Chapter 22
Chapter 22
Finding Maine
~Alden's POV
3 months since Maine left us. Wala kaming idea kung nasaan siya ngayon, even Anja, kahit anong pilit ni Alexander sa kanya at kahit ano rin gawin ko para sabihin niya kung nasaan si Maine. Wala rin siyang alam, hindi niya alam kung saan nagpunta si Maine.
For these past few months, ang dami kong na-realize. For the things I've done and for the people who come and go. Alam kong hindi naging maganda 'yong mga nakaraang buwan namin ni Maine dahil kay Roshelyn pero I'm still getting used to it, work is work. After the premiere night, 'yon na 'yong araw na sobra akong nag-alala kay Maine, I tried to call her phone, reach her on her social media accounts pero no response, as in, parang nag on-leave siya for vacation at walang nakakaalam kung kailan siya babalik.
Umatras na rin pala ako doon sa movie project na kasama sana si Maine, dinahilan ko na kailangan ko rin ng pahinga dahil sa naging projects ko lately at hanggang ngayon naman, hindi pa rin ako nawawalan ng offers 'yon nga lang nagiging iwas muna ako sa mga movie o kahit anong exposure sa TV. Para kasing gusto ko bumalik sa pagiging model, like what I used to do years ago.
"Alden, hindi mo ba talaga hahanapin si Maine?" tanong ni Alexander sa akin.
I shrugged off my shoulder, "saan ko naman hahanapin si Maine? I don't have any idea kung nasaan siya ngayon, we call her number right? Pero mukhang nagpalit na siya. So I don't... know." I sighed.
Alex patted my shoulder, "so hanggang doon na lang 'yon? Maghihintay ka na lang sa pagbabalik niya? Pa'no na lang kung hinihintay ka rin ni Maine na magkita kayo?" ani Alex.
"'Yon nga Alex, matagal ko na sanang ginawa, saan ko naman siya hahanapin diba? Ni hindi nga siya pumunta no'ng farewell party noon. Siya sana 'yong pinaka-highlight nang gabing iyon pero hindi siya dumating."
Napatayo naman sa kinauupuan niya si Alexander at tumungo sa kusina at bumalik na may hawak hawak na tanduay at dalawang baso. Inabot naman niya kay Alden ang isang baso at sinalinan ito.
"Maybe she wanted to be found, Alden..." ani Alex sabay inom sa kanyang baso.
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "paano mo naman nasabi 'yon?"
"She lost herself, walang sinong nakakaalam sa atin kung saan nati siya makikita. Siguro this is the right time for you to make this things right for all the mistakes you've done. 'Wag mo nang isipin kung sino 'yong mali sa inyong dalawa basta ayusin niyo 'to. Alam mo hindi rin kami mapakali ni Anja sa tuwing kasama namin kayo. Alam mo 'yon?"
"'Yong ano?"
"'Yong kasama nga namin kayong dalawa pero parang hindi naman namin ramdam 'yong presensya niyo. Feeling namin ni Anja, kami lang ang nag-eenjoy sa ating apat."
"So, make this things short, anong gusto mong sabihin Alexander?" tanong ko sa kanya, ang haba haba pa kasi ng mga sinasabi niya. Ayaw pa niyang diretsyuhin kung ano man ang pinupunto niya.
"Find her, Alden. Find Maine."
There is one word pop up on my mind and a question, how?
"Ngayon na?"
"As in, right now, Alden."
Napatayo naman ako sa kinauupuan ko, "wait Alexander, we don't know where Maine is tapos hahanapin ko kaagad?"
"Yet." Ngisi pa niya.
Napahinga na lang din ako nang malalim. Kinuha ko ang susi ng sasakyan at ang jacket ko. Kahit gabi na, will try to find her.
"Alden, just a few words before you leave." Ani Alexander.
"Oh-kay, make it fast."
"If Maine had a biggest part on you and much more important for you to risk your lives for her. I know you will find her, I know you will."
Napa-half smile na lang ako sa word of encouragement ni Alexander sa akin. Tinanguan ko naman siya at tumuloy na rin ako sa sasakyan ko.
Until now, wala pa rin akong idea kung saan ko hahanapin si Maine. I don't have any idea, where she to be found. Ito 'yong masyadong masakit eh, ako 'yong matagal ko na siyang nakikita, nakakasama pero ako pa ito 'yong lubos na hindi siya kilala. Pero I know Anja can help.
