Chapter 8

Chapter 8

Tampuhan


~Maine's POV

"Is there something wrong with Alden?" Derrick asked me with confusion.

Napakibit balikat na lang din naman ako, "wala naman siguro."

Tinaasan niya lang din ako ng kilay, "well, as I've watch you guys earlier. Hindi siya makatingin ng diretsyo sa mga mata mo, like something na parang galit, ano kaya?"

Natawa na lang din naman ako sa sinabi niya, "paano mo naman nasabi 'yon? Hayaan mo na si Alden, you know, mas maganda kung magseryoso sa taping para hindi paulit-ulit sa mga scenes, diba?"

"Sabagay." Aniya sabay kibit balikat.

Binigyan kami ni direk ng 20 minutes lunch time at pagkatapos ay babalik na kami on set. Hindi ko kasama si Alden ngayon at hindi ko alam kung saan siya nagsusuot-suot pagkatapon no'ng last scene namin kaya ngayon si Derrick na lang din ang sinamahan ko para naman hindi sayang 'yong pagpunta niya dito sa taping namin.

"Meng, salad you want?" Anja said, tumango din naman ako and then she look at Derrick, "ikaw, pogi?" pa-cute pa ni Anja. Natatawa na lang talaga ako sa mga reaksyon niya. "Sige, kuhaan ko lang kayong dalawa." Aniya at umalis para kumuha na ng salad.

Pinagpatuloy lang din naman namin ni Derrick ang pagkain. Habang tinitingnan ko siya, may mga pagbabago sa mukha niya, naging mas manly ang mukha niya dahil sa jawline niya, ang kinis din ng mukha niya. Every girl would dare to fall in love to this guy, baka isa nga ako doon sa mga babaeng pwedeng mahulog sa kanya pero kasi, may hinihintay akong tao no'ng mga panahong iyon at iyon ay si Alden and everything seems to be just fine.

Mayamaya lang din nang matapos naman akong kumain, naunahan ko pa si Derrick. Sorry naman, kapag nakasalang ka talaga sa harap ng camera, magugutom ka na lang sa paulit-ulit na scenes.

"Nandiyan na naman si Roshelyn..."

"Ay oo daw, ganda nga be." Namintig naman tenga ko nang marinig ko ang pangalan ng babaeng 'yon. I don't know how to feel pero kakaiba talaga kapag naririnig ko 'yang pangalan ni Roshelyn lalo na kapag naaalala ko 'yong mga ngiti niya sa akin. Full of plasticity ika nga.

I stood up, "Maine, saan ka pupunta?" but I didn't look at him.

Nakasalubong ko pa si Anja na dala dala 'yong cup of salad namin ni Derrick, "oh, girl, saan ka pupunta?" pero hindi ko rin siya pinansin kundi lumabas ako ng tent namin at hinanap kaagad ng mata ko kung nasaan si Roshelyn.

Mayamaya lang din ay sinundan naman ako ni Anja, "ano bang meron at in-snob mo lang ako?" pagtataray pa niya sa akin.

"She's here." Sabi ko.

"Di nga?" when I said it, alam kong alam na niya kung sino 'yong tinutukoy ko. She doesn't like Roshelyn as well, yeah, she's pretty, minsan hindi lang bumabagay sa ugali eh. Hinawakan naman ako ni Anja sa balikat ko, "Meng, chill ka lang okay? Wag kang ma-insecure sa kanya."

"Ako ma-i-insecure, duh?! Mas maganda naman ng di hamak sa kanya 'no. I don't wear make ups para lang masabihan ng maganda, even without it, maganda ako."

Bigla na lang din niyang hinimas ang likod ko, "oo nga sabi ko nga, easy ka lang." ngisi pa niya. Muli ko namang binalik ang tingin ko sa paligid, trying to find her and unluckily I found her with Alden. Naningkit na lang ang mga mata ko dahil kitang kita ko mula sa kinatatayuan ko kung paano sila magharutan, in specific, magtusukan sa tagiliran and the worse...

They fall together on the ground, nasa ilalim si Alden habang nasa ibabaw naman si Roshelyn.

"Oopps..." napalingon naman ako kay Anja.

Napailing na lang din naman ako at tumakbong palapit sa kanilang dalawa.

"A-Alden!" at sabay naman silang dalawa na napatingin sa akin. Nanlaki pa ang mga mata ni Roshelyn nang makita ako kaya dali dali din siyang bumangon sa pagkakatumba niya. Tumayo naman anng mag-isa si Alden and he don't know where to stand, beside me or in the side of Roshelyn then... he stand between us.

"Anong nangyari?" tanong ko kahit nakita ko naman kung ano talagang nangyari.

"Nothing, natisod lang ako." Alden said.

"And so Roshelyn?" nilingon ko naman ang babaeng ito, napansin ko pa ang paglunok nito sa kanyang lalamunan, mabilisan siyang lumingon kay Alden pabalik sa akin.

"Nahatak niya kasi ako, kaya ayun, natumba rin ako." She smiled.

Napa-ah na lang din naman ako sa sinabi nila.

"Kumain ka na ba Alden?" I asked.

He nodded to me, "yup, sabay kaming kumain ni Roshelyn diyan sa tabi."

"Anong kinain niyo?" pag-uusisa ko pa.

"'Yong buffet na galing sa set." Simpleng sagot ni Alden sa akin. "Tapos na ba 20 minute break?"

Napailing naman ako sa kanya, "hindi pa naman."

