chapter 9

Enrique pala ang pangalan ng daddy ni Reghie at hindi Ramon.  Saan  ko  ba  napulot  ang  ramon?

Dahil nakisama ang net ngayon, makakapag-update ako.. Happy New  Year everyone!!!!!


____ 


GULONG-GULO si Reghie at hindi alam ang gagawin. Ayaw na niyang magkaroon pa sila ng ugnayan ni Matthew pero ang plano niyang itago ang katotohanan ay hindi nangyari. Si Amira ang may gawa n'on panigurado. Walang ibang nakakaalam ng kototohanan bukod sa kanilang magkakaibigan kundi ang kapatid niya. Hindi pa niya ito nakakausap. Talagang iniiwasan niya itong 'wag munang makasalalubong dahil baka kung ano ang magawa niya. Pati ang trabaho niya ay hindi niya magawang maayos dahil sa kakaisip. Walang idea'ng pumapasok sa utak niya para sa susunod na campaign na gagawin. Ito sila ngayon sa meeting room kasama ang buong creative team pero wala siyang maiambag na kahit isang idea man lang.

Napapikit siya sa pagkagulat nang bigla na lang may bumagsak sa harapan niya. Isang white folder.

"Your team was so stupid!" Muli siyang napapikit nang marinig ang galit na boses ni Amira. Tiningala niya ito. Agad na umalsa ang inis na nararamdaman niya para dito.

"Your idea was rejected. Ito na lang gagawin mo hindi mo pa magawa nang maayos! Naka-close ka lang kasi ng isang account akala mo ang galling-galing mo na. Eh kaya lang naman pala in-approve ang idea mo dahil ex mo si Mr. Del Prado. Ang stupida mo!" Muling sigaw ng kapatid niya.

Marahan niyang namasahe ang sintido niya na tila ba puputok ang ulo niya dahil sa tindi ng galit na nararamdaman niya ngayon para sa kapatid. Ang mga tao naman sa loob ay walang imik na nakamasid lang sa kanilang dalawa. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at hinarap ang kapatid.

"You approved it. Kung sa tingin mong hindi maayos ang gawa namin bakit mo inaprobahan? I was confidently that our works are great. Baka naman kasi hindi maayos ang presentation mo kaya na-reject. Baka sa 'yo ang mali at hindi sa amin." She was assigned to do the presentation but Amira took her place.  Hindi  na  siya  umalma  pa  para  walang  gulo.  Ang  junior  copy  writer  lang  niya  ang  nag-inform  sa  kanya  na  si  Amira  na  ang  mag-pe-present.

"Ang taas nang tingin mo sa sarili mo! Isa ka lang namang creative director."

"Without creative department, there's no agency. Baka nakakalimutan mo na sa amin nagmumula ang lahat para makakuha ng kliyente ang kompanyang 'to. God Amira! Bakit ba galit na galit ka sa 'kin? Wala ka talagang respeto! I'm still your sister."

"Why would I respect you? Eh hindi ka naman karespe-respeto. Isang dalagang ina na iniwan ng nakabuntis. Such a disgraceful bitch!" Isang malakas na sampal ang ibinigay niya dito na ikinatigalgal nito. Sapo ni Amira ang pisnging nasaktan.

"Ikaw ang nagsabi kay Matthew diba? Dahil sa ginawa mo siguradong mas lalo niya akong hindi titigilan. 'Wag na 'wag kang magkakamaling sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Russo dahil sisiguraduhin ko sa 'yong hindi lang 'yan ang gagawin ko sa 'yo?! Don't push me to the wall!" halos umalingawngaw ang boses niya sa buong silid. Ang mga naroroon ay gulat na gulat naman na halos nagkumpulan na sa gilid ng silid na 'yon.

"Anong nangyayari dito?!" Nanlamig si Reghie nang marinig ang boses ng sariling ina. Bigla naman umiyak si Amira at agad lumapit sa kanilang ina.

"Mom, si Regina sinaktan ako!" Humagugol nitong sumbong. Reghie startled when her mother shoots her a dagger look.

"Sinaktan mo si Amira?!" Mahina ang boses nito pero dama niya galit doon.

