PROLOGUE

BUONG kasabikang naglalakad si Reghie sa corridor ng Galvez's building para puntahan ang limang taon niya ng kasintahan na si Matthew Del Prado sa opisina nito. Gusto niya itong ayaing lumabas para mag-celebrate at batiin na rin dahil ito na ngayon ang vice president ng Galvez Group of Companies-- ang pag-aari ng pamilya ng kaibigan niyang si Iñigo Galvez na siyang Presidente na ngayon ng kompanya. Del Prado family is the second major shareholder in Galvez Group of Companies.

"Hi, Maya!" Reghie greets Matthew's secretary with a radiant smile. Napaangat ng ulo ang sekretarya na kanina ay halos nakasubsob sa kung ano man ang pinagkakaabalahan.

"M-ma'am Reghie, ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ni Maya na ikinakunot ng noo niya dahil sa biglang pagkataranta nito.

Pero sa halip na sagutin niya ito ay tumuloy na siya sa pinto at buong kasabikang binuksan ito at pumasok. Hindi niya nadatnan si Matthew sa loob. Lumapit siya sa desk nito. Nakita niya ang coat ng kasintahan na nakasabit sa coat hook rack at may coffee cup ng La Croise café sa desk.

"'Asan 'yon?" naisip niyang baka lumabas lang o kaya ay nand'on sa opisina ni Iñigo.

She had turned to leave the office. Half way na siya sa pinto nang bigla niyang marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo kaya muli siyang tumigil at nilingon ito.

Pero para siyang itinulos sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya sa mga oras na ito ay hihimatayin siya sa biglang paninikip ng kanyang dibdib sa nasasaksihang tagpo sa mga oras na 'to.

"B-Babe!" Matthew said, his voice was barely a whisper and tense. Reghie tilted her chin, clenched her fists as her chest heaved up and down.

Sa itsura pa lang ng palikero niyang boyfriend e alam na alam na niya kung anong bagay ang pinag-kaabalahan nito sa loob ng banyo. Shirtless ang tarantado at butil butil ang pawis sa dibdib at may kasama lang namang malanding babae. Ang babaeng minsan na niyang nakita sa loob ng opisina ni Matthew na nakaupo sa ibabaw ng desk habang nakapulupot ang mga binti sa baywang nito at nakikipaglaplapan lang naman sa nobyo niya - si Vivienne Jones - ang sikat na sexy actress/anak ng kaibigang matalik ng magulang ni Matthew.

"B-babe, let me explain. Kung ano man ang iniisip mo, mali. Okay." Mali! Mali naman talaga ang ginagawa niya.

Hindi na talaga magbabago pa ang hayop! Kung kailan kasi sila tumagal ng limang taon ay ngayon pa talaga nagloloko. Siguro ay nagsasawa na ito sa kanya kaya naghahanap na ng bago. Tumalikod siya para sana umalis pero natigilan siya dahil sa nahagip ng mata niyang ngisi sa mukha ng hitad. Napapikit siya at nagpakawala ng marahas na paghinga. Muli niyang hinarap ang dalawa at sinalubong ang titig ng babae. Marahan siyang lumapit sa dalawa. Ang matalim niyang titig kay Vivienne ay lumipat kay Matthew na animo'y asong nabahag ang buntot.

"Isang tanong. Isang sagot. Mahal mo pa ba ako? O siya na ang mahal mo? Buong puso kitang ibibigay sa kanya!" Nakatiim bagang niyang tanong.

"B-babe-"

"Sagot!" She squealed loudly.

"Ikaw, ikaw, syempre ikaw, walang namamagitan sa amin ni Vivienne, hayaan mo akong magpaliwanag," tarantang tarantang sagot ni Matthew. Muli niyang tinignan ang babae.

"Did you hear him?!" Buong tapang at kompansiya niyang tanong sa babae.

Kita rin niya ang inis sa mukha ng babae. Natural lang na mainis ito dahil harapan siyang tinanggi ni Matthew. Kahihiyan iyon para dito dahil ang isang pantasya ng bayan na katulad nito ay itatanggi lang ng isang lalaki. Taas noo siya nitong tinitigan bago siya nito nilagpasan na nabangga pa ang balikat niya.

"By the way, Matt, you never fail me. I have a great time with you. Next time again, bye!" Lalong parang kumulo ang dugo niya sa narinig.