"Great," he grinned. "May pag-uusapan kasi kami ni Roshelyn and your friend, Derrick right? Samahan mo siya doon para hindi naman ma-bored." Ani Alden.

"Excuse us, Maine." Roshelyn said.

I nodded as Alden hold Roshelyn's hand then they walk pass through me.

Tiningnan ko na lang silang dalawa na naglakad palayo sa akin at bumalik sa tent, nadatnan ko naman si Derrick at Anja na nag-uusap, tumabi ako sa tabi ni Anja and I know she already know what I feel, base pa lang sa mukha ko.

Siniko naman niya ako, "where's Alden?" she asked.

"Hanapan ng taong nawawala?" pagtataray ko pa.

Binatukan namna kaagad niya ako, "ano ka ba, Meng, easy ka lang okay?" aniya. "Ito na 'yong salad mo." inabot naman niya sa akin at kinain ko na lang din naman.

--

We took five repeats para sa isang scene, ayaw kasing umayos ni Alden, naiirita na rin ako sa kanya. Kanina namang umaga, okay pa siya, as in, kinakausap pa niya ako nang maayos pero pagsapit ng tanghali, kala mo hindi na ako kilala. May dumating kasing impakta.

"Could you please focus? Nakakapagod na eh." Buntong hininga ko pa.

"Nakakapagod pala eh, bakit nandito ka pa?" when he said those words, hindi ko na lang din siya pinansin.

We took the scene again and again hanggat sa pagalitan na kaming dalawa ni direk.

"Oh no..." I heard Anja's voice from my back.

"Ano ba! Parang hindi kayo mga artista ah! Umayos nga kayong dalawa, ano bang meron at hindi niyo magawa ng maayos?! Kissing scene 'to, kailangan ng connection sa mga mata niyo! Pwede bang ayusin niyo na?! Hindi tayo matatapos nito kung kayong dalawa may problema din!" beastmode na si direk, padabog naman itong bumalik sa kanyang kinauupuan.

Nilingon ko naman si Alden, "pwede bang ayusin mo na?"

"Madali lang naman 'to, umayos ka din." Aniya.

"Alden, kung may problema ka sa akin, sabihin mo, hindi 'yong ganito tayo." Pabulong kong sabi sa kanya. Hindi na niya ako sinagot kundi nang mag-take si direk ay inayos na namin ang huling scene for the day, yes last scene pero doon pa kami nahihirapang gawin.

Habang nakatingin ako sa kanyang mag mata, I felt something wrong. He hold my cheeks, his face slowly coming near to my face then he did it, he kiss my lips and after that, he look straight into my eyes and leave... na parang walang nangyari.

Nilapitan naman ako ni Direk then patted me on my shoulder, "good job Maine."

I nodded.

Nilapitan din naman ako ni Anja, kasunod naman niya si Derrick.

"May problema ba kayo ni Alden?" tanong niya sa akin.

Ewan ko kung meron nga ba o wala kaya hindi ko rin siya nasagot.

"Walang taping bukas at sa isang araw, so two days pahinga ka." Sabi naman ni Anja sa akin.

"Good news 'yon kung gano'n." ngiti ko pa sa kanya. "Derrick." Tawag ko naman sa kanya. "Diba may aasikasuhin ka, samahan kita bukas?" sabi ko pa sa kanya.

Ngumiti din naman siya, "ay sige ba!"

"Oh siya, mag-ayos ka na nang gamit mo. We're going home now!" ani Anja.

Tumuloy naman kami sa tent, inayos namin ang mga gamit namin at nagpalit na rin ako nang gamit ko. Matapos ko namang ayusin ang gamit ko ay nagpaaalam ako kay Anja at Derrick na puntahan ko lang si Alden sa tent niya, kakausapin ko lang. Papunta na ako sa tent nila nang may makasalubong akong crew.

"Maine, saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.

"Ah, kay Richard." Sabi ko sa kanya.

"Ha? Kanina pa umalis kasama si Roshelyn. Di mo alam?" taka pa niyang tanong sa akin.

Napailing na lang din naman ako, "hindi eh, pero salamat, bye!"

Dumiretsyo na lang din ako sa sasakyan namin at doon ko na lang hinintay 'yong dalawa. Hindi ko talaga alam kung anong meron diyan kay Roshelyn. Yes, understood na 'yong indie film na ginagawa pero all the time ba lagi na lang sila 'yong magkasama? Gash, can't take this.

Dumating na rin naman sina Anja at Derrick dala dala ang mga bags.

"Grabe ka, Meng! Hindi mo man lang kami dinaanan sa tent at pinagbuhat mo pa kami!" aniya.

Napabuntong hininga na lang din naman ako.

Nilagay naman ni Derrick ang mga bag sa compartment at pumasok na ako sa loob ng kotse. Anja took the driver's seat habang katabi ko naman si Derrick.

"Wait, nakausap mo ba si Alden?" tanong ni Anja, looking from the rear view mirror.

I shook my head and said, "umalis daw kaagad at kasama si Roshelyn."

"He didn't even say goodbye, huh?"

I sighed.

Naramdaman ko naman ang paglapat ng kamay ni Derrick sa braso ko, "smile ka lang Maine."

As if I can if he's cold to me. Hindi ko gusto 'yong ganoong treatment. I feel so stranger to him dahil parang si Roshelyn ang lagi niyang nakikita. I feel so empty when he's the one who can make my heart happy.

After 11 years, mauuwi lang ba sa wala ang lahat? No please, no.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top