Chapter 3
Chapter 3
Had a secret?
Maaga ang call time namin para sa taping nang teleserye namin ni Alden. Si Anja ang gumising sa akin dahil sobrang late na ako nakatulog kagabi, for about three hours namin sa concert and after that nag-dinner pa kaming lahat, umuwi akong sobrang pagod pero sulit naman dahil nakasama ko 'yong mga kaibigan ko.
"Ano ba, Maine?! Ang kupad naman kumilos!" galit na niyang sabi. Ibang klase na rin si Anja kapag binaggit ka sa pangalan mo talaga instead of your nickname. Kumilos naman kaagad ako, I put some of my things sa bag ko at ilang mga damit, at libro na mababasa kapag hindi ako ang nakasalang. Pero napadaan na naman ako sa terrace at napatambay na naman doon.
I remember all the things I've done with Alden here, when I still call him Bae. Those memories that keep me smiles, remembering those moment that will last forever. 'Yong akala mo na hindi mo na siya makikilala dahil from the start, he didn't show up his face, lagi na lang siyang naka-mask kaya hindi ko siya makilala.
I still remember everything. When those memories were lost into mine, I'm craving for it. Na sana bumalik na para hindi ako mahirapan. All I thought, forgetting him is the only way that he's a part of my life but then, I can't. Alden had this big part of my life that anyone couldn't replace him. Only him, Alden Henderson is the only person that changed my life.
Mayamaya lang din ay nakaramdam ako nang kalabit sa balikat ko and when I look at her, her brows lit up and look at her watch, "ano, ngayon ka pa magda-drama? C'mon! We're late!" aniya.
"Okay, fine, madam." I rolled my eyes.
Sumunod naman ako sa kanya papunta nang elevator. And as we landed on the first floor, tinungo na namin ang parking lot at siya naman muli ang nagmaneho. We didn't plan to hire a driver to us, dahil kaya naman naming dalawa magmaneho at pareho lang din naman ang lagi naming pinupuntahan kaya kung nag-uusap na lang kaming dalawa kung sinong magmamaneho papunta at pauwi.
Mga isang oras bago kami makarating sa set ng taping namin, kadarating lang din nang ibang artist. Dumiretsyo naman kaming dalawa ni Anja sa tent para ayusan na din ako nang make-up artist ko.
"Dumating na ba Richard? Hindi ko siya nakita kanina." Sabi ko sa nag-aayos sa akin.
"Ay wala pa be, hindi pa dumadating si papi." Aniya, napatango na lang din naman ako. "Be pagkakaalam ko nasa shooting daw kasi 'yon no'ng indie movie niya pero papasok naman siya mamaya pa nga lang daw darating." Aniya.
"Gano'n?" kunot noo ko pa.
"Yup," ngiti pa niya sa akin. "Miss mo na ano?" hagikgik pa niya.
Napangisi naman ako sa sinabi niya, "hindi, baliw. Galing kasi kami kagabi nang concert, almost 12 na rin kami natapos dahil nag-dinner pa rin kami, wala naman siyang sinabi sa akin na didiretsyo pala sa taping niya doon?"
"Hmm, may secret 'yan." Aniya, tinaasan ko naman siya nang kilay at tinawanan ako, "joke lang be, huwag ka magalala, ikaw lang daw."
Napabuntong hininga na lang din naman ako at pinagpatuloy niya ang pagmake-up sa akin. Nasa labas naman si Anja, nakikipagdaldalan doon sa mga staff and crew as usual. Nang matapos naman ako make-up-an, ni-review at kinabisa ko naman ang script, nagtataka lang ako dahil may role na papasok at hindi ko pa 'to nami-meet in person, ano naman kayang role niya? Hmm.
"Meng!" napatingin naman ako sa pinto ng tent at nakita ko si Anja.
"Ano 'yon?"
"Dumating na si boyfriend." Hagikgik pa niya.
Inirapan ko naman siya, "anong boyfriend? Asawa." Tawa ko naman.
Saglit lang ay sumilip si Alden at nang makita naman ako ay tuluyan na siyang pumasok, pansin ko naman ang pangangalumata niya. Nilapitan naman niya ako at hinalikan sa pinsgi ko.
"Ngayon ka lang?" tanong ko. Naupo naman siya sa tabi ko.
"Galing sa shooting." Aniya.
