Chapter 18
Mamamatay na ako sa araw na ito. Si Braxton Peters na kasalukuyang nakangisi sa harapan ko ang salarin.
"Are you ready?"
Duwag akong umiling. Sino ba naman ang hindi matatakot sa gusto niyang ipagawa sa akin?
"No. I change my mind. Hindi ko pala kaya. Uuwi na lang ako at manonood ng kdrama dahil kdrama is life."
"Of course you can," pahayag niya habang sinusuot na ang kanyang diving gear.
Pansamantala akong nabuhayan ng loob.
"Talaga? I can go home and watch kdrama because kdrama is life?"
"No. You will go with me and dive because diving is lifer." Malapad siyang ngumisi. Maganda talaga ang ngipin niya at masasabi ko na attractive talaga siya kaya lang nagbago na ang isip ko. Nakakainis siya.
"Akala ko noong sinabi mo na magpupunta tayo ng beach, eh magtatampisaw lang tayo! Bakit diving pala?" pagmamaktol ko.
"You're not really gonna dive, Tonya. It'll just be me. You'll just jump once we see the whales and we'll swim with them. There's a life vest you can use."
Tumayo ako at nakapameywang pa habang kaharap siya.
"I can just watch them swim from here!"
"This is the favor that I was telling you when I offered to teach you how to swim. And besides you've wanted to swim with the whales."
"Paano mo naman alam 'yan aber?"
"You've mentioned it. Remember the snake incident?"
Napatampal ako sa noo. Bakit ba kasi nasambit ko pa ang mga bagay na iyon? Bakit din naaalala pa niya ang mga detalye?
"Paano kung malunod ako?"
"Then I'll save you. I'll be right beside you all the way. You don't have to worry."
Napatitig pa ako sa kanya ng ilang minuto. Pagkatapos ay nilinga ko naman ang sinasakyan naming bangka. Napatingin na rin ako sa iba pa naming kasamahan. Mukha namang expert sila kagaya na lamang ng diving instructor na naglitanya kanina.
"Fine. I'll only jump once and that's it," seryosong pakikipagtawaran ko.
Lumaki ang ngiti ni Braxton. "Great!"
Maya-maya pa ay huminto na ang bangka sa kalagitnaan ng dagat. Pansin ko ang pagkakulay asul patungong berde ng tubig. Napakalalim na talaga.
"Ma'am, Sir. We will wait for a few minutes. This is the spot where the whales usually swim," pag-aanunsiyo ni Manong Rey, isang diving instructor.
Tumango lamang kami. Ngunit twenty minutes na ang lumipas ay wala pa rin kaming ni isang butanding na nahagilap.
Tumayo na si Braxton. "I'm gonna go for a dive now."
Napalunok ako. "Okay. Be careful," habilin ko sa kanya. Tiningnan ko naman si Manong Rey. "Kayo na ho ang bahala sa kanya. 'Wag niyo ho siyang ipapadagit sa octopus."
Mahinang natawa si Manong Rey.
"Naku, ma'am. Huwag po kayong mag-aalala. Safe na safe po ang boypren niyo."
Hindi nakalagpas sa pandinig ko ang huli niyang sinabi. Umalma kaagad ako.
"Ay hindi ko po—"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil tumalon na si Braxton sa dagat at natalamsikan pa ako ng tubig. Sumunod na rin si Manong Rey sa kanya.
Halos kalahating oras na ang nakalipas ay hindi pa rin umaahon si Braxton. Mas nauna pa ang pag-ahon ni Manong Rey sa kanya.
"Saan na ho siya?" tanong ko na may nararamdaman ng kaba.
Napakamot sa ulo si Manong Rey at nahalata ko ang pagiging kabado niya.
"Naku. Marahil sumisid pa iyon ng mas malalim."
Marahas akong napatingin sa tubig. Pilit kong hinahagilap si Braxton.
"Doc Nurse? Braxton?" pagtatawag ko sabay dungaw sa tubig.
"Huwag kayong mag-aalala, ma'am. Magaling na diver naman iyong boypren niyo."
Hindi ko na pinansin ang sinabi nito dahil nanatili lang sa tubig ang buong atensyon ko. Ginapangan na ako ng matinding kaba at pag-aalala dahil hindi pa rin tinutugonan ni Braxton ang paulit-ulit na pagtatawag ko sa kanya.
"Doc Nurse! Brax—"
Muntikan na akong mahulog sa tubig mula sa pagkakadungaw ko nang bigla na lang sumulpot ang ulo ni Braxton sa harapan ko. Nakakapit siya sa gilid ng bangka.
"Nakakainis ka!" inis na sabi ko.
Kinuha niya ang mukhang straw na nasa bibig na tumutulong sa kanya upang makahinga sa ilalim.
"Shh. They're here," bulong niya.
