Chapter 23
Isang linggo na ang nakalilipas simula noong mag-resign sa clinic si Braxton. Hindi ko na siya muling nakita pa. Ang naging rason niya, personal matter. Napaisip tuloy ako kung ako ba ang personal matter na iyon. Hindi niya ba ako kayang makita? Bakit ba? Eh ako naman iyong ni-reject at hindi siya. Nahihiya ba siya para sa akin?
Maraming naging tanong si Ate Eve sa akin kung may alam ba ako sa biglaang desisyon ni Braxton. Pero nagsawalang-kibo na lamang ako. Wala na akong pakealam pa kay Braxton. Mang-iwan siya kung gusto niya. Hindi ko na rin siya kayang makita pa.
"Parating na siya!" nakabibinging tili ni Amore sa tabi ko.
Mabilis na pinatay ni Jeshu ang ilaw sa loob ng restaurant. Kaagad na humupa ang ingay sa paligid. Tanging tunog ng pinihit lamang na door knob ang namayani. Humigpit ang paghawak ko sa lubid ng lobo.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto kasabay ng pagbukas muli ng ilaw.
"Surprise!"sigawan ng lahat na malalaki ang ngiti sa mga labi.
Bumagsak ang panga ni Anding na halatang-halatang nabigla pa talaga. Kaagad siyang nilapitan ni Jeshu at niyapos.
"Happy 25th birthday, bebeko!"pagbati ni Jeshu sa maluha-luhang si Anding.
Tumikhim ako upang makuha ang atensyon ng lahat.
"Ahem! 1,2,3 go! Happy birthday to you. Happy birthday to you!"
Sumabay na ang lahat sa pagkanta ko. Humakbang ako papalapit kay Anding at Jeshu na nasa gitna. Ibinigay ko kay Anding ang lobo na hawak-hawak ko at niyakap siya. Sumunod na rin sa akin si Amore bitbit ang cake na may nakatirik na kandila.
Matapos magyakapan ay hinampas ako nito sa balikat.
"Nakakainis kayo! May pasorpresa pa kayong nalalaman ah."
Ngumisi ako at inirapan siya. "Siyempre naman. Pero sa birthday ko rin dapat may pa-surprise din ha!"
Natawa lamang siya at hinipan na ang kandila.
"Gagerd! Hindi ka man lang nag-wishlalo first!"bulyaw ni Amore.
Ngumisi lamang si Anding at tiningala si Jeshu na nakayapos ang isang kamay sa kanya.
"Hindi na kailangan eh. Binigay na ni Lord sa akin."
Kinantiyawan na silang dalawa ng iba pang bisita na kasamahan din ni Anding sa trabaho sa isang bangko.
Pagkatapos ng batian ay nagsimula na kaming kumain ng hapunan.
Iisang mesa lang kami nina Jeshu, Anding, nakababatang kapatid na babae nito, Amore at fafa niyang dj na si Kurt. Siguro kung hindi lang kasama namin sa mesa ang kapatid ni Anding, ako lang ang walang ka-partner. Kunsabagay, trese anyos pa lang ito.
Tinapik ko siya sa balikat.
"Lexie, huwag kang maiinggit kina Ate at Tita Vakla mo ah. Enjoy lang sa pagiging single," pangangaral ko sa kanya.
Nginitian niya ako. Pansin ko ang pagkinang ng braces niya sa ngipin. "Malabo po'ng mangyari iyan, Tita T. May Josh na po ako."
"Heh." Nanigas ang ngiting nakaplaster sa labi ko. Pinagpatuloy niya na ang pagkain ng pancit.
Eh 'di kayo ng lahat ang may jowa!
Dahil na siguro sa pighati na nararamdaman ay nilantakan ko ang isang bowl ng vegetable salad. Habang ginagawa ko ang pagkain ng damo ay siya namang pagpasok ni Braxton sa loob ng restaurant. Kaagad akong umalerto at napaupo nang deretso. May bitbit siyang box na mukhang regalo yata ang laman.
Mabilis kong pinukol ng masamang tingin ang tatlong kaibigan.
"Sino?" nanggigigil na impit ko na kaagad naman nilang na-gets.
Ngumiwi si Jeshu at itinaas ang kanang palad. "Present," aniya at nilingon na si Braxton, "Here, man!"
Kaagad niya kaming nahagilap at tinungo. Tumayo naman si Kurt at naghila ng isa pang silya. Inilagay niya ito sa tabi ko pa talaga!
"Happy birthday,"bati ni Braxton at iniabot ang regalo kay Anding.
"Wow. Thank you so much, Doc Brax. Maupo ka pala" tugon ni Anding na nakangisi pa.
"Tawagin ko lang iyong waiter for another plate," wika naman ni Jeshu.
"No need. I'm actually full. I already had dinner earlier," pagtanggi ni Braxton.
