Chapter 10
Nakakalula ang dami ng tao sa parke. Kahit na tirik na tirik ang araw sa alas dos ng hapon ay marami pa rin ang nagpi-picnic. Mayroong mga bata rin na nagsisitakbuhan hawak ang kanilang mga saranggola. At siyempre may nakita rin akong isang aso na tumatae sa ilalim ng mahogany tree.
"What are we doing here, Doctor Nurse?" daing ko sa katabing nakaupo sa bench na si Braxton habang tinitingnan ang paligid.
"It's for your next task since it has been a week that you've succeeded with the bird."
"Okay. Eh ano ang gagawin ko ngayon?"
Umusbong ang pagdududa ko habang tinitingnan siya na dumudukot ng walet mula sa bulsa ng suot niyang faded jeans. Kumuha siya ng perang papel na isang daan mula rito at iniabot ito sa akin.
"Buy some ice cream first. Chocolate flavored for me."
Mataray ko siyang tinaasan ng isang kilay.
"Mukha ba akong isang servant sa paningin mo?"
"I'm older than you are. I'm twenty-eight," aniya na parang iyon na ang magtutuldok ng usapan.
Inismiran ko siya at tumayo na. Sabagay, nauuhaw rin naman ako at saka libre niya naman. Kahit na manipis ang suot kong yellow sleeveless blouse ay naiinitan pa rin ako.
"Sige na nga. Ngayon lang to ah."
Tinungo ko na ang sorbetero na nasa lilim ng malaking puno at bumili na. Mango flavored ang akin samantalang chocolate flavored naman ang kay Braxton gaya ng bilin niya. Nang maabutan ng sukli ay inilagay ko ito sa bulsa ng suot kong maong shorts. Hawak-hawak sa magkabilang kamay ang dalawang ice cream cones ay naglakad na ako pabalik sa bench na kinauupuan ni Haring Braxton.
"Here, Your Majesty!" maladrama kong abot sabay curtsy pa.
Pagkatanggap niya sa kanyang ice cream ay naupo na ako sa tabi niya. Nakabibinging katahimikan ang namayani habang naka-focus kami sa pagdila ng napakalamig na ice cream. Nang mapasadahan ko ng tingin si Braxton ay napuna ko na may kahabaan ang dila niya. Wala naman akong masyadong karanasan pero para akong kinikiliti habang naiimagine na siguro ang sexy niya pagdating sa—
Sheyt! Napatingin siya sa akin!
Nagbaba ako ng tingin sa hawak kong ice cream. Dinilaan ko muna ito ng tatlong beses bago nagsalita para mawala ang pagiging asiwa.
"I've been wanting to ask you. How did you find me by the way?"
"From the police records in Bohol. Your name was printed on the agreement paper."
Tumango lang ako. Namuo na naman ang katahimikan habang ipinagpatuloy namin ang pagkain ng ice cream. Makalipas ang ilang minuto ay natapos din kami. Inabutan ko siya ng tissue at alcohol na inilagay ko lang sa bottle spray perfume na kinuha ko mula sa bitbit kong bag.
"Let's start," pagsisimula niya sabay suli ng alcohol. Kaagad ko naman itong tinanggap at inilagay ng muli sa bag. Pero bago noon ay hindi ko na naiwasang pansinin ang maugat niyang kamay.
Nanatili kaming nakaupo ngunit nag-iba lang ng posisyon dahil magkaharap na kami sa isa't-isa.
"Tell me, Tonya. What's the most important line you've been wanting to say to Johnny?"
"I love you," deretsahan at walang pagdadalawang-isip kong sagot.
"Okay. I want you to say that to the people who are here." Mukhang hindi siya nagulat sa naging sagot ko.
Nangasim ang mukha ko nang mapagtanto ang sinabi niya.
"Seryoso? Ayoko nga! Eh 'di para na akong baliw no'n. And besides, I don't even know these people."
"Why? Is it a crazy thing to say I love you?"
Napaisip tuloy ako. Ang wais naman talaga ng lalaking 'to.
"Hindi naman sa gano'n. Kaya lang kasi. . ."
"Alright. I'll do it first." Tumayo na siya.
"Seryoso ka ba talaga?"
"Yep. Watch me." Nagulantang ako nang sinimulan niya ang paglapit sa matabang babae na dumaan sa harapan.
"Hi. I love you." Nakangisi niyang wika rito.
Bumagsak ang panga ng babae habang tinitingala si Braxton.
"Iskamer!"Umiling ito at mabilis na naglakad papalayo.
Napabungisngis naman ako sa kinauupuan.
"Did she just call me a scammer?" hindi makapaniwalang tanong ni Braxton.
Tumawa lamang ako sabay hawak sa tiyan.
