Chapter 17


Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong humikab habang naka-duty sa clinic dahil sa matinding antok. Naligo naman ako pag-uwi ko sa boarding house kahit na mala-yelo sa lamig ang tubing. Tiniis ko para lang tuluyang magising. Tatlong tasa na rin ng kape ang nalaklak ko pagkadating ko pa lang sa loob ng clinic para lang hindi ako antokin.

"Heto, hija. Nguyain mo para magising ka talaga," pagpapayo ni Ate Eve sa akin habang inaabutan ako ng isang kulay puti na bagay.

"Ano ho iyan, Ateng?"

"Bawang."

"Naku. Hindi ko po gusto ang amoy niyan. At saka hindi naman po ako inaaswang."

Inilagay niya na ito sa palad ko.

"Okay lang 'yan. Iluluwa mo naman at hindi mo lulunukin. Dalawang minuto lang para mawala o maibsan man lang iyang antok mo. O baka gusto mong umidlip na muna doon sa sulok."

"Naku hindi na po, Ateng at nakakahiya naman po sa inyo," mabilis na pag-alma ko. Pinisil ko ang aking ilong at inilagay na ang mabahong bawang sa bibig.

"Hindi ka man lang ba talaga nakaidlip doon sa condo ni Brax?"

Itinulak ko ang bawang gamit ang dila sa kabilang gilagid upang makapagsalita.

"Nakaidlip naman po. Pero hindi talaga masyado. Inapoy kasi ng lagnat si Braxton."

Tinapik ni Ate Eve ang balikat ko.

"Isa ka talagang mabuting tao, Tonya. Sigurado ako na very grateful iyong si Brax sa'yo."

Marahan akong napailing dahil sa hindi pagsang-ayon sa sinabi niya.

"Naku. Ewan ko lang po, Ateng. Alam niyo ho bang makailang beses niya akong ipinagtabuyan kagabi? Mabuti na lang talaga at medyo may kakapalan itong pagmumukha ko at hindi ako nagpatinag."

Kritikal siyang nagtaas ng kilay. 

"Sigurado ka ba na medyo lang,  hija?"

"Ay wow ang harsh, Ateng ha. Nahahawaan ka na talaga ni Doc Nurse."

Mahina siyang natawa at tinapik ako sa bandang likod.

"Binibiro lang kita. Hayaan mo na iyon. Ganyan talaga kapag silang mga doktor na ang nagkakasakit, matitigas ang ulo."

"Bakal-ulo po talaga," segundo ko.

"O siya sige. Tatawagin ko na si Doc para mananghalian. Hindi ka ba sasabay sa amin?"

"Saka na ho kapag pumuti na ang uwak."

Natawa lamang si Ate Eve at nagtungo na sa silid ni Doc. Ilang minuto pa ay lumabas na silang dalawa ng silid at umalis.

Habang inililigpit ko ang mga papers upang maghanda na para mananghalian ay bumukas naman ang pinto ng clinic. Napaupo ako nang matuwid nang makitang si Johnny ang pumasok.

Ngumiti siya at nilapitan ako sa front desk.

"Hi, Antoinette."

"Hello, Johnny. May kailangan ka ba?"

"Ah. Yayayain sana kitang mag-lunch. Hindi ka pa naman kumain 'di ba?"

"Naku. Hindi pa," sagot ko sabay hawi sa buhok.

"Sige. Sabay na tayo. Ililibre kita bilang pasasalamat sa pagtulong mo roon sa ibon ng pamangkin ko."

"Hindi mo naman kailangan akong ilibre. Pero sige, dahil gutom na ako, gorabells na."

Bumaba na kami ni Johnny ng gusali at nagtungo na sa restaurant na paborito naming puntahan ni Amore. Nang makarating kami doon ay kaagad kaming um-order ng pagkain at naupo na.

"Matagal ka na bang nag-aalaga ng ibon?" biglang tanong ni Johnny habang naghihintay kami na dumating ang pagkain na in-order.

"Actually bago pa lang."

"Paano mo pala naisipan na mag-alaga? May nag-convince ba sa'yo?"

Bigla kong naalala si Braxton. Okay na kaya siya? Kamusta na kaya ang pakiramdam niya?

"Antoinette?" pagpukaw ni Johnny sa isipan ko.

"Ha? Ay oo. Si Braxton. Iyong nurse na katrabaho ko. Siya ang nag-convince sa'kin."

"Alam mo bang medyo naweweirduhan ako sa kanya," kunot-noong pagdedeklara niya.

"Bakit mo naman nasabi iyan?"

"One time kasi, nagkasabay kami sa lobby ng ospital. Bigla na lang niya akong tinanong kung masaya ba ako kasama si Jasmine."

"Ah. Ganoon talaga iyon. Medyo malalim kasi siyang tao."