"Sabi nga sa akin, ba't di ka man lang nagpaalam? Sana nagpahinga ka na lang kaysa sumama sa concert kagabi? May energy ka pa sana ngayon." Sabi ko naman sa kanya. Kaya pala, dinner lang yaya niya sa akin kahapon pero no'ng mapilit ko siyang sumama sa concert ay um-oo na ito, 'yon pala may shooting din pala siya after no'n.
"Ang laki na nang eyebag mo." puna ko pa sa kanya.
Pero nginitian niya lang ako, hindi niya inaalis 'yong mga titig niya sa akin kaya naman nilapat ko 'yong palad ko sa mukha niya, "basa, yuck!" aniya.
Tinulak ko naman ito, "adik 'to, hindi naman ako pasmado 'no." pananaray ko pa sa kanya. "Pero bakit hindi mo man lang sinabi sa akin, sana hindi na kita pinilit pa." sabi ko pa sa kanya, sabay buntong hininga.
When he smiles, ang sarap niya lang titigan. 'Yong pwede kahit buong araw lang kayong magtitigan tapos isama mo pa 'yong dimples niya? Nakakatunaw. Pwede na si Alden. Meron nga talagang forever sa mga titig niya.
"Hindi ko na sinabi dahil baka mag-aalala ka pa sa akin."
"Kaya ngayon, nag-aalala ako sayo, bwisit ka."
Napangisi na lang ito. "ako lang, Maine diba?" bigla naman akong napakunot noo sa biglaang pagtanong niya sa akin noon, naging seryoso naman bigla ang hangin sa paligid ko. Bigla rin lumamig. "at ikaw lang ay akin."
Pinisil ko naman 'yong pisngi niya, "kahit kailan talaga, kahit wala ka pang tulog, ang gwapo gwapo mo talaga!"
"Syempre naman, ako pa ba?"
"Baliw!" palo ko pa sa braso niya, "by the way, did you found your phone?"
Umayos naman siya nang pagkakaupo niya at napabuntong hininga na lamang, "nope, it wasn't on the car, at saka hindi ko naman maiiwan 'yon sa set natin dahil hawak hawak ko lang 'yon, malamang nakuha sa akin." aniya.
"Paano naman 'yong mga contacts mo 'don or something important 'don?"
He shrugged, "hindi ko alam, you should've change your number dahil for sure alam mo na naman mangyayari."
I rolled my eyes, "ang burara mo naman kasi."
"Sorry naman!" tawa pa niya. "Nga pala, pagkatapos ng shooting ko dito, babalik kaagad ako sa taping nang movie ko."
"Pwede ba akong sumama?"
Medyo nabigla naman siya sa sinabi ko, "it is better you have to take a rest kasya sa sumama ka sa akin sa shooting." Aniya.
Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya, "may tinatago ka ba or ayaw mong makita kitang sumasayaw na ang tanging suot lamang ay pangbaba."
"Yeah, absolutely." Ngisi pa niya sa akin. "Isasama na lang kita kapag nag-premiere kami."
Tumango naman ako, "okay pero don't be surprise kapag nag surprise visit ako sa set niyo."
"Don't do it, Maine."
Natatawa naman ako, "why? Gusto lang naman kita mapanood eh."
"Basta, 'wag na, Maine." Aniya pa, napabuntong hininga na lang din naman siya.
"Oo nga pala, malapit na siya umuwi." Pakwento ko pa sa kanya.
"Oh, mamaya na 'yan, baka tinatawag na tayo sa labas."
"Ayaw mong i-kwento ko siya, para naman makilala mo siya kapag nandito na siya." Ani ko pa.
Pero hinigit niya ang kamay ko, "no need, Maine."
Sumunod na lang din naman ako palabas sa kanya at sakto naman nang tawagin na kami ni direk. May kasama naman itong babae, mahaba ang mga kulay brown nitong buhok na umaabot hanggang ibabaw ng bewang, maganda rin ang skin complexion nito na bumabagay sa kanya.
"Maine and Richard, meet..."
"Roshelyn?" napatingin naman ako kay Alden anng magbanggit siya nang pangalan.
"Oh great, Richard. You knew each other na pala." Nagbalik balik naman ang tingin ko sa dalawa, kilala pala ni Alden 'to? Bakit hindi ko alam? "And, Maine meet Roshelyn... the new character that will enter to the teleserye. Are you ready guys?"
No, I'm not.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top