Chapter 23
Chapter 23
Old places
Nanatili kami ni Anja sa table namin habang bumalik na si Jolly sa kanyang trabaho. Ngayon na nagkaroon na kami ng idea kung saan namin mahahanap si Maine. Sana this time, kapag nagkita na kaming dalawa, maayos na namin 'yong hindi pagkakaintidihan sa pagitan naming dalawa. Oo, sa totoo lang, I missed her so much. Sa loob ng tatlong buwan na hindi ko siya nakikita, na walang communication sa kanya. Doon mo lang talaga malalaman kung anong halaga ng isang bagay o tao kapag nawala na sayo 'yon. Ayoko na mangyari 'yong noon. We wasted our time, our years for us to find each other.
"So, where is Maine?" tanong ko kay Anja.
"She's on her hometown." Napakunot noo na lang din naman ako sa sinabi niya. "Iyon lang ang pwede niyang uwian bukod sa condo. She can't stay sa mga bestfriends niya dahil malalaman din naman natin 'yon diba? So baka nandoon nga siya."
Sinabi naman ni Anja sa akin kung saan ang location nila Maine doon. Nasa probinsya pala si Maine, siguro nga tinatakasan niya muna kung anong naging dala ng showbiz sa buhay niya pero my mission is to find her, to follow her and make this things right.
"Sasama ako." Ani Anja.
I shook my head, "no, Anja. Ako na lang."
"Pero hindi mo naman kabisado 'yong lugar eh." Dagdag pa ni Anja.
"Ako nang bahala 'don, Anja." Ngiti ko pa sa kanya. I assured her naman na makikita ko si Maine.
"I-update mo na lang ako kapag nakita mo na siya."
"I will." Tango ko pa sa kanya.
"Sige na, you have to go." Ani Anja.
Nagpaalam na naman ako sa kanya pero pinabaunan pa niya ako nang kape para hindi ako antukin sa biyahe ko papunta sa kung nasaan man si Maine. If Anja's right, ano kaya magiging reaksyon ni Maine kapag nagkita muli kaming dalawa? Sa akin, isa lang naman ang magiging sagot ko. Yayakapin ko siya ng mahigpit. Those three months na hindi ko siya nakasama at kumpara doon sa mga taon na lumipas, iba pa rin talaga kapag nakasama mon a 'yong tao sabay hindi na magpaparamdam. I know you can get the feeling, maki-relate ka na lang.
I travelled the way papunta sa hometown ni Maine. I was once met her family, lalo na 'yong lola niya. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko 'yong moment na nagkausap kaming dalawa ng lola ni Maine. She asked me if I am real to Maine, at diretsyuhan ko naman siyang sinagot na oo. Pinayuhan niya naman akong huwag ko daw papaiyakin si Maine, alagaan ko daw at ang huling sabi niya, huwag magmamadali dahil lahat ng bagay ay nasa tamang panahon.
You know what? She's right, tamang panahon is always there for us, hinihintay lang din kami. Right time and right moment, right people for each other. It always take time para makuha mo 'yong gusto mo. Hindi 'yong nagta-take for granted ka na lang sa mag bagay na hindi mo naman pinaghirapan. Sometimes, the prize has its hardworks. And that hardworks has a prize for all of your sacrifices and pain you received.
It takes me for a few hours bago ko marating ang arko ng hometown nila Maine. Inabot na ako nang madaling araw at medyo madilim na rin ang paligid. So naghanap naman ako nang mapaparadahan at saka natulog, sana paggising ko makita ko na si Maine. Makita ko na ang babaeng para sa akin.
--
Alas sais na ako nang magising, pasikat na rin ang araw kaya naman sinimulan ko na rin ang paghahanap kay Maine. Tinahak ko naman 'yong daan kung saan papunta sa mismong bahay na tinutukoy ni Anja sa akin. Nagkanda-ligaw ligaw pa ako dahil hindi ko talaga kabisado ang lugar na 'to kaya naman nagtanong na lang ako sa mga bystanders doon. Noong una, nagulat pa sila nang makita ako pero hinayaan na lang din nila 'yon. Humirit pa nang pictures kaya pinagbigyan ko na lang din naman sila.
Nang masagot naman ako ng napagtanungan ko ay doon ko lang na-realize ang lahat. This was the place where everything starts. Siguro ang tagal na nang panahon para maalala ko at nakalimutan ko na lang bigla pero ito, naalala ko na. Nang sabihin sa akin na malapit lang iyon sa isang elementary school ay alam ko na kung saan ako pupunta.
That school is where Maine and I, met. Nakakaloko lang dahil nakalimutan ko talaga 'yon, kasi simula no'ng umalis kami doon at lumipat na nang lugar ay nakalimutan ko na 'yon but the memories is still there. If the place were wash out, 'yong memories ko nandoon pa rin kaya ngayon, alam ko na, alam ko na kung saan ko matatagpuan ang babaeng hinahanap.
Nakakatawa no'ng una dahil nagpaturo pa ako kay Anja kung anong lugar at mga dadaanan pero ito lang pala 'yong, the place where we met.
Mabilis ko namang pinuntahan ang elementary school ko noon, unluckily, walang tao dahil Saturday ngayon pero naghintay pa ako saglit baka may mga biglang dumating at mapagtanungan ko lang pero mukhang hopeless naman ako. Nang ini-start ko naman ang sasakyan ay biglang may kumatok sa bintana nang sasakyan ko.
