Chapter 1
Chapter 1
The Argue
~Maine's POV
My day started on argue with Alden. Oo, nag-away kami over the phone dahil kinukulit niya ako na lumabas kami mamaya after my work, just for the two of us daw. Dinner, in short. Pero sinasabihan ko siya na hindi nga pwede dahil may pupuntahan ako mamaya or kung pwede naman siya na lang 'yong sumama sa akin mamaya, pwede na namang tawaging date 'yon diba?
I tried to call him pero hindi naman niya ako sinasagot sa mga tawag ko, tinawagan ko naman 'yong personal assistant ni Alden, may ginagawa daw ito at busy. So hindi ko na lang din inabala pa, mukhang ayaw naman niyang makipag-usap sa akin kaya okay lang pero I leave message to him na kung gusto niyang sumama sa concert mamaya, gora lang, edi mas masaya.
Kasama ko si Anja dahil may gala kami today kasama 'yong ibang friends namin, niyaya ko rin naman si Alden na sumama na lang sa amin pero may trabaho siya kaya hindi makakasama sa amin kaya naman gusto niya akong yayain mamaya sa dinner pero dahil may concert nga kaming pupuntahan mamaya ay hindi ako makakasama sa kanya.
Nasa mall lang kami along ortigas, hindi naman masyadong karamihan ang tao ngayon dito at wala namang lumalapit sa akin na mga tao kaya medyo free akong maka-ikot ikot pa.
Medyo naging maluwag din kasi ang schedule ko lately at dahil noong nakaraang linggo ay sagad sagad kami kung magtaping dahil ngayong week nga eh may mas kailangan kaming asikasuhin na ibang proyekto. May commercial, magazine interview at kahit ano pa. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin siya gaanong ka-hectic dahil nakakahanap pa rin kami ng paraan para makapag libang libang.
Iniisip ko nga, paano kaya kung naging normal lang ang lahat? Walang ganito, hindi ko hawak ang kasikatan sa mga kamay ko. Normal na normal lang siguro ako ngayon, gagawin ang everyday routine mula sa paggising hanggat sa pagtulog. Pero siguro kung hindi rin nangyari 'to, hindi ko rin makikilala si Alden sa loob at labas ng showbiz.
Libot libot lang kami ni Anja, habang naglalakad kami ay may nakita kaming batang babae na umiiyak, mukhang nawawala ata.
Agad naman namin nilapitan ni Anja 'yong batang babae. Lumuhod naman kami para maging kapantay namin siya, kuskos siya ng kuskos ng mata niya kakaiyak.
"Nasaan ang mama mo?" tanong ko naman sa kanya.
Inilingan naman niya ako, "hindi ko po alam." Aniya.
"Saan ka ba nanggaling?" tanong naman ni Anja sa kanya.
Tinuro lang ng bata ang direksyon kung saan siya nanggaling pero hindi niya sinabi kung saan mismo. Sinamahan naman namin ang bata na hanapin ang kanyang mama pero mukhang naghahanapan silang dalawa pero nagyaya ang bata na mag-cr muna siya.
Si Anja naman ang nagpasama sa bata at hinintay ko na lang din sila sa labas.
Pagkatapos umihi ng batang babae ay hinawakan ko ang kamay nito para hanapin ang mommy niya pero sabi ni Anja idiretsyo na lang sa security pero bago pa mangyari ang gusto ni Anja, nabigla kami sa susunod na pangyayari.
"Anak!" isang babae ang lumipat sa batang babae na kasama namin, lumapit naman ang batang babae at niyakap niya ang lumapit sa akin. Nag-iiyak pa rin ang bata, mayamaya lang ay may sumunod na mga guards. "Anong ginagawa niyo sa anak ko?" tanong nito sa amin, salubong ang mga kilay, galit ata?
Nang makalapit ang guard, "ma'am 'yan na po ba ang anak niyo?"
Tumango naman ng nanay, "oo at nakita ko silang dalawa na hawak hawak ang anak ko." panunuro pa nito sa amin.
