Chapter 15
Tila ako'y nakalutang na sa tubig. At nalulunod na sa —Sheyt! Nalulunod na talaga ako!
"Try to relax. I got you," pagpapakalma ni Braxton sa'kin.
Nasa gilid ko lang siya na nakaalalay sa'kin habang sinusubukan kong matutong lumangoy.
Tatlong oras na kaming nakababad sa swimming pool ng condo niya. Tatlong oras na rin ang pangangawit ng mga bisig at binti ko. Walang tigil ang pag-eensayo ko kung paano ang lumangoy. Nagbabakasakali ako na matuto at ng mabawasan kahit na kaunti ang life goals ko. Sa ilang oras namin na practice, may nadiskubre ako tungkol kay Braxton Peters. Isa siyang pasensiyoso, istrikto ngunit napakaepektibo naman na klase ng trainer.
"Good. You're doing it. Now move your arms. Like that. Great," pagpapatuloy niya samantalang hingal naman at halos lupaypay na akong iginagalaw ang mga bisig ko.
"Alright. That's all for today."
Iniapak ko na sa sahig ng pool ang mga paa ko na medyo hindi ko na maramdaman dahil sa pamamanhid at unti-unti na akong tumayo na nang deretso.
Tinanggal ko ang suot na goggles at dahan-dahang umahon na. Sumunod naman sa aking likuran si Braxton.
Tinungo ko ang sun lounger at pagod na naupo rito. Inabutan ako ng bottled water ni Braxton na kinuha niya mula sa mesa.
"Feeling ko mamamatay na ako," pahayag ko matapos uminom. Medyo humahangos pa ako.
Umupo siya sa tapat ko na may nakasampa na dalawang tuwalya sa sandalan nito. Iniabot niya sa akin ang isa sabay ngisi.
"But you're learning."
Napakurap ako nang mapagmasdan ang pagbakat ng abs niya habang pinupunasan niya ang kanyang buhok gamit ang puting tuwalya. Nahagilap ko rin ang umbok mula sa kanyang suot na swimming trunks. Mabilis kong itinuon ang tingin sa pool.
Tumikhim ako dahil pakiramdam ko parang may biglang bumara sa aking lalamunan.
"I thought, when you told me that you'll teach me it'll be per session. Bakit feeling ko parang nagmamadali tayo?"
"It's because you're a fast learner. I think after three days, you'll be able to learn. So there is really no need to prolong it."
Binalot ko ang tuwalya sa sarili.
"Are you getting cold?" untag niya.
Napasulyap ako sa suot kong itim na rash guard. Pinalandas ko ang dila sa malaig at naginginig kong mga labi.
"Not really. But I'm definitely hungry," sambit ko at sinabayan pa ito ng pagtunog ng tiyan ko.
Ngumisi siya at muling tumayo hawak-hawak ang kanyang towel.
"Alright. Come on. I'll fix you dinner."
Tumayo na rin ako at kinuha ang backpack na naglalaman ng damit na pampalit ko. Sumunod na ako sa kanya. Pagkakita ko ng basurahan ay tinapon ko rito ang plastic bottle.
Pumasok na kami sa loob ng elevator at pinindot niya ang fourth floor. Nakatulong iyong pag-upo namin kanina sa may pool dahil hindi na kami masyadong basa. Nakakahiya naman sa iba pang gagamit ng elevator kung magmumukhang binaha ang loob nito.
Nang makalabas na kami mula rito ay naglakad naman kami papunta sa unit niya. Halos masubsob ako sa likod niya nang bigla na lamang siyang tumigil sa tapat ng isang pinto at binuksan ito.
Nilingon niya ako at pinagmasdan.
"You okay? Come on in."
Nag-angat ako ng tingin mula sa pagkakayuko at binigyan siya ng matamis na ngiti.
"Oh I'm brilliant!"
Sumunod na ako sa kanya sa loob at iginala ang tingin. May kalakihan ito. Napuna kong kulay asul at grey ang pinta ng loob nito. Kagaya na lamang ng sofa na kulay asul.
Wala rin akong ni isang kalat na nakikita sa paligid. Nanlaki ang mata ko nang mahagilap ko ang napakalaking flat screen na tv.
"Wow! Ang laki naman ng TV mo. . ."
"I haven't used that yet. You can take a shower first. That way, " wika niya sabay turo sa may glass door. "I'm gonna go get you some spare towel."
Nang pumasok na siya sa kuwarto ay inilapag ko naman ang backpack sa sofa. Binuksan ko ito at kinuha ang susuotin na damit. Pagkatapos makuha ang mga damit ay isinara ko na ang zipper ng bag.
