Chapter 13


I am at the top of the world. I am one with the nature. Oh! How I love Mother Earth. The beau

"Hoy, Tonya! Tumulong ka nga sa pagkarga ng mga dadalhin," pagwasak ni Amore sa pag-eemote ko.

Mabilis ko silang nilingon at iniwanan na ang bangin upang maglakad patungo sa kinatatayuan nila. Malapit sa sasakyan.

"Ano'ng dadalhin ko?"

Iniabot ni Amore sa akin ang malaking backpack na kulay itim. "Heto. Bag mo 'to di ba? Iyan bitbitin mo."

Nilapitan kami ni Anding.
"Okay na ba ang lahat? Sige na at nang makaakyat na tayo."

Bumagsak ang balikat ko.

"Ha? Aakyat pa tayo? Akala ko ba puwede na tayo rito."

"Mountain climbing nga 'di ba? Siyempre aakyat tayo," tugon ni Anding.

Nanlabi ako at ibinaba ang tingin sa tiyan niya.

"Sure ka na ba talaga na walang laman iyang tiyan mo?"

"Wala nga. Nagpakonsulta na ako sa doktor." Pilit man ang kanyang pagngiti ay hindi nito napawi ang lungkot na bumalatay sa mukha niya.

"Nasaan ang backpack mo?" tanong ko na lang.

"Nando'n kay Jeshu," sagot niya sabay turo sa kinatatayuan nito katabi nina Braxton at Ate Eve.

"Aw. Nagagawa nga naman ng pagmamahal."

"Huwag ka ng mag-emote diyan. Let's go na. Malapit ng mag-alas siyete ng umaga. Ang tagal naman kasi natin," aniya.

Naglakad na kami nina Anding at Amore papunta sa kinatatayuan ng tatlo. Nang makalapit na kami sa kanila ay nagsimula ng magsalita si Jeshu. Legit na mountain climber din siya kaya bihasa na.

"Heto ang mangyayari. By pair tayo para buddy-buddy system. Ako at si Bebeko. Si Ate Eve at Amore. Si Tonya naman at Braxton. Kaya naman, responsibilid niyo ang isa't-isa."

Tumango lamang kami at tumabi na sa kanya-kanyang partner. Matapos ang mahaba-habang litanya na orientation ni Jeshu ay sinimulan na namin ang pag-akyat sa bundok.

Nauna sila Anding at Jeshu. Sumunod naman sina Ate Eve at Amore habang kami naman ni Braxton ang nasa huli. Pinasok na namin ang masukal na kagubatan. Mabuti na lamang at napakaraming matataas na puno sa paligid. Hindi kami masyadong naiinitan kahit na tirik na tirik na ang araw.

Nilinga ko si Braxton na nagsimula ng hingalin.

"Are you okay?"

"Yeah."

"Ang bilis mo namang hingalin. Hindi pa nga tayo nangangalahati."

"I'm not used to climbing mountains."

"Akala ko ba you're into adventures."

Hindi na siya sumagot pa at napayuko na lamang sabay hinto sa paglalakad. At dahil buddy ko siya, huminto na rin ako.

"Sorry. I just need a minute," aniya.

Napatingala ako sa ulap. "Sure. We've got all the time in the world."

Makalipas ang isang minuto nga ay nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"You have no mountains in Australia?" tanong ko muli sa kanya.

"We do."

"At hindi ka masyadong nagma-mountain climbing?"

"Hmm."

"Bakit naman? Ang sarap kayang umakyat sa mundok. Lalong-lalo na kapag nakarating ka na sa tuktok. Napakaganda ng view!"

"Hmm."

"Grabe naman 'to. Ang haba-haba ng idinaldal ko, hmm lang ang sagot."

"Can you just stop being talkative for now. I'm saving my breath for the climb, okay?"

"Sungit naman nito. Mapapanis laway ko sa'yo."

"Fine. You can talk but don't ask me for a conversation."

Inirapan ko siya. "Okay. Monologue it is! So Tonya, ilang bundok na ba ang naakyat mo? Naku naku. Bente na sa buong buhay ko. Talaga? Aba, oo! Alam mo...... "

At nagpatuloy nga ako sa pagmo-monologue.

Makalipas ang halos apat na oras na lakaran, akyatan, at self-talk ko ay narating na rin namin sa wakas ang tuktok ng bundok.