Siya kaagad ang pinuntahan ko, mabilis din naman akong nakarating sa condominium na tinutuluyan nila. Papasok pa lang sana ako nang madatnan ko si Anja palabas ng glass door. Nagkagulat pa kaming dalawa pero mas nagulat siya dahil hindi niya ine-expect na darating ako.
"Alden, saan ka pupunta?" tanong nito.
"Sa unit niyo, sayo." Sabi ko pa. "Ikaw, may pupuntahan ka ba?"
"Ah, diyan lang sa starbucks, maglilibang." Buntong hininga pa niya.
"Can I join?"
"Sure." She smiled.
Tumawid naman kami ng kalsada at tumuloy papasok ng starbucks. I order frappe for us and cheesecake for something to eat, pinuntahan ko si Anja sa table namin. The table where Maine usually sits.
"Thank you Den." Aniya, "nga pala, ano bang gagawin mo at napadalaw ka ata?"
"Do you know where Maine is?"
Mabilis naman niya akong inilingan, "I even told you before Alden, hindi ko talaga alam kung nasaan si Maine. You can check my phone or anything para lang mapatunayan ko sayo na hindi ko talaga alam."
"She had called you?"
She shook her head, "Maine hasn't called me yet, since that day."
"Ohmaygash!" nagulat naman kaming dalawa ni Anja nang biglang may bumulaga sa aming waiter, nagniningning pa ang mga mata nito habang hawak hawak ang isang tray. "Richard Howerdson and Anja Enriquez! This is the first time to see na magkasama kayong dalawa, are you dating each other?"
"No!" sabay at nagkatitigan pa kaming dalawa ni Anja.
"Oh, sorry," napakamot na lang siya sa batok niya.
"Wait, dati ka na dito diba?" agad na tanong ni Anja sa kanya.
"Yes Ma'am. Why?"
"So you know, Maine Alvarez?"
"Ohgosh, did you just said her name? Maine is my friend—did I just say friend? Di ko alam kung friend ko nga pero we used to talk to each other—"
"Ah, wait, so kilala ka niya?" pagtigil ko pa sa pagsasalita niya.
"Yes... why?" taka niyang tanong, nakiupo na rin tuloy siya sa tabi ni Anja.
"Hindi kasi namin alam kung nasaan siya." Sagot naman ni Anja sa kanya.
"Weh? Kayo hindi alam? Three months ago..."
"Anong meron three months ago?" mabilis na tanong ni Alden.
"Ito na nga diba? So ganito 'yon, may mga dala dala siyang bag noon. Nagtaka pa nga ako noon kung bakit ang dami niyang dala saka 'yon lang din ulit 'yong pagkikita namin since nang malipat ako sa ibang branch ng starbucks. So ayon, nagkausap kaming dalawa. Kaso... ohmaygash, ang sabi pala niya 'wag ko daw sabihin kung saan siya pupunta."
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Anja.
"Please tell us kung nasaan si Maine ngayon." Sabi ko pa sa kanya.
"Yes, we will give you private passes sa kung saang shows nandoon kami." Ani Anja.
Napataas naman ako ng kilay sa kanya, "really, you'll do that?"
"Just for Maine, I will." She said. "So... what's your name again?"
"Jolly."
"Okay, Jolly my friend, tell us where Maine is." Sabi ko pa sa kanya.
"Sige, pero 'wag niyong sabihin na sinabi ko ha?" tumango naman kaming dalawa ni Anja sa kanya. "Sa totoo lang, wala siyang sinabing specific place kung saan siya pupunta pero ang sinabi niya sa akin wait let me have her tone of voice... 'I'll be going home for now...' ayun, hindi ko alam kung ano 'yong home na tinutukoy niya." Kibit balikat pa ni Jolly.
Mas hindi tuloy maintidihan ni Alden kung ano 'yong sinabi ni Maine kay Jolly.
"No, wait, I've got it." Anja said.
"Sige, ano 'yon?"
"Before we leave the premiere night, una hindi ko na-gets 'yong sinabi niya pero sinabi niyang uuwi na, akala ko sa unit sa condo namin pero no'ng inulit niya 'yong sinabi niya, ibigsabihin niya uuwi na siya. Uuwi na siya sa kung saan siya nanggaling."
"Sa tiyan ng nanay niya?" singit ni Jolly.
Agad naman siyang nakakuha ng batok mula kay Anja, "adik hindi."
"Alden, alam ko na kung nasaan si Maine." Anja smirked.
"Well, we now know where she is but I must follow her."
"Yes, I like that, follow your heart and Maine have her way."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top