Nagsalubong ang kilay ni Johnny na parang iniisip pa ang sinabi ko.

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang pagkaing in-order namin. Kaya naman ay kumain na kami at nagkuwentuhan.

Matapos naming kumain ay bumalik na kami ng hospital. Inihatid pa talaga ako ni Johnny sa clinic. Napaisip tuloy ako kung nanliligaw ba siya o baka naman assuming lang talaga ako.

Pumasok na ako sa loob nang makaalis na si Johnny.

"Si Johnny ba iyon?" bungad sa akin ni Ate Eve na nakaupo na sa may front desk.

Lumapit ako sa kanya at naupo na rin sa tabi niya.

"Opo. Sabay kaming nag-lunch."

"Kayo na ba?"

"Si Ateng naman. Sabay lang nag-lunch kami na agad? Hindi ba pwedeng friendly lunch lang?"

"Tigilan mo nga ako, Tonya. Napakaraming taon na kayong magkaibigan hanggang ngayon gusto mo pang dagdagan ang taon?"

"Sakit no'n, Ateng ha."

"Akala ko ba may syota iyon?"

"Wala na po. Naghiwalay na sila."

Nagtagpo ang dalawang kilay niya at naningkit ang kanyang mga mata.

"Ganoon ba? Parang hindi naman siya mukhang broken hearted."

Nagkibit balikat lang ako at sinimulan na ang pag-aayos ng files.

Tumili si Ate Eve. "Moment mo na ito! Sunggaban mo na, hija at baka madali pa ng iba."

Buong maghapon na ang pangungumbinsi ni Ate Eve na awrahan ko na si Johnny. Siguro alam na ng lahat ng pasyente sa clinic ang love life ko dahil sa kakadada niya tungkol dito.

Nang matapos ang shift ay umuwi na ako ng boarding house at nagpahinga.

Proud ako sa sarili dahil maaga akong nagpunta ng clinic kinabukasan. Wala pang 8:30 ng umaga. Ngunit nakunan ito ng twenty percent nang bumungad sa paningin ko ang nakaupo sa bleachers sa tapat ng pinto ng clinic na si Braxton.

"You're early," bungad ko.

Tumayo na siya nang mabuksan ko ang pinto.

"You're not late."

Pumasok na kami sa loob.

"How are you feeling?" tanong ko matapos mapindot ang switch ng ilaw.

"I'm fine. Thanks by the way. For that night."

"It's nothing, Anak ng Titing. But you still look pale though. Are you sure, okay ka na?"

Naupo na kami sa silya.

"Yeah. I'm fine. It's just probably the weather." Sinimulan na niya ang pagbuklat sa makapal niyang medical textbook na nasubukan ko ng basahin dahil sa pagiging koryoso.  Ngunit first page pa lang ay sumuko na ako dahil sa sobrang lalim at komplikado ng mga psychological terms.

Tumango lang ako. Tama naman siya. Makulimlim kasi ang kalangitan, malakas pa ang hangin sa labas kaya malamig ang panahon.

Nang magsidatingan na ang mga pasyente na magpapakonsulta ay nagsimula na kaming magtrabaho. Hindi naman masyadong marami ang tao. Dahil na siguro sa masamang panahon kaya imbes na magpunta ng clinic ay naisipan na lang nila na magtalukbong ng kumot at manatiling nakahiga sa kama. Nakapagchikahan pa nga kaming tatlo nina Ate Eve at Braxton dahil hindi kami naging abala. Pero siyempre, mas marami ang naichika ko.

Pagsapit ng alas-singko ng hapon ay kaming dalawa na lang ni Braxton ang natira upang magsara ng clinic.

"I'll drive you home," aniya habang naglolock ako ng pinto ng clinic.

"Okay. Pa-thank you mo ba 'yan sa'kin for taking care of you that night?"

"Well, technically I didn't ask you to come and visit me. Especially fed me and everything—"

Binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"—But I'm still grateful, of course. That's why I have a surprise for you," pagpapatuloy niya na biglang naiba ang .

Malaki naman ang ngiti ko dahil sa huli niyang sinabi.

"Really?! What is it?"

"It's in the car. So, shall we go?"

Mabilis ang pagtango ko. Halos matanggal na nga ang ulo ko dahil sa sigla. Medyo naalog din siguro ang utak ko. Hindi ko na maiwasan ang makaramdam ng excitement. Sosyalin si Doc Nurse at siyempre tiyak na sosyalin din ang pasorpresa nito.

Bibigyan niya kaya ako ng mamahaling chocolates and flowers? O hindi kaya ay jewelries?! Naku, saan ko kaya ito ilalagay nang hindi manakaw sa boarding house? Tama! Magpapa-hire na lang ako sa kanya ng bodyguard para sa jewelries. Bongga!

