Chapter 20


Ang ingay ng paligid. Nakabibingi ang tugtugan sa club na pinuntahan namin. Pati mga ilaw na neon lights ay masakit sa mata.

"Hanapin ko lang si Amore ha!"sigaw ko kay Johnny upang marinig niya dahil na rin sa ingay ng paligid.

"Sige! Maghihintay na lang ako rito," sigaw pabalik ni Johnny.

Tumayo na ako mula sa upuan at inayos ang suot na black denim miniskirt. Naglakad na ako patungo sa DJ booth. Ang text kasi sa akin ni Amore ay kasama niya ang boyfriend niyang disc jockey sa booth. Ang tagal naman din kasing dumating ni Anding at Jeshu.

Ilang sandali pa ay nahagilap ko rin si Vakla na nakatunganga lang habang pinagmamasdan ang lalaking mahaba ang buhok na nagpapatugtog. Katamtam lang ang tangkad niya. Nakasuot siya ng white fitted shirt at black skinny jeans. Sa paraan ng pananamit niya ay hindi lang ako sure kung straight ba siya o curve.

Matapos masuri ang bagong source of happiness ng matalik kong kaibigan ay agad ko na silang nilapitan.

"Vakla, kanina pa kami naghihintay sa mesa ni Johnny ah."

"Pasensya, beh. Ang yummy talaga ng fafa ko 'no? Daks din 'yan."

Ngumiwi ako at hinatak na siya sa kanyang braso.

"Ewan ko sa'yo. Halika na nga."

"Teka lang. Ipapakilala pa kita sa kanya."

Pinagmasdan ko ang lalaki.

"Kurt! Babe! Si Tonya pala. Best friend ko," pagpapakilala ni Amore sa akin.

Tumango lang ang lalaki at sumaludo. Pagkatapos ay nagpatuloy na ito sa pagddj.

Ngumuso si Amore kaya ay hinatak ko na ulit siya paalis.

"Wala pa ba si Anding at Jeshu?" tanong niya habang naglalakad kami pabalik sa kinauupuan ni Johnny.

"Wala pa nga eh. Alam mo namang always late iyong dalawa."

"Malerds ka, beh. Andiyan na sila oh. Nakaupo na kasama ni Johnny mylabs mo."

Napalinga ako. Tama nga si Amore. Nakaupo na ang dalawa sa tabi ni Johnny. Pati rito sa club ay naka-matching T-shirt ang dalawa. Itim na may nakaimprenting 'Taken'. Pansin ko rin na may inomin ng nakalapag sa mesa.

Nang makalapit na sa kinauupuan  nila ay bumalik na ako sa tabi ni Johnny. Puna ko na pinagmamasdan niya ang mga inomin na nakalapag sa mesa.

"Maiinom ba nating lahat iyan?" manghang tanong niya.

Magkasabay na natawa ang tatlo kong mga kaibigan.

"Si Tonya pa. Huwag mag-aalala, kung hindi na natin kaya ay tutubusin naman tayo ni Tonya," natatawang tugon ni Anding.

Pinukol ko naman siya ng masamang tingin. Hindi lang ako sure kung nakita niya. Medyo patay sindi kasi ang ilaw.

Binuksan na ni Jeshu ang bote ng alak at sinalinan ang kanya-kanya naming mga baso. Pagkatapos ay iniangat niya ang kanya.

"Para kay Tonya at Johnny. Finally," panunukso niya.

Sa kanyang hudyat ay inangat na rin namin ang aming kanya-kanyang baso at nag-cheers.

Lumagok na ako. Ramdam ko ang init nito na dumadaloy sa lalamunan ko. Kumekendeng na naman sa kasiyahan si esophagus ko.

Nang mapasadahan ng tingin si Jeshu ay pansin ko ang pamumula ng kanyang mukha habang nauubo pa.

"More!" masiglang sigaw ni Anding kaya't nagsalin na naman si Jeshu.

"Pass na ako,"usal ni Johnny.

"Tsk. Kailangan mong uminom Johnny. Dapat may connection kayo ni Tonya. 'Di ba Tonya?" taas kilay na paghahamon ni Anding. Halatang nang-aalaska na naman.

Hindi na ako sumagot pa at uminom na lang.

"Woo! Party! Party!" tili ni Amore.

Hindi ko na mabilang kung ilang baso na ng alak ang nalagok ko. Alam ko namang pinagmamasdan ako ni Johnny pero nagpatuloy pa rin ako sa paglulunod sa sarili sa alak. Ilang beses na rin niya akong inawat pero hindi talaga ako nagpapigil.
"Sayaw tayo, bebeko," pagyaya ni Anding kay Jeshu.

"Sige, bebeko."

Nang magtungo na ang dalawa sa gitna ay naiwan naman kaming tatlo sa mesa.

"Keribells lang kung sumayaw din kayong dalawa ni Johnny. Detey lang ako," ani Amore na nakasampa na ang ulo sa mesa.