Lahat yata kami ay namangha sa tanawin nito. Pakiwari ko ay mas malapit rin ako sa langit dahil sa taas. Napakapresko rin sa pakiramdam ang simoy ng hangin. Pagtingin ko sa ibaba ay feeling ko isa akong higante dahil ang liliit tingnan ng mga nasa ibaba.

"Picture, mga bhe!"pagtatawag ni Amore na nakatuntong pa sa malapad na malaking bato na nasa gitna.

Lumapit na kaming lahat sa kanya at nag-groufie na. Matapos ang picture taking ay naglapag na kami ng banig sa damuhan para kumain. Inilapag na rin ni Ate Eve ang mga pagkain na dala ni Braxton. Iba't-ibang klase ng sandwhiches. May sandwhich na may ham, sausage, butter spread, at mayroon ding sand which na damo ang nakalagay. Maraming veggies.

"Wow, naman. You made all of these?" manghang tanong ko kay Braxton na nakaupo sa tabi ko.

"Yeah."

"Wala bang kanin?"

Natawa si Anding na nakaupo sa tapat ko.

"Nakakaloka ka talaga, Tonya."

Kumain na kami habang patuloy na nagkukwentuhan na kadalasan naman ang paksa ay ako. Mabuti talaga at sumama ako para hindi ma-backstab. Mas maigi na 'to, frontstab ang galawan. Hindi na sila magi-guilty dahil ka face to face nila ako.

Matapos kumain ay nagligpit na kami. Kanya-kanya na rin ang paglapag ng tela sa damuhan upang humiga. Hindi pa kami naglagay ng tent dahil hindi pa naman dumidilim. Habang abala ang lahat sa paghiga ay napansin ko naman ang pagtayo ni Braxton. Humiwalay siya sa grupo at nagpunta malapit sa malaking puno at naupo sa lilim nito habang nakasandal.

Biglang nagsalita si Amore na nakahiga sa tabi ko.

"Ano nangyari dun kay fafa? Naingayan kaya sa'tin?"

"Siguro. Daldal mo kasi," sagot ko.

Bigla akong hinagisan ni Ate Eve ng scarf.

"Ibigay mo iyan kay Brax nang may sapin siya sa damuhan. Makati kaya."

"Bakit ako, Ateng? Kumportable na kaya ako sa pagkakahiga ko rito."

"Ikaw ang buddy niya hindi ba?"

Nangasim ang mukha ko at bumangon na. Matapos maisuot muli ang itim na rubber shoes ay tinungo ko na siya. Nang malapitan ko na siya ay pansin ko na nakapikit ang mga mata niya.

Umubo muna ako bago nagsalita. "Are you asleep?"

"Yeah."

"Ah gano'n ba? Sige, mauna na ako."

"What is it, Tonya?" Nakapikit pa rin siya.

Iniabot ko ang scarf. "Here. Put this on the grass. Makati kaya."

Ibinuka na niya ang kanyang mga mata at tinanggap ang scarf. Marahan niyang inilapag ito sa damuhan na nasa gilid ng kinauupuan niya.

"Do you wanna sit?" tanong niya habang inimuwestra ang inilapag na scarf.

"Maingay ako."

"I need it."

Dahan-dahan na akong umupo sa tabi niya.

"Ah. Kaya pala napili mo ang puwesto na'to. Kitang-kita pala ang buong tanawin."

"Yeah. It's beautiful isn't it?"

Masigla akong tumango at ngiting aso ang ipinakita ko sa kanya.

"When I was a kid, I would imagine that I could fly. Alam mo 'yon, like a bird."

"What about now?"

"Ha?"

"You don't dream anymore of flying like a bird?"

Natawa ako. "Of course not! I'm already an adult. Hindi naman iyon mangyayari."

"That's just sad, isn't it?"

"What do you mean?"

"When we're young we're full of imaginations. But as we grow older, we tend to forget about them."

Hindi na ako nagsalita dahil hindi ko naman naiintindihan ang pinagsasabi niya. Napakalalim. Hindi ko kayang sisirin. Lalo na't hindi pa naman ako marunong lumangoy.

Ibinaling niya ang tingin sa akin. "Do you know what I always say to my patients, Tonya?"

"Buy a bird for it'll teach you everything about relationships?"

Tumawa siya nang malakas. Ang sarap nitong pakinggan. Iyong tipong nakakahawa. Tanging tawa lang niya ang namayani sa kapaligiran.