"Mom, kasi—" her words cut off when her mother's hand landed on her right cheek. Halos umikot ang ulo niya sa lakas ng sampal na natanggap niya mula sa sariling ina. Nagsilabasan naman ang lahat ng staffs na naroroon.

"Wala kang kahit na katiting na karapat para saktan ang anak ko!" Her mother shouted at her. Hindi na niya napigilan ang paglandas ng mga luha niya. Hindi dahil sa sampal kundi sa katotohanan na kahit kailan parang hindi siya nito anak kung ituring. Hindi pa man naririnig ang panig niya pero siya na agad ang mali at masama.

"Mom, kasalanan niya. Inubos na niya ang pasensiya ko!" She reasons out.

"At sumasagot ka pa! Huh!" Isang malakas na sampal ulit ang natanggap niya mula sa ina. Pulit-ulit at tanging pagsangga na lang gamit ang braso niya ang nagawa niya.

"Almira!" Boses ng daddy niya ang narinig niya at kasabay n'on ay ang pagyakap sa kanya ng sariling ama.

"Bakit mo sinasaktan si Regina?!" untag ng kanyang ama at mahihimigan ang galit sa boses nito.

"Dahil sinaktan niya si Amira!" Pasigaw nitong tugon.

"Have you asked them kung anong nangyari? I know Regina. Hindi siya bastang mananakit kung hindi matindi ang dahilan."

"You're unbelievable, dad! Are you telling me that I was always the reason of our clash?" Umiling ang kanyang ama.

"Amira no. I was just saying—" hindi na natapos ni Enrique ang sasabihin nang lumabas na si Amira ng silid.

"Nakita mo na ang ginawa mo! You're hurting your own daughter dahil sa pagkampi sa bastardang 'yan!" Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa ina. Bumitaw siya mula sa pagkakayakap sa kanyang ama at hinarap ang sariling ina.

"Bakit po ba galit na galit kayo sa 'kin? Anak niyo rin naman ako diba? Bastarda man ako o hindi anak niyo pa rin ako. Bakit hindi niyo ako magawang mahalin!?" Punong-puno nang hinanakit ang puso niya.

"Dahil sa tuwing nakikita kita naalala ko siya sa 'yo!" Almira said through her clenching teeth.

"Who? My father? Hindi ko naman ginustong ipanganak mo ako! Hindi ko ginustong mabuntis ka at iwan ng sarili kong ama! Hindi ko naman kasalanan 'yon. Pero bakit ganito ang trato mo sa 'kin?! Parang ako ang may ginawang kasalanan sa 'yo. I've been a good and obedient daughter. I did everything just to please you, pero bakit kahit kaunti hindi ko man lang naramdaman na minahal mo ako."

"Binuhay kita. Inalagaan at binigay ang lahat ng pangangailangan mo. Paano mo na sabing hindi kita minahal?"

"No mom. It isn't love. It's an obligation. An obligation you did for youself. For you to be a good mother in your friends eyes. Hindi ka nga naging proud sa 'kin ever since eh. Kapag si Amira ang pinupuri ng lahat na maganda tuwang-tuwa ka. Pero bakit kapag sinasabi ng mga kaibigan mong mas maganda ang panganay mo. You got mad and insisted that Amira is prettier than me. 'Tapos kinukulong mo na ako sa kuwarto kapag may mga bisita ka!" Parang gripo ang mata niya dahil sa hindi maapat ang pag-agos ng luha niya. Masyadong masakit ang katotohanan na 'yon kahit matagal na niya 'yong tanggap.

"Did you do that to your daughter, Almira?!" kastigo ni Enrique sa esposa.

"She's lying!" Pinukol siya ng matalim na titig ng ina.

"Ngayon sisiraan mo ako sa asawa ko!" Sumbat ni Almira sa kanya. Pinili na lang niyang manahimik at naupo na lang.

"Hindi paninira 'yon, Almira. Even me, I've noticed your different treat to your daughters. You're treating them unfairly. Mas pinapaburan mo si Amira over Regina."