Makalipas ang ilang minuto ay may dumaan na namang ale. May karga itong isang batang babae na nakapigtails pa ang ayos ng buhok.
"Excuse me. Isn't it a wonderful day? And I just wanna say I love you."
Bumusangot ang mukha ng ale at nag-iwas ng hakbang.
"Manyak!" sigaw niya. Kumaripas papalayo ang ale at nilingon naman ako ni Braxton. Sa halip na maging dismayado dahil sa nangyaring interaksiyon ay umaliwalas pa ang mukha niya.
"Alright. Your turn."
Natihil ako sa pagtawa at mabilis na umiling. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko para hatakin patayo. Magaspang at mainit ang palad niya. Mistulan namang isang manika ang sa akin kumpara sa laki ng kamay niya. Ikinapit ko naman ang isang kamay sa upuan para hindi niya ako mahatak ng tuluyan.
"No! Ayokong magmukhang tanga," giit ko habang humahagikgik. Mas pinag-igihan ko pa ang pagkapit sa sandalan ng upuan.
Napasinghap na lamang ako nang hapitin niya ako sa beywang. Dahilan para mabitawan ko ang upuan.
"Braxton!"
"You'll do it. Do you see that little boy who's holding a balloon over there? You'll start with him so it'll be easier for you," utos niya sabay turo sa kinatatayuan ng bata.
"Fine. Just let me go first."
Medyo naging kalmado na ako nang binitawan na niya. Tinungo ko na ang direksyon ng bata.
Nang makalapit na ako rito ay dumukwang ako sa harap niya upang maglebel ang mga mata namin. Nagsalita na ako.
"Hi. Ako pala si Tonya. Ano'ng name mo?"
Tiningnan niya ako mula sa suot kong white rubber shoes hanggang ulo. "James po."
"Hi, James." Lumunok muna ako. Nilingon ko si Braxton na nanatili sa bleachers. Halata ko ang pagbabantay niya dahil hindi niya tinatanggal ang tingin sa akin.
Muli kong tiningnan ang batang si James na ngayon ay abala sa katitingala sa hawak niyang pulang lobo.
"I love you," sambit ko.
Ibinaling niya ang atensyon sa akin at ngumiti. Lumantad pa ang dimple sa malusog na kaliwang pisngi niya.
"Love din po kita."
Ngumisi ako at ginulo ang buhok niya gamit ang isang kamay.
"Ang cute mo naman. Ilang taon ka na ba?"
"Nine years old po."
"Nasaan ang mama at papa mo?"
"Nasa house po. Tita ko lang ang kasama ko," sagot niya sabay turo sa isang babae na malapit sa may puno. Halatang may kausap ang sinasabi niyang Tita sa cellphone.
Ibinalik ko ang tingin sa kanya at nakita na nakatingin naman siya sa nakatayong si Braxton. Kunot-noo siyang bumaling ulit sa akin.
"Boyfriend niyo po ba iyon?"
Magkahalong ubo at tawa ang iginawad ko sa kanya.
"N-naku hindi! K-kasama ko lang siya sa work."
"May boyfriend ka na po ba?"
"Er. . . wala naman. . ."
Biglang sumilay ang ngiti sa mga labi niya.
"Kung gano'n pwede po ba kitang ligawan paglaki ko?"
Natawa ako at hinaplos na lang siya sa ulo.
Matapos makapagpaalam sa makulit na bata ay bumalik na akong nakangiti sa kinatatayuan ni Braxton.
"You did it." Ngumisi siya.
"Oo. Paano mo nalaman? Hindi mo naman narinig ang mga pinagsasabi ko roon. Pwede namang nakipagchikahan lang ako sa bata."
"Your genuine smile says it all," aniya.
"Oo na. Hindi naman pala ganoon ka hirap. Ang lakas maka-good vibes. Who's next?"
"Wow. Quite the eager beaver, aren't we?" sabi niya at iginala ang tingin sa paligid hanggang sa dumapo ito sa lalaking nagtitinda ng sorbetes, "The ice cream vendor."
Pasimple akong tumango at nilakad na ang direksyon ni Mamang Sorbetero. Kasalukuyan siyang nagbibigay ng sukli sa dalagang kustomer nang maabutan ko. Lumapad ang ngiti niya pagkakita sa akin.
"Hi po, Kuya," magiliw na pagbati ko.
Pinahiran niya ng bimpo ang pawis sa kanyang noo.
"Hello rin, ma'am. Bibili kayo ulit?"
"Ay hindi po. May sasabihin lang ako sa inyo."
Nanliit ang mata niya. "Ano iyon?"
Tinapik ko ng dalawang beses ang dibdib ko at tinuro siya.
"I love you!"