"Dadalhin nga po namin siya sa security—" pero pinigilan ko nang magsalita si Anja dahil baka kung saan pa umabot ang usapang ito.
"Ma'am sumama na lang po kayo sa amin," sabi ng guard sa aming dalawa ni Anja.
"Wait, bakit niyo kami isasama?" taka kong tanong sa guard.
"To verify lang po." Aniya.
Gusto ko pa sanang mag-react dahil bakit kailangan pa naming sumama? O masyadong OA lang talaga 'yong reaksyon nila? Buti nga nakita pa namin 'yong anak niya eh. Ayaw namin gumawa ng eskandalo kaya sumama na lang kami sa kanila.
"Mga artista pa naman kayo, mahiya naman kayo!" sabi ng nanay sa akin.
Medyo nasaktan ako doon ah, anong kinalaman sa pagiging artista ko no'n?
"Pasensya na po pero wala po kaming balak na masama sa anak niyo." Iyon na lamang ang sinagot ko sa kanya.
"Oo nga, saka sinamahan lang namin siya mag-cr dahil ihing ihi na siya. Sa kwento ng anak niyo sa amin, hinayaan niyo daw siyang mag-isa na hanapin ang isa pero nawala siya at sinamahan namin siya, kung hindi kayo kuntento sa paliwanag namin, try to ask her." sagot ni Anja.
Tinanong naman ng guard ng mahinahon ang bata at hindi naman nagsinungaling ang bata at nagtutugma sa mga sinabi ni Anja. Umalis din kami matapos masigurado na wala kaming kinalaman lalo na't tinulungan pa namin ang anak niya na mahanap siya.
Minsan may mga OA lang talaga mag-react.
Tumambay na lang din kami ni Anja sa starbucks, mamayang 7pm ang start ng concert sa may pasay. Medyo na-stress kaming dalawa dahil sa insidente kanina.
"Bwisit na 'yon, maka-react!" nanggigil na sabi ni Anja. "Mabuti na lang hindi pa marunong magsinungaling 'yong bata." Aniya.
Napabuntong hininga na lang din naman ako, "ano ka ba Anja, 'wag ka nga masyadong affected diyan. Hindi naman natin hahayaan na masira ang pangalan natin dahil lang diyan, diba?" sabi ko pa sa kanya.
"Sabagay pero kasi ugh," buntong hininga pa niya.
Mayamaya lang din ay may tumawag sa phone ko, and when I check it si Alden pala.
"Hello Maine, are you okay?" he asked.
Napataas naman ako ng kilay, "yeah, why?"
"Sure? May nakakita kasi sayo sa isang mall na dinuduro ng babae?" aniya.
"Ah, wala 'yon, namis-understood lang nila." Sabi ko pa sa kanya. "Wag ka na mag-alala, okay naman ako. Ikaw?"
"Ito busy pa rin, haay..." aniya.
"Sumama ka na kasi mamaya sa amin mamaya, then after dinner tayo." Ngiti ko pa.
"Talaga?"
"Oo naman, just text me para magkita na lang tayong dalawa doon." Sabi ko pa sa kanya.
"Sige, I love you."
Ay leche, naihabol pa ni Alden 'yon. "Love you too."
Then I hung up the phone.
"Oh, kakaiba na ngiti mo diyan ah?"
"Sasama na kasi si Alden mamaya!" kwento ko pa sa kanya.
"Asus kaya pala iba ngiti mo diyan, don't worry isama ko rin kaya si Alex?" ngisi pa niya sa akin.
I shrugged, "bahala ka, kasi kapag hindi, mao-op ka lang sa amin."
She glared at me at tinawanan ko na lang siya. Mabilis naman niyang tinawagan si Alex at magkasama naman pala ang dalawa—si Alden at Alex kaya sabay na silang dalawa na papunta doon.
Mayamaya lang ay may nagtext sa akin. I check it and a smile form into my lips.
"Countdown na tayo! See you!"
Gosh! :')
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top