Chapter 6
Chapter 6
Derrick
~Narrator's POV
Maine was so excited to meet her friend and finally the day comes to have their bond again. Pero sa kabila nang ka-excitement ni Maine ay 'yon naman ang opposite reaction from Alden, hindi niya alam kung anong gagawin when Maine decided to leave the place early para puntahan si Derrick sa airport. Wala namang nagawa si Alden at sinunod na lang ang sinabi ni Maine.
"Sino ba kasi 'yon Maine?" Alden asked, pero kahit paulit-ulit niyang itanong 'yon, isa lang din ang nagiging sagot ni Maine sa kanya.
"Basta! Makikita mo siya mamaya."
Alden did was just to shrugged. Hindi niya rin maintindihan kung bakit ibang-iba 'yong excitement na nakikita niya kay Maine compare to their dinner earlier. Ilang saglit lang din naman ay nakarating na sila sa airport, magpa-parking pa lang si Alden pero gusto na bumaba ni Maine pero pinigilan siya ni Alden at sinabing makapaghihintay naman siguro si Derrick.
"Bakit ang sungit mo?" taas kilay na tanong ni Maine kay Alden.
Ngisihan at inilingan na lang din ni Alden ito at kinuha ang kamay, "'wag kang bibitaw sa akin kung gusto mong dumugin ka na naman." Aniya.
Wala namang nagawa si Maine kundi sumabay na lang pagpasok. They wear shades para hindi sila makilala ng mga tao dahil kung hindi, magkakaroon ng instant mall show siya sa airport ngayon lalo na't sobrang ingay ng pangalan nilang dalawa ngayon. Effective naman ang minimal disguise nila dahil walang pakelam 'yong ibang tao na nakakasalubong nila, kahit na nabubunggo sila pero may ilan ilan pa ring napapa-second look sa kanila at ituturo pa kaya ang nangyayari ay tumutuloy sila sa CR para makapagtago saglit.
Nang mapansin naman nilang wala nang gaanong tao, lumabas na muli sila.
"Nasaan na daw ba kasi 'yang kaibigan mo?" iritadong tanong ni Alden sa kanya.
"Ay wait ka lang, okay?" sagot naman nito sa kanya.
Napangisi naman si Alden.
"Ay wait, nandito na daw siya!" napatingin naman si Alden sa mukha ni Maine, napakunot noo na lang din siya sa kakaibang excitement nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang siya pero bakit noong nagkita sila noon at muling nagtagpo ang landas, ang dami pa nilang pinagdaan pero si Derrick, in just one text away nandiyan kaagad si Maine.
Mayamaya lang din ay mabilis na nalipat ang tingin ni Alden sa lalaking sumigaw ng pangalan ni Maine.
"Meng!" mabilis na naging matalas ang tingin nito.
Halos manlaki naman ang mata ni Maine nang makita si Derrick sa di kalayuan sa kanila. Mabilis na tumakbo si Maine papunta kay Derrick, and Alden was shocked nang sumampa si Maine kay Derrick, nabitawan pa ni Derrick ang mga bags niya dahil sa pagbuhat kay Maine. From what they did, parang gustong umalis na lang ni Alden sa moment na 'yon. Feeling niya nakakasira lang siya sa atmosphere ng dalawa.
And when he choose the step backward doon naman siya tinawag ni Maine, "Alden, tara dito!"
Walang nagawa si Alden kundi lumapit kay Maine.
"Siya na ba 'yon?" pagkukupirma pa ni Alden, tinanong niya lang pero halata naman siya pagyakap nilang dalawa kanina eh.
Maine nodded to him, "oo!" lumingon naman agad 'to sa kaibigan niya, "Derrick, I know you know him, this is Alden ofcourse and Alden this is Derrick, my friend sa states." She said.
Nagkamayan naman ang dalawa. Wala nang inusal si Alden, nanatili lang siyang tahimik.
"May tutuluyan ka na ba?" tanong ni Maine kay Derrick.
"I book a hotel when I still was in states." Derrick said, "and look where it is?"
"Saan?" ngiting aso ni Maine. Napailing na lang si Alden. Hindi sila ganyan ka-natural kung mag-usap. Parang may something sa kanila, parang sobrang close na nila. In just few months na nang OJT si Maine si states, ang bilis mamuo ng friendship nila pero si Alden naghintay ng ilang taon para lang mapalapit kay Maine. Nasaan ang hustisya doon?
"Same as your condo."
Halos manlaki naman ang mata ni Alden nang marinig 'yon kaya naman napaubo siya bigla, napatingin naman ang dalawa sa kanya.