Sinundan ko ang kanyang tingin. Doon ko na nakita ang dalawang malalaking butanding na magkadikit pang lumalangoy malapit sa bangka.
Napanganga ako habang pinagmamasdan ito. Sa tanang buhay ko ngayon pa lang ako nakakita ng butanding sa malapitan.
"Where's your life vest? Wear it now and then jump," untag sa akin ni Braxton.
Dahil na rin siguro sa excitement ay hindi ko na naramdaman ang kaba. Mabilis kong tinanggap ang life vest na iniabot sa akin ng kasamahan namin sa bangka.
Nang maisuot na ito ay naupo muna ako sa gilid ng bangka upang ihanda ang sarili sa pagtalon. Tatlong beses pa akong nakapag-sign of the cross bago tumalon.
Mabilis akong hinawakan ni Braxton sa beywang upang makapag-adjust sa tubig. Nang maging okay na ay lumangoy na kami malapit sa butanding.
Magkasabay naming pinagmasdan ang mga butanding.
"Beautiful isn't it?"anas ni Braxton.
"Yeah. This is so amazing!" bulong ko dahil natakot at baka maistorbo ang pinagmamasdan.
"I think they're lovers."
Napatingin ako sa kanya. "Paano mo naman nasabi?"
"Look at how the bigger one guides her." Itinuro niya ulit ang mga butanding kaya ibinalik ko ang tingin rito.
Dahil sa sinabi niya ay saka ko pa lamang napuna na parang iginigiya nga ng mas malaking butanding ang kasama nitong isa pa.
"You're right. How sweet of them. Sana all."
"That's the kind of love that you should look for, Tonya."
Dahil na siguro sa naging tono ng boses niya ay muli akong napatingin sa kanya. Nagulat ako nang makitang tinititigan niya pala ako. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Bakit ganito?
Hindi ko na nagugustuhan ang nararamdaman ko kaya nag-iwas na ako ng tingin.
"W-what kind of l-love do you mean?" tanong ko na lang. Hindi makatingin sa kanya.
Matagal pa bago siya nakasagot. Dinig na dinig pa namin ang tila boses ng mga butanding. Nang mapayapa na uli ang dagat ay muli siyang nagsalita.
"A love that will never leave you."
Dapit-hapon na nang umalis kami ng isla. Inabutan na nga kami ng dilim sa daan. Habang minamaneho niya ang sasakyan ay tahimik naman akong nakaupo sa tabi niya. Sa pagkakataong ito hindi ako tahimik dahil naiinis at iniignora ko siya. Tahimik ako dahil malalim ang iniisip ko.
Iniisip ko pa rin ang huli niyang sinabi tungkol sa pag-ibig na inihalintulad niya sa mga butanding kanina. Hayop na pala ang pag-ibig ngayon? Kung sabagay sa mga nakikita kong palabas sa telebisyon, kapag nga nag-aaway ang mag-asawa sinisigawan ni Misis ang kanyang Mister ng 'Hayop ka!' sabay bato ng takip ng kaldero. Sadyang hayop nga siguro ang pagmamahal minsan.
"Tonya?"
Wala sa sarili akong napabaling kay Braxton dahil sa pagtawag. "H-ha?"
"We're here."
"Ha? Here where?" Sabaw yata ako ngayong gabi.
Kumurba paitaas ang sulok ng kanyang labi. Itinuro niya ang boarding house ko.
"Your home."
"Oh! Of course! Home sweet home. Sabi ko nga," pagdadaldal ko habang tinatanggal na ang suot na seatbelt.
Matapos itong matanggal ay bumaling ulit ako sa kanya at ngumiti.
"Thank you for today, Doc Nurse."
Sinuklian niya ng senserong ngiti ang pagpapasalamat ko.
"You're welcome. The pleasure's mine."
Tinanguan ko siya at lumabas na ako ng kanyang sasakyan.
Hindi pumasok si Braxton ngayong araw. Hindi kaya nagka-body pains siya dahil sa diving kahapon? Grabe naman kasi ang pagsisid niya. Tinalo niya pa ang badjao. Inabutan talaga kami ng hapon.
"Tonya, pakikuha mo nga ako ng eye drop diyan sa may cabinet," utos sa akin ni Ate Eve.
Tumayo na ako at binuksan ang cabinet. Kinuha ko ang eye drop at iniabot ito sa kanya.
"Wala bang sinabi si Braxton kung bakit hindi siya papasok ngayon, Ateng?"
"Ang sabi lang niya, personal matter daw. Hindi na ako nagtanong at nang-usisa pa kung ano. Baka pribado kasi. Wala ba siyang nabanggit sa'yo kahapon noong magkasama kayo?"
"Wala naman po."
May mapaglarong ngiti na sumilay sa mga labi ni Ate Eve.
"Close na close na talaga kayo ni Brax ah. Nami-miss mo na siya eh."
Muli na akong naupo sa silya.