Hindi na niya narinig pang sumagot ang kanyang ina. Narinig na lang niyang bumukas at ang pabalyang pagsara ng pinto. Naramdaman niya ang paghawak ng kanyang ama sa kanyang balikat. Tiningala niya ito. Humila ito ng silya at umupo. Hinawakan siya magkabilang balikat at marahang pinaharap. Marahang pinahid ng daddy niya ang mga luha sa pisngi niya.

"Gan'on po ba talaga ako kahirap mahalin, dad?"

"Sshh! Don't say that. Isa ka sa kilala kong taong napakadaling mahalin. You remind me of someone. Mabait at masunurin kaya mahal ng lahat." Kung sino man 'yon ay magkaiba sila dahil hindi siya mahal ng lahat.

"Ikaw lang 'ata, dad ang nagmamahal sa 'kin eh." Marahan siyang niyakap ng daddy niya at hinaplos ang likod niya. Sa halip na tumahan ay lalo lang siyang naiyak.

"Bakit po ba gan'on si mommy? Ako po ba talaga ang sumira sa buhay niya? Sa mga pangarap niya?"

Wala siyang maalala na natuwa man lang sa kanya ang mommy niya. Natatandaan pa niya noon, noong nasa sekondarya sila ni Amira. Grade 10 siya at si Amira naman ay grade 8. Excited siyang umuwi para ipakita ang grade niya sa mga magulang niya. Mas mataas ang grade niya noon kaysa kay Amira pero si Amira ang mas pinuri ng mommy niya at ito pa ang binigyan ng trip to Europe at siya ang naiwan. Noong bata pa sila. Masayang-masaya siya sa tuwing sasapit ang kaarawan niya dahil binibigyan siya ng mommy niya ng damit na isusuot niya para sa birthday party niya. Isang simpleng bestida at simpleng party lang lagi ang mayroon siya kumpara kay Amira na napakaengrande lagi. Kung siya may magandang bestida, si Amira naman ay may napakagandang gown at may karosa pa. Pero kahit gan'on ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob. Kahit ang totoo ay ang daddy lang naman niya ang nagiging dahilan kaya siya nagkakaroon na birthday party.



PINAUWI muna siya ng daddy niya pagkatapos ng mga pangyayari sa kompanya nila. It was long and tiring day for her. Nang maigarahe niya ang sasakyan sa espasyo sa garahe ng kanyang bahay ay umibis siya at walang ganang isinara ang pinto ng sasakyan niya.

"Redge." Natigilan siya nang marinig ang isang pamilyar na boses. Napapikit siya ng madiin bago nilingon si Matthew.

"Sige na po manang. Ako na po ang bahala dito." Utos niya sa katulong na nakahawak sa nakabukas na gate. Isinara ng katulong ang gate bago ito pumasok ng kabahayan. Pinagmasdan niya si Matthew. Isang maong na pantalon at t-shirt na kulay asul ang suot nito. Mukha itong walang tulog pero hindi nakabawas sa kaguwapuhan nito.

"Anong ginagawa mo dito?" lumapit sa kanya si Matthew at sa halip na sagutin siya nito ay sinapo nito ang magkabila niyang pisngi.

"Did you cry? Bakit? Huh? Tungkol na naman ba 'to sa pamilya mo?" tinabig niya ang kamay nito.

"I said what are you doing here?" yamot niyang untag sa dating kasintahan.

"Redge, let's talk. Pag-usapan natin ang tungkol kay Mateo."

"Matthew, please. Not now!" Napayuko ang binata. Napabuntong-hininga naman siya dahil sa mukhang nakakaawang itsura nito. Isang tili mula kay Mateo ang nakapagpalingon sa kanila.

"Tito Prince Matthew, you're here again!" Tili ni Mateo habang patakbong lumapit sa kanila. Agad na umupo si Matthew na bakas ang kaligayahan at ibinuka nito ang mga bisig para salubungin ng yakap ang anak. Mahigpit namang yumakap si Mateo sa binata hustong makalapit ito.

Napahawak sa sariling dibdib si Reghie nang makita niya ang pagtulo ng luha mula sa mata ni Matthew habang paulit-ulit nitong hinahalikan sa ulo si Mateo. Hindi na rin niya napigilan ang pag-alpas ng luha sa kanyang mata na agad naman niyang tinuyo gamit ang palad. Umiwas siya ng tingin sa mag-ama. Bakit ba parang nakakaramdam siya ng awa para kay Matthew? Dapat galit lang ang maramdaman niya para dito.

