Chapter 21
Chapter 21
Premiere Night
~Maine's POV
Few days since our teleserye ended. Yes, the late two months has been not good for me pero okay naman, we ended the teleserye sa kung ano dapat ang ipapalabas ayon sa storyline. Alden and I are still had this space between us, Anja and Alex did their best to make things right or make it okay pero something was not meant to be okay just like that. Sabi ko nga sa kanila, hintayin na lang natin 'yong araw na makakalimutan din namin 'yon, na kapag nagkasama at nagkausap muli kaming dalawa. Iisipin namin na parang walang nagbago, araw at oras lang ang magbabago.
Siguro maraming nagtataka sa mga malalapit sa amin kung bakit hindi kami masyadong nagkakausap ni Alden o kung ano mang madalas naming gawin, dinadahilan ko na lang na may sarili naman kaming buhay, hindi puro kami na lang. Naniwala naman sila doon kaya hinayaan na lang din nila.
Ngayon na natapos na ang teleserye namin, a newly project offered to Alden and I. Maraming naging excited sa balitang iyon, lalo na 'yong mga staff and crew dahil sila ang kukunin kung sakali. Okay, sabihin na nating maganda ang storyline, maganda ang mga makakasama ko. And yes, Alden accepted the offer and my answer? No. Simple lang 'yong sagot ko but they accept and understand my decision. So binigay nila sa ibang artista, Alden is still on the cast pero hindi na daw ang main character.
I think I need some rest from this noise world of showbiz, masyado nang maraming tao ang nakakakilala sa akin but I know inside of me, nawawala ako. Hindi ko minsan nakikilala ang sarili ko dahil sa mga desisyong ginagawa ko. They always see me happy at parang walang inaalala but I can prove them wrong, hindi lang nila nakikita kasi ayokong malaman nila.
Kung noon, hinahangad kong maging isang sikat na artista. Naalala ko pa noon no'ng sinabi ko sa isang barista sa starbucks, sa tapat lang ng condo ko. Sad, hindi ko na maalala 'yong pangalan niya. Pero he said to me once, that I had the potential to be a sensation. Tandang-tanda ko pa 'yon at ngayon, ano kaya sasabihin no'n kapag nagkita kami ulit? 3 years or 4 years na ba? I don't remember either.
So ayun, I took some rest from showbiz. Hindi na muna ako tatanggap nang kung anong projects, siguro kapag okay na ang lahat, babalik din naman ako. Anytime soon, I hope.
"Sure ka bang pupunta ka doon?" tanong ni Anja sa akin. Kanina pa niya ako kinukulit kung pupunta ba ako o hindi, but I only have one decision at final na 'yon.
"Pupunta ako, Anja. We are free, we're invited, you are invited." Ngisi ko pa sa kanya.
Napabuntong hininga na lang din naman siya, "oo nga, we're invited pero pwede naman hindi ka, tayo, pumunta doon eh."
"But I will."
Anja grunted. Ewan ko kay Anja na parang ayaw niya ako pumunta sa premiere night ng indie film nila Alden kasi sabi niya, nandoon si Roshelyn, para daw makaiwas na sa gulo. 'Wag na lang daw pumunta pero gusto ko, gusto ko dahil hindi kay Alden at hindi din kay Roshelyn, wala lang, para na ring trip ko lang pero nag-u-urge talaga dito sa akin na gusto ko talaga, hindi ko lang mahanapan ng rason.
"Okay, wait me, sasama na lang ako." Sabi ni Anja sa akin at tumuloy naman loob ng kwarto.
Naghintay naman ako kay Anja sa terrace ng unit namin. Malamig na ang hangin kahit palubog pa lang ang araw. Hindi ko alam kung anong dadatnan ko mamaya pero siguro i-enjoy ko na lang din 'yong palabas nila, sana nga magawa ko 'yon.
Thirty minutes din ang nakalipas matapos mag-ayos ni Anja, naka-dress din siya katulad nang akin. Nagtext daw sa kanya si Alexander kung pupunta kami at sinabi niyang oo kaya susunduin kami ni Alex dito papunta sa mall kung saan gagawin ang premiere night ng indie film nila. Pili lang na cinema ang maglalabas ng film nila kaya umaasa sila na marami talagang manonood.
Mayamaya lang din naman ay may kumatok na sa pinto ng unit namin. Si Anja naman ang nagbukas ng pintuan at nakita niya si Alexader with his black suit.
"I never thought you'd be so—"
"Alam ko na 'yan. Where's Maine?"
"Oh, I'm here!" sulpot ko pa sa harap ng dalawa. "Tara na guys."