"Okay ka lang, Den?" tanong ni Maine.
Simpleng tango lang din naman ang binigay ni Alden sa kanya at muli nilang tinuloy ang kanilang paglalakad.
"Oo nga pala, Alden." Muling pagbaling ni Maine kay Alden. "Sabay na natin si Derrick, pareho naman kami ng uuwiang condo, okay lang naman diba?" she said.
Walang kawala si Alden kundi ang sumagot ng, "sige, okay lang."
Agad naman siyang niyakap ni Maine. Atleast doon, nakabawi siya at napakita kay Derrick na pagmamay-ari niya ang babaeng kinakausap niya. Pero nakangiti lang din sa kanya si Derrick at 'yon ang kinaiirita ni Alden.
Derrick William Morrison is a close friend of Maine in states during her OJT there. Sobra silang close, 'yong tipong kahit maraming tao, maghahagikgikan. Siguro dahil walang ibang ka-close si Maine doon and she found Derrick na kayang makisama sa mga kalokohan nito and that's it, they were so close to the point na ikinaseselos na ni Alden.
Nang marating naman nila ang sasayan, syempre katabi pa rin ni Alden si Maine sa front seat while Derrick ay nasa likod nila.
"Kamusta pala trabaho mo doon?" unang tanong ni Maine.
"Good, tumaas na rin ang posisyon ko."
"Ano na?"
"Chef." Ngiti pa nito.
"Huwat?" halos mamilog din ang bibig ni Maine sa pagkwento ni Derrick, "kung noon assistant chef ka lang, ngayon as in, chef ka na talaga?" aniya.
Napangisi na lang din naman si Alden pero hindi din siya pinansin ng dalawa. Busy mag-usap. Out of place na siya sobra, kung pwede lang bumaba na at mag-commute na lang siya, kanina pa niya ginawa.
"Alam mo, ang daming proud sayo sa states, specific kung saan ka nag-OJT." Ani Derrick.
"Huh? Really?" kunot noo pa ni Maine.
Tumango naman si Derrick, "you've always trending worldwide and you also have fans there, I also share to them na bestfriend ko 'yan."
Bestfriend? Namintig ang tenga ni Alden nang marinig niya 'yon mula kay Derrick.
Mayamaya lang din naman ay nakarating na rin sila sa condo.
"Dito na tayo?" tanong ni Derrick.
"Ayaw mo ba?" ngisi pa ni Alden.
Tiningnan lang siya ni Maine at binalik din agad ang tingin kay Derrick. Tinulungan naman ni Maine ang kanyang kaibigan na kunin ang mga gamit habang si Alden, nanatili sa loob ng sasakyan niya.
"Hindi ka na ba papasok sa unit?" tanong ni Maine kay Alden.
Inilingan naman siya nito, lalapit sana si Maine kay Alden para halikan ito sa pisngi, "aalis na ako." At agad nitong tinaas ang bintana. Napakunot noo na lang din naman si Maine habang pinapanood na umalis ang sasakyan nito.
This night was for them, this night was just for them pero anong nangyari. May dumating at sinira ang lahat, but then, on the other side, Maine is so excited to come with Derrick sa unit nito. Though sa building A ang nakuha nitong unit while Maine was on the building b so magkahiwalay pa rin sila pero pinili pa rin ni Maine na samahan ang kanyang kaibigan.
And after Derrick got his key card to his unit, dumiretsyo kaagad sila sa elevator para akyatin ang unit nito.
"How's Alden? Okay lang ba siya?" takang tanong ni Derrick kay Maine.
She just shrugged, "ewan ko 'don, pagod siguro. Galing kasing taping." Aniya.
Napa-ah na lang din naman si Derrick sa sinabi ni Maine.
After few seconds, narating na nila ang palapag kung saan naka-accommodate si Derrick at nang matunton naman nila ang unit na 'yon, biglang may naalala si Maine.
Napalingon si Derrick sa kanya na may kasamang pagtataka, "bakit Maine?"
"This was the unit before of Alden." She said.
"Oh talaga?!" hindi makapaniwala ni Derrick.
She nodded, "oo pero matagal na 'yon, pasok na tayo."
He swiped the key card at tuluyan namang bumukas ang pinto. All the units were changed it locks from doorknob to an automatic using key card.
After that, nagkwentuhan lang sila at binalikan nila 'yong mga naalala nila noon sa OJT nila and now, they've become so successful to their careers.
"Maine... may tanong ako."
"Okay lang ba?"
"Okay na ano?"
Napakamot naman ng ulo si Derrick, "okay bang..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top