"B-babe."

She held up her hands.

"Save it, Matthew, wala ka na talagang pagbabago," tinalikuran na niya ito pero hindi para umalis. Umupo siya sa balck leather sofa na nando'n. Sumunod naman si Matthew habang sinusuot ang isang abo'ng t-shirt.

Nagpalit pa ng damit! Ano 'yon, pinamunas niya sa tamod nila ang polo niya? Napapikit siya at napasentido sa sariling naisip.

Umupo si Matthew sa tabi niya.

"Redge, Babe, walang nangyari-" muli niyang itinaas ang isang kamay niya para patigilin ito.

Ayaw niya nang marinig pa ang paliwanag nito. Hindi siya tanga para isiping walang nangyari sa dalawa. Again, magpapakatanga at magpapakamartir siya. Kaya pa naman niya eh. Kahit gustong-gusto nang sumabog ng dibdib niya. Gumawa siya ng isang maingay na buntong hininga at hinarap ito.

"Tell me, Matthew. Ano ba talaga tayo? Ganito na lang ba talaga tayo?" hinawakan ni Matthew ang kamay niya, ikinulong sa sariling mga palad nito.

"Babe, mahal kita, mahal na mahal."

"Handa kang pakasalan ako?" tanong niya dito. Marahan nitong pinisil ang kamay niya.

"Redge, we're still young. Darating tayo d'yan but not now."

Bullshit! Malalagas na ang edad nito sa kalendaryo, trenta anyos na ito. Anong bata doon? At siya, bente singko na siya at talagang gusto na rin niyang magkaroon ng sariling pamilya.

"Kailan?" she asked, Matthew released an audible sigh.

Bakit pa ba siya nagtatanong kung alam naman niyang wala siyang makukuhang sagot mula dito. Sa isipang iyon lalo siyang nasasaktan. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga labi dahil sa pagbabadya ng kanyang mga luha, but she tried her best to hold the tears back. Ayaw niyang umiyak sa harap ni Matthew. She never cried over man. Si Matthew lang talaga ang iniyakan niya pero kahit kailan ay hindi siya umiyak sa harap nito kahit noong una niya itong mahuling nakikipaghalikan. Iniyak niya ang sama ng loob sa harap ng mga kaibigan niya pero hindi sa harap ni Matthew.

"What if, sabihin ko sa 'yong buntis ako. Anong gagawin mo?" malutong na tawa ang sagot ni Matthew.

"But that's impossible. Maingat tayo diba? You're taking birth control pill."

"What if?!" Mataman siyang nakatitig dito at pinagtagis niya ang kanyang mga ngipin. She was hoping na may magandang sagot siyang maririnig mula dito. Hindi ito nagsalita kaya inulit niya ang kanyang tanong.

"Redge, you know that I'm not ready for that. Kaya nga maingat tayo diba?" halos bumagsak ang balikat niya sa pagkadismaya. Hindi, buong mundo 'ata niya ang bumagsak sa narinig. She pulled her hand from his grasp.

"O-okay," she mumbled, slowly she pulled herself to her feet.

"Regde, babe," hinawakan ni Matthew ang kamay niya.

"Let's talk some other time," hindi na niya ito tinapunan ng sulyap at mabilis na niyang tinungo ang pinto at lumabas.

Mabilis niyang tinungo ang elevator. She boarded the lift and pressed the ground floor button, leaning against the stainless wall. Sinapo niya ang tiyan niya.

"I'm sorry, baby, mukhang lalaki kang walang tatay," doon humulagpos ang luhang kanina pa niya pinipigil.

Sabik siya kaninang puntahan si Matthew para ipaalam ang kalagayan niya pero sa mga nasaksihan niya at sa mga sagot nito, wala itong karapatan na maging ama ng anak niya. Palalagpasin sana niya ang nakita niyang tagpo kahit masakit alang-alang sa ipinagbubuntis niya at dahil talagang mahal na mahal niya si Matthew, pero sa mga sagot nito sa kanya. Parang wala talaga itong balak magkaanak. Ayaw naman niyang pakasalan siya nito dahil lang sa buntis siya or worst ay hindi siya panagutan. Mas masakit kung harapan nitong ayawan ang anak sa sinapupunan niya.