Dahil sa mga tumatakbo saisipan ko ay hindi ko na namalayan na nasa basement na pala kami ng ospital at naglalakad na patungo sa kanyang itim na kotse.

Nang tumihil na kami sa tabi nito ay hinarap ko siya.

"Hindi ba ako pipikit or hindi mo ba ako pipiringan para mas intense?"

"It's in the trunk," naitugon lang niya. Mukhang hindi niya na-gets ang nakakatuwang ideya ko.

"Fine. I'll do it myself." Hindi niya pa rin nasira ang pagiging positibo ko sa maaaring mangyari.

Nagtungo na ako sa likod ng kanyang kotse at piniringan ang mga mata ko gamit ang isang palad habang ang isang kamay naman ang nagbukas ng trunk.

Nang mapagbuksan ito ay unti-unti kong tinanggal ang palad na nakapiring sa mga mata ko. Marahan akong dumilat at doon na tumambad sa aking paningin ang isang sako.

Namilog ang bibig ko at nilinga siya na nakapamulsa pa habang pinagmamasdan lang ako.

"What is this?"

"That's food for your bird. It'll last for months."

Nakaawang ang labi at ilang beses akong kumurap. Hindi pa rin nagbabago ang seryosong hitchura niya. Hindi siya nagbibiro. Pagkain ng ibon talaga ang sorpresa niya!

Mataray akong napahawak sa beywang at inismiran siya.

"Wow. Si Love ba ang bumisita at nag-alaga sa'yo? Si Love ba ang naghanda ng sopas para sa'yo? Noong inaapoy ka ng lagnat, si Love ba ang nagpunas sa . . ." Hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin dahil sa pagdapo ng tingin ko sa malapad na dibdib niya.

Nagbaba siya ng tingin sa sarili dahil sinundan niya ang tingin ko sa parte ng katawan niya. Nanliit ang mata niya nang muli niya akong tiningnan.

"You don't like my gift?" Sa tono ng pananalita niya ay parang hindi niya talaga inasahan ang naging reaksiyon ko.

Isinara ko na ang trunk. Halos padabog pa ito.

"It's okay. Thank you for being thoughtful towards my bird. Now, just give me a ride home."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pumasok na ako sa loob ng kotse. Ako pa mismo ang nagbukas ng pinto ng kanyang sasakyan na para bang pagmamay-ari ko.

Ilang segundo pa ay sumunod na rin siya.

Tahimik ang pagbiyahe namin pauwi. Hindi na ako kumibo pa at hindi naman siya sumubok na makipag-usap.

Nang huminto na ang sasakyan sa tapat ng gate ay lumabas na ako. Hindi ko pa rin siya kinausap. Silent treatment kumbaga. Nagulat na lang ako nang sumunod siya.

"Tonya . . ."

Marahas akong napalingon sa kanya. Nagtaas ako ng isang kilay.

"What?"

May lihim na ngiti sa kanyang mga labi habang mariin akong tinititigan na para bang ikinatutuwa pa niya ang inaasta ko.

"You forgot your gift."

Bumuntong-hininga ako at tumigil samantalang kinuha naman niya mula sa trunk ang regalo niya para sa ibon ko.

Nang mailapag niya ito sa gilid ng gate ay may delivery truck naman na biglang huminto sa tapat.

Lumabas mula rito ang tatlong lalaki at binuksan nila ang likod ng truck. Maya-maya pa ay may pinagtulungan na silang buhatin. Isang malaking bagay na nasa loob ng karton. Hugis parisukat ito.

Nawindang ako nang ilapag nila ito sa tapat ng gate ng boarding house ko. Sino naman kaya ang nagpadeliver nito?

Lumapit sa akin ang nasa edad trenta anyos na siguro na lalaki.

"Kayo po ba si Ms. Antoinette De Yemas?"

"Ako nga. Bakit?"

"Paki-recieve na lang po," tugon niya habang inaabutan ako ng isang papel at itim na ballpen.

Napatingin naman ako kay Braxton na tahimik lang na nagmamasid sa amin habang nakasandal sa kanyang kotse.

Dahil sa bilis ng pangyayari ay pinirmahan ko na lang ito at hindi na binasa pa ang nakasulat.

Pumasok na ang tatlong lalaki sa gate buhat-buhat ang bagay na iyon. Napaawang ang labi ko habang sinusundan lang sila ng tingin.

"You should go inside and guide them where to put it," untag ni Braxton kaya't napatingin ako sa kanya.

"What's going on? What was that?"

Mahina siyang tumawa. "You didn't even read its cover?"

Marahan akong umiling. Naguguluhan pa rin.

"It's a flat screen TV, Tonya. It's my gift to you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top