"Gusto mo bang sumayaw, Tonya?" tanong ni Johnny.

"Sige ba."

Tumayo na kami at nagtungo sa gitna kung saan nakatayo at sumasayaw sina Anding. Insakto naman na naging sweet ang music. Careless Whisper pa. Parang feeling ko yata kami lang ang hinintay nito.

Kaagad na hinawakan ni Johnny ang mga kamay ko at inilagay ito sa kanyang balikat. Pagkatapos ay hinawakan naman niya ang baywang ko.

Medyo nalula pa ako. Niliitan ko ang mga mata ko habang tinitigan si Johnny. Bakit si Braxton ang nakikita ko? Ganito na ba talaga ako ka lasing?

Nagkalapit ang mga mukha namin ni Johnny sa isa't-isa. Napapikit ako dahil sa pagbigat ng talukap ko. Hanggang sa unti-unti ko na lang naramdaman ang mga labi niya na dumadampi sa mga labi ko. Naghahalikan na kami ng long time crush ko!

Napakapit ako nang husto sa magkabilang braso niya habang ginigiya niya ako sa paghahalik. Napakalambot ng mga labi niya. Kakaiba sa mga labi ni Brax—

Hindi ko na naituloy ang iniisip ko dahil may biglang humatak sa buhok kong nakalugay. Napangiwi ako sa sakit at marahas na lumingon. Nanlaki ang mga mata ko nang mahagilap ang mukha ni Jasmine.

"Malandi ka! Bantay salakay ka pala. Nagpapanggap pup pna kaibigan lang ni Johnny pero iba pala ang balak mo!" ratsada ni Jasmine habang sinasabunutan ako. Hindi ko na naaaninag ang dating maamong mukha niya dahil mistulan na siyang sinaniban ng kung anong masamang espiritu.

Napakapit ako sa buhok ko habang pinipigil ang paghatak niya.

"Bruha ka! Kaya pala nakipag-break sa'kin si Johnny dahil inaakit mo!"

"Ano ba?! Bitawan mo ako, Jasmine!" daing ko. Pansin ko na ang pagkalmot niya sa pisngi ko.

"Tumigil ka na, Jasmine!" matigas na utos ni Johnny habang hawak ang baywang niya para pigilan sa pag-abante sa'kin.
Mabilis din ang pag-awat nina Jeshu at Anding sa kanya. Dahil dito ay natigilan na rin si Jasmine. Napaupo siya sa sahig at humagulgol. Doon ko na napagtanto na mas lasing pa pala siya kaysa sa akin. Pansin ko na nakaagaw atensyon na pala kami sa mga sumasayaw.

"Okay ka lang ba,Tonya?"tanong sa'kin ni Anding na may bakas ng pag-aalala ang boses. Hinihimas niya ang likod ko.

"Sa tingin ko, Johnny, ihatid mo na lang si Jasmine pauwi. Kami na ang bahala kay Tonya," suhestiyon ni Jeshu na hinihingal pa.

Tumango lamang si Johnny habang pinagmamasdan ako. Puna ko ang lungkot at pagsisisi na bumalatay sa kanyang mukha.
Marahan niyang inalalayan patayo si Jasmine na humahagulgol pa rin. Nang makalabas na ang dalawa ay bumalik na sa pagsasayaw ang mga echosera.

Napahawak ako sa pisngi ko na napakahapdi na.

"Tawagin ko lang si Amore nang makauwi na tayo," pagpapaalam ni Jeshu.

"Baliw ba iyong babaeng iyon? Siya pa talaga ang may lakas ng loob na umiyak gayong siya naman ang sumugod sa'yo," panggigigil ni Anding.

"Hayaan mo na."

Ilang sandali pa ay tinungo na rin kami nina Jeshu at Amore.

"Anyare, beh?" tanong ni Amore na naguguluhan pa ang mukha. Mukhang kagigising lang niya.

"Umulan ng guwapo kaya nag-agawan at sa huli ay nagsabubutan. Sayang nga at hindi mo naabutan, Vakla," napakaseryosong pagkakasabi ni Anding.

"Pwede ba na sa seryoso at totoo tayo? Please lang naman," masarkasmong sambit ni Amore.

"Cat fight," si Jeshu ang seryoso at totoong sumagot.

Palabas na sana kami ng club nang bigla na lang kaming pigilan ng bouncer na may malaking katawan.

"May problema ba?"wika ni Jeshu.

"Kakausapin daw kayo ng manager." Pagkasabi ng bouncer nito ay nilapitan naman kami ng isang singkit na lalaki.

Napakusot ako ng mata nang matitigan ko siya. Hindi ako maaaring magkamali kahit nakainom ako. Siya iyong hapon na nagpadakip sa amin sa Bohol!

"Ilang beses ba namin kailangang sabihin sa inyo, Kuyang Pulis na hindi si Tonya ang nagsimula ng gulo!" pakikipagtalo ni Anding sa pulis.