"Nagtataka lang ho ako. Sige na, Ateng, baka hinihintay ka na ni Dokey."
Tinaasan muna niya ako ng kilay bago tinalikuran.
Ano kaya ang ibig sabihin no'n?" bulong ko sa sarili dahil sa inasta ni Ate Eve.
Nawala na iyon sa isip ko nang mapuna ang paglabas mula sa silid ng batang babae na pasyente. Nagtawag na ako ng kasunod pa.
Mabuti na lang talaga at hindi ako tinablan ng pagod. Siguro dahil na rin sa nag-enjoy talaga ako kahapon. Ang sarap naman kasi sa feeling. Nagiging adventurous na talaga ako.
Kinuha ko ang cellphone mula sa bag. Binuksan ko ito at pinagmasdan ang pictures na kuha namin kahapon. Puna ko ang parehong laki ng ngiti naming dalawa ni Braxton. Kapansin-pansinang pagiging masaya naming dalawa. At siyempre, mayroon ding pictures ang mga butanding.
Habang pinagmamasdan ko ito ay meron namang nagpop-up na notification sa messenger ko. Binuksan ko ito at nakita na si Johnny pala ang nag-chat sa akin.
Pwede ba akong sumabay pag-uwi mo? May sasabihin din kasi ako sa'yo.
Kaagad ko siyang nireplyan.
Oo naman.
Matapos nitong ma-send ay ipinasok ko nang muli ang cellphone sa bag at napaisip. Ano kaya ang sasabihin ni Johnny sa akin?
Dahil naging abala ako maghapon ay hindi ko na naisip pa ang message ni Johnny. Doon ko na lang siya naalala nang bumaba na ako at naglakad sa lobby. Kaagad ko kasi siyang nakita at halatang nag-aabang sa akin.
Inayos ko ang buhok at tiningnan ang suot na puting uniform. Mabuti na lang at walang bahid ng mantsa ito.
Nakangiti akong tinungo na siya sa kanyang kinatatayuan.
"Kanina ka pa ba naghihintay?"
Ngumiti rin siya. "Sakto lang naman. Pwede ba tayong magkape muna bago umuwi? Libre ko."
Nahihiya akong ngumiti sa kanya. Siyempre may hiya rin naman ako kahit papaano.
"Naku. Madalas mo na akong nililibre. Nakakahiya naman sa'yo."
"Ano ka ba, okay lang. Gusto ko naman 'to eh."
Uminit na ang magkabilang pisngi ko. Ano ba ang gusto niyang sabihin? May hidden message ba iyong sinabi niya?
"Tayo na?" aniya na nagpabalik sa akin sa reyalidad.
Napasinghap ako. Ang bilis! Hindi ako ready!
"H-ha?"
"Ang ibig kong sabihin tayo na at magpuntang cafe. Ready ka na?"
Napa-inner tampal ako sa self. Malapit sa bunbunan.
"S-sure. Tayo na. Sa cafe. Gora."
Lumabas na kami ng ospital at naglakad sa cafe na nasa tabi lang naman nito.
"Nagpunta ka ba ng beach?" tanong ni Johnny nang makaupo na kami sa loob ng cafe at naghihintay na lamang na dumating ang order.
"Oo. Paano mo nalaman? Hindi ko pa naman naa-upload ang pictures dahil walang internet."
"Namumula ka kasi. Halatang galing ka sa beach kaya ko iyon napansin."
Mabilis akong napadampi sa mukha. Klaro ba talaga? Hindi naman ako maputi o mestisa kundi isang morena. Tinatablan pa pala ako ng araw?
"Ah eh. Oo. Lumangoy ako kasama ang butanding."
Sa wakas ay dumating na rin ang kape namin kaya humigop na ako sa mocha ko.
"Butanding lang ba ang kasama mo?"
Nasamid ako sa hinihigop na kape at medyo naubo pa sa tanong ni Johnny. Mabilis niya naman akong inabutan ng tissue na nasa mesa lang din nakalapag.
"Okay ka lang ba, Antoinette?"
Tinanguan ko lang siya habang pinupunasan ang bibig ko. Nang maging kalmado na ay sinagot ko siya.
"Okay lang ako. Si Braxton. Si Braxton ang kasama kong lumangoy maliban sa mga butanding."
Inangat niya ang kanyang tasa ng kape ay sumimsim mula rito.
"Ah. Nililigawan ka ba no'n?"
Napasinghap ako at awkward na natawa.
"Naku hindi ah! Magkaibigan lang kami no'n. At saka para ko na siyang mentor."
Umayos na ako dahil nakita kong nagiging seryoso na ang hitchura niya.
"Mabuti pala kung ganoon," marahan niyang sabi at saka tumango.
"Bakit naman?"
Ngumiti siya at tinitigan ako nang deretso sa mata.
"Kasi gusto kitang ligawan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top