Matapos ang ilang minuto ay lumabas na muli si Braxton sa kanyang silid bitbit ang puting tuwalya.
Tinanggap ko ito mula sa kanya.
"Thanks."
Nagtungo na ako sa loob ng banyo para makapag-shower. Pansin ko rin ang kalinisan sa loob. Napagtanto ko na baka ayaw siguro ni Braxton ng madumi at makalat. Naalala ko tuloy iyong nagpunta siya sa boarding house ko. Nandiri kaya siya noong makita ang kalat ko? Ano kaya ang inisip niya at bakit kaya ako ngayon nag-aalala sa iniisip niya? Nakakaloka!
Bago ako naghubad ay iginala ko muna ang tingin sa kisame kung mayroon bang CCTV. Hindi naman dahil sa pinagdududahan ko na manyak si Braxton, nasanay lang talaga ako na gawin ang ganitong bagay kapag naghuhubad ako sa ibang lugar. Dahil sa wala naman akong nakitang CCTV, naging kampante na ako at naghubad na. Isinantabi ko ang mga basang damit at ni-on na ang shower.
Hindi na ako nagsabon dahil nakakahiya naman kung pati sabon niya ay gamitin ko pa.
Nang makapagbihis na ay lumabas na ako ngunit wala siya sa sala.
"Doc Nurse?" tawag ko. Hindi siya sumagot.
Naglakad ako habang iginagala ang tingin sa buong sala. Wala akong masyadong nakitang mga gamit. Sabagay sabi niya nga eh isang buwan pa lang naman siya rito sa Pilipinas. Wala rin akong nakitang picture frames o hindi kaya ay mementos. Napakamisteryoso naman. Wala tuloy yata ako nitong maichichika kay Ate Eve.
"Doc Nurse?" muli kong pagtawag sa kanya.
"I'm at the kitchen!"
Humakbang na ako patungo sa kusina niya. Bumungad sa'kin ang mga chopped na iba-ibang uri ng ingredients na nakalatag sa mesa samantalang nasa tapat naman siya ng stove. May suot na siyang T-shirt.
"Tapos na ako. What are you cooking?"
"I'm making a curry. I'll let it boil first. Can you watch it for me? I'm just gonna go take a quick shower."
"Sige ba."
Nang makaalis na si Braxton papuntang banyo ay naupo naman ako sa silya. Pati sa kusina ay pansin ko talaga ang kalinisan at kasimplehan nito. Napaghahalataang isang lalaki ang may-ari.
Paglaon ng ilang minuto ay bumalik na rin si Braxton sa kusina. Puting T-shirt at gray short pants ang suot niya. Halatang nagmamadali siyang makabalik dahil basa pa ang kanyang buhok.
"Do you cook a lot?" tanong ko habang abala siya sa pagluluto.
"Well not really. I just do it whenever I have free time."
Tumango ako. Mas lalo yata akong nagutom. Mas nakakatakam pagmasdan ang lalaking nagluluto. Ay! Este mali yata ang andar ng isipan ko. Tonya, take two: Mas nakakatakam tingnan ang pagkain kapag lalaki ang luluto.
Tumikhim ako at kaagad na nakuha ang atensiyon niya.
"Who taught you how to cook?"
"My mom. She's a great cook. I think it's ready."
"Do you want me to prepare the table?"
"Yeah. Please. The plates are in the cabinet."
Tumayo na ako at tinungo ang cabinet na nasa taas.
"Where's Life by the way?" tanong ko na tinutukoy ang alaga niyang ibon.
"She's at the balcony. She loves it there."
Nang maihanda na ang mesa at pagkain ay naupo na kami. Matapos naming kumain ay nagkuwentuhan muna kami. Or should I say, in-interview ko muna siya.
"How did your parents meet?"
"My mom went to Australia to be a nurse. Though, she's a licensed doctor here. They met there. My dad's a high school teacher. So he was visiting his student at the hospital. They met. And it all started there."
"Wow. That's so romantic. Were you spoiled growing up? Kasi, ikaw lang naman ang nag-iisang anak 'di ba?"
Napatingala siya sa kisame at halatang nag-iisip pa. Nang magbaba siya ng tingin ay may multo na ng ngiti sa kanyang mga labi.
"Not really. I guess my parents disciplined me well."
"Is this the first foreign country na nabisita mo?"
"No. I've lived in the States for a few years. I studied medicine in NYU."