"Why are you crying?" muli niyang ibinaling ang tingin sa dalawa nang magsalita si Mateo. Kasalukuyang pinapahid ni Mateo ang luha sa pisngi ni Matthew.

"Nothing. Masaya lang ako kasi nakilala kita," sagot ni Matthew.

"Akala ko po miss mo ang princess mo like mommy."

"What do you mean?"

"Mommy were crying sometimes because she misses Prince Matthew." Tiningala siya ni Matthew. May pagkakaton talagang umiiyak siya sa tuwing maalala niya si Matthew at sa tuwing nakakaramdam siya ng pangungulila para dito. Nakikita siya ng anak niya na umiiyak at sasabihin niyang na-mi-miss si Prince Matthew na ngayon ay pinagsisihan na niyang iyon pa ang sinabi niya. Muling tumingin si Matthew kay Mateo at hinawakan ito sa ulo.

"I'm sure, Prince Matthew did feel the same way. Siguradong nami-miss din niya ang mommy mo," anito sa kanyang anak.

"Mateo, anak go back inside na. Baka hinahanap ka na ni Papsy. Aalis na si Tito Matthew."

"No. Please don't go. I wanna play with you."

"Mateo no. Hindi puwede—"

"You wanna play basketball?" hindi na niya natuloy pa ang mga sasabihin ng biglang buhatin ni Matthew ang bata.

"Redge please! Nakikiusap ako. Hayaan mong makasama ko siya." Magsasalita pa sana siya para umayaw sa nais nito pero hindi na niya naituloy sa biglang pagsulpot ni Russo.

"Sige na, Matthew. Sa garden na lang kayo ni Mateo." Pinangunutan niya ng noo si Russo.

"Salamat." Mabilis na tumalilis si Matthew kasama si Mateo.

"Ano 'yon?!" untag niya kay Russo.

"May karapatan siya sa anak niya. Reghie, hindi mo maipagkakait si Mateo habang buhay. Darating ang araw na hahanapin na niya ang tunay niyang ama. He asked me last night if where is his daddy."

"What?! Kalokohan!"

"He did. Dapat daw may daddy siya, like Sebastian and Gela."

"Then dapat sinabi mong ikaw ang daddy niya. Ang simple lang n'on Russo hindi mo pa nagawa!" Singhal niya sa kaibigan at tinalikuran niya na ito.

Tuloy-tuloy siyang pumasok ng kabahayan. Tinungo niya ang lanai sa may hardin. Pinagmasdan niya ang mag-ama na masayang naglalaro ng basketball sa maliit na basketball ring. Umupo siya sa malaking bilog na couch na naroon. Ipinatong niya ang mga siko sa kanyang tuhod at sinalo ang noo gamit ang mga palad. Ano ba ang dapat niyang gawin? Parang nagkakapatong-patong na ang mga problema niya? Sa tingin niya mas lalong lalala ang hidwaan sa pagitan niya at pamilya niya. Sana kasi hindi na lang siya sumagot pa sa mommy niya. Sana hindi na lang niya pinatulan si Amira. At ngayon idagdag pa si Matthew na pilit pumapasok sa buhay nilang mag-ina.

Napaangat siya ng ulo nang maramdaman ang pag-upo ng kung sino sa tabi niya. It was Matthew.

"Redge," Matthew gently took her hands, enclosing them with his.

"Redge, please. I'm begging you! Hayaan mo naman akong makilala ng sarili kong anak. 'Yon lang ang gusto ko," pakiusap nito.

"Hindi ko na gustong bumalik ka pa sa buhay ko, Matthew. Ayoko nang magkaroon pa ng kahit na anong kaugnayan sa 'yo." Dinala ni Matthew ang mga kamay niya labi nito.

"I'm begging you! Hindi naman ako manggugulo. Hindi kita guguluhuhin. Si Mateo lang naman. Ang anak ko lang, Redge. Gusto ko lang na makilala niya ako." Pagsusumamo nito. Kita niya ang labis na kalungkutan sa mukha nito at ayaw man niyang maramdaman ay naaawa siya dito.