"You do really hold grudges, " aniya nang mahimasmasan na.

"I don't. Anyways, I love Love now. So what do you tell your patients?"

Tinitigan niya ako sa mga mata na para bang kilalang-kilala na niya.

"Just to live. Because life is about living."

Hindi ko na napigilan ang sarili at pinangunahan na ako ng koryusidad.

"Is that what you're doing? Living your life?"

Ngumiti siya at muling napatingin sa tanawin. "Yeah. I'm starting to live my life now."

"But why did you break off the engagement, with you know, Debbie? Don't you wanna live a life with her?" Naks. Para na ako nitong si Oprah. Bilib.

Ang buong akala ko ay magagalit siya dahil sa naging tanong ko. Ngunit mapait ang ngiting ibinigay niya sa'kin.

"I'm not the right man for her."

"How can you tell? Dahil ba psychologist ka?"

"Because she loved me too much."

"Ano naman ang masama sa pagmamahal?"

"Her love for me is more than what I can offer her."

Hindi ko maipaliwanag pero bigla na lang uminit ang dugo ko sa sinabi niya.

"So kailangang fifty-fifty, ganern?"

Hinarap ako ni Braxton at naging seryoso ang mukha niya.

"I'll explain it to you so that you'll understand."

Information overload na naman ito!

"Okay."

"When you love someone, it should be neither less nor more. But it should always be enough."

"Ha? Parang walang labis walang kulang? Paano kung sobra talaga akong magmahal sa isang tao?!" pag-alma ko habang iniisip si Johnny.

"Then he doesn't deserve you."

"Grabe naman 'yon! Bakit naman?"

"Because true love isn't selfish. If he truly loves you, then he'll tell you to love yourself more."

Dahil sa mapanakit ang binitawang mga salita ni Braxton ay tumayo na ako at tinalikuran siya.

"Where are you going?"

"Hanapin ko si Justin Bieber! Papaturo ako how to love myself!"

Mas malala pa sa krisis sa ekonomiya. Ito ang naging kalagayan namin nang sumapit na ang hapon.

"Hindi nga ako isang fafa! Girlalo ako kaya sina Jeshu at Braxton na lang ang manguha ng panggatong!" pagpapatuloy ni Amore.

"Vakla, 'di ba may talong ka pa rin sa gitna ng hita mo? Hangga't hindi mo iyan ipinapatanggal, lalaki ka pa rin. Kaya kayong tatlo ang kukuha ng mga panggatong." ani Anding.

"Wew nemen. Isa itong uri ng diskriminasyon!"

At dahil nga pakiramdam ko ay ako lang yata ang mature sa dalawa ay sumingit na ako.

"Ano ba? Para kayong mga bata! Para fair sa lahat ha, heto na lang. Alis ang marami tayo."

"Nahiya naman kami sa comment mo na para kaming mga bata, Tonya. Eh parang pang grade 1 naman iyang, Alis ang Marami mo!" pag-aangal ni Anding.

Pumagitna na si Ate Eve.

"Tama na iyan. Mas maganda iyong suhestiyon ni Tonya. Para walang lamangan, sa Alis ang Marami natin idaan."

Napakamot sa batok si Jeshu.

"Paano po iyon, Ate Eve? Kapag marami iyon ang matitira rito para maghanda na sa tent at kakainin mamaya?"

Tumango si Ate Eve. "Oo ganoon nga. Ang kaunti naman ang mangunguha ng panggatong sa paligid-ligid."

Kaya naman ay bumuo na kami ng maliit na bilog. Hinipan ko pa ang palad na ipanglalaban ko para buenasin.

"Why are we forming a circle again?" naguguluhang tanong ni Braxton.

Tinapik ko siya sa balikat.

"For the battle! Just follow my lead, Doc Nurse."

Napailing siya. "I can't believe I'm surrounded with a bunch of morons."

"Okay! Handa na ba ang lahat?" malakas na sigaw ni Ate Eve. Para kaming mga militar.

Bilang senyales na handa na ang lahat ay kanya-kanya na naming ipinatong sa ulo ang palad. At nagsimula na.

Sa literal na kasamaang palad ay natalo kaming dalawa ni Braxton. Pero dahil na rin sa kabutihang loob ni Jeshu ay sinamahan kami nitong maghanap ng panggatong.