"Drinks then?"
"Yeah. Sure."
Nanigas na ang buo kong katawan nang naupo na si Braxton sa tabi ko. Ramdam ko na pinapasadahan ako nito ng tingin kahit na naka-focus lang ang atensyon ko sa bowl ng damo. Bigla tuloy akong nabusog.
Pagkalaon ng ilang minuto rin ay natapos ng kumain ang iba. Uminom na lang kami ng wine. Nagulat ang lahat nang bigla na lamang tumayo si Jeshu. Bigla na namang namayani ang katahimikan habang hinihintay ng lahat ang sasabihin nito.
"Excuse me everyone! Salamat. Una sa lahat, gusto ko lang batiin ang bebeko ng happy birthday. Thank you also to our friends na nandito ngayon. To her colleagues for keeping this a secret to her. Kay Tonya at Amore."
Hinimas-himas ni Anding ang kamay ni Jeshu habang tinitingala ito. Iniharap din niya ang silyang inuupuan kay Jeshu.
"Now, I've made a decision. Isang desisyon na alam kong pinakatama sa lahat ng desisyon na nagawa ko."
Dinig ang pagsinghap ng lahat. Hindi ko maipaliwanag ngunit unti-unti ng nanikip ang dibdib ko at mukhang may nagbabadya ng luha sa mga mata ko.
At tuluyan na nga itong kumiwala at umagos nang lumuhod na si Jeshu at humugot ng singsing sa bulsa. Samantalang si Anding naman ay umiiyak na.
"Andrea Lyn Escovidar. Anding. Bebeko. Will you be my forever and ever? Will you marry me?"
"Yes, I do!" mapagbirong hiyaw ni Amore. Natawa ang lahat.
"Yes! Yes! Yes, bebeko!"
Inilahad ni Anding ang palad niya at isinuot na ni Jeshu sa kanyang daliri ang singsing. Tumayo si Anding at naghalikan na ang dalawa sa gitna ng palakpakan ng lahat.
Humikbi na ako habang pinagmamasdan ang dalawang matalik na kaibigan. Para na siguro akong baliw dahil nakangiti ako kahit na umiiyak naman.
"Here," inabutan ako ng kulay asul na panyo ni Braxton. Halos nakalimutan ko na magkatabi lang pala kami dahil sa pangyayari.
Tinanggap ko ang panyo at ipinunas ito sa pisngi kong basa na ng luha.
"Thank you."
"You're welcome."
"They're beautiful, aren't they?" tanong ko sa kanya na hindi siya nililingon. Nasa dalawang kaibigan lang ang tingin.
"Yeah. I'm sure they'll be very happy together."
"Dapat lang talaga! Kung hindi wala na talagang forever!" pahayag ko at pinunasan na rin pati sipon. "Pasensya na. Lalabhan ko na lang 'tong panyo mo."
"You don't have to return it. You should go and congratulate them."
Tiningnan ko siya. Napansin kong may bahid ng i-stress ang mukha niya. Nagka-dark circles na siya sa ilalim ng mata. Mukhang puyat. Hindi rin ba siya nakakatulog dahil sa kaiisip sa akin? Naku, Tonya! Heto ka na naman! Remember, maiksi na ang buhok mo.
"Sige. Puntahan ko lang sila," sambit ko na lang at tumayo na.
Nilapitan ko sina Anding at Jeshu na napalilibutan din ng mga bumabati sa kanila. Nang makita ako ni Anding ay kaagad niya akong niyapos.
"Tonya! Heto na sa wakas!" tili niya habang niyayakap ako.
"Alam ko! Congrats! Patingin nga ako ng singsing."Kumiwala ako sa yakap at pinagmasdan ang singsing na nasa daliri niya. "Ang ganda, Anding."
"Oo nga eh. Ang galing pumili ni Jeshu. Anyways, ikaw ang gagawin kong Maid of Honor sa kasal ha."
"Bakit hindi si Vakla?"
Natawa siya.
Makalipas ang ilang oras ay unti-unti na ring nagsiuwian ang mga bisita. Nauna na rin sina Amore at Kurt.
"Tonya, sumabay ka na sa amin ni Anding," pag-iimbita ni Jeshu.
"Naku hindi na. Baka maabala ko pa kayo. Magta-taxi na lang ako,"
"Sigurado ka ba?" tanong ni Anding.
Ngumiti ako para makampante sila na okay lang talaga.
"Oo naman. Sige na."
"I'll drive her home," sabat ni Braxton na nasa likod ko na pala.
Tuso ang ngiting ibinigay ni Anding. "Iyon naman pala eh! Sige. Ingat kayo. Mauna na kami." Mabilis silang lumabas na ng restaurant. Sumunod na rin kami ni Braxton.
"Hindi mo naman ako kilangang ihatid. Kaya ko naman ang sarili ko," wika ko nang makaalis na sina Anding.