Mateo came up to them at pilit nitong inaya si Matthew. Gusto nitong maglaro uli sila. Tumayo si Matthew at muling binuhat si Mateo. Sinundan niya ng tingin ang dalawang papalayo.

"Maawa ka naman sa kanya, Reghie. Mukhang mahal niya talaga si Mateo kahit nito pa lang sila nagkakakilala." Boses 'yon ni Russo. Tumabi ito sa kanya.

"Ayaw ko na siyang bumalik pa sa buhay ko Russo," aniya habang ang mata ay nakatingin sa mag-ama.

"Why? Did he tell you that he'd go back to your life?" tumingin siya kay Russo.

"Hindi. Only for Mateo." Bigla na lang tinulak ni Russo ang noo niya gamit ang daliri nito.

"Asyumera ka! Kay Mateo naman pala hindi sa 'yo. GGSS ka!" Inikutan niya ng mata ang kaibigan.

"Gan'on din 'yon. Kapag pumayag ako sa gusto niya magugulo na ang buhay ko n'on."

"Kasi mahal mo pa rin. Natatakot ka na baka bumigay na naman 'yang puso mo at ang kepay mong tigang." Napaawang ang bibig niya sa tinuran ni Russo at malakas niya itong pinalo sa braso.

"Ang bastos mo talaga! Barubal ka! Kung tigang ako ginahasa na sana kita." Pinaningkitan niya ito ng mata at biglang napangiti.

"Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon?" Bigla na lang niya itong dinamba at tinakpan ang bibig nang mapahiga ito sa bilog na couch habang siya ay nasa ibabaw nito. Sigurado kasi siyang titili ito.

"Ang yummy mo talaga. Alam mo bang pinagnanasahan din kita tuwing gabi ah." Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg nito. Tili nang tili si Russo kaya mas nilagyan niya nang lakas ang nakatakip niyang palad sa bibig nito. Marahan niyang sinisip ang balat nito sa leeg at pigil na pigil siyang 'wag matawa. Napatili siya nang bigla na lang silang nagkapalit ng puwesto nito. Siya na ngayon ang nasa ilalim nito.

"Ang halay mo! Baka nakakalimutan mong nandito ang ex mo. Baka isipin niya talagang taken na ako." Natigilan siya sa sinabi ni Russo. Nakalimutan niyang nandito nga pala si Matthew at paniguradong nakikita nito ngayon ang itsura nila ni Russo. And she has strong urge to see his reaction.

"Get off," utos niya kay Russo.

Umalis naman ito mula sa pagkakadagan sa kanya nang biglang tumunog ang telepono nito. Umupo siya at inayos ang sarili bago tumingin sa deriksiyon kung nasaan si Matthew at huling-huli niyang nakatingin ito sa kanya. Agad siyang umiwas ng tingin dito at biglang napangiti sa nakitang reakisyon nito. Kilala niya ang dating kasintahan kapag nagseselos. Matalim kung tumitig at sa nakikita niyang paraan nito ng pagtitig at sa dilim ng mukha nito ay panigurado siyang nagseselos ito. Did he? Or does she only assume things?

"Get lost!" Sigaw ni Russo sa kausap sa kabilang linya.

"Problema mo?" untag niya dito.

"Hindi ka maniniwala dito."

"Then 'wag mong sabihin sa 'kin. Hindi naman pala ako maniniwala eh," she said and Russo just tsked at padabog na umupo sa tabi niya.

"Si Stephanie ang kausap ko at alam mo bang nandito na siya sa Pilipinas. Ayaw talaga niya akong tigilan. Nakuha pa talaga niya ang bagong number ko."

"Good luck!" Naiiling niyang ani.

"Goodluck sa kanya dahil sa oras na magpakita siya sa 'kin kakalbuhin ko talaga siya." Natawa na lang siya sa sinabi ng kaibigan. Muli ay napatingin siya sa kinaroroonan ng mag-ama. Matthew was still staring at them — or should say, glaring at them.

5>npH




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top