"For what? Why? Life goals mo? Did you just use me? Ginamit mo lang ba ako para magawa ang mga nasa bucket list mo?!" sunud-sunod na ratsada ko.

Pinagmasdan niya ang mukha ko. Puna ko ang paglamlam ng mga mata niya. Ngunit nandoon pa rin ang paninimbang sa reaksiyon ko.

"I admit yes. When I met you back then, in Bohol, I've decided that you could be that woman on the list. So I followed you again. But then I met you. I really met you. Tonya, I . . .I . . ."

"Why do you have a bucket list?"

Bumagsak siya ng upo sa kama habang nakatayo naman ako sa harap niya. Napahilamos siya sa mukha ng ilang beses gamit ang dalawang palad habang nakayuko. Minuto pa ang lumipas bago ko narinig ang sagot niya.

"Because I'm sick, Tonya."

Kumunot ang noo ko at awtomatikong napahagod ng tingin sa katawan niya.

"Sick? W-what do you mean by sick? You mean to say.  . ."

"I have a cancer," bulong niya na umalingawngaw sa buong solid ngunit dahil na rin siguro sa ayaw kong maniwala ay halos hindi ko na marinig.

Halos mawalan na ako ng lakas at matumba sa naging rebelasyon niya nang unti-unti ko nang makuha ang itinutumbok niya. Mabuti na lang at napahawak ako sa cabinet.

Nananaginip ba ako? Nanonood ba ako ng palabas sa TV? Totoo ba 'to?

"I don't understand. You're healthy! You don't look sick! I don't understand. What the hell is going on?" Nagtaas na ako ng boses.

Inangat ni Braxton ang tingin. Puna ko na maluha-luha na ang mga mata niya ngunit sa kabila nito ay nagawa niya pa rin akong subukan na bigyan ng mapait na ngiti.

"I do, don't I? It isn't obvious, is it? I've got Multiple Myeloma. It's a type of cancer. Stage 1. I'm healthy for now. But soon, my body will give up. I've already experience recurrent fevers . . ."

Gulong-gulo na ang utak ko. May mga luha na rin ang kumiwala sa mga mata ko. Napatingala ako sa kisame upang doon humugot ng kasagutan? Kalinawan? Hindi ko alam. Ang alam ko lang hindi ko siya kayang tingnan.

"Stage 1 . . .stage 1. . ."paulit-ulit kong naisambit na para bang kapag ginawa ko iyon, tuluyan na talagang mag sink in sa akin ang lahat.

Muli ko siyang tiningnan. "It's just stage 1! It's not worse. You can still be cured. You can—"

Mabilis ang pag-iling niya. Nakapanlulumo ang pagbagsak ng mga balikat niya.

"No. It's not a preventable disease, Tonya. There is no cure. It'll just progress. It'll just get worse."

Umusbong ang matinding iritasyon ko. Nag-init ang pakiramdam ko.

"Bakit ka ganyan?! Doctor ka pero bakit napaka-negative mong mag-isip!"

Malungkot siyang ngumiti.

"And doctors should always think about the worse to be prepared. That's what I'm doing, Tonya—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sa pagtama ng palad ko sa pisngi niya. Tanging alingawngaw lang ng tunog ng pagsampal ko sa kanya ang namayani sa apart na sulok ng kanyang kuwarto. Humihingal na ako dahil sa galit na nararamdaman. Ngumiwi siya at hindi man lang hinawakan ang namumula na niyang pisngi.

"I deserve that," aniya sa pagod na boses.

Sa galit na emosyon ay naikuyom ko ang palad na isinampal sa kanya. Nanginginig ako sa galit. Hindi ko alam kung saan. Galit ako sa kanya, ngunit galit din ako sa sarili ko. Halos magdilim na ang paningin ko o siguro ay dahil iyon sa mga luhang walang tigil na bumubuhos mula sa mga mata ko. Nagtagis na ang bagang ko.

"You. are.selfish," matigas na pahayag ko. Hindi ko na kilala ang sarili.

Pansin ko ang pagtulo ng luha niya kasabay ng pag-agos naman ng akin.

"I'm sorry," paulit-ulit na sambit niya sa namamaos na boses.

Gusto kong manlumo dahil sa naririnig kong tunog pagsusumamo nito pero paano naman ang emosyon ko? Paano naman ang bigat na nararamdaman ko?

Sa nangangatog na tuhod ay humakbang ako ng mas malapit sa kanya. Huminto lamang ako nang nakatayo na ako sa mismong harap na niya.

"Paano naman ako? Ganon-ganon na lang ba 'yon? Paano naman ako? Ang selfish mo! Ang selfish-selfish mo!" Hindi ko na napigilan ang sarili at sa buong natitirang lakas ay hinampas-hampas ko na siya sa dibdib gamit ang nakakuyom na mga palad.

Mistulan siyang tuod na nakaupo lang habang hinahayaan akong saktan siya. Hinayaan niya akong gawin siyang punching bag. Hinayaan niya akong ipakita ang lahat ng galit at paghihinagpis ko sa kanya. Lahat ng suntok ko tinanggap niya ng walang reklamo.

Nang maubos na ang lakas at marahil pati na rin ang pagkatao ko ay unti-unti na akong napaupo sa sahig at humagulgol. Paulit-ulit kong sinusuntok ang dibdib ko upang maibsan ang bigat at sakit nito. Hindi ko na magawang mag-angat ng tingin. Hindi ko na siya kayang tingnan.

"P-paano n-naman ako? M-mahal na k-kita alam mo ba? Mahal na kita . . ."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top