"Bakit mo ba kasi ako ginaya kanina? Natalo tuloy tayo!" sumbat ko kay Braxton habang naglalakad kami upang mangalap ng kahoy.

"You told me to follow your lead."

"'Yon lang," bulong ko. "Nasaan na si Jeshu?"

Iginala niya ang paningin sa paligid. "I think he went that way."

"Okay. Widen your eyes para mabilis tayong makakita ng panggatong. Iyong patay na kahoy lang ha."

"Have you done this before?"

Natihil ako, napahawak sa beywang at hinarap siya.

"Of course. Girl scout kaya ako at palagi kaming nagka-camping. Expert 'to no!"

Natigilan ako nang bigla na lang lumagpas ang tingin niya sa akin.

"Wait. I think I found something."

Bigla siyang nagtungo sa gawing kanan ko at may pinulot na malaking sanga mula sa lupa.

"Is this it?" tanong niya nang makabalik na sa kinatatayuan ko.

"That's right. Good work. Fast learner ka pala."

Nagtagpo ang kilay niya habang tinitigan ang patay na sanga na mukhang inaanay na.

"Now. Watch me." Nagpakitang gilas na ako at nagsimulang mamulot ng ipapanggatong. Patay na maliliit na sanga ang bitbit ko.

Ipinasa ko ang mga ito sa kanya. "Here. You're the holder."

"Holder?"

"Yep. Wet lang. Parang may nakita akong malaking sanga do'n."

Dali-dali kong tinungo ang malaking sanga na nakapatong sa isang bato. Napapalibutan ito ng mga patay na dahon.

Pupulutin ko na sana ito nang bigla na lang hawakan ni Braxton ang balikat ko.

Kailan pa siya nakalapit sa'kin?

"Tonya . . . That's a—"

"What?" may pagkainis na tanong ko sa kanya sabay lingon.

Nang nanatili lang ang pagtitig niya sa sanga ay muli kong ibinaling ang atensyon rito. Akma ko na sana itong pupulutin nang bigla na lamang itong gumalaw.

"Snake!" anas ko at nahindik na sa laki nito.

"Shh. Don't move." alertong bulong ni Braxton na mas humigpit pa ang pagkakahawak sa balikat ko.

Talagang hindi na ako nakagalaw dahil naninigas na ang buo kong katawan habang pinagmamasdan ang paggalaw ng ahas. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lamang bahagyang umangat ang ulo ng ahas. Kumiwala ito mula sa pagkakabalot ng mga dahon sa kanya.

"Kakain ako ng ice cream. Maraming chocolates. Iyong dark chocolate . . . Chicharon din! Lalangoy pa ako kasama ang butanding. Ay sheyt! Hindi pala ako marunong lumangoy. Okay, so mag-aaral muna akong lumangoy . . ."

"Stop whispering, Tonya!" matigas na bulong ni Braxton.

Hindi ko pala namalayan na binigkas ko na ang mga iniisip ko lang.

Napapikit ako. "Hayaan mo na ako! Nasa bingit na naman ako ng kamatayan."

Mahina ang kanyang pagbuntong-hininga. "Fine. Continue."

" . . .hihingi ng sorry kay Ate, tuturuan si Mudra na mag ML! Babayaran si papa sa utang . . ."

"Tonya. . ."

"papakasalan si Johnny. Maraming anak!—"

"Tonya, it's gone."

"Ano?"

"The snake is gone. You can open your eyes now and stop mumbling about your. . . life goals."

Unti-unti akong dumilat. Marahan kong ibinaba ang tingin sa lupa kung nasaan ang ahas. Nabuhayan ako ng loob nang makita nga na wala na ito.

"Where did it go?"

"Away. I guess it got annoyed with what you were saying."

Dahan-dahan kong hinarap si Braxton at napakapit sa suot niyang t-shirt. Bigla na lang nanikip ang dibdib ko.

"Are you alright?" Mariin niya akong tinitigan. Sinuri niya ang mukha ko.

"I . . . c-cant b-breathe. . ." pahingal kong sambit. Parang may nakadagan na sa dibdib ko.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Look at me. Try to relax, okay. Breathe in. Out. In. . ."

Sinubukan kong sundin siya ngunit mas pinangungunahan ako ng kaba. Mas lalo akong hindi makahinga.

Pumikit siya at muling dumilat bago nagsalita.

"Oh hell. . ."

At doon tuluyan niya na akong hinalikan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top