Matapos kasi kaming ireklamo ni Mr.Jakusi na napakarami pala ng negosyo at isa na nga rin ang club dito ay dinala kami sa presinto upang magpaliwanag.

Pero hindi ako ang nagpaliwanag kundi ang attorney—este kaibigan kong si Anding. Samantalang si Amore naman ay humihilik na sa kabilang silya.

Napatingin ako sa nakahalukipkip na si Mr. Jakusi. Mabuti na lang at hindi niya ako natatandaan.

"Sir, wara po taraga ako kasaranan."

Sa kabila ng kasingkitan ay matalim pa rin ang tingin niya sa akin.

"Gano'n taraga amin porisiya. Pag ikaw guro, ikaw pasok biribid."

Weh? Mahilig ka lang yatang magpabilibid eh!

"Sir, hindi ba natin to pupwedeng iareglo?"pakikiusap naman ni Jeshu sa pulis.

"Naku, sir. Pakiusapan niyo po si Mr. Jakusi," sagot ng pulis.

Napadampi naman ako sa pisngi ko. Hindi ko na mai-magine ang hitchura ko. Ang dami ko nang  pinagdaanan sa isang gabi lang. Habang hinahaplos ang pisngi dahil sa iniindang hapdi at kirot ay bumukas naman ang pinto ng presinto. Pumasok ang isang gwapo at matangkad na lalaki na may bitbit na puting kahon. Napaigtad ako nang makitang si Braxton ito!

Lumapit siya sa kinatatayuan ko at tumigil. Napaigtad ako nang pinagmasdan niya ang mukha ko. Puna ko ang konsentrasyon niya. Marahan niya hinawakan  ang pisngi ko na may galos.

"W-what are you d-doing here?"kandautal-utal ko. Nanayo ang aking mga balahibo sa paghihimas niya sa pisngi ko.

"This looks painful. You should sit down," aniya na hindi pinansin ang tanong ko. Nakatutok pa rin siya sa sugat ko.

Iginiya niya ako sa nakahilerang plastik na mga silya. Wala na akong nagawa kundi ang maupo. Hinila naman niya ang isang upuan at naupo sa tapat ko.

Walang kibo niyang binuksan ang maliit na box na first aid kit pala ang laman.

"How did you find me here?" muli kong tanong.

"Anding sent me a message. She told me you were hurt. That you need a doctor."

Napapikit ako sa kaunting kirot na naramdaman nang pahiran niya ang sugat ko sa pisngi.

"We have to disinfect this first. So that it'll heal without a scar."

Dumilat ako at tiningan siya.

"Maliit na sugat lang naman 'to. Maliit na bagay lang."

Ngumiwi siy at bumuntonghininga.

"It's painful, isn't it?"

Tinanguan ko siya. Pinalandas ko ang dila sa ibabang labi at lumunok.

"Then it isn't just a small thing, Tonya."

Nang matapos na niyang gamutin ang sugat ay nilagyan niya ito ng band-aid. Naupo na siya sa tabi ko.

"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung ano ang nangyari?" sabi ko sa maliit na boses.

Pinagmasdan niya ang mukha ko. Malumanay niya akong tinitigan.

"Do you want to tell me?"

Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay kong medyo nanginginig.

"Sinugod ako ng ex-girlfriend ni Johnny. Sinabihan niya ako na inakit ko raw si Johnny. Hindi ko alam. Maybe she's right."

Matagal pa bago siya muling nagsalita. Tanging ingay lang ng pakikipagtalo ni Anding sa hapon ang namayani sa buong paligid.

"You know yourself, right, Tonya? More than anybody else it's only you who truly know what kind of person you are."

Napasinghot ako. Hindi ko namamalayan na may butil ng luha na pala na kumiwala sa mga mata ko.

"Look at me, Tonya," malumanay na utos ni Braxton.

Nag-angat ako ng tingin at kitang-kita ko ang pagkinang ng mga mata niya. Halata ko rin ang ngiti na sumilay sa mga labi niya.
"In the short time that I've known you, I know who you really are. You're this amazing, brave, humble, and full of love woman. Don't let anybody else ever tell you what you're not, Tonya. Do you understand me?"

Napakurap ako sa hapdi ng mga mata ko at marahang tumango.

"Why do you always call me Tonya and not Antoinette?" bigla ko na lang naitanong. Doon ko pa lang na-realize na pinagtatakhan ko pala iyon.

Ngumiti siya bago nakapagsalita.
"Because that's more you. That's who you really are."

Sa gitna ng bangayan ni Anding at ng pulis. Sa alingawngaw ng hilik ni Amore. Sa loob ng isa ring bilibid kung saan kami unang nagkakilala ni Braxton Peters. Naliwanagan na ang puso't isipan ko. Tuluyan na nga talagang nahuhulog ang loob ko sa lalaking nakangiti sa harapan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top