Chapter 2
Chapter 2
At the concert
Alden and I will meet at the concert later, buti nga pumayag siya na sumama na sa akin dahil sinabihan ko rin siya na after the concert ay magdi-dinner na lang kami para naman makabawi din ako sa kanya. After kasi ng incident kanina, nakipagkita pa kami sa mga bestfriend ko na sina Des at Klass na sasama mamaya sa concert. Ngayon kasama na namin sila, we're just waiting na lang, tipong inuubos na lang namin ang oras namin sa kwentuhan dahil mamaya magkakaroon kami ng sari-sariling mundo.
Nakwento ko na rin sa kanila 'yong nangyari at mabuti na lang daw ay hindi kami pumatol at hinayaan na lang. Halata naman kasi kung sino ang may mali eh pero lilipas din 'yan. Wala naman dapat na isipin pa 'don.
"Meng, I heard na uuwi na si ano, ah!" ngiti pa ni Klass sa akin.
Napangisi naman ako sa sinabi niya, "oo, malapit na daw pero hindi siya nagsasabi kung kailan and kanina lamang he texted me 'countdown na tayo', siguro malapit na nga." Hagikgik ko pa.
"Kaya nagseselos si Alden eh," ngisi naman ni Anja. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Anong sinasabi mo?"
She rolled her eyes, "wala, ang manhid mo naman kung gano'n."
Napabuntong hininga naman ako, "wala naman kasing ikaseselos 'don diba, you know that guy, Anja."
Pero she didn't answer me. While I'm on my OJT sa states, this half Filipino-american guy became my friends. So why? Kakaunti lang din naman kasi kaming pinadala sa states for our OJT. Eh, hindi ko pa masyadong ka-close 'yong mga kasamahan ko but this guy, na siya mismo ang unang kumausa sa akin ay magaan ang loob ko. Mabilis ko siyang naging ka-close, kaya sa loob ng ilang buwan siya ang naging kasama ko.
Kaya ganito na lamang ako ma-excite na uuwi siya para bumisita.
"Pero si Alden lang mahal mo diba?" tanong naman ni Des sa akin.
I smirked, "tinatanong pa ba 'yan Des, obvious naman diba?"
Nagkatinginan naman si Des at Klass saka muling bumaling sa akin, "pero paano na lang kung may something ka na pala diyan sa friend mo, hindi mo lang alam."
Napataas naman ako ng kilay, "every now and then, I always think him as my friend. Pero as more than that? Hindi naman." Sabi ko pa sa kanila.
"Atleast sigurado pa rin si Alden sa puso mo." ani naman ni Anja. "Oh siya! We're going to late na eh, tara na." aniya.
Anja isn't just my manager, no'ng una she was just an extra pero ngayon kinukuha na rin siya nang may mahaba-habang role, like friendship mga gano'n kaya umaasenso na rin 'yan si Anja, kuripot lang manlibre. As always.
Umalis na naman kami sa pinag-stay-an namin pero nagulat kaming apat nang pagkalabas namin nang store ay may mga guards nang nakaharang at may mga tao nang nakaabang sa labas. Napalunok naman ako nang laway, hindi ko in-expect na dadami pa ang tao dahil kanina, minimal lang naman ang number of people na nandito sa mall pero ito, kaloka! Anyare?
"Saan tayo dadaan nito?" tanong naman ni Klass. They were safe pero dahil kaibigan namin sila, hindi pa rin sila makakalabas.
"Akong bahala," ani Anja.
Nang makalapit naman sa guard si Anja ay nagulat kami nang biglang may humila sa buhok ni Anja, lalapit sana ako para tulungan siya pero pinigilan naman ako nang dalawa kong bestfriend. Tinulungan na lamang ng guard si Anja.
Inalalayan na rin naman kami makalabas papunta sa fire exit. Walang ibang daan kundi doon lang. Mga ilang guards ang nakapalibot sa amin. Hindi pa rin ako naging ligtas sa mga taong sumusunod sa amin.
Mga ilang minuto nang makalabas kami nang mall. Nakahinga kami nang maluwag at nakalanghap na nang sariwang hangin.
Nang hawakan ako ni Anja sa braso ko ay binawi ko kaagad pabalik sa akin ang braso ko, "ang sakit!"
"Anong masakit?!" taka ring tanong ni Anja sa akin.