Magkasabay silang napanganga ng kostumer niya. Ngumiti pa ako ng malaki at kinawayan sila bago naglakad pabalik kay Braxton.
Hindi ko na mabilang kung ilang I love yous na ang nabitawan ko. Hindi ko na rin bilang ang mga estrangherong nasabihan ko nito. Sumabay na rin sa akin si Braxton. Para kaming mga lasing na nagtatawanan sa parke. Siguro kampante rin kami na hindi nila kilala kaya kinapalan namin ang aming mga mukha at tuluyan ng nawalan ng hiya.
Gabi na nang maihatid ako ni Braxton sa bahay. Kumain na rin kami sa labas. Hindi ko naman naramdaman ang pagod dahil sa sigla na naidulot nito sa'kin. Parang may humawak sa puso ko dahil sa saya na nararamdaman.
Nasa labas na kami ng sasakyan ni Braxton at nakatayo na lamang sa tapat ng gate. Isang ilaw na nagmumula sa poste, malaking buwan, at nagkikislapang mga bituin ang nagsilbing liwanag namin.
"So, how are you feeling?" ani Braxton sa magaang na boses.
"Masaya. Ngayon ko lang na-experience 'to. Trulalo." Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang inaalala ang nangyari buong maghapon sa parke.
Napahilamos siya sa mukha gamit ang isang palad.
"Honestly, me too."
"You mean to say, you don't usually say I love you to strangers?" tanong ko sa mapaglarong tono.
Natawa siya. "Hell no. Today was the very first time."
"See? While you're helping me, I'm helping you also," panunudyo ko.
Tumingala siya sa langit. Napansin ko ang paggalaw ng Adam's apple niya.
"Yeah. You are," sambit niya sa namamaos na boses. Siguro ay napagod na.
"Sige. Pasok na ako sa loob. See you tomorrow. At work."
Hindi ko na hinintay pa ang tugon niya at pumasok na sa gate. Habang papaakyat na ako ng hagdanan ay rinig ko naman ang pagsara ng pinto ng kanyang kotse. Nabuksan ko na ang pinto ng silid ko nang pinaharurot na niya ang kanyang sasakyan papaalis.
"Nagpakabaliw ako sa araw na ito, Love," wika ko habang pinapatuka ang ibon. Feeling ko naging clingy na rin ito sa akin.
Inilapit ko ang tenga sa kanya at umakto akong nakikinig sa twit twit niya.
"Ha? Bakit? Kasi nga, nag-spread the Love talaga ako today. Nakakaloka nga."
Nang maubos nito ang pagkain ay tinitigan niya ako. "Alam mo, pakiramdam ko sasabog ang puso ko ngayon dahil sa sobrang pagmamahal."
Tanging twit twit lang ang naitugon nito.
Habang isinasara ko ang pinto ng hawla nito ay may magandang ideya na sumagi sa isipan ko.
"Alam ko na! Mag-spread the love din ako pati sa social media!"
Dali-dali kong kinuha mula sa bag ang cellphone ko at naupo na sa kama. Masigla kong binigyan ng I Love You message si Mudra at Papa. Pati na rin si Ate, isinali ko na kahit na madalas kaming nagbabangayan. Sinendan ko rin sina Anding at Amore na halos magkasabay pa talagang nagreply ng "Mamamatay ka ba?" Natawa na lang ako sa mga kaibigan ko. Isinali ko na lang si Jeshu. Ilang minuto pa ay nagreply din siya kaya't binuksan ko at binasa.
Tonya, please ayoko ng issue.
Umaalik-ik na lang ako at niseen zone siya. Ipinagpatuloy ko ang pagsi-send ng message. Marami ang na-touch. Meron din inakalang may taning na ang buhay ko. Meron ding nag-aakalang uutang ako. Hindi ko naman sinasabing si Mudra. Pero parang gano'n na nga. At siyempre, mayroon ding hindi man lang binuksan dahil hindi naman naka-online. Tulad ni Papa.
Ililigpit ko na sana ang cellphone ko upang makapaghilamos at nang makapagsipilyo na. Ngunit bigla ko itong nabitawan sa ibabaw ng kama nang sumagi sa isipan ko ang nakaligtaan kong detalye.
Nanginginig ang kamay ko habang pilit ko itong kinukuha. Napabuga ako ng malalim na hininga pagkahawak sa cellphone. Maingat kong binuksang muli ang messenger at dahan-dahang niscroll ang messages. Medyo napapikit pa ako habang ginagawa ito.
Kinilabutan ako nang makita ang tanging pangalan na ayaw kong makaalam nito. Gumuho pa ang universe ko nang mapansin ang pag-seen niya sa mensahe ko.
Si Johnny! Nasendan ko ng I Love You message si Johnny!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top