"It's late. Plus you're not an inconvenience."
Marahas akong napatingin sa kanya. Nakatayo na kaming dalawa sa tabi ng sasakyan niya.
"Am I really not an inconvenience to you? If that's the case, eh bakit ka pa nag-resign sa trabaho? Para maiwasan ako? Hindi mo naman kailangang gawin iyon!"
"Tonya . . ."
"Feeling mo ba brokenhearted ako dahil sa ginawa mo? Feeling mo ba pag nagpatuloy tayong magkasama sa trabaho hindi ako makaka-move on? Feeling mo ba hahabulin kita?" ratsada ko. Hindi ko na kayang pigilan pa ang umaapaw na emosyon.
Napahilamos siya sa mukha. Bakas dito ang frustration niya.
"I don't wanna do this with you right now."
Tumawa ako pero wala itong bahid ni akong tuwa.
"Kailan ba ang gusto mo eh hindi na naman tayo magkikita pagkatapos ng gabing ito."
Tinitigan niya lang ako. Kahit tanging ilaw lang ng buwan ang naging liwanag namin ay naaaninag ko pa rin ang lungkot na bumalatay sa mukha niya.
"Is that what you want?" aniya sa mababang boses.
Natihil ako at napatitig na rin sa kanya. Kahit abot-kamay ko lang siya ay hindi ko pa rin siya magawang hawakan. Dahil pakiramdam ko hindi ko pa rin siya abot. Pakiramdam ko ang layo-layo niya sa akin.
"Bakit pa ba tayo magkikita? Hindi ko kayang maging kaibigan mo lang, Doc Nurse. Siguro nakaya ko pa noon kay Johnny. Pero sa'yo? Hindi ko kaya."
Nang nanatili siyang parang tuod lang na naninigas sa kinatatayuan ay humakbang na ako paatras at tinalikuran siya. "I'll just go find another ride."
"Just get in the goddamn car, Tonya!" matigas na utos niya.
Natihil ako. Ngayon ko lang siya narinig sa ganitong boses. Ngunit imbes na matakot ay galit ang naramdaman ko. Marahan akong napalingon sa kanya. Nagtagis ang bagang ko.
"Hindi mo ako servant para utusan mo lang! Hindi ito isang ibon para ipilit mong alagaan ko. Hindi ito isang pagsasabi ng ilang I love you's sa mga taong hindi ko kilala. Hindi ito tulad noong sinabihan mo akong tumalon para sa mga butanding. Hindi mo na ako mauutusan na gawin ang isang bagay na ayaw ko, Braxton Peters!"
Nagtagis na rin ang bagang niya.
"Do you have any idea how I loathed myself after rejecting you?"
Mapakla ang ngiti ko. Suminghot ako at pinunasan ang luhang kumiwala na sa mga mata ko.
"Why did you reject me then?" anas ko. Umaastang matapang kahit gumuho na. Naisip ko na last na naman 'to kaya itotodo ko na.
Puna ko ang paglunok niya. Pinukol niya ako ng miserabling tingin.
"Because I can't love you and be selfish at the same time," mahina niyang sabi. Tila ba nawalan na siya ng lakas.
Napasabunot ako sa maiksi kong buhok dahil sa frustrations. Heto na naman siya sa mga bugtong niya.
"Pwede ba! Hindi kita maintindihan! Huwag ka ng gumamit ng mga malalim na salita na hindi ko naman kayang sisirin! Just go straight to the point."
Mapakla ang ngiti niya. Suminghot siya at tumingala muna sa itaas. Ibinalik niyang muli ang tingin sa akin. Nag-aalab ito.
"Christ, I want you. God knows how much I've wanted to be with you. But to love you would be the most selfish thing I'd do."
Hindi ko napigilan ang sarili sa naging rebelasyon niya! Gusto rin ako ni Braxton! Nilapitan ko siya at hinawakan ang mga kamay niya. Kahit patuloy lang sa pag-agos ng luha ko ay nakangiti naman ako dahil sa matinding kasiyahan.
"Then be with me. Be selfish and just be with me, Braxton." Alam ko na sa mga sandaling iyon ay nagsusumamo ang tingin na ipinapakita ko sa kanya. At sa mga mata niya, kitang-kita ko ang kanyang pag-aalinlangan. Ngunit mas nanaig dito ang takot
at pangamba? Pero saan? Ano? Hindi ko alam.
Pumikit siya. Hindi ko na nabasa ang mga mata niya. Ngunit napalitan ito ng banaag at mapayapa na hitchura.
Muli siyang dumilat. Pinagsiklop niya ang aming mga kamay habang malagkit na tinitigan ako sa mga mata. "Alright, Tonya. I'll be selfish and be with you."
At tuluyan niya ng inilapat ang kanyang mga labi sa akin. Habang nakatingin sa amin ang buwan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top