Chapter 12

Chapter 12

Chaperone


~Maine's POV

I woke up so dizzy this morning, hindi ko alam pero parang ang daming gustong pumasok sa utak ko, hindi ko lang alam kung ano. Anja made me a hot chocolate, sums up with bread cookie. Akala ko talaga makakaiwas na ako sa mga ganito, hindi pa pala. Masyado lang din ata akong napagod, nakaka-stress na rin kasi minsan. Lalo na kagabi, before I sleep.

I call him for about how many times pero hindi niya sinasagot ni Alden, hindi ko talaga alam. Simula kasi no'ng umalis siya dahil may pag-uusapan daw sila ni Roshelyn, hindi ko na rin na-enjoy 'yong bonding namin ni Derrick dahil kung ano ano nang iniisip ko. Haay, Alden, bakit ba ganito tayo lately? Ano bang meron?

"Sabihin mo nga sa akin, anong meron sa inyo ni Alden?" tanong ni Anja sa akin, while she's stirring her hot choco, naupo naman siya sa stool sa harap ko.

I shrugged to her and bit to my bread cookie, "ewan ko, An. Hindi ko talaga alam, kung meron man, naisip ko na sana kung ano 'yon pero hindi talaga."

Napabuntong hininga naman siya, "ayusin niyo agad kung ano mang problema niyo, Maine. Saka, fix yourself na, diba may pupuntahan ka pang event?"

And I was about to choke nang maalala ko 'yon, kung hindi sinabi ni Anja. Makakalimutan ko talaga siya for real, hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya. "Thank you Anja for reminding me, ohmaygash!" mabilis naman akong kumilos at pumunta sa banyo para maligo.

10am pa magsisimula ang event pero I'm a judge so I must be there and attend the event, nakakahiya naman. Mabilis lang ako naligo at nagbihis ng damit, I get few text messages na din from Derrick na dadaanan niya ako dito sa unit ko para sabay na kaming pumunta sa event venue sa taguig.

Nang makalabas naman ako ng kwarto ay nakita ko si Anja na nasa salas at nabigla pa nang makita ako sa suot ko at nginitian ako, "you're so pretty with that fit dark pink dress huh." She smirked.

"Wala nang time to choose what to wear, ito na lang! Bagay naman diba?" I asked her, umikot-ikot pa ako para ipakita sa kanya ang suot kong damit, it is a fitted dress na abot hanggang tuhod ko at may lining ng kulay black, imagine it na lang, maganda naman kahit hindi niyo imaginine pa, right? Wow, taas ng confident ko ah?!

Tumayo naman si Anja sa akin at inabutan ako ng bottled water, "inumin mo nga pala 'tong gamot baka mahilo ka na naman mamaya."

Kinuha ko naman iyon at saka ininom ang gamot at sinabayan ng tubig.

"Salamat..."

"Hala ininom mo nga?!" nanlaki ang mata niya na parang gulat na gulat dahil ininom ko nga 'yong gamot na binigay niya.

"Ha? Bakit? Hindi ba 'yon 'yong gamot?" taka ko naman sa kanya.

"Expired na 'yon." she said in a serious matter of voice, at parang gusto ko namang iduwal 'yong gamot na ininom ko. "Di jk lang, sige na, mag-ayos ka na."

Napa-irap na lang ako sa kanya sabay batok. Bumalik naman ako sa kwarto at naglagay ng light make-up sa mukha ko. Kailangan maging presentable kahit papaano, it is a big event, nakakakaba tuloy.

While preparing up, nag-text na si Derrick na papunta na siya sa unit ko. So ni-ready ko naman ang mga dadalhin ko at hinintay na lang din si Derrick.

"Meng, uwi ka foods." Ngiting aso pa ni Anja.

"Gaga, bawal 'yon!"

"Dali na, nakakasawa na kasi 'yong paulit-ulit mong luto!" saka niya ako pinagtawanan. "Joke lang, nabubusog naman ako kahit papaano." Ngisi pa niya.

"Ewan ko sayo!"

Mayamaya lang din ay may kumayok na sa pintuan ng unit ko, and I know it was Derrick na. Kinuha ko na 'yong susi ng kotse at dumiretsyo sa pinto at pinagbuksan ng pinto. He wears a white tshirt inside and a suit outside at naka jeans lang siya. Wow, ang simple ng dating niya pero ang lakas ng appeal, kakaiba.