Nagbebenta lang ng basahan. Pinagbuksan ko naman ito at bumili ng kanyang basahan. Nagulat pa nga ito nang makita ako eh, parang lahat na lang sila ah?
So I grab the chance to ask, "matanong lang, alam mo ba kung saan nakatira si Maine?"
"Maine Alvarez? 'Yong girlfriend mo?" natawa ako sa sinabi niya pero tinanguan ko na lang din siya. "Opo, malapit pong subdivision 'yon. Ewan ko kung nandon pa sila, wala nang nakabalita." Aniya.
"Salamat, at sa basahan."
"Wala po 'yon kuya Richard!" saka siya kumaway sa akin.
Mabilis naman akong umalis at tinungo ang sinasabing subdivision na tinitirhan ni Maine. So ayun, tama nga 'yong binigay ni Anja sa akin. Nasa isang subdivision ang bahay nila, buti na lamang ay hindi mahigpit ang security nila at nang makita ako ay pinapasok na lang nila. I've known Maine's house before, noong elementary days pa kami pero dahil nga sa maraming pagbabago sa lugar, nakakaligaw na din pala.
Narating ko naman ang bahay nila Maine. Bumaba kaagad ako ng sasakyan at nagdoorbell ng ilang beses pero ni isang tao ay walang lumalabas sa pinto. Sinuri ko naman ang bahay, ang tahimik at mukhang wala nang tao sa loob.
"Hijo." Napaigtad naman ako nang biglang may kumalabit at sa akin, pagkalingon ko naman sa kanya ay mabilis ko siyang nakilala.
"Lola?"
"Oh, Alden, ikaw pala, hijo." Ngiti pa nito sa akin.
"As in, lola ni Maine?"
Tinanguan naman ako nito at hinawakan sa braso ko, "anong ginagawa mo dito, hijo? Hindi na kami dito nakatira, lumipat na kami ng bahay."
"Ah, pero ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ko pa sa kanya.
"May aayusin lang ako." Aniya.
"Ah, gano'n po ba."
"Anong ginagawa mo dito, hijo? Ang gwapo gwapo mo talaga, Alden. Bagay na bagay kayo ni Maine."
"Speaking of Maine po, nasaan po siya ngayon?"
"Hinahanap mo ba si Maine kaya ka nandito ngayon?"
Napakamot naman ako ng ulo ko sa sinabi niya, "gano'n na nga po."
"Wala siya sa bahay ngayon eh."
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. "Eh, nasaan po siya ngayon?"
"Nasa tabi ng dagat, nagpapalipas na naman siguro ng oras niya." Buntong hininga naman ni lola. "Simula kasi ng dumating 'yan si Maine dito, hindi naman siya masyadong nagkwento sa nangyari sa kanya doon sa trabaho niya. Puro siya tugtog sa drums niya at laging nasa tabing dagat."
Hindi ko alam kung bakit gano'n din si Maine, haay.
"Saan ko po siya makikita ngayon?"
"Samahan na lang kita, hijo."
"Sige po, salamat lola."
"Wala iyon, Alden. Basta para sa inyong dalawa ng apo ko." ngiti pa niya sa akin.
Habang nasa biyahe naman kami ay hindi mawala 'yong ngiti sa labi ko. For the past three months, ano kayang feeling no'ng magkikita ulit kayong dalawa? Hindi ako kuntento sa puro pictures niya lang, I wanna hug her. Gustong-gusto ko na gawin 'yon, glad her lola came.
"Gusto mo ba talaga apo ko?" biglang tanong sa akin ni lola.
Napangisi pa ako sa tanong niya sa akin, "lola, alam niyo na po sagot ko diyan. Opo."
"Ang ibig kong sabihin, gusto mo ba at handa kang pakasalan ang apo ko?"
"La naman, I would do anything for her. Saka hindi na po kailangan sagutin 'yon, from years now, matagal ko na po nasagot 'yan. I want her, I want her to be my wife."
Pansin ko naman ang paghinga niya nang malalim, "kaya may tiwala ako sayo Alden na hindi mo sasaktan at iiwan ang apo ko. Darating din ang tamang panahon niya, nararamdaman ko na... malapit na."
"Sana nga po." Ngiti ko pa sa kanya.
Mayamaya lang ay narating na namin ang tabing dagat na sinasabi ni Lola. 30 minutes away lang din daw ito sa bagong lipat nilang bahay kaya maikli lang ang oras ng biyahe, pwede pa nga raw lakari kung maaari.
Mayamaya lang din ay nakita na namin si Maine. Medyo lumayo pa ako sa lola niya para hindi mapansin na kasama niya ako. Tinawag naman ni lola si Maine kaya naagaw nito ang atensyon ni Maine.
"Lola, ano pong ginagawa niyo dito? Sabi ko 'wag niyo na akong intindihin eh."
"Apo, hindi lang ako ang nandito..."
"Ha?"
"Maine." sa pagkasabi ko nang pangalan niya, mabilis na napunta ang atensyon niya sa akin at halatang nagulat pa siya nang makita ako pero mukhang ako naman ang nagulat dahil bigla siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap niya ako. Sobra, namiss ko 'to. "Miss you, so much."
"You're here, Alden, hinanap mo ko."
I smiled, holding her both cheeks. "I will always find you Maine, I will." And the last thing we did, our lips met.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top