Chapter 24

Chapter 24

With her


We didn't expect how much we missed each other.

"Sige, maiwan ko muna kayong dalawa diyan." Sabi ng lola ni Maine.

Naiwan naman kaming dalawa ni Maine, hawak hawak ng mahigpit ang mga kamay. Totoo nga talaga, hindi mo na maipapaliwanag 'yong pakiramdam mo nang magkita ulit kayo. Sa nakalipas na tatlong buwan, lagi kong ini-imagine 'yong ganitong pagkakataon. Na magkikita na kaming dalawa. Na parang walang nangyari sa aming dalawa. Na muling mabubuo kung anong meron sa aming dalawa na nawala.

Naglakad lakad naman kaming dalawa at naupo naman kami sa puting buhanginan. Pinatong ni Maine ang ulo niya sa balikat ko habang naka-akbay naman ako sa kanya. Mabuti na lang ay hindi mainit at makulimlim lang, malamig at presko ang hangin dahil nasa tabing dagat lang kami.

"Pa'no mo pala nalaman na nandito ako ngayon?" takang tanong ni Maine sa akin ngayon.

"Well, I have connections." Ngisi ko pa sa kanya.

"Hindi, ano nga? Pa'no mo nalaman?"

"First, I asked Anja kung alam niya kung nasaan ka ngayon pero hindi niya alam."

"Yes, hindi ko talaga sinabi kahit kanino."

"Well, except Jolly, the crew on starbucks." ngisi ko pa sa kanya.

Nabigla pa siya nang sabihin ko 'yon, "oh, I forgot. Pero I didn't even say to him kung nasaan ako, paano mo nalaman?"

Hinarap ko naman siya at hinawakan sa magkabilang pisngi niya, "I wouldn't rather find you if you're not so much mean to me, Maine. I followed where my heart is."

"I know everything has change, Alden, but I know we won't." yakap pa niya sa akin.

So ayun, we spend our day sa tabing dagat. Na-miss lang talaga namin ang isa't isa kaya ganito kaming dalawa. Habang naglalakad kami ay bigla niya akong winasiwan ng tubig kaya nabasa ako, wala pa naman akong pamalit na damit. Hanggat sa ginantihan ko na rin siya at ayun, naligo na lang kami sa huli.

Pagkatapos ay magpapalit na si Maine nang damit nang malaman niyang wala akong dalang damit kaya ayun nagsisi siya na binasa niya ako pero sabi ko wala 'yon, matutuyo naman pero sabi niya may mabibilhan naman daw sa tabi ng mga damit, 'yong t-shirts na pang-pasalubong. Ayun bumili ako, pati na rin pantalon.

"Pa'no brief mo?" hagikgik pa ni Maine.

"Hayaan mo, pipigaan ko na lang 'to." Sabi ko pa sa kanya.

"Hayaan mo, daan na lang tayo sa tiangge, meron naman diyan sa malapit lang."

"Sige." Ngiti ko pa.

--

Pagkatapos naman naming magbanlaw at magpalit ng damit ay hinanap na namin ang lola ni Maine at tumuloy na kami sa sasakyan. Bago naman kami tumuloy sa bahay nila Maine, gaya ng sabi niya ay dumaan muna kami sa tianggean at bumili ng underwear at ilang mga damit na pamalit.

"Pagkarating sa bahay, maligo ka kaagad ah." Ani ni Maine sa akin.

"Yeah, sure." Ngisi ko pa.

Gaya nga ng sabi ni lola ay mga thirty minutes din ay nakarating na kami sa bahay nila. Walang tao doon, wala 'yong parents ni Maine nasa manila dahil sa work nila pero noong nakaraang buwan daw ay nandoon sila at nag-stay. Pagkapasok namin ng bahay nila Maine, nakaka-amaze lang dahil ang laki ng space, kakaunti lang din ang gamit pero ang gara. Sosyalin ang dating.

"Sabi ng lola mo, nagda-drums ka daw this lately?" tanong ko sa kanya.

"Ay ooh, nasa isang kwarto 'yon." sagot niya lang sa akin. "Maligo ka ulit doon, maghahanda lang ako nang hapunan natin."

"Naku apo, ako na magluluto. Ako na bahala, hahayaan muna kita kay Alden. Para naman makapag-usap usap pa kayong dalawa." Sabi naman ng lola ni Maine.

"Sige la." Aniya.

"Sige, magbanlaw na ko." sabi ko naman sa kanya.

--

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang magkasama muli kami ni Maine. Alam na rin naman nila Anja at Alexander kung nasaan si Maine ngayon. Mabuti na lang at magaling mag-analyze si Anja at nalaman kaagad namin kung nasaan si Maine.

Mas nakikilala ko siya ngayon, lagi kaming nagbo-bonding. Lalo na kapag nagpe-play siya nang drums niya, ang saya niya lang panoorin. Enjoy na enjoy niya kung paano niya ipalo 'yong stick sa mga drums. Naalala ko pa 'yong time na kumanta kaming dalawa sa isang stage. Friday night ng university nila Maine 'yon, and I was invited as a guest performer. Noon pa lang hindi ko na alam ang gagawin ko kapag magkikita na kaming dalawa pero ayun, ang sarap pala sa pakiramdam hanggang ngayon gano'n pa rin.

"Alden..." she calls me.

"What?"

"What about Roshelyn? Kamusta na siya?"

Napakunot noo naman ako sa tanong niya, "after one month since our indie film shown, I haven't heard of her."

"Talaga?"

Tumango naman ako sa kanya, "bakit mo naman siya natanong?"

Kibit balikat naman ni Maine, "wala lang, naalala ko lang siya bigla."

Mayamaya lang din ay biglang may tumawag sa phone ko. Nang sagutin ko naman ito ay si Alexander lang din pala.

"Oh, buti sinagot mo na." aniya sa kabilang linya.

"Bakit? Ano bang meron?" tanong ko pa.

"Roshelyn." Aniya.

Napakunot noo naman ako, "oh, anong meron kay Roshelyn?" napakunot noo din naman si Maine sa akin kaya naman ni-loud speaker ko ang phone ko.

"She's on accident, nabangga 'yong kotse niya. Haven't you heard of it? Wala ka bang nababasa sa social media accounts mo? Nag 50/50 daw si Roshelyn."

"Sige bro, salamat, we'll get back as soon as we can." Sagot ko naman sa kanya.

Nilingon naman ako ni Maine, "sasama ako."

"Eh?"

"Oo, ayoko namang ganito na lang lagi kami ni Roshelyn. I want to end this between me and Roshelyn. Tapos na naman kasi 'yon, Alden. Hayaan mo na ako. This time, everything will be alright, as well on her condition."

I hold her hand, "love you... Maine."

"Love you more."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top