BUONG araw na nagkukulong lang si Reghie sa kanyang silid. Hinang-hina ang kanyang katawan dahil sa nagsisimula na siya sa paglilihi. Six weeks na ang kanyang tiyan, at dagdagan pa ng sakit ng kanyang dibdib dahil sa nangyayari sa kanila ni Matthew. Maya't maya rin ay umiiyak siya, kahit anong pigil niya hindi niya talaga mapigilan ang pag-iyak. Nais niyang magpakatatag dahil alam niyang makakasama ito sa dinadala niya kung patuloy siyang ma-e-stress.

Ang sakit na masyado ng ginagawa ni Matthew. Nang umalis siya sa opisina nito ay pinuntahan din siya agad nito kinabukasan at nakipag-ayos, parang gusto na niya itong patawarin at sabihin ang totoo pero hindi niya na nagawa dahil umalis din ito agad. Nagpaalam ito na pupunta ng California para sa business conference na dadaluhan at sinabing dalawang linggo lang ito. Napaka-sweet nito ng araw na iyon. Palagi naman talaga itong sweet at isa iyon sa minahal niya sa binata.

Nagdesisyon siyang antayin ang pagbalik nito at ipagtapat na lang ang kalagayan niya pero noong isang araw ay tinawagan siya nito pero hindi niya nasagot kaya nag-iwan na lang ito ng voice message at sinabing tawagan niya ito dahil may importante itong sasabihin sa kanya. Agad naman niya itong tinawagan pero laking gulat niya ng isang babae ang sumagot - It was Vivienne.

"Yes, who's this?" rinig niya sa kabilang linya.

"Si-sino 'to? Asan si Matthew?" nanginginig ang boses niyang tanong dito.

"This is Vivienne, Matthew's fiancée. He's taking a bath right now. You may leave a message. I'll tell him na lang."

"Vivianne." She heard Matthew's voice over the phone.

Agad niyang pinatay ang cellphone niya at doon siya nakaramdam ng sobrang sakit na kahit sinong babae siguro ay hindi nanaising maramdaman iyon. Ibig sabihin ay kasama nito si Vivienne sa California. Napakasakit, pakiramdam niya hindi niya kakayanin ang mga nangyayari.

Bigla ang pagbukas ng pinto at lagatak ng sapatos ang sunod niyang narinig na pumasok sa kanyang silid.

"Jesus Regina! What the hell are you doing? Ilang araw na kitang tinatawagan hindi kita makontak!" Boses iyon ni Preyh at tuloy-tuloy itong nagtungo sa bintana ng kanyang silid. Hinawi nito ang makapal na kurtinang nagsisilbing pananggalang sa sikat ng araw.

Napapikit siya sa biglang pagpasok ng liwanag na nagmumula sa sikat ng araw.

"Regina, ano bang nangyayari sa 'yo?" nilapitan siya ni Preyh at pilit na pinatayo. Pinilit na lang niyang ibangaon ang sarili kahit ayaw niyang bumangon, umupo siya at sumandal sa rest board. Umupo si Preyh sa gilid ng kama sa harap niya.

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Magpapasukat ka ng damit, pero hindi kita makontak."

"I'm sorry, Preyh, pero hindi na ako makakadalo sa kasal mo?" walang gana niyang sagot.

"But why?"

"I'm leaving..." muli ay hindi na naman niya napigil ang mga luhang kumawala sa mga mata niya. Alalang-alala naman si Preyh na hinawakan ang kamay niya.

"What's wrong?"

"I'm pregnant..." sagot niya sa pagitang ng pag-iyak niya na ikinabigla naman ni Preyh.

"Bakit ka umiiyak? Diba dapat masaya ka? " Alam na ba 'to ni Matthew?" mabilis siyang umiling. Sinalaysay niya sa kaibigan ang mga kalokohan ni Matthew, pati na rin ang sinabi ni Matthew tungkol sa hindi pa nito gustong magkaanak.

"Oh my God!" Niyakap siya ni Preyh at doon siya umiyak nang umiyak.

Ngayon na siyang magpakalayo na lang kaysa ang patuloy na masaktan at magpaka-martir. Ayaw niya ng umasa pa sa relasyong wala namang kasiguradahun.

__

A/N this week sunod ko ang chapter 1. Tapusin ko lang.. Sana support niyo din 'to. Salamat guys!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top