Nang balingan ko naman ang braso ko, nanlaki ang mata ko nang mamula-mula pa ito at bakas na bakas pa ang ilang kalmot. Napabuntong hininga na lang din naman ako. Ang hapdi tuloy.
"Lagot ka niyan kay Alden." Ngisi pa sa akin ni Anja.
"Hindi sinasadya 'to, okay? Sabik lang siguro talaga sila malapitan tayo." Sabi ko pa sa kanya. We took our way papunta sa sa kotse. Anja seated on the driver seat at ako naman ang sa tabi niya. Ang dalawa ko namang bestfriend sa likod.
They handed over to me an alcohol pero tinanggihan ko iyon. Seriously, okay pa ang tubig kasya sa alcohol! Natatawa na lang din naman sila sa akin pero they do understand our situation. Minsan gugustuhin mo na lang maging normal na lang ulit, 'yong tipong dadaanan at makikisiksik ka sa maraming tao tapos wala silang pakelam sayo?
I wanted it back pero it will never be happen ngayon na sobrang ingay ng pangalan ko sa mga social media at isama mo pa si Alden. I heard some gossip na kaming dalawa na daw ni Alden pero we used to know each other. Sabi ko pa na mangligaw muna siya bago ko siya sagutin.
Effort muna bago ang yes.
After thirty minutes nang biyahe namin papunta sa pasay, we waited for Alexander and Alden to come. Medyo na-stress din kaming apat dahil sa nangyari kanina. Medyo ramdam ko pa rin 'yong hapdi sa braso ko, kulang na lang 'yon balatan ka eh.
Nasa loob naman kaming apat, medyo nasa tago kaming part para hindi kami lapitan lalo na't naririnig ko na ang pangalan ko somewhere. Mga ilang saglit lang din naman ay dumating na si Alexander pero walang Alden na sumusunod sa kanya.
Anja hugged him, habang bineso naman namin siya. And yes, Anja and Alexander are on the process, chos! Nagliligawan na rin ang dalawa pero nafi-feel ko na mas mauuna pa silang dalawa sa aming dalawa ni Alden.
"Teka nga, Alexander, nasaan si Alden?" kunot noo kong tanong sa kanya.
"Susunod na lang daw siya kaya mauna na daw tayo sa loob." Tugon naman nito sa akin.
Napaisip naman ako, "pwede bang hintayin ko na lang siya tapos mauna na kayo doon? Just reserved two seats for us. Anja." Sabi ko pa sa kanila, and they agreed naman. Binigay naman sa akin ni Anja ang dalawang vip tickets for the two of us.
Naiwan naman ako habang nauna na silang apat.
I text Alden kung nasaan na siya pero hindi man lang siya nagre-reply kaya naman pumunta muna ako nang CR. Mga ilang minuto rin ay bumalik ako sa kinatatayuan ko kanina at may napansin naman akong nakatayo doon kaya naman binilisan ko ang paglalakad ko at kinalabit ko naman ito. Nang humarap naman ito, ako pa ang mas nagulat.
"Ay sorry, akala ko si Alden." Ngiwi ko pa.
"Ay Oh my gosh, Maine!" ay kaloka, ang gwapo gwapo, nakuha pang tumili. Hindi tuloy maalis 'yong ngiwi ko sa kanya, "pupunta si Alden? OMG! I want to see his body!" and after he said those words, nagpa-picture naman sa akin.
"Thank you," ani ko pa sa kanya.
"Maine!" napalingon naman ako sa tumawag ng pangalan ko, and I saw Alden jogging toward us.
"OMG! Si Alden!" napatingin naman ako dito sa lalaking nagpapicture sa akin. Mas kinagulat ko pa nang tumakbo ito palapit kay Alden at ang mas nakakaloko pa ay sa abs ni Alden ito humawak. Ang awkward naman nang senaryong iyon dahil lalaking lalaki ang tindig pero si Alden pala ang habol.
Nagpa-picture naman ito tapos nag-suggest na itaas ang t-shirt pero hindi pumayag si Alden pero nanlaki ang mata ko nang siya mismo ang nagtaas sabay na hinalikan at takbo.
Nakakunot noo si Alden na lumapit sa akin, "infairness, lapitin ka rin ng mga lalaki."
Ngisihan na lang din naman ako ni Alden, "don't worry Maine, sayo lang ako, sayo lang ang buong katawan ko." saka ko naman siya binatukan, natawa na lang din naman kami saka niya ako inakbayan. "Bakit ba ang tagal mo?"
Napabuntong hininga naman ito, "I lost my phone."
"What?!" pagkakabigla ko pa sa kanya. "Pero kanina lang—"
Tumango naman siya sa akin, "yes pero hindi ko na alam kung saan napunta pero baka nasa sasakyan lang 'yon, hindi ko lang nakita."
"Oo nga, baka may kumalat pa 'don, lagot ka." Ngisi ko pa sa kanya.
"Ay, grabe siya! Wala akong gano'n 'no!" depensa niya pa sa akin.
"Defensive much si Alden!" hagikgik ko pa, "bakit hindi mo pinanood sa akin?" ngisi ko pa.
Natahimik na lang din naman ito, "wala talaga, ikaw talaga!" kinurot niya pisngi ko. Hanggat sa mapansin niya kung anong nasa braso ko. "Anong nangyari dito? Sabi mo kanina, okay ka lang?"
I sighed, "kanina 'yon, hindi ngayon, okay."
"Sinaktan ka ba no'ng nakasagutan mo kanina?" he asked.
Mabilis ko naman siyang inilingan, "ay, hindi 'yon. 'Yong mga fans kanina, they tried na lumapit sa amin pero dahil sa todo gwardiyado kami, ayan ang nangyari, even Anja, nasabunutan pa nga." Iling ko pa sa kanya.
"Sa susunod, mag-iingat na lang kayo, minsan kasi may mga wild talagang fans pagdating sa idol nila. Sayang wala ako doon para yakapin ka, para naman safe na safe ka." Ngiti pa niya sa akin, lumitaw na naman sa kanyang pisngi ang dimples niya. Kaasar, hindi mo talaga maiiwasan mapangiti kapag magpapakita 'yon. Ang magical, chos.
"Ang corny mo, pasok na tayo sa loob." Sabi ko pa sa kanya.
Hinahanap naman naming dalawa 'yong mga kasama namin and the show is about to start kaya naman nang makita namin sila, naupo na kami pero mamaya standing ovation 'yan.
"May sasabihin pala ako sa Maine," ani Alden, tumingin naman ako sa kanya.
"Ano naman 'yon? Importante ba 'yan?"
He shrugged, hind pa siya sigurado. "Meron akong papasukan na movie, independent film nga lang." aniya.
"Oh, good! It's a good opportunity din 'yan ah."
"Pero kasi," napakamot naman siya sa ulo niya, halata din sa mukha niya na ayaw na niyang ituloy pa. Hinihintay ko naman 'yong sagot niya, "medyo sexual ang theme ng movie."
I lit my eyes, "what?!" sa OA na pag-react ko, napatingin tuloy sa akin sila Anja at takang taka dahil sa sinabi ko.
"Anong kaguluhan 'to?" ani Anja.
"Wala," sabi ko pa at bumalik kay Alden, "so did you just accept that? What's your role?"
"Eh, kasi..."
"Alden, wala namang masama, remember it's only our work."
Tumango naman siya sa akin at humugot ng napakalalim na hininga, "macho dancer sa isang bar."
"Ha?" halos natanga naman ako sa sinabi niya. "Really? 'Yon na 'yon?"
Napatakip naman siya ng mukha niya, "sabi ko sayo eh. Dapat hindi ko na lang pala sinabi."
Nagpipigil na lang din naman ako nang tawa ko, "pero 'wag mong kalimutan, 'wag mong papagurin ang katawan mo."
"Papagurin ang katawan? Saan?" taka niyang tanong sa akin.
Napataas naman ako ng kilay sa kanya, "ano bang iniisip mo? Syempre, sa trabaho. Kailangan mo din ng pahinga, gets?"
"Ah!" aniya, inirapan ko na lang din naman siya, "siguraduhin mo lang na hindi ka madadawit sa mga isyu ha, baka magkaroon ka nang scandal niya."
Napangisi na lang din naman siya sa akin, "where do you gets those words? It will never be happen, okay?"
"Okay."
As we wait, the show is about to start.
Alden's hand were on my hand, it was just perfectly made for me. Sana nga tumagal kaming dalawa. Tumagal, 'yong tipong until the end... tatawagin ko na siyang asawa ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top