"Coolio."
Ilang minuto pa kaming natahimik lang. Ang buong akala ko ay wala na kaming mapag-uusapan pero muli siyang nagsalita.
"So what about you?"
"What about me?"
Tinitigan niya ako sa mata habang nakasandal siya sa back rest ng kanyang silya. Kuryoso ang tingin na iginawad niya.
"What is it that you see in Johnny?"
Napakamot ako sa noo ko. Pakiwari ko ay nasa hot seat ako. Sinubukan kong pigain sa memorya ko kung ano nga ba ang nakita ko kay Johnny. Bakit ko nga ba siya nagustuhan?
"When we were kids, he was so kind towards me. Noon nga, one time na nahirapan ako, tinulungan niya ako. Feeling ko tuloy no'n, he was my hero."
Kunot-noo niya akong tiningnan. Halata ko na hindi siya naging kontento sa sagot ko.
"Is that it?"
"Ha?"
Napahawak siya sa sentido niya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago ako tiningnan ulit nang deretso.
"Look, Tonya. I hope you won't get offended. It's just that I think you're holding on too much about the past."
Kaagad na umusbong ang iritasyon ko. Nagsisimula na naman kasi siyang maging number one na kritiko ko.
"Ano ba iyang pinagsasabi mo? Of course not!"
"Alright. Alright. . .Then can you tell me why you still like him?" seryoso niyang tanong.
Bumuga ako ng malalim na hininga. Feeling ko ay nasa kalagitnaan ako ng thesis defense.
"Kasi nga, noong mga bata—"
"No. Don't based on that. I want you to think of him now, in the present. Not the past," agap niya. Mukhang siya pa yata ang naging frustrated sa aming dalawa.
"Oh." Natigilan ako at napaisip. Bakit nga ba gusto ko pa rin si Johnny hanggang ngayon?
"Siguro dahil siya ang first love ko," sagot ko na lang.
Ang buong akala ko ay matatapos na ang intriga pero muli na naman siyang nagsalita.
"How would you know that he's your first love? You were so young back then. . ."
Hindi ako nakakibo at napaisip na naman ulit. Puna ko na simula noong maging magkaibigan kami at sa kaka-hang out ko sa kanya, madalas na akong nag-iisip.
"I'm just saying that feelings change, Tonya. How you saw the person in the past, won't always be how you see him now," marahan niyang pahayag.
Tatlong beses ko pang inulit sa isipan ang sinabi niya upang maintindihan pero parang 'di ko talaga gets. Medyo lang.
Uminit ang dugo ko at napasabunot sa buhok na ngayon ay tuyong-tuyo na.
"Bakit parang sa sinasabi mo hindi ko na dapat gustuhin si Johnny? Akala ko ba tutulungan mo ako?!"
"Of course I'm gonna help you. I just wanna make sure that you do really understand how you feel towards him."
"No worries. Dapat sure ka na dahil sure na ako sa nararamdamn ko sa kanya," inis na sabi ko na may pinalidad.
Hindi siya umimik at tinitigan lang ako nang matagal. Naguguluhan ako sa sarili dahil sa mga titig niya. Nanunuot ito sa buto ko. Parang tumatagos at nababasa niya ang buong pagkatao ko. Parang nagdadalawang-isip pa tuloy ako sa nararamdaman ko para kay Johnny.
Matapos ang diskusyon namin ni Braxton ay nagpaalam na ako at umalis. Nag-offer siya na ihatid ako pero tinanggihan ko. Ayoko namang abalahin pa siya. At isa pa, gusto ko munang hindi siya makasama. Nababagabag ako sa presensiya niya dahil maliban sa mga sinasabi niya na kadalasan ay mahirap intindihin dahil sa sobrang lalim, nakukwestiyon ko rin ang sarili sa nararamdaman ko tungkol kay Johnny.
Pero bakit sa mga titig ni Braxton parang hindi na ako sigurado?
Ang daming tumatakbo sa isipan ko habang nakasakay ako ng jeep. Mistulan akong isang robot habang nakatulalang tinatanggap ang pinaaabot na pamasahe ng ibang pasahero. Maaagawan ko pa yata ng trabaho ang konduktor!
Nang malapit na ako sa gate ay pumara na ako at bumaba.
Umakyat na ako ng hagdanan. Kailangan ko ng magpahinga. Ipapahinga ko ang isipan. Ipagpapahinga ko na rin pati damdamin ko. Pero bago ko magawa ang mga iyon, kailangan ko munang maglaba. Hash tag Labadami.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top