Tumuloy naman kami sa elevator at napuno naman ang elevator ng katahimikan naming tatlo at mabuti na lang nang bumukas na ang elevator at nauna akong lumabas. Tumuloy naman kami sa sasakyan ni Alexander na naparada lang sa labas ng condo. May mga nakakita pa nga sa amin at nagmamadaling tumakbo, 'yong iba gustong makapagpicture pero nagmadali kami at kinawayan ko na lang sila.
I always prepared to this situation. Feeling mo isa kang runner sa maze, mapapatakbo ka na lang ng mabilis para lang makalayo sa kanila.
Mabuti na lamang ay walang traffic kaya mabilis kaming nakarating sa venue. Nagsilapitan na rin naman ang mga guards para alalayan kaming tatlo dahil pagkapasok pa lang din namin nang entrance ay halos malula ako sa dami nang taong nagaabang. Kung hindi kaya ako naging artista? Magiging ganito pa rin kaya ang sitwasyon ng buhay ko?
Kung hindi ko kaya pinost online 'yong kalokohan kong video eh sisikat kaya ako at mapupunta ako sa kung anong kinatatayuan ko ngayon?
Siguro hindi. Ano ba lahat 'to, destiny o coincidence lang?
As we step on the red carpet, I wear my sweetest smile. Kaway dito, kaway doon. Nakakangalay na pero this won't end, hindi na mababago ang sitwasyon.
"Maine, is there a problem?" bulong ni Anja sa akin habang papasok na kami sa loob ng sinehan.
Umiling naman ako bilang tugon sa kanya.
As we seated to the reserved seat next to the lead cast, kitang kita ko si Alden mula sa kinatatayuan ko. Ewan ko pero mukhang nagulat pa siya nang makita ako, even Roshelyn, ano bang masama na pumunta sa premiere night nila? Hindi ko ba pwedeng mapanood kung bakit naging masyadong busy si Alden at nawala ang atensyon sa akin? Hmm.
In few minutes, nag-start na rin ang film. Mula sa kinauupuan ko ay kitang-kita ko sila Alden at Roshelyn na nanonood. Ewan ko pero hindi ko maalis 'yong tingin ko sa kanilang dalawa, kaya nagugulat na lang ako kapag bigla akong sisikuhin ni Anja at ibabalik ko lang ang atensyon ko sa pinapanood ko.
Umabot na rin ang palabas sa kung saan 'yong scene na bumisita ako, nakakahiya talaga 'yong time na 'yon dahil akala ko wala sa script 'yong lalaking sinuntok si Alden pero kasama pala 'yon, masyado lang akong OA kung mag-isip.
--
After two hours, the film ended. And it was great, supposed to say. Nagpalakpakan ang mga tao na nanood, siguro worth it for Alden 'yong puyat niya at pagod para lang matapos ang indie film niya ito. And for Roshelyn, she's very seductive, almost everyone got stopped when she was viewed on the screen removing her clothes, hindi lahat pero gano'n na rin 'yon.
Bumaba naman kami to congratulate them.
"Congrats, Alden, you did a great job." I said.
Pero niyakap na lang ako ni Alden, nagulat pa ako sa ginawa niya. Hindi na lang din naman ako pumalag pa. "Thank you Maine."
"Ah..." saka ako umalis sa pagkakayakap niya sa akin, hinarap ko naman si Roshelyn. "Congrats Roshelyn."
"Aww, thank you Maine." Aakap sana siya sa akin pero inabot ko na lang din ang kamay ko sa kanya.
"Oh, Maine, alam mo na ba 'yong farewell party ng teleserye natin?" Alden asked.
Tumango naman ako, "yeah, Anja told me."
"Punta ka ha?"
Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya kaya tumango na lang din ako.
After that, we leave the cinema. We took the fire exit para safe kaming makalabas at iwas crowd na din.
"Maine, saan ba tayo pupunta?"
"Uuwi na." sagot ko kay Anja.
"Teka, hintayin natin si Alexander. Wala tayong dalang kotse."
"Sige, ako na lang ang uuwi." Saka ko tinanggal 'yong takong ko at nagtatakbo. Sinubukan pa akong habulin ni Anja pero mukhang binalikan niya si Alexander sa loob. I guess, this is long vacation for me.
I took the cab at mabilis ko itong pinadrive sa condo ko. Atleast Anja haven't known na nakapag-empake na ako. This time, ako naman ang magpapakalayo-layo.
This time, ako naman ang hanapin niyo.
Para sa tamang panahon, handa na ang lahat. At handa na kami ni Alden harapin muli ang isa't isa na walang ibang iniisip.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top