"Tara na?" he asked.

Nagpaaalam na rin naman ako kay Anja at tumuloy na kami papunta sa elevator. Pinindot naman ni Derrick ang pababang button nito at hinintay namin itong magbukas. Ilang saglit lang din ng unti-unti na itong bumukas, papasok na sana kami nang mapahinto ako dahil sa dalawang lalaki na nasa loob nito.

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa dalawa, at iniwas na lang niya ang tingin niya sa akin.

"Hi Maine!" bati ni Alex sa akin.

"Hi!" bati ko naman sa kanya.

"Nandiyan si Anja?" he asked and I nodded, "sige, pupuntahan ko lang!" mabilis naman siyang lumabas ng elevator at naiwan si Alden doon.

Tumuloy na rin naman kaming dalawa ni Derrick sa loob.

"Musta bro?" bati ni Derrick kay Alden, but he get no response.

Tiningnan ko naman si Alden, nilingon din naman niya ako pero agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at tinuon ang atensyon sa pinto ng elevator. We're inside on a small square room, not talking to anyone, I can feel the tension. Yas, the tension is getting started.

Pagkabukas naman ng elevator, nauna akong lumabas, parang first ko lang makahinga ng maluwag sa matagal na pagkakakulong sa isang kwarto na feeling mo, hindi mo alam kung kikilos ka o hindi.

Papunta na naman kami nang parking lot, at pansin kong nakasunod pa rin sa amin si Alden, so I get the chance to look at him.

"Alden, saan ka pupunta?"

Napahinto naman siya sa paglalakad then he shrugged, "I'm going with you guys."

Napalingon naman ako kay Derrick, he lift his shoulder and then we head to the car. Alden present to drive the car, wala naman akong angal dahil medyo mahirap din mag-drive nang naka-fitted dress.

"Paano mo nga pala nalaman na aalis kami?"

"You told him yesterday, Maine." Sabi naman ni Derrick.

Napangiwi na lang din ako. Kinuwento ko nga pala sa kanya na na-invite ako bilang judge. So ayon, naging awkward lang ang biyahe namin all the way to the venue.

Makalipas din ang isnag oras ay narating namin ang venue, 10 minutes after 10am hits the clock. Dumiretsyo naman kami sa side entrance kung saan madali naman kaming nakapasok at walang humarang sa amin na mga tao. Diniretsyo kaagad kami ng mga staff sa isang room to brief us para sa event, naiwan si Alden sa labas and I hope, hindi siya dumugin doon.

"Is Alden okay?" bulong na tanong sa akin ni Derrick.

Tumango naman ako sa kanya, "oo, okay lang 'yon, ginusto niyang sumama eh."

Infront of us ay si Mr. Medrano the owner of this five star restaurant, I'm with Derrick and some of the judges. Anim kaming lahat, the two of them is a chef and the two, ewan ko haha.

Pagkatapos naman kaming i-brief ni Mr. Medrano ay dumiretsyo na kami sa judges table at doon kami pinakilala isa isa for every participants sa event na 'to. There are 9 participants to this event and every one of them will prepares 2 dishes and 1 desert. At ngayon pa lang, nabubusog na ako.

The event started, kaming mga judges ay nililibot ang bawat participant to watch them, ang bango ng mga niluluto nila, ang sarap kahit titigan mo pa lang. Pero habang naglilibot ako, napupunta pa rin kay Alden ang paningin ko. Nasa isang gilid siya, nakasandal sa dingding, inaantok pero nang may lumapit sa kanya, bigla siyang nagising. Alam kong napatingin siya sa akin kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at tinuon ang atensyon sa mga participants.

"Are you okay, Maine?" lapit ni Derrick sa akin.

Tumango naman ako at ngumiti, "yes, and excited to taste all of their hardworks."

"I'm sure you'll like it." He smirked.

Bumalik naman ako sa table ng mga judges, nakakapagod din palang maglakad-lakad. Napansin ko namang lumapit sa akin si Alden at inabot niya sa akin ang bottled water. Nginitian ko naman siya at kinuha iyon.

"Salamat..."

"Ahm... Maine..."

"Oo nga pala, Alden, kamusta ang pag-uusap niyo ni Roshelyn kahapon?" I bitterly smiled.

He nodded, "ayos naman."

'Yon lang? Nag-aabang pa sana ako ng idudugtong niya pero wala na siya sinabi bukod sa ayos lang.

"May problema ba tayo Alden?" I sighed and look at his eyes, tiningnan rin niya ako sa mga mata ko. Salubong ang mga kilay niya sa akin. "Kasi kung meron man, we can talk about it naman diba?"

"Maine!" mula sa mga mata ni Alden, agad akong napalingon kay Derrick na palapit sa amin ngayon. "Sorry Alden, can I talk to Maine?" Alden nodded to him and look at me, "we have to judge them according to their preparations." He said.

Tumango naman ako sa kanya, "sure..." tiningnan ko naman si Alden. "Usap tayo mamaya, ah?" pero napabuntong hininga na lang siya nang malalim.

Tumayo naman ako at sumunod kay Derrick at jinudge namin ang bawat participants.

--

After two hours, isa isa na nami tinitikman ang luto ng mga participants. Lahat sila ay may pinaglalaban, lahat sila may pinapatunayan sa kanilang mga niluto at hindi ko tuloy alam kung sino ang pipiliin ko.

Mabilis naman din ang kaganapan sa event at ia-announce na ang winners.

At habang ina-award-an na ang mga nanalo ay palihim akong bumaba ng stage at hinanahanap ko si Alden, and I found him sleeping at the far corner. Nilapitan ko naman 'yong waiter at kumuha ng tinapay at tubig at nilapitan ko si Alden.

Naupo nama ako sa tabi niya, ang gwapo niya kahit tulog. Hindi ko maiwasan na hindi mapatitig sa mukha niya, ito 'yong lalaking matagal ko nang hinahanap, matagal na naging parte ng buhay ko at ngayon, nasa harapan ko siya mahimbing na natutulog. Nagi-guilty tuloy ako, kung ako man 'yong may problema sa amin dalawa kung bakit kami ganito, nalulungkot tuloy ako.

Nang hawakan ko naman ang pisngi niya ay dahan dahan siyang nagising. Agad naman siyang napaayos sa kanyang kinauupuan.

"Oh, tapos na?" taka niyang tanong.

Umiling naman ako at nginitian ko siya, "hindi pa pero bumaba na ako ng stage para samahan ka." Ngiti ko pa. "Gutom ka na ba, ito oh, sandwich." Inabot ko rin naman sa kanya 'yong bottled water.

"Salamat..." aniya at kinain na ang tinapay. Nagutom nga siya.

Napahugot na lang din naman ako ng malalim na hininga. "Nami-miss ko 'yong ganito tayong dalawa..."

"Ako rin." Ngisi pa niya.

Hinawakan ko naman ang mga kamay niya, "akala ko ba nasa tamang panahon na tayo pero bakit hindi ko ramdam?" taka kong tanong sa kanya.

Natigilan naman siya sa sinabi ko at iniwas na lang din ang tingin sa akin, "siguro, hindi pa kasi ito ang tamang panahon na hinihintay nating dalawa..."

"Paano mo naman nasabi?"

"Dahil..."

"Dahil hindi pa..."

"Maine! You're here!" hindi naituloy ni Alden ang sasabihin niya nang biglang bumulaga sa gilid namin si Derrick. Nang tingnan ko muli si Alden, pinagpatuloy na lang niya ang pagkain niya.

"Bakit Derrick?"

"The event is over." He smiled.

"Who won?" I asked.

"The best steak you taste." He smirked.

"Oh wow, 'yon ang pinakamataas kong score. They deserved it." I smiled.

"Oh, Alden saan ka pupunta?" napalingon naman ako sa tabi ko, hindi ko napansin na tumayo na pala si Alden.

"Sa sasakyan?" ngisi pa niya at tuluyan na siyang lumabas ng restaurant.

Nilapitan ko naman si Derrick, "salamat sa pagsama akin Derrick dito but I must follow someone right now..."

He patted my shoulder, "go..."

I smiled, "thank you."

I took a deep sighed, Alden, don